RED TIDE ITINAAS SA 9 NA LUGAR

red12

(NI ABBY MENDOZA)

IPINAGBABAWAL ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng lamang dagat sa 9 na lugar sa bansa matapos kakitaan ito ng mataas na red tide toxin.

Nakataas ang red tide alert sa  Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan; Maqueda, Irong-irong, Silanga, at Cambatutay Bays sa Western Samar; San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur; Coastal waters of Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental.

Sa ipinalabas na advisory ng BFAR sinabi nito na mataas ang paralytic shellfish poison sa  sample na nakuha sa nasabing mga lugar kaya mahigpit na ipinagbabawal ang paghuhuli at pagkain ng lahat ng uri ng shellfsh at alamang.

Inatasan ng BFAR ang mga LGUs na bantayan ang paghuli at pagbebenta ng mga lamang dagat sa nasabing mga lugar upang maiwasan na mabiktima ng red tide poisoning ang mga residente.

Maaari naman na  kainin ang iba pang lamang dagat gaya ng isda, pusit, hipon at crab subalit kailangan lamang na linisin ng mabuti ang mga ito, tanggalin ang laman loob at lutuin ng mabuti.

 

Please follow and like us:
Read More

SHELLFISH BAWAL MUNA KAININ SA 4 NA LALAWIGAN

red

(NI ANNIE PINEDA)

NAGBABALA sa publiko ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mahigpit na ipinagbabawal munang kainin ang kahit na anong uri ng pagkain sa shellfish sa apat na mga lugar sa probinsya , iniulat nitong Linggo.

Ayon sa BFAR, nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang San Pedro Bay sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur, at coastal waters ng Dauis at Tagbiliran City, Bohol pati na ang Balite Bay, Mati City, Davao Oriental.

Sinabi pa ng ahensya, lumagpas sa regulatory limit ang paralytic shellfish poison ng mga lamang dagat sa nabanggit na mga lugar.

Maari naman kainin ang iba pang laman dagat gaya ng isda, pusit, hipon, pero kailangan linisin maigi at lutuan ng maayos para maiwasan ang pagkalason.

 

Please follow and like us:
Read More

RED TIDE PA RIN SA PANGASINAN

red12

(NI FRANCIS SORIANO)

PATULOY pa rin ang ginagawang pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga coastal areas sa ilang bayan ng Western Pangasinan makaraan magpositibo ito sa red tide toxins.

Ayon sa BFAR,  bawal munang hulihin, ibenta at kainin ang mga shellfish sa mga baybayin o coastal waters sa mga bayan ng Anda at Bolinao, lalawigan ng Pangasinan.

Dagdag pa nito na lubhang peligroso sa kalusugan ng publiko ang pagkain ng mga shell fish.

Pero, nilinaw ng ahensiya na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit at alimango na mahuhuli mula sa Anda at Bolinao, subalit kinakailangang matiyak na sariwa ito at hinugasang maigi.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang sinasagawang pag-aaral ng ahensiya para malaman ang sanhi ng red tide.

Please follow and like us:
Read More

8 BAYAN SA BATAAN MAY RED TIDE PA RIN

red

BALANGA CITY – Nananatiling positibo sa red tide toxin ang karagatang sakop ng walong bayan sa Bataan kabilang ang coastal waters ng Pampanga at iba pang lugar sa bansa.

Ito ang nakasaad sa Shellfish Bulletin No. 31 series of 2018 na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Disyembre 28, 2018.

Base sa ulat, ang mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga City, Abucay at Samal ay positibo pa rin sa paralytic shellfish poison.

Dahil dito ang pagkain sa lahat ng uri ng shellfish kagaya ng tahong, talaba, pati na ang alamang na nakalap sa mga nabanggit na lugar ay hindi safe para sa human consumption.

Gayunman ang mga isda, hipon, pusit, alimango o crabs ay ligtas kainin kung ito ay nahugasan ng maigi at naluto ng maayos bago kainin. (MHIKE R. CIGARAL)

Please follow and like us:
Read More