CHINA NAG-SORRY SA RECTO BANK INCIDENT, PINOY FISHERMEN

sorry66
0

(NI CHRISTIAN DALE)

KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang paghingi ng paumanhin ng China sa mga Filipino na mangingisda na nasangkot sa Recto Bank incident.

Ito’y  makaraan ang halos tatlong buwan nang mangyari ang ‘hit and run’ sa Recto Bank o ang pagbangga at pag-abandona ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa bahagi ng Recto/Reed Bank.

Nauna rito, sa ipinalabas Memorandum ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang Twitter account, makikita  ang bahagi ng apology letter ng China para sa Pinoy fishermen.

Ipinahayag ng China sa naturang sulat ang kanilang pakikisimpatya, gayundin ng may-ari ng Chinese fishing boat, sa mga Pilipino na mangingisda na nasangkot sa insidente.

Sa kabila ng  hindi umano nila sinasadya, ang pangyayari ay dapat akuin ng bangkang pangisda ng China.

Samantala, hiniling naman sa Pilipinas na maghain ng apela para sa civil compensation base na rin sa halagang nawala sa mga mangingisda dahil sa nangyaring insidente.

Matatandaang sinabi ni Defense Secretary Defense Delfin Lorenza na dapat  humingi ng paumanhin at magbayad ang kapitan ng Chinese fishing boat sa Pilipinas at magbayad sa mga Filipino na mangingisda kaugnay ng insidente sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Lorenzana, dapat ay tinulungan ng Chinese crew ang mga Filipino na mangingisda at hindi ito iniwan na lumulutang sa open sea.

“I think that would be appropriate demand to the ship captain to apologize and make restitution for the damage,” ani Lorenzana

Kaugnay nito, sinabi ni Lorenzana na ang pagbangga ng Chinese boat sa bangka ng mga mangingisda ng mga Pinoy ay isa lang aksidente base sa mga nakalap o ibinigay na mga impormasyon ng ilang crew. “I think it is just an accident, based on some of the information that we got from some of the crew. This is just an accident. Siguro hindi rin sinasadya ng kabila na masagi nila and yun lang, hindi tinulungan dahil maraming bangka syang nakita dun,” sabi ni Lorenzana

Aniya, lalabas naman ang tototo kung sinadya o hindi ang pagbanga sa patuloy na isinagawang imbestigasyon.

 

Read More

‘SORRY NOT SORRY’

panelo32
0

(NI CHRISTIAN  DALE)

HINDI  tatanggapin ng Pilipinas kung mag-aapologize lang ang China sakali’t mapatunayan na sinadya ang Recto Bank incident dahilan upang lumubog sa dagat ang sasakyang pandagat sakay ang  22 Pinoy na mangingisda.

“Hindi naman  basta iyong mag-aapologize lang kayo sa amin,” ayon kay Panelo.

Sinabi ni Panelo na bagama’t napakadali ng isyu dahil aalamin lang naman kung aksidente ba o sinadya ang insidente sa Recto Bank, aalamin din kung sino ang dapat na managot kung hindi aksidente at ang pangatlo aniya ay ang kasagutan kung bakit iniwan ang nakabanggaan.

“Ano ngayon ang gagawin ninyo sa iniwan ninyo? Hindi naman pupuwede iyong basta maga-apologize lang kayo sa amin,” diing pahayag ni Panelo.

Hindi aniya dapat na humingi lang ng paumanhin o sorry ang China sakali’t nalaman na may pananagutan ito sa Recto Bank incident.

‘Hindi, hindi pupuwede iyon siyempre,” ayon kay Panelo.

Pinanghawakan naman ng opisyal ang inihayag ng Chinese government na pananagutin nito ang dapat na managot sa insidente.

 

 

 

 

Read More

BANGKANG IBIBIGAY SA 22 MANGINGISDA MAGAGAMIT NA

0

(NI DAHLIA S. ANIN)

NILINAW ni Agriculture Secretary Manny Piñol na maaari nang gamitin ng 22 mangingisda ng FB Gem-Ver 1 ang ibinigay na bangka ng gobyerno.

Ito ang pahayag ni Piñol matapos kumalat ang balita na ang makina ay hindi akma sa bangkang ibinigay sa mga ito.

Sinabi niyang, may ‘minimal repair’ na ginawa sa mga makina nito kaya’t hindi na ito kilangang palitan.

Sa kanya naman Facebook post, sinabi ng kalihim na hindi nil pinalitan ang makina ng mga bangka.

“Yung sabi nilng hindi akm actually was just a simple question of the bolts in the steel mounting for the engine that did not fit the holes in the engine frame so it could be installed,” ani Piñol.

Inadjust lang daw ang bolts sa mounting frame at naresolba na ang problema dito.

Ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang nanguna sa test run ng 30 footer fiber glass-reinforced plastic boats noong Hunyo 22.

Maaari na ring  gamitin ang mga bangka sa dagat na sakop ng kanilang municipal waters na mayaman sa mga isdang tulad ng tulingan, galunggong, tambakol, gulyasan, dalagang bukid, talakitok, sapsap at tamban, ayon sa press release ng ahensya.

Maliban sa mga bangka, ang mga mangingisda ay nakatanggap din ng cash na nagkakahalaga ng P45,000 bawat isa, bigas, scholarship para sa kanilang mga anak at livelihood opportunities.

 

Read More

RESULTA NG RECTO BANK INCIDENT PROBE NASA PALASYO NA

rectorbank123
0

NATANGGAP na ng Malacañang ang resulta ng imbestigasyon ng Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard sa naganap na banggaan sa pagitan ng barko ng China at fishing boat ng mga Filipino sa Recto Bank, noong Hunyo 9.

Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Bangkok, Thailand, na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado.

Gayunman, tumanggi naman si Panelo na pangunahan ang Pangulo sa resulta at maging siya umano ay hindi pa nababasa ang kabuuang report.

Ang resulta sa imbestigasyon ay inabot ng dalawang linggo matapos nang umano’y banggain ng barko ng China ang nakaangklang fishing boat ng 22 mangingisda mula sa Mindoro.

Napinsala ang fishing boat at lumubog pa ang bangka habang iniwan ng mga Chinese officers ang mga mangingisdang Pinoy sa gitna ng karagatan.

Nauna rito ay nagpahayag ang Pangulo ng pagsang-ayon sa joint investigation sa insidente.

Sinabi ni Panelo na hinihintay lamang nila ang ‘dynamics’ ng joint investigation ngunit posible rin umanong magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang dalawang bansa.

Read More

DND UMAMIN: ASSET NG MILITAR KAPOS SA RECTO BANK

lorenzana12
0

(NI JG TUMBADO)

KULANG ang ‘military asset’ ng Pilipinas para mapunan ang pagbabantay sa karagatang sakop ng bansa, partikular ang Recto Bank.

Ito ang pag-amin ng Department of National Defense (DND) kaugnay ng naganap na banggaan ng Chinese Militia vessel sa mga Pilipinong mangingisda na sakay ng F/B GemVir Uno nitong Hunyo 9.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi sapat ang gamit at barko ng bansa  para makapagpatrulya sa ‘fishing domain’ o karagatan na pwedeng pangisdaan.

Kasunod nito, sinabi ni Lorenzana na walang “sovereign rights” ang Pilipinas sa Recto Bank.

Paliwanag nya, sakop ng 200 Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Recto Bank ngunit walang Exclusive Economic Rights dito at kahit sino ay maaaring tumawid dahil sa tinatawag na freedom of navigation.

Nabatid na ang Recto Bank ay 85 nautical miles lang ang layo sa Palawan.

Samantala, itinuro naman ni Lorenzana ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na may malaking responsibilidad sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mangingisda.

Kanya ring sinabi na napapanahon na para sa modernization ng Philippine fishing boats.

Read More

‘CHINA PANALO NA SA RECTO BANK SAGA’

recto bank12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

PANALO na ang China sa usapin ng pagbangga ng kanilang barko sa fishing boat ng mga Filipino sa Recto Bank.

Ito ang pananaw ni House committee on national defense Sr. vice chair Ruffy Biazon dahil imbes na ang China ang managot sa responsibilidad sa mga Filipino na binangga ng kanilang fishing vessel at iniwan sa gitna ng laot, ay ang gobyerno ng Pilipinas ang umaako.

“If the ending to this saga is for the fishermen to simply get some hand outs from the Philippine government, then it would be China’s victory. Without even going to war. Just like what Sun Tzu said,” ani Biazon.

Ang gobyerno ng Pilipinas, sa pangunguna ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manuel Pinol, ay abala sa pagtulong sa 22 Filipino na mangingisda sa Occidental Mindoro sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kabuhayan tulad ng bangka.

Nangangamba naman si Kabataan party-list Rep. Sarah Elago na mas malala pa ang mangyayari sa mga Filipino na mangingisdsa sa West Philippine Sea dahil hindi kayang ipagtanggol ng kanilang gobyerno ang mga ito.

“Ngayon binabangga at iniiwan, baka sa kasunod niyan mas matindi na ang gagawin sa kanila (mangingisdang Pinoy) ng mga Chinese na nag-eencroach sa ating teritoryo,” ani Elago.

Sinabi naman ni Occidental Rep. Josephine Ramirez-Sato na dapat tiyakin ng gobyerno na huwag nang maulit ang karanasan ng kanyang mga kababayan sa Recto Bank.

Ayon  sa mambabatas, dapat bantayan ang mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippines kasama na ang Recto Bank at ireserba ito sa mga Filipino na mangingisda.

“We will never allow this to happen again. Kaya ngayon dahil Exclusive Economic Zone po natin iyan, dapat iyan ay reserved para sa ating mga mangingisda at sa ating mga kababayan dito sa bansang Pilipinas,” ani Sato.

Read More

RECTO BANK COLLISION POSIBLENG MAUNGKAT SA ASEAN SUMMIT

vessel12
0

(NI BETH JULIAN)

ASAHAN na ang posibilidad na maungkat at matalakay sa ASEAN Defense Ministry sa Bangkok, Thailand ang insidente ng Recto Bank collision.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dadalo siya sa forum ng ASEAN  summit  sa Hunyo 22-23 at  babanggitin niya ito sa kanyang mga counterpart sa mga bansa sa West Philippine Sea (WPS) partikular ang Vietnam

Matatandaan na isang Vietnamese boat ang sumaklolo sa mga mangingisdang Filipinong inabandona sa laot matapos mabangga ng Chinese vessel ang kanilang bangkang pangisda.

Samantala, idinepensa naman ni Lorenzana si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa mga puna na malabnaw ang pahayag nito kaugnay sa pagbangga ng Chinese vessel sa pangisdang bangka ng mga Pinoy.

Pagdidiin ni Lorenzana, ang Pangulo ay pro-Pinoy kaya hindi dapat na pagdudahan.

Ayon kay Lorenzana, napansin ng publiko ang naramdamang galit ng Pangulo sa isyu ng basura ng Canada gayung malambot ang reaksyon nito sa isyu ng Recto Bank collision.

Dito ipinaliwanag ni Lorenzana na magkaiba ang sitwasyon ng usapin ng basura mula Canada sa insidente ng banggaan sa Recto Bank.

Depensa ni Lorenzana, hindi patas na pagdudahang pinapanigan ng Pangulo ang China dahil kumikilos naman ito para alamin ang katotohanan sa pangyayari bago ito umaksyon.

 

Read More

BASURA NG CANADA, RECTO BANK ISSUE , MAGKAIBA — PANELO

panelo 200
0

(NI BETH JULIAN)

HINDI dapat ikumpara ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa isyu ng basura ng Canada at insidente ng banggaan ng Chinese vessel at bangka ng Pinoy fishermen sa Recto Bank.

Ito ang reaksyon ng Malacanang sa harap ng mga banat ng mga kritiko ni Pangulong Duterte laban sa umano’y pagtiklop nito sa China habang hinamon naman nito ng giyera ang Canada.

Paliwanag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, bilang isang abogado ay ibinabase lamang ng Pangulo ang kanyang mga aksyon sa totoong nangyari o factual basis.

Ayon kay Panelo, sinabi nito na sa kaso ng Canada, na-establish nang malinaw na may nailabag itong batas ng bansa nang ipadala sa Plipinas  at itambak ng anim na taon ang kanilang mga basura, pero sa kaso naman ng banggaan sa karagatan ng isang Chinese vessel at bangka ng mga mangingisdang Pinoy ay hindi pa malinaw ang buong pangyayari at kasalukuyan pa rin itong iniimbestigahan.

Iginiit ni Panelo na nag-iingat lamang si Pangulong Duterte sa pagtugon dahil pinangangalagaan din nito ang diplomatikong relasyon at ang kapakanan ng daan daang mga OFWs na nasa China.

Read More

BUONG REPORT HINIHINTAY NI DU30 SA RECTO BANK COLLISION

duterte33
0

(NI BETH JULIAN)

DUMEPENSA ang Malacanang sa patuloy na pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng banggaan ng isang Chinese fishing vessel at sasakyang-pandagat ng mga Filipino na manginigisda sa Recto Bank.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nais muna ni Duterte na makuha ang buong report o ang totoong nangyari sa gitna ng kanya-kanyang bersyon ngayon nang marami.

Ayon kay Panelo, maituturing itong premature o masyado pang maaga kung magbibitiw na ng komento o anumang pahayag ang Pangulo nang hindi pa nito nakikita o hawak ang resulta ng fact-finding investigation ng mga awtoridad.

Bilang isang abogado, sinabi ni Panelo na sinanay at tinuruan sila ng factual basis bago maglabas ng komento sa isang bagay.

“We are thoroughly and seriously investigating the incident, so we’ll have to wait,” pahayag ni Panelo.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Panelo na tumatayong observers ang lahat at hindi maaaring pabigla-bigla sa anumang bibitiwang pahayag hinggil sa usapin.

 

Read More