PENSYON NG SENIORS TITRIPLEHIN

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL mas marami ang mahihirap na matatanda sa Pilipinas kumpara sa mga nakaririwasa, isinusulong ngayon ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na triplehin  ang pensyon ng mga senior citizen.

Sa kanyang House Bill (HB) 4057, sinabi ni Malabon City Rep. Josephine Jaye Lacson-Noel na kailangang tulungan sa kanilang pinansyal na pangangailangan ang mga mga senior citizens sa buong bansa.

Noong 2018 umabot na umano sa 8,000,000 ang populasyon ng senior citizens o edad 60 anyos pataas sa bansa base sa datos ng Commission on Population (Popcom).

Subalit, ayon kay Noel, 90% sa mga tao ay kumakayod pa rin upang mabuhay habang 10% ay ikinokonsidera na masasakitin at hindi na nakakakilos dahil sa kanilang edad.

Bagama’t sa kasalukuyan ay mayroong P500 na social pension ang mga senior citizens na nakapaloob sa Republic Act (RA) 7432 , sinabi ni Lacson-Noel na hindi na ito nakasasapat sa mga pangangailangan ng mga matatanda.

“Unfortunately, with the increasing value of our basic commodities and improvenment of medical requirements among medical institutions for our elders, the above-mention Republic Act (7432) is no longer attuned to our socioeconomic state,” paliwanag ng mambabatas sa kanyang panukala.

Kahit may discounts ang mga ito na 20% sa lahat ng kanilang pangangailangan tulad ng gamot at iba pang prebilehiyo ay hindi pa rin umano nakakasapat ang nasabing halaga lalo na sa mga walang pensyon mula sa Social Security System (SSS) o kaya sa Government Service Insurance System (GSIS).

Dahil dito, nais ng mambabatas na gawing P1,500 ang social pension ng mga senior citizens at bagama’t hindi pa rin umano ito sapat, ay malaking maitutulong ito sa kanilang mga pangangailangan.

Kasama ang mga pensyonado sa SSS at GSIS sa makikinabang kapag naging batas ang nasabing panukala subalit tanging ang mga tumatanggap ng P5,000 pababa na pensyon mula sa SSS at GSIS lang ang titriplehin ang social pension.

 

Please follow and like us:
Read More

SENIORS MAY 1-LINGGONG LIBRENG SAKAY SA MRT-3

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGANDANG balita para sa mga senior citizen.

Ito’y dahil pagkakalooban sila ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng isang linggong libreng sakay bilang pakikiisa sa taunang selebrasyon ng Elderly Filipino Week.

Sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang libreng sakay ay sinimulang ipatupad mula 5:00 ng madaling araw nitong Martes, Oktubre 1, at magtatagal hanggang 10:30 ng gabi ng Oktubre 7, Lunes.

Ayon sa DOTr, kinakailangan lamang ng pasahero na magprisinta ng Senior Citizen ID o kahit na anong Identification Card na magpapatunay na siya ay 60-taong gulang pataas upang maka-avail ng libreng sakay.

Ang MRT-3, bumabagtas sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang siyang nagdurugtong sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City.

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG-PRIBILEHIYO SA SENIOR: LIBRENG MGA BUWIS

Senior Citizens-4

(NI BERNARD TAGUINOD)

MADARAGDAGAN pa ang mga pribilehiyong natatanggap ngayon ng mga senior citizens, dahil nais ng isang mambabatas na libre na ang mga ito sa iba pang uri ng buwis.

Sa House Bill 3647  na inakda ni Davao del Sur Rep. Mercedes Cagas, nais nitong itodo ang mga prebilehiyong ibinibigay sa mga senior citezens bilang ‘memento’ sa naging kontribusyon umano ng mga ito sa bansa noong kalakasan nila.

Kapag naipasa ang nasabing panukala, malilibre na sa real property tax ang mga senior citizens at maging ang buwis na binabayaran sa pagpaparehistro sa sasakyang nakapangalan sa mga ito.

Kasama rin sa mga gustong ilibre  sa mga matatatanda na edad 60 anyos pataas ay mga court fees , renewal fees at iba pang bayarin sa pagkuha ng mga dokumento tulad ng Professional Regulation Commission (PRC).

Malilibre din ang mga ito ng parking fees sa lahat ng mga commercial establishment, hospital at iba pang establisyemento basta nakapangalan sa kanila ang sasakyan na dala ng mga ito.

Nais din ni Cagas na ilibre sa color-coding ang mga senior citizens o kaya lahat ng sasakyan na may sakay na matatanda  dahil sa kasalukuyan ay kasama ang mga ito sa hindi exempted.

“While the amendments may cover a comprehensive set of privileges, it is but small memento for our appreciation for their sacrifice,” paliwanag ni Cagas sa kanyang panukala.

Sa ngayon ay may 20% ang mga senior citizens sa mga binibiling kailangan tulad ng gamot, pagkain at iba pa bukod sa hindi na rin sinisingil ang mga ito ng value added tax (VAT).

 

Please follow and like us:
Read More

SPECIAL HOSPITAL SA SENIORS IPATATAYO

pinoy senior1

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG mayroong ospital para sa mga bata o ang National Children’s Hospital, kailangang magkaroon din ng pagamutan para lang sa mga matatanda upang mabigyan ang mga ito ng ibayong atensyon.

Ito ang nakasaad sa House Bill 3939 na inakda ni House minority leader Benny Abante dahil wala umanong special hospital sa mga matatandang tulad ng pagamutan para mga bata.

“Filipinos are most vulnerable to health issues when they are very young and when they are very old, but while the the country has the National Children’s Hospital to address the needs of the young, it does not have a counterpart for the nation’s close to nine million senior citizens,” ani Abante.

Ayon sa mambabatas, 8.2% sa 104.9 million Filipino ay edad 60 anyos pataas subalit pagdating ng taong 2030 hanggang 2035 ay aabot magiging 14% a ang kanilang populasyon.

Dapat aniyang paghandaan ito ng gobyerno kaya kailangang magtayo ng National Hospital for Elderly upang matiyak na mapangalagaan ng maayos ang mga ito kapag  sila ay nagkakasakit.

“Given how much our senior citizens have contributed to our country, they deserve our care. Benefits like senior citizen discounts and the like are helpful, but we should not stop there,” ayon sa kongresista.

Sa ngayon  ay mayroong National Center for Geriatric Health (NCGH) na binuksan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2010 kung saan nakapokus ito sa geriatric health ng mga dumaraming bilang ng mga matatanda.

Nasa ilalim ito ng Jose Reyes Memorial Medical Center at nakatayo sa San Miguel Manila subalit hindi umano maituturing na hospital for elderly dahil pawang mga outpatient lamang ang kanilang nabibigyan ng serbisyo.

“Unfortunately, this hospital is not operational because of the absence of a law that allows for its operations,” ayon pa kay Abante.

Please follow and like us:
Read More

LIBRENG PAOSPITAL SA MAHIHIRAP NA SENIOR, ISINUSULONG 

(NI BERNARD TAGUINOD)

BILANG pagtanaw sa utang na loob sa mga matatanda sa kanilang kontribusyon sa bansa, ipinanukala ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ilibre ang mga ito sa pagpapaospital.

Gayunman, sa ilalim ng House Bill (HB) 3701 na iniakda ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, tanging ang mga mahihirap na senior citizens ang ililibre sa pagpapaospital.

“This free hospitalization is a gesture of government that simply acknowledge how indigent senior citizens have worked hard and helped so much in nation building during their productive years,” ani Castelo sa kanyang panukala.

Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang lahat ng mga government hospital na huwag singilin sa pagpapaospital ng mga mahihirap na matatanda sa buong bansa lalo na’t pamahal na ng pamahal ang pagpapagamot.

Bagama’t may ayuda ang gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Health Insurance (Philhealt) at mga charity mula naman sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay malaki pa rin ang ginagastos ng mga nagkakasakit na matatanda kapag naospital ang mga ito.

Marami umano sa mga mahihirap na matatanda ang nagtitiis na lamang dahil sa laki ng gastos sa ospital kahit sa mga public hospital lalo na sa mga gamot na kanilang kailangan.

Dahil dito, kailangan aniyang ilibre na ang mga mahihirap na matatanda kapag nagkasakit ang mga ito ay kailangan ng mga ito na maospital para maagapan ang kanilang sakit.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BERDUGO VS NAGMAMALTRATO SA SENIORS LAGOT KAY POE

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

ISINUSULONG ni Senador Grace Poe ang panukala na magbibigay proteksyon sa senior citizen laban sa anumag pag-abuso at pagpapabaya.

Sa kanyang Senate Bill No. 946 o ang panukalang “Elder Victim Assistance Act”, iginiit ni Poe na dapat nang isabatas ang assistance program sa mga biktima ng elder abuse at training sa health at government professionals na mangagalaga sa mga ito.

“Maswerte tayo kung kasama natin ang mga senior citizen sa ating bahay. Pero paano na ‘yung mga nag-iisa, ‘yung mga nakikitira o kaya naman ay walang kamag-anak. Walang araw na lumilipas na hindi sila nakakaranas ng pagwawalang-bahala o kaya abuso,” saad ni Poe.

“Gamitin natin ang pagkakataong ito para ipaglaban ang kanilang karapatan at siguruhin na maayos ang kanilang buhay sa pagtanda, dahil lahat tayo ay tatanda rin,” dagdag ng senador.

Nakasaad sa panukala ang pagtatag ng inter-agency task force upang ipatupad ang Elder Victim Assistance Program.

Mandato nito na magpatupad ng immediate, short-term emergency services, kabilang ang pagbibigay ng matutuluyan, care services, pagkain, pananamit, transportasyon patungo sa medical o legal appointment at anumang life services na kailangan ng biktima ng pag-abuso.

Saklaw din nito ang Counselling at tulong sa mga ito para sa pag-aaccess sa healthcare, educational, pension o iba pang benepisyo.

Tungkulin din ng task force ang pagbibigay ng mental health screenings upang amtukoy ang posibleng mental health disorders tulad ng depression o substance abuse.

Dapat din itong magbigay ng emergency legal advocacy  gayundin ang Job placement assistance at impormasyon sa employment, training, o volunteer opportunities.

Magbibigay din ang task force ng bereavement counseling at edukasyo para makaiwas sa pag-abuso.

Ang task force ay pamumunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang pondo nito ay magmumula sa annual appropriations ng ahensya.

Sinabi ni Poe na bagama’t nananatili ang tradisyon ng mga Pinoy na pangalagaan ang matatanda, nagkakaroon naman ng pagkakataon na napapabayaan ang mga ito dahil sa hirap ng ekonomiya,

“As elders become frailer, they are less able to stand up to bullying or to fight back if attacked. They may not see or hear as well or think as clearly as they used to, leaving openings for unscrupulous people to take advantage of them,” saad ni Poe sa panukala.

Please follow and like us:
Read More

SIMPLENG MGA EHERSISYO SA SENIORS

EHERSISYO-2

Nakababahala ngayon ang ating mga senior citizen dahil marami sa kanila na kapag tumuntong na ng 60-anyos ay iba’t iba na ang nararamdaman sa katawan at sa kanilang kalusugan.

Ang mas nakalulungkot pa rito ay kahit wala sa edad na nabanggit ay marami na sa atin ang mahihina na ang katawan dahil lantad din tayo sa iba’t ibang mga bagay na nakasisira sa ating mga kalusugan.

Para sa mga nasa edad 50 pataas o sa ating senior citizens lalo pa’t kung may malakas pa silang pangangatawan at matibay-tibay pa ang mga resistensya, may mga paraan pa rin para gumanda ito at humaba ang kanilang mga buhay.

Sa ganyang mga edad dapat ay maging physically active pa rin sila para sa kanilang heart muscles at arteries o mga ugat.

Kahit pa nasa bahay ay may iba’t ibang paraan para sila ay makapag-unat-unat sa paraang hindi naman intense at hindi delikado para sa kanila.

Ilan sa mga puwedeng gawing safe na exercises ay ang mga sumusunod:

  1. Wall push-up. Gawin ito kahit bumilang ng 1-10 o hanggang 20 depende kung kaya ng katawan.
  2. Single foot stand. Salitang gawin ito sa magkabilang binti at tingnan kung kakayanin ang tagal base sa bilang.
  3. Tippy toe lifts. Simple lamang ito para maiangat ang buong katawan habang itinataas ang hulihang bahagi ng talampakan.
Please follow and like us:
Read More

PWDs, SENIORS PWEDE NA MAGTRABAHO SA MAYNILA

iskomoreno44

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI na hadlang ang edad at may kapansanan para makapagtrabahong muli sa Maynila.
Ito ay makaraang atasan ni   Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso si Public Employment Services Office Head Fernan Bermejo na kausapin ang management ng  mga fast food chain para  tumanggap ng mga manggagawang  senior citizen at Person with Disabilities (PWDs).

“Kayong mga senior, mag-exercise na kayo. Dahil si Fernan Bermejo ay inatasan ko nang tupdin ‘yung commitment natin na tumanggap ang mga Jollibee, McDonald’s, lahat ng food chains ng senior citizen including PWDs,” ani Moreno.

Binigyan-diin ni Moreno  na  magandang oportunidad ito  sa mga senior citizens at PWDs na magtrabaho pa rin kung kaya pa naman at kung nais pa ng mga ito na muling maghanapbuhay.

Sanhi nito, hinikayat  ni Moreno ang lahat ng fast food chains sa lungsod na mag-hire ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) bilang crew.

“If Americans can do it, if Singaporeans can do it, if Japanese can do it, why not Manileños?” giit ng alkalde.

Nabatid na sa record, may bilang pa ang mga senior citizens na kinakailangan pa ring maghanapbuhay para  may pantustos sa sariling mga pangangailangan at ang iba ay may  pamilya pa rin na kinakailangang buhayin.

Malaking tulong sa mga senior citizen at PWDs ang pagkakaroon ng  trabaho na makapagbibigay sa kanila ng maayos na pagkakakitaan.

Magugunita na bilang tulong ni Moreno sa mga senior citizen at PWDs ay nilagdaan nito ang    ordinansang magbibigay ng ₱500 allowance sa mga senior citizens at PWDs kada buwan.

Please follow and like us:
Read More