3 BUCOR OFFICIALS NA NA-CONTEMPT, PINALAYA NA 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

PINALAYA na ng Senado ang tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na pinatawan nila ng contempt dahil sa hindi pakikipagtulungan sa imbestigasyon hinggil sa sinasabing iregularidad sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Matapos magkasundo ang mga miyembro ng Committee, pinakawalan na rin sina Bucor legal chief Frederic Anthony Santos, BuCor records division head Ramoncito Roque at Ursicio Cenas, medical officer ng New Bilibid Prison (NBP) hospital.

Kinumpirma rin ni Senador Richard Gordon na isa sa tatlo ang nagbigay ng sulat kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at inihayag ang kanyang nalalaman sa mga iregularidad sa New Bilibid Prisons.

“Meron kami natanggap na sulat sa isa sa kanila at naging subject yun ng mga tinatanong ko kanina. And there’s some measure of cooperation,” saad ni Gordon.

Samantala, nilinaw naman ni Gordon na hindi na nila na-cite for contempt sina BuCor Senior Inspector Maribel “Mabel” Bansil at Officer 3 Veronica Buño dahil sa kanilang kooperasyon.

“Hindi na iko-contempt. We are able to get some cooperation,” diin ni Gordon.

Gayunman, may posibilidad din aniya na manganib ang buhay ng mga humarap sa kanila sa executive session kaya’t posibleng magkaloob din sila ng seguridad sa mga ito.

“Delikado ang buhay nila pag ginawa kasi lahat sila natatakot pati mga babae,” dagdag ni Gordon.

Kinumpirma rin ni Gordon na sa kanilang executive session, pinangalanan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang ilang opisyal ng pulis na sangkot sa sinasabing iregularidad sa Bucor.

“Some are active, some are retired….Ipapaabot natin sa Pangulo para alam nila,” diin ni Gordon.

 

Please follow and like us:
Read More

GCTA LAW HIHIMAYIN SA SENADO

bucor55

(NI NOEL ABUEL)

DAHIL sa kontrobersyal sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law o ang Republic Act 10592 ay kumilos na ang mga senador para muling himayin ang nasabing batas.

Nagkakaisa sina Senate President Vicente Sotto III, Senador Panfilo Lacson at Senador Richard Gordon na muling isailalim sa pag-amiyenda ang Articles 29, 94, 97, 98 at 99 sa Revised Penal Code na nakapaloob sa RA 10592.

Sa inihain ng mga itong Senate Bill No. 993 nais ng mga senador na linawin ang GCTA law partikular ang pagbabawas sa jail time ng mga inmates dahil sa ipinakikitang magandang imahe.

Giit ni Sotto,  maganda ang nilalaman ng RA 10592 na ipinasa noong 15th Congress na naglalayong mapalaya ang persons deprived of liberty (PDLs) habang nililitis ang kaso ng mga ito.

Layon din ng GCTA, na mabawasan ang bilang ng mga presong nakadetine sa mga prison cells sa buong bansa.

“However, when it was enacted into law, it caused an absurd interpretation and its very provisions needed harmonization,” anila.

Nasubukan umano ang RA 10592 sa kaso ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez kung saan naging kontrobersyal ito lalo na at heinous crime ang kinasangkutan nito dahil sa pagpatay at paghahalay kay Eileen Sarmenta at pagpatay rin sa kaibigan nitong si Allan Gomez noong 1990.

“The provision on GCTA has been in effect since the 1930s and it has not raised this kind of concern from the people and the government. Thus, it is an opportune time to go back to the old law where no question of proper implementation has been put forth to the government and prisoners are enjoying its benefits without a question of the propriety of its applicability on them,” nakasaad sa nasabing panukala.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PAROLE KAY SANCHEZ IPABUBUSISI SA SENADO 

bucor55

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magpaliwanag ang Board of Pardons and Parole sa kanilang computation sa sentensya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez na sangkot sa kasong panggagahasa at pagpatay.

Sinabi ni Drilon na maghahain siya ng resolusyon upang busisiin ang komputasyon ng BPP at ang tunay na dahilan ng rekomendasyon na mapalaya ang dating alkalde.

“Ako po ang Secretary of Justice na nagpa-convict kay Mayor Sanchez – 7 lives term po iyan. Ang sentensya niyan ay 40 years. Nagulat po ako noong sinabi nila na dahilan sa good conduct allowance ay pwede nang palayin. Ako po ay magpa-flile ng resolution sa Senado para imbestigahan ang Board of Pardons and Parole (BPP) sa kanilang computation,” diin ni Drilon.

“Dahilan sa ang balita ay involved siya sa drug trade sa Muntinlupa. Paano naman nagkaroon siya ng allowance for conduct of good behavior? Ang balita pa natin ay mayroon siyang aircon sa kanyang kulungan. Paano naman naging good conduct ito?” dagdag pa ng senador.

Aminado ang senador na nakasaad sa batas ang probisyon ng good behavior subalit ang tanong ay kung tama ang pagpapatupad sa batas.

Naniniwala naman si Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi pa pinal ang parole na ibibigay kay Sanchez dahil hindi pa ito naaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng paggiit na dapat nang amyendahan ang RA 10592 o Revised Penal Code.

“Hindi pa final  ang parole until the President signs or approves it. If the victims’ families intend to appeal, they should address the same to the President,” saad ni Lacson.

“I would say, aside from legislating a maximum of only 15% reduction for Good Conduct Time while in prison, there must be offenses that should not make the convicts avail of parole or pardon such as those committed with  extreme gruesomeness like terrorism, rape with homicide, and the like,” diin pa ng senador.

Kinuwestyon din ni Senador Risa Hontiveros ang sinasabing good conduct ni Sanchez gayung hindi anya ito nagpakita ng pagsisisi sa kanyang nagawang krimen.

“Sanchez has shown no signs of remorse and displayed no effort at improving himself in behavior or character inside the penitentiary. In fact, even inside prison, he has continued committing crimes with impunity,” diin ni Hontiveros.

 

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG SA PONDO NG MMDA SUPORTADO SA SENADO

recto33

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT na iprayoridad ng pamahalaan ang pagkakaloob ng dagdag na tauhan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para mabantayan ang lahat ng kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, suportado nito ang panawagan ng MMDA na dagdag na pondo para sa karagdagang bilang ng mga traffic personnel na magmamando sa lahat ng oras.

Una nito, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago  na sa kasalukuyan ay nasa 2,000 traffic personnel lamang ang nasa payroll nito kung saan kulang ang ahensya ng 5,000 para mabuo ang 7,000 field staff nito.

Paliwanag ni Recto, dahilan sa dumaraming bilang ng mga sasakyan ay dapat na mabantayan ang lahat ng major roads at critical intersections  sa loob ng “round-the-clock and rain-or-shine” supervision.

“Sa loob ng nakaraang limang taon, 11,530 na sasakyan ang nadagdag kada buwan. Ito ‘yung mga registered sa NCR. Hindi pa kasama ‘yung mula sa Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, na regular na pumaparine sa Metro Manila,” ani Recto.

Isa pa umano sa dahilan nito ang pagdami ng bilang ng mga aksidente na naitala noong 2017 na umabot sa 110,025.

“With this epidemic in road crashes, we need more men to come to the aid of the injured and clear the road of obstructions,” sabi ng senador.

 

Please follow and like us:
Read More

DISTRIBUTORS NG ‘ALCOPOPS’  IPATATAWAG SA SENADO

alcopo

(NI NOEL ABUEL)

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Pia S. Cayetano sa ibinebentang flavored alcoholic drinks na tinatawag na “alcopops” na maaaring mabili ng mga kabataan.

Ayon sa senador, pagpapaliwanagin nito ang distributors at sellers ng nasabing flavored alcoholic dahil sa unethical at illegal marketing schemes na ginagamit nito para maengganyo ang mga kabataang bumili ng kanilang produkto.

“I was very bothered when I found out about it. It’s packaged in a very colorful packaging that is very attractive to kids,” ani Cayetano.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Ways and Means Committee, ipinakita ng Department of Finance (DOF) ang natitirang tax packages sa ilalim ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) kung saan daragdagan ang singil sa excise tax sa lahat ng alcohol products.

Partikular na ikinabahala ng senador ang patuloy na pagdami umano ng bilang ng mga tao na bumibili ng ‘alcopops’.

Sa datos umano ng DOF, aabot sa P69 milyon ang ginastos ng mga Filipino sa ‘alcopops’ noong 2018, na halos doble sa P30 milyon nakonsumo noong 2017.

Inihalimbawa pa ni Cayetano ang isang brand ng alcopops na ibinebenta sa halagang P25 kada 200 ml pack na naglalaman ng alcohol content na 7 percent.

Nababahala ang senador na maging ang mga kabataan ay maaaring makabili nito dahil sa nakikita ito sa mga groceries at nabebenta rin sa online.

Kinalampag ng senador ang Food and Drug Administration (FDA) para alisin sa merkado ang nasabing inumin.

“We’re trying to sell a product that has 7 percent alcohol and is packaged to make it very attractive to children. It is unethical and unlawful,” giit nito.

 

Please follow and like us:
Read More

REPORMA SA PARTY-LIST SYSTEM SUPORTADO SA SENADO

(NI NOEL ABUEL)

SUPORTADO ng ilang senador ang isinusulong ng Makabayan bloc sa Kamara na pagbabago o reporma sa party-list system sa bansa bunsod ng hindi na ito nagagamit sa tama.

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na panahon nang baguhin ang itinatakda ng party-list system dahil nasasalaula na umano ito ng mayayaman at maimpluwensya.

“I am all for genuine reform of the party list system and our political party system in general. It is about time that we debate on this and come up with a meaningful and genuine reform,” sabi pa ni Drilon.

Giit pa nito na sa kasalukuyang sitwasyon ng party-list system naaabuso na ito ng mga maimpluwensyang political clans para higit na mapalawak at mapalakas ang hawak ng mga ito sa pulitika.

“Every election we would see millionaires, even billionaires, claiming to represent the poorest sector of the society. I don’t think that is the intent of the Constitution,” ayon pa sa senador.

Paliwanag pa ni Drilon na nasasaad sa Section 5 (2), Article VI of the Constitution states na ang party-list representatives ay bubuuin ng 20 porsiyento ng kabuuang kinatawan ng Kamara kabilang ang nasa ilalim ng party-list.

 

Please follow and like us:
Read More

SENADO KIKILOS VS NEGROS KILLINGS 

rissa45

(NI NOEL ABUEL)

NAIS paimbestigahan ni Senador Risa Hontiveros sa Senate committees on public order and dangerous drugs and justice ang nangyayaring krimen sa lalawigan ng Negros Oriental.

Sa inihaing Senate Bill no. 47 ni Hontiveros, nais nitong malaman ang tunay na ugat ng tuluy-tuloy na patayan sa nasabing probinsya at sa huli ay mabigyan ng hustisya ang mga napatay na biktima kabilang ang apat na pulis.

Iginiit ni Hontiveros na hindi katanggap-tanggap na maging ang mga bata gaya ng nasawing si Marjon Ocampo, 1-taong gulang na kabilang sa napatay kasama ang ama nito na pinagbabaril noong Hulyo 25 ng hindi nakilalang mga suspek.

Maliban dito ay maging ang mga alagad ng hustisya ay hindi pinatawad ng krimen kabilang si Anthony Trinidad na pinagbabaril ng hindi nakilalang kalalakihan kasama ang asawa nitong Nova Marie noong Hulyo 23.

At noong Hulyo 18, ay apat na tauhan ng PNP ang tinambangan ng nasa 40 armadong kalalakihan.

“The killings in the Negros region is an easy and chilling example of the violence against civilians that has flourished under the culture of impunity and lawless violence in the country. It is this that has made the Philippines the 4th most dangerous country in the world for civilians,” sabi ni Hontiveros.

Giit nito, simula noong Enero 20, 2017, nasa 83-katao na ang biktima ng extrajudicial killings kabilang ang 20 iba pa.

 

Please follow and like us:
Read More

ESTUDYANTE EXEMPTED SA TERMINAL FEE, IKINATUWA SA SENADO

airport55

(NI NOEL ABUEL)

IKINAGALAK ng ilang senador ang desisyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bigyan ng exemptions ang mga estudyante sa pagbabayad ng terminal fee sa 42 paliparan sa buong bansa.

Ayon kay Senador Grace Poe, malaking tulong sa mga mag-aaral ang desisyon ng CAAP maging sa kanilang mga magulang na makagagaan para sa budget ng mga ito.

“Makakaginhawa ito sa mga biyaherong estudyante. Para sa isang mag-aaral, malaking bagay ang matitipid na P100-P200. Makaeengganyo rin ito sa kanila para magbiyahe at bumisita sa iba’t ibang lugar sa bansa,” sabi ni Poe.

Idinagdag pa ni Poe, chair ng Senate Public Services Committee, umaasa ito na maayos na maipatutupad ang nasabing programa sa lalong madaling panahon.

“Hinihikayat natin ang mga mag-aaral na i-check ang kanilang mga tiket para masiguro na wala na sa charges ang terminal fee,” panawagan pa ni Poe.

Kaugnay nito, hiniling ng senador sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na igiit na ibalik sa mga ito ang maling pagkolekta sa kanilang terminal fee noong nakaraang taon.

“Tandaan natin ang ilan nating kababayang OFW na kailangan pang humingi ng refund dahil sa maling pagkolekta sa kanila ng terminal fee noong isang taon. Patuloy tayong mananawagan ng maayos na serbisyo sa ating mga airport. Dapat maramdaman ito ng ating mga kababayan sa kanilang pagbiyahe,” panawagan pa ni Poe.

 

Please follow and like us:
Read More

SOTTO KUMPIYANSA SA POSISYON

tito sotto

(NI NOEL ABUEL)

KUMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na mananatili pa rin itong pinuno ng Senado hanggang sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22.

Ayon kay Sotto, base sa nakarating na impormasyon dito ay marami pa ring kapwa senador nito ang nagtitiwala sa pamumuno nito sa Senado.

“Mukhang ganu’n ang gusto ng majority ng mga kasama ko, ako pa rin ang maIhalal,” ani Sotto sa panayam sa radyo.

Idinagdag pa nito na halos kumpleto na ang mga komite sa Senado na hahawakan ng mga senador kung saan nasa dalawang komite na lamang ang pinag-aagawan kung kanino mapupunta.

“Medyo buo na, isa-dalawang committees na lang ang hindi malinaw,” sabi nito.

Si Sotto ay naihalal bilang Senate President noong 2018 kasunod ng nilagdaang resolusyon ng 15 senador.

Please follow and like us:
Read More