IMBESTIGASYON SA SEA GAMES, TULOY! — PING

0

(NI NOEL ABUEL)

NGAYONG pormal nang natapos ang 30th Southeast Games ay maaari nang ituloy ang imbestigasyon kung nagkaroon ng korapsyon sa paghahanda sa palaro.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na dapat matuloy ang imbestigasyon ng Senado upang tuluyang matapos ang usapin at mawala ang agam-agam na nahaluan ng anomalya ang biennial meet.

Kasabay nito, agad na nilinaw ni Lacson na walang kinalaman at hindi dapat na masangkot ang mga atleta.

“Dapat lang. Magkaiba ang mga atleta at ang organizing committee, ang PHISGOC. Kung ano man ang honors na ibinigay ng mga atleta, 149 golds, 287 lahat-lahat, walang kinalaman ang organizing committee doon,” ayon pa sa senador.

“Huwag nating ipaghalo na ang success ng mga atleta natin, utang na loob sa PHISGOC. Organizing council ang PHISGOC, sila ang nangasiwa sa pag-coordinate. Ngayon, kung ano ang kapalpakan ng PHISGOC kung totoo o hindi, dapat tingnan sa pamamagitan ng oversight na mandate ng Senate at HOR. Huwag natin paghaluin kung may corruption halimbawa man sa PHISGOC walang kinalaman ang atleta roon at walang kinalaman ‘yan kung bakit tayo napakarami gold medal,” paliwanag pa ni Lacson.

Kahit aniya nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang Office of the Ombudsman ay tutuloy ang Senado sa imbestigasyon.

“Dati namin natin ginagawa. For all we know makatulong ang investigation ng Senado sa fact-finding investigation na ginagawa ng Ombudsman. Kasi may nangyari in the past na ‘yung proceeds o result ng investigation ng Senate nagamit ng Ombudsman o Sandiganbayan,” sabi pa nito.

Magugunitang kinuwestyon ng ilang senador ang paglilipat ng pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) sa PHISGOC na isang pribadong foundation at ang kontrobersyal na ginastos sa cauldron.

Read More

P1-B SA TURISMO KINITA SA SEA GAMES

SEA GAMES
0

(NI ABBY MENDOZA)

IPINAGMALAKI ni House Speaker at Philippine Sea Games Organizing Committee Chair Alan Peter Cayetano na nakatulong nang malaki sa ekonomiya ang katatapos na 2019 South East Asian Games, isa na rito ang pagpasok ng mga turista na kumita ang bansa ng mahigit sa P1 bilyon.

Ayon kay Cayetano ang inisyal na pumasok na revenue ay P1B, kanilang inaasahan na madaragdagan pa ang datos sa mga susunod na araw.

Sinabi ni Cayetano na hindi natatapos sa hosting ng bansa ang nakalilipas na Sea Games dahil nangako ang Pilipinas na tutulong sa Vietnam para naman sa pagdaraos ng 2021 games.

Ang alok na tulong ng Pilipinas sa Vietnam ay matapos na rin ang naging pahayag ng susunod na host country na 36 hanggang 40 sports events  lamang ang kaya nitong i-host.

Ang Pilipinas ay naghost ng kabuuang 530 sports events para sa 56 na laro.

“We will help them, they are our brothers, bawat game ay unique, may uniqueness din tayo dahil Filipino tayo, so it doesn’t mean na kung hindi sing laki, they won’t have a better SEA Games,” paliwanag ni Cayetano.

Ikinatuwa naman ni Cayetano ang naging kabuuan ng 2019 Sea Games, bagamat nagkaroon ng aberya sa mga unang araw ay agad naresolba at naging best Sea Games hosting ever.

“We’re happy that this is the best SEA Games ever but we’ll support the next, and the next, and the next na host to have an even better SEA Games,” pagtatapos pa ni Cayetano.

 

Read More

TAGUMPAY NG SEA GAMES PINURI NI PDU30

0

PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang matagumpay na pagho-host ng Pilipinas sa ika-30 SEA Games.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na masaya ang Pilipinas na naging host sa Southeast Asian nations sa biennial multi-sport event.

“Lahat kayo ay gumawa ng magandang trabaho na nagbigay ng karangalan sa inyong mga bansa. Ang presensiya ninyo sa aming bansa ay nangangahulugan na lahat kayo ang mga winner,”sabi nito.

“We likewise witnessed harmony, camaraderie and sportsmanship prevailing among countries in Southeast Asia,” ayon pa sa Pangulo.

Nanguna ang Manila sa SEA Games sa 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals sa kabuuang 387 medals.

Pormal namang inilipat ang hosting chores sa Vietnam, na magiging host sa 2021 SEA Games sa Hanoi.

 

Read More

BUBURA SA NATITIRANG SEAG RECORD; SANA ISANG PILIPINO RIN –DE VEGA

0

(NI ANN ENCARNACION)

UMAASA ang maalamat na si Lydia De Vega-Mercado na tuluyang mabura na ang natitira niyang Southeast Asian Games record sa 100m dash.

Ngunit gusto niyang isang Pinoy rin ang makagawa nito.

“Gusto ko sana isang Filipino rin ang makabura sa huling SEA Games record ko,” anang dating regional sprint queen na si De Vega.

Isang Fil-Canadian, si Zion Corrales-Nelson, ang bumura sa 200m dash record ni De Vega.

Ngunit nitong Disyembre 7 ay tinabunan naman ng Fil-Am na si Kristina Knott ang record ni Corrales-Nelson.

Maliban dito, nagrehistro si Knott ng bagong SEA Games record sa kanyang 23.07 minutong takbo.

Ang dating SEAG mark ay 23.30 na naitala ni Supavadee Khawpeag ng Thailand noong 2001 edition.

Masaya naman si De Vega sa performance ng mga atletang Pinoy at sa muling pagiging overall champion ng Pilipinas sa katatapos na 30th SEA Games.

Ayon sa kanya, masuwerte ang bagong henerasyon ng mga Filipino athlete dahil marami ang mga sumusuporta sa kanila. Ngunit kasabay nito ay pinaalalahanan din ni De Vega ang mga ito.

“Huwag sana nila hayaang masayang ang mga kaginhawahan na tinatamasa nila ngayon. Maging matalino sana silang lahat sa kung ano man ang kanilang matatanggap.”

Dagdag niya: “We can’t compare noong panahon namin at ang panahon ngayon. Maganda lang na nagawa namin ay yung mabuksan ang mga oportunidad ng bawat atleta at Pilipino para malaman nila ang kahalagahan ng sports sa bansa.”

Read More

HISTORIC PH BASKETBALL SWEEP

0

(NI EDDIE G. ALINEA/PHOTO BY MJ ROMERO)

NAGING makasaysayan para sa Pilipinas ang basketball sweep ng men’s at women’s team nito sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

Lahat ng isinabak na team ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa men’s at women’s team sa 3×3 at 5×5 basketball ay pawang naguwi ng gintong medalya sa apat na events.

Ngunit ang pinakamatinding rebelasyon ay ang all-amateur women’s squad, na matapos ang halos apat na dekada, at anim na silver at limang bronze medals, ay nanalo na rin ng ginto makaraang tambakan ng 20 ang liyamadong Thailand, 91-71, sa kanilang final matchup.

Tinapatan naman ito ng kanilang men’s counterparts Gilas, na nilampaso ang nakalabang Thailand, 115-81, para sa ika-13th sunod na ginto at 18th overall simula noong 1977.

Winalis ng Filipinas ang lahat ng kanilang nakalaban– Indonesia, Malaysia, at panghuli ang Thais sa winner-take-all title showdown.

Bago ito, puro fourth-place finishes lang ang mga Pinay noong 2015 at 2017. Naka-silver naman ang Filipinas noong 1981, 1983, 1995, 2011 at 2013; at bronze noong 1987, 1993, 2001, 2003 at 2007 SEA Games.

Kaya naman umaasa ang Filipinas na makukuha na nila ngayon ang respeto at rekognisyon gaya ng kanilang men’s counterparts.

“Now, I hope we get noticed. It’s been a long time, we’ve been doing this since 2015, and now the gold is with us,” ani head coach Patrick.  “I’m just so happy. I’m happy not just for the girls only but for the whole country and the women’s side.”

Naka-ginto rin ang national women’s 3×3 team nina Afril Bernardino, Jack Danielle Amimam  Janine Pontejos at Clare Castro, kaya’t naka-tig dalawang gintong medalya sila.
Para naman sa All-PBA squad ni coach Tim Cone, naging “walk in the park” na lang ang pagdurog nila sa nakalaban sa finals na Thais.

Ito ang unang pagkakataon na nag-all-pro na may American coach pa ang Pilipinas sa SEA Games.
Laging amateur players ang isinasabak ng bansa simula nang sumali ito sa biennial meet noong 1977, at lagi tayong nananalo kaya’t kinokonsidera ang Pilipinas na “basketball capital” sa Timog-Silangang rehiyon.

Isang beses lang hindi nagkampeon ang mga Filipino at ito’y noong 1989 nang ma-dethroned ang bansa ng Malaysia.
Hindi naman nilaro ang basketball noong 1995 Games sa bansa dahil sa suspensyon mula sa  international ruling body FIBA, dahil sa tug-of-war sa leadership sa pagitan ng defunct Basketball Association of the Philippines at Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Simula 1977, anim na magkakasunod na beses na naghari ang mga Filipino sa basketball hanggang 1987. Muling nabawi natin ang korona noong 1991, at simula noon ay hindi na muling binitawan ito.

Ang PH’s 3×3 men’s squad nina Chris Newsome, Jayson Perkins, CJ Perez at Mo Tautuaa ay naka-gold din sa nasabing event.

Read More

SUPORTA SA PINOY ATLETA DAPAT ITULOY  —  SOLON

0

(NI NOEL ABUEL)

NGAYONG natapos na ang SEA Games at nagpakita ng galing ang mga Filipinong atleta, dapat na hindi matapos ang suporta sa mga ito.

Ito ang sinabi ni Senador Win Gatchalian sa pagsasabing hindi nangangahulugan na dahil tapos na ang SEA games ay matatapos na rin ang suporta sa mga atleta.

Ayon sa mambabatas, lalo pa nga umanong dapat magkaisa ang pamahalaan, ang sektor ng edukasyon at ang pribadong sektor upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga atleta, kabilang ang sapat na imprastraktura at tulong pinansiyal.

“Nakita natin sa SEA Games kung paanong nagkaisa ang ating mga kababayan sa pagsuporta sa ating mga atleta. Ngunit hindi dapat dito sa SEA Games nagtatapos ang pagkakaisa natin para sa ating mga manlalaro. Sa puntong ito, mahalagang magkaisa rin tayo sa paghubog ng mga susunod pang henerasyon ng mga atletang magbibigay ng karangalan sa ating bansa,” paliwanag pa ni Gatchalian

“Marami tayong mga mahuhusay na mga manlalaro at may nakahanda na tayong mga magagandang pasilidad na magbibigay sa kanila ng world-class training. Pagkatapos ng SEA Games, maaari nang gamitin ang mga pasilidad na ito para sa pagsasanay ng ating mga atleta,” dagdag pa ng senador.

Mahalaga aniya ang magiging papel ng Philippine High School for Sports (PHSS) upang itaguyod ang sports sa bansa.

Isinusulong ang panukalang pagpapatayo ng naturang paaralan sa New Clark City upang i-angat ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon ng mga atleta. Inaasahang masimulan ang pagpapatayo ng paaralan sa susunod na taon.

Mahalaga rin aniya na makipagtulungan ang pamahalaan sa mga corporate sponsors at donors mula sa ibang bansa upang lalong mapalakas ang mga Pinoy athletes.

“Sa pagpapalakas natin ng sports development, mahalagang magkaroon tayo ng holistic approach upang maibigay natin ang pangangailangan ng ating mga atleta sa bawat hakbang. Hindi lang natin susuportahan ang mga atleta natin pag sumabak na sila sa laban, sisimulan natin ang pagsuporta sa pinakamaagang pagkakataon,” pahayag ni Gatchalian.

Taong 2005 nang huling magkampeon ang Pilipinas sa SEA Games, kung saan nakapag-uwi ang bansa ng 113 medalyang ginto. Sa taong ito, nakapag-uwi ang Pilipinas ng 149 ng gold, 117 silver at 119 na bronze medals.

Itinuturing aniya na pinakamalaki ang SEA Games ngayong taon dahil sa pagkakaroon nito ng 56 sports at 530 mga kompetisyon sa 44 na mga lugar sa bansa.

Read More

CAYETANO GAME SA OMBUDSMAN INVESTIGATION

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

GAME si  Philippine Southeast Asian Games Organizing Commission (Phisgoc) chairman House Speaker Alan Peter Cayetano sa ikinakasang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa hosting ng Phisgoc sa SEA Games.

“Two weeks ago, when the SEA Games was under attack by groups out to discredit the government with fake news reports of unpreparedness and corruption, I already announced that we not only welcome, but are ourselves calling for an investigation by the proper agencies at the right time to clear the air about these unfounded allegations,” ani Cayetano.

Ginawa ng House leader ang nasabing pahayag matapos bumuo si Ombudman Samuel Martirez ng 7-man panel na mag-iimbestiga sa Phisgoc lalo na sa paggamit ng pondo, tatlong araw bago matapos ang SEA Games.

“We welcome this as an opportunity to put to rest all the questions so that we may move forward in celebrating the success of our athletes and honoring the sacrifices of our workforce and volunteers,” ayon pa kay Cayetano.

Tiniyak nito na ibibigay nito at ng Phisgoc ang buong suporta sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman at handa umano ang mga ito na ipabulatlat ang kanilang libro.

Ngayon pa lamang ay tiniyak ni Cayetano na walang anomalya sa paggamit ng pondo subalit handa umano ang mga na makipagtulungan sa Office of the Ombudsman upang magkalinawan umano.

Inamin ni Cayetano na binalaan na siya noong una nang hingin ang kanyang tulong para sa pag-organisa sa SEAG bagay na kanyang binalewala kahit hanggang ngayon, ang mga organizer ng 2005 SEA Games ay nakikipaglaban pa sa kasong isinampa laban sa kanila.

“But I did not hesitate simply because I knew this is not about me. This is about representing the country, and I have never shied away from that. I took on the challenge just as every single volunteer took on theirs, and for the same reason – because we believe that it is about time we show the world what a unified Filipino nation is capable of doing,” ani Cayetano.

“I accepted this challenge because He called me to take it up. Not for myself, but for our athletes and for our country. And now, it is in Him that I place my trust,” dagdag pa nito.

 

Read More

ABOT-KAMAY NA: PHL, 30th SEAG OVERALL CHAMP — PSC

0

(NI VT ROMANO)

MAY dalawang araw pang nalalabi bago bumaba ang telon ng 30th Southeast Asian Games, pero maaari nang angkinin ng Pilipinas ang overall championship.

Isa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman at chef de mission William “Butch” Ramirez sa nagpahayag nang kasiyahan sa resulta ng kampanya ng Pinoy athletes. Ayon kay Ramirez, ipinakita ng mga Pinoy na kaya nating magkaisa para sa ikatatagumpay ng bansa.

“Almost to the final stretch, and I am grateful to God for the steady performance of our team,” lahad ni Ramirez.

“More than the medal haul, I am thankful for all the sacrifice and hard work that went behind pushing their chances for a shining moment of victory,” aniya pa.

Habang isinusulat ito, ang Pilipinas ay may nakulekta nang 229 medals (90-68-71 gold-silver-bronze medals).

Malayo ang agwat sa sumesegundang Indonesia, 54-49-68 at sa pangatlong Vietnam na may 48-53-65 medal tally.
Hindi lang ang mga napanalunang medalya ang dapat tingnan sa SEA Games, ayon kay Ramirez, kundi maging ang mga pangyayaring naganap sa likod ng bawat tagumpay, pati na ang pagiging host ng Pilipinas sa kabuuan.

“Having the privilege of being both the PSC chairman and the chef de mission, I am witness to the many beautiful stories behind this event, and given a glimpse into the legacies that the SEA Games will leave,” wika ni Ramirez.
Dagdag pa niya: “The gains from this event does not end when the curtains comes down on the 30th SEA Games edition. On top of the victories, there are many long-term advantages — legacies — the SEA Games gifted us with.”

Maging si Philippine Olympic Committee (POC) chairman Steve Hontiveros ay idineklara na ring kampeon ang Pilipinas.

“We got this. We are overall champions,” pahayag ni Hontiveros. “Other countries don’t have much left to get gold medals.”

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakamit ng Pilipinas ang overall crown ng SEA Games, na unang nagawa nang maging host din noong 2005 edition.

Matapos ang SEA Games, pagtutuunan naman ng pansin ng PSC at POC ang paghahanda at pagsabak ng mga atletang Pinoy sa 2020 Tokyo Olympics.

Read More

WALA PA RING TATALO SA PHL BLU GIRLS

0

(NI VT ROMANO)

HINABLOT ng Philippine Blu Girls ang ika-10 sunod nitong SEA Games gold medal, matapos blangkuhin ang Indonesia, 8-0, sa finals ng women’s softball ng 30th biennial meet sa The Villages sa Clark, Pampanga kahapon.

Hindi binigyan ng pagkakataon ng Pinay batters ang kalaban, nang agad umiskor ng five runs sa second inning pa lang.

At umiskor pa ng tatlo sa huling dalawang innings.

Ang Pilipinas ay winalis rin ang apat na preliminary match nito, na tinampukan ng 11-0 pagbokya sa huling laro kontra Thailand.

Binlangko ng Blu Girls ang Malaysia, 12-0 sa page system playoff, kung saan ang Indonesia ay tinalo naman ang Malaysia, 5-1 para umabante sa championship game.

BLU BOYS HINUBARAN NG SINGAPORE

BIGO ang Philippine Blu Boys na maidepensa ang kanilang titulo na 22 taong nilang iningatan, matapos makalasap ng 6-1 loss sa kamay ng Singapore sa finals ng men’s softball.

Ang huling pagkakataong natalo ang Pilipinas sa SEA Games gold medal match ay noon pang 1997 laban sa host Indonesia.

Ito naman ang unang gold medal ng Singapore sa nasabing event.

Read More