Ibinunyag sa Senado ng inabusong Taiwanese EX-ADVISER NI DIGONG PROTEKTOR NG POGO?

0

PINANGALANAN sa Senado ng isang babaeng Taiwanese ang umano’y protektor ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na isang Michael Yang.

Sinabi naman ni Senador Risa Hontiveros na inaalam pa nito kung ang tinukoy na Michael Yang ng nasabing Taiwanese woman ay ang dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pangalan ding Michael Yang.

“Right now, our main concern is the humanitarian aspect. We haven’t gone to the checking of identities,” sabi ng senador.

Lumutang sa Senado ang biktimang si Lai Yu Cian, 23-anyos, upang ireklamo ang sinapit umano niyang pang-aabuso sa kamay ng Chinese national na nag-recruit sa kanya para magtrabaho sa POGO.

Kasama si Hontiveros, umiiyak na isinalaysay ni Lai, ang masamang sinapit sa pinapasukang POGO kung saan matagal umano siyang ikinulong at hindi pinabalik sa Taiwan.

Dito na niya ibinunyag ang isang umano’y government official na nagpoprotekta sa illegal POGO na pinapasukan nito kaya’t wala siyang magawa kung hindi sumunod sa ipinagagawang kahalayan.

“They want me to work for 24 hours, treating me like a slave. I already told them that I wanna go home, I wanna go back to Taiwan but they forced me to work for them. They told me that they have a protector behind them, which are government people,” sinabi ni Lai.

Tinukoy nito ang “very powerful” protector at employer umano niya na isang Michael Yang.

“I heard about once or twice when my supervisor got mad at me, they mention Michael Yang. He didn’t explain to me. He just shouts that at me,” ayon pa kay Lai.

Si Lai na dumating sa bansa bilang turista noong Oktubre 1 ng nakaraang taon at inalok na magtrabaho bilang administration personnel sa POGO ay isa sa 30 East Asians na nasagip sa Mandaluyong City noong Pebrero 3.

“I did not know that it was an illegal business here. I know nothing. The only thing I know is I wanna have a job. Until now I cannot find my passport. I have to be strong to tell everything because they threatened me and my boss threatened me and abused me mentally and physically. I already told them that I want to go home but they forced me to work for them and always say they have a protector behind them who is government people,” pahayag ni Lai.

Dahil dito, nanawagan si Hontiveros sa pamahalaan na hanapin ang mga illegal at fly-by-night POGO sa bansa. NOEL ABUEL

 

Read More

PAG-DEVELOP NG CHINESE INVESTORS SA 3 ISLA BUBUSISIIN 

0

(NI NOEL ABUEL)

IIMBESTIGAHAN ng Senado ang planong pag-develop ng Chinese investors sa tatlong malalaking isla dahil sa pangambang magdulot ito ng masamang implikasyon sa seguridad ng bansa.

Inihain ni Senador Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 74, na naglalayong siyasating ang  strategic security implications ng pag-develop ng mga dayuhang negosyante sa Fuga island na matatagpuan sa probinsya ng Cagayan at Grande at Chiquita Islands sa Subic, Zambales gayundin ang dating Island Cove Resort, sa Cavite na pawang nasa lokasyon na naaayon sa national security ng bansa.

“Are we witnessing a creeping annexation?” Amid China’s aggressive behavior in the West Philippine Sea, it is baffling that the Duterte government allowed this to happen. These are no ordinary islands. These parcels of land are strategic maritime fronts that play a significant role in our military history, which only proves how invaluable they are to our national security,” paliwanag ni Hontiveros.

Ayon pa sa senador, nais nitong malaman kung ano ang naging usapin sa 32-hectare Island Cove Resort property sa Kawit, Cavite, na nabili ng hindi nakilalang investor at ginawang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) complex na may kasamang housing facilities sa tinatayang 20,000 foreign workers.

Giit ni Hontiveros, ang Island Cove ay nasa layong 3.5 kilometro mula sa Danilo Atienza Air Base, na tahanan ng Philippine Air Force’s 15th Strike Wing, at Naval Base Heracleo Alano, na naglalaman ng Naval Sea System Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at military shipyards.

“We look to the Senate to rise to the occasion and to seek the truth. We hope that the investigation is conducted through the lens of Filipino values that uphold our integrity, sovereignty and dignity,” ani Hontiveros.

 

Read More

PALPAK NA VOTE COUNTING MACHINES IIMBESTIGAHAN

RISA12
0

(NI NOEL ABUEL)

SISILIPIN ng Senado ang umano’y iregularidad at dayaan sa nakaraang eleksiyon.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, hihintayin na lamang nito ang pinal na resulta na ilalabas ng Commission on Elections (Comelec).

Partikular na tinukoy ng senador ang vote-buying sa partylist system at ang kapalpakan ng ginamit na vote counting machines (VCMs).

“As we vigilantly wait for the remaining votes to be counted and for the Comelec to address the serious cases of massive vote-buying in the partylist system, the 7 hour delay in the poll body’s transparency server and the breakdown of many vote counting machines (VCMs) that disenfranchised a large number of voters,” sabi nito.

Kaugnay nito, sisikapin umano ng darating na Senado na maging independiyente at isusulong ang reporma sa eleksyon.

“We will continue to strive for an independent Senate and introduce electoral reforms, particularly in the partylist system and for campaign finance reform. The Senate is the people’s last line of defense within the government against continuing attempts to undermine our democracy and attack our human rights. The opposition in the Senate will continue to build issue-based alliances with our colleagues to defend and promote the people’s cherished freedoms and democracy,” paliwanag pa ng Akbayan solon.

Read More

TRIPULANTE NG CHINESE VESSEL PINAAARESTO

lobolobo1
0

(NI NOEL ABUEL)

IPINAAARESTO ng isang senador ang mga Chinese nationals na sakay ng isang Chinese dredging vessel na nakadaong sa karagatan sakop ng bayan ng Lobo, Batangas.

Paliwanag ni Senador Risa Hontiveros, kailangang beripikahin ng mga awtoridad kung may sapat na clearances at permit ang mga Chinese nationals na tripulante ng 99-meter long, 17-meter wide Chinese dredging vessel.

“I call on our authorities to investigate this matter and ascertain for sure if the crew of the Chinese dredging vessel has all the necessary documents, permits and clearances from our government. They must be immediately arrested and prosecuted to the full extent of the law if proven that they are in the area without any legal authority,” ani Hontiveros.

Kinuwestiyon pa nito kung ano ang ginagawa ng Chinese vessels sa karagatan sakop ng Pilipinas na mistulang inaangkin na nito ang nasabing lugar dahil sa pagkuha nito ng 2 milyon kubiko ng buhangin sa Lobo River para magamit sa itatayong Hong Kong International Airport Three Runway System Project.

“Is the Duterte administration still in full control of our waters and territories, or have they surrendered them already to China? The illegal, unreported and unregulated presence of numerous Chinese vessels in our territories is extremely bothering. China is not only a state sponsor to illegal fishing, it is also openly disregarding our sovereignty and marine jurisdiction. It is a deep and dangerous incursion into our territories,” dagdag pa nito.

Sa mga susunod na araw aniya ay maghahain ito ng resolusyon sa Senado para magsagawa ng imbestigasyon sa presensya ng illegal Chinese vessels sa bansa.

 

Read More

ACOSTA IPINAGTANGGOL NI GORDON

acosta
0

(NI NOEL ABUEL)

IPINAGTANGGOL ni Senador Richard Gordon si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta laban sa mga nananawagan na pag-resign ito sa posisyon dahil sa usapin  ng vaccination program ng pamahalaan.

Ayon sa senador, walang dahilan upang bumitiw sa tungkulin si Acosta dahil sa nangyayaring kaguluhan sa programa ng Department of Health (DoH).

“Hindi naman ako pabor doon sa resignation dahil at least masigasig siya sa mahihirap. Okay na sa akin ‘yun. Pagbigyan na natin ‘yun,” sabi ni Gordon sa panayam sa radyo.

Aniya, ginagawa lamang ni Acosta ang tungkulin nito na maprotektahan ang taumbayan sa usaping legal.

“Persistent talaga siya, and I give her credit for that. Kung hindi mo gagawin ‘yan, hindi matatakot itong mga DOH,” dagdag pa ni Gordon.

Magugunitang isa si Senador Risa Hontiveros ang una nang nananawagan g pagbibitiw ni Acosta dahil sa umano’y nagdudulot lamang ng kalituhan at kaguluhan ang ginagawa nito sa usapib ng bakuna.

Paliwanag pa ni Gordon, na sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, kaugnay  ng pagbili sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine, ay walang idinulot na kaguluhan si Acosta nang humarap ito sa imbestigasyon ng nasabing komite.

“Humarap naman si Persida sa akin. Hindi naman siya nag-hysteria doon. Sabi ko, ‘Ito ay investigation natin sa procurement. Kung meron talaga tayong ebidensiya papapasukin kita. Kung wala, hindi,'” ayon pa dito.

Giit pa ng senador na hindi dapat haluan ng pulitika ang Dengvaxia issue lalo na at may kinalaman lamang ito sa kurapsyon.

 

Read More

ACOSTA KAY HONTIVEROS: HINDI IKAW ANG AMO KO!

risa1
0

(NI TERESA TAVARES)

PUMALAG na si Public Attorney’s Office (PAO) Persida Rueda Acosta sa mga pagtuya at batikos na inaani bunsod ng pagbaba ng bilang ng mga bata na nagpapabakuna.

Binalewala ni Acosta ang hirit ni Senador Risa Hontiveros na magbitiw na siya sa puwesto sa gitna ng pagkakaroon ng measles outbreak sa ilang rehiyon.

Itinuro rin ni Health Secretary Francisco Duque si Acosta na siyang sanhi ng malubhang pinsala sa immunization program ng DOH dahil sa wala umano nitong basehan na akusasyon.

Galit na sinabi ni Acosta na hindi niya amo si Hontiveros upang sundin ang sinabi nito na magbitiw na siya sa tungkulin.

Wala rin aniya siyang balak makipag-usap kay Duque na isa sa inireklamo ng PAO dahil sa Dengvaxia.

Itinanggi rin ng PAO chief na siya ang dahilan kung kaya lumagapak ang immunization rate sa bansa.

Magugunita na ang PAO ang nagsampa ng patong patong na kaso laban sa mga dati at kasalukuyan opisyal ng pamahalaan bunsod ng   kontrobersiyal na Dengvaxia dengue vaccine.

Ani Acosta, pababa na talaga ang vaccination rates bago pa man sinimulan ng PAO ang imbestigasyon sa Dengvaxia.

Read More