KNOTT UMUKIT NG NEW SEAG RECORD

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO) KINUHA na ang ginto, gumawa pa ng bagong Southeast Asian Games record si Kristina Knott nang manguna sa 2019 women’s 200m event sa New Clark City sa Capas, Tarlac kahapon. Binura ni Knott ang eight-month record ni Zion Corrales-Nelson, ang Fil-Canadian na unang nagtabon sa 33-year-old mark ni Lydia de Vega. Tinupad ng 24-anyos na dating miyembro ng University of Miami at Arkansas State University sprint squad na si Knott ang kanyang pangako na uukit ng sariling marka sa athletics bago pa man isagawa…

Read More

TANGKANG PANANABOTAHE SA SEAG IIMBESTIGAHAN

(NI BERNARD TAGUINOD) BUKAS ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan ang tangkang pananabotahe sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) na  kasalukuyang iniho-host ng Pilipinas. Ito ang nabatid kay House committee on information and Communications Technology Committee chair Victor Yap, ng Tarlac, sa panayam ng mga mamamahayag  dahil sa hinala ni House Speaker at PHIGSOG chair Alan Peter Cayetano  na may sumasabotahe sa SEAG dahil sa mga pekeng impormasyon na naglabasan bago ang opening ceremony. “I’m open to it (na mag-imbestiga),” ani Yap na inaasahang sa kanyang komite babagsak ang imbestigasyon dahil idinaan sa…

Read More

PH, BEST SEA GAMES ORGANIZER

SA kabila ng mga aberya ilang araw bago ang pormal na pagsisimula ng 2019 South East Asia Games, kinilala ng Sports Industry Awards Asia ang Philippine South East Asia Games Organizing Committee (PHISGOC) bilang best SEA games organizer. Pinuri ng SPIA ang pagsisikap ng PHISGOC na makapaghatid ng anito’y “world class opening ceremonies” at maayos na pag-oorganisa sa 56 sports at 530 events sa 30th SEA Games. Ang SPIA Asia Awards, tinuturing na “most credible awards platform in Asia”, ang nangungunang  sports business conference and awards platform sa Asya. Makaraan…

Read More

LIFETIME SCHOLARSHIP, ALLOWANCE SA PINOY ATHLETES IGINIIT

(NI BERNARD TAGUINOD) IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Kamara na bigyan ng full at lifetime educational scholarship ang mga Pinoy athletes na nagkamedalya ngayong Southeast Asian Games. Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga atletang ito para bigyan ng karangalan ang bansa kaya dapat aniyang tanawin na malaking utang na loob ito. “Free education is a fitting reward to our athletes who have demonstrated dedication, discipline and perseverance to bring honor to  our country,” ayon sa  mambabatas. Sinabi ng mambabatas na karamihan sa mga atleta ay…

Read More

MUSLIM COPS IDEDEPLOY SA SEA GAMES

(NI NICK ECHEVARRIA) MAGTATALAGA si National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief P/BGen. Debold Sinas ng mga pulis na Muslim sa mga lugar na pinagdarausan ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) sa bansa para palakasin ang Muslim cultural sensitivity. Ginawa ni Sinas ang hakbang matapos mabatid sa kanilang patuloy na pakikipag-usap sa mga organizers ng SEA Games na ganito rin ang ginagawa ng ibang mga bansa na nag-host ng SEA Games. Ayon kay Sinas maliban sa mga pinagdarausan ng palaro, magtatalaga din ng tig-dalawang muslim cops (1lalaki at 1 babae) sa bawat lugar na tinutuluyan ng…

Read More

ILANG EVENTS SA SEA GAMES, INILIBAN

ILANG events sa Southeast Asian Games ang iniliban ngayong Martes dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy. Alas-11 ng umaga, ang mga sumusunod na event ay ipinagpaliban: SUBIC CLUSTER • Beach Volleyball (moved to Dec. 4) • Canoe, Kayak, Traditional Boat Race (moved to Dec. 6-8) • Muay (moved to Dec. 4-8) • Pencak Silat (moved to Dec.4) • Sailing/Windsurfing (moved to Dec. 5) • Modern Pentathlon (moved to Dec. 5) • Surfing (moved to Dec. 4) • Sepak Takraw (moved to Dec. 4) SOUTHERN LUZON CLUSTER • Underwater Hockey (moved…

Read More

GINTO NAKAMIT NI CARLOS YULO SA SEA GAMES GYMNASTICS

HINDI binigo ni World champion Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo ang sambayanang Filipino nang makuha ang gold medal sa individual all-around event sa men’s artistic gymnastics, ngayong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum. Ipinakita ni Yulo na walang tatalo sa kanya sa ipinakitang gilas sa floor exercise, ang paborito nitong event. Si Yulo na kuwalipikado sa 2020 Tokyo Olympics sa pamamagitan ng World Championships sa Stuttgart noong Oktubre ay kumpiyansa sa lakas at tikas na ipinakita sa manonood ng Sea games. Binigyan siya ng mga hurado ng iskor na 14.650 bago pa…

Read More

MATAGUMPAY NA SEA GAMES OPENING PINURI NG PALASYO

(NI CHRISTIAN DALE) NAKAPAPANINDIG-balahibo at makapigil-hininga ang opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games. Ipinagmalaki ng Malakanyang ang napakagandang presentasyon kung saan ang lahat ng mga filipino anuman ang edad, social o political status at pinagmulan ay nagpunta at nakiisa sa pagbibigay suporta sa pagho-host ng bansa sa 30th SEA Games. Dahil dito, binati ng Office of the President ang mga organizers, performers, volunteers, at ang lahat ng nasa likod ng nakamamanghang event, ang unang SEA Games na inilunsad sa indoor venue, sa Philippine Arena sa Bulacan. Muli ani…

Read More

OKASYON PARA SA MGA ATLETA

SEA GAMES

SORPRESA raw ang mga magaganap sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Hindi gaya noong Sabado at Linggo hanggang araw ng Lunes, medyo hu-mupa na ang mga batikos sa hosting ng bansa sa biennial meet. Dapat naman. Dahil ang okasyong ito ay hindi para sa mga politiko ng Pilipinas, hindi rin para sa mga opisyal ng Philippine sports. Ito ay para sa mga atletang Filipino na naghanda at puspusang nagsanay upang makapagbigay ng karangalan sa ating bansa. This is their moment!…

Read More