90 PULIS SIBAK MULA OKTUBRE — PNP

0

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT na sa 90 ang bilang ng mga pulis na sinibak sa tungkulin sa loob ng nakalipas na dalawang buwan, matapos masangkot sa ibat-ibang illegal na gawain.

Ito ang ibinunyag  ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge P/Lt. Gen. Archie Gamboa nitong Sabado sa isang  interview matapos ang isinagawang inspection sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

“We have dismissed almost 90 policemen for the last 2 months, or an average 2 policemen every day,” pahayag ni Gamboa sa media.

Idinagdag pa ni Gamboa na nitong Biyernes lamang ay nilagdaan niya ang dismissal order laban sa ilang police colonel upang ipakita na hindi nila sasantuhing patawan ng parusa kahit mga matataas na opisyal sa kanilang hanay.

Ang pagsibak sa mga tiwaling pulis ay bilang kaparusahan alinsunod sa pinaigting na internal cleansing sa PNP.

Simula ng manungkulan bilang OIC ng PNP, itinuturing ni Gamboa na isang malaking hamon sa pambansang pulisya na mapanumbalik ang tiwala sa kanila ng publiko.

Gayunman nangako si Gamboa na higit pa nilang palalakasin  ang umiiral na internal cleansing laban sa mga tiwaling miyembro ng PNP.

 

Read More

PAGSIBAK KAY LENI ‘DI KAILANGAN NG OFFICIAL ORDER — PANELO

0

(NI CHRISTIAN DALE)

HINDI na kinakailangan pang maglabas ng opisyal na komunikasyon ang Office of the President kaugnay ng naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Leni Robredo sa ICAD.

Sa pulong balitaan sa Busan, South Korea, binigyang diin ni Chief Presidential Spokesperson Salvador Panelo na saklaw si Robredo ng polisiyang “serving at the pleasure of the President” lalo at nasa Pangulo ang appointing authority.

Nasa kapangyarihan din, ani Panelo, ang pagpapaalis sa kaninumang itinalaga ng Punong Ehekutibo sa isang puwesto, anumang oras na naisin nito nang hindi na kailangan pang mag- isyu ng official order na manggagaling sa Office of the President.

Oktubre 31 nang lagdaan ng Presidente ang appointment papers ni Leni sa ICAD bilang co- chair.

Tinanggap naman nito ang posisyon pero hindi na tumagal pa ng isang buwan ang pagiging bahagi nito sa ICAD kasunod ng termination sa tungkulin nito sa Inter- Agency Committee on Illegal Drugs.

Read More

LENI SINIBAK NI DUTERTE

0

SINIBAK na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea, Linggo ng gabi, ang balita.

Nagdaos din si Palace Spokesperson Salvador Panelo ng press conference na nagsabing tinanggal na si Robredo base na rin sa suhestiyon ni Liberal Party President, Senator Francis Pangilinan, na tanggalin na lamang si Robredo sa posisyon.

Sinabi ni Panelo na ang pagkakatalaga kay Robredo sa ICAD ay upang bumuti ang kampanya kontra droga.

“Unfortunately, she wasted such opportunity and used the same as a platform to attack the methods undertaken by this Administration,” ayon pa kay Panelo.

Ang pagkakasibak kay Robredo ay matapos ang dalawang linggong pagkakatalaga sa kanya sa anti-drug body.

Read More

27 OPISYAL NG PNP-CSG SIBAK SA PUWESTO

0

(NI AMIHAN SABILLO)

NAGPATUPAD na rin ng malawakang balasahan ang Philippine National Police Civil Security Group sa mga under units nito tulad ng FEO o Firearms and Explosives Office at Supervisory Office for Security and Investigation o (SOSIA)

Ito ang inihayag ni PNP Civil Security Group Director P/MGen. Roberto Fajardo Jr, kasabay ng pag-amin na sinibak at inilagay sa floating status ang may 27 opisyal ng mga nabanggit na units ng CSG dahil sa kabiguan ng mga ito na sugpuin ang katiwalian sa kani-kanilang units

Ilan Lang sa mga sinibak sina P/LtC. Noli Asuncion, P/LtC. Lorenzo Cobre at P/LtC. Omer Cuadro ng FEO gayundin sina P/LtC. Ali Jose Duterte at P/LtC. Antonio Bilon ng SOSIA gayundin ang mga Section Chiefs ng mga unit na ito

Iginiit ni Fajardo na nais niyang tuldukan ang tinatawag na Piso Click Transaction o panghihingi ng padulas para pabilisin ang proseso ng pagkuha ng mga permit gayundin ng lisensya

Dagdag pa nito, marami rin sa mga tauhan ng SOSIA ang hindi pumapasok dahil sumasideline bilang Consultant sa iba’t ibang mga Security Agencies

Sa huli, nagbigay ng ultimatum si Fajardo sa mga nabanggit na unit na ayusin ang kanilang hanay sa loob ng tatlong buwan bago siya muling magpatupad ng panibagong balasahan.

 

Read More

454 PULIS SA ILEGAL NA DROGA, SINIBAK

pnp55
0

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT na sa 454 na mga police personnel na napatunayang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga ang sinibak sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) na kabilang sa sa mahigit 9,000 tiwaling mga pulis na kinasuhan ng adminsitrabo simula July 2016, alinsunod sa kanilang pinaigting na internal cleansing.

Sa datos na ibinigay ni PNP Officer In Charge P/Lt.Gen. Archie Gamboa, sa isang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes, lumalabas na 352 sa kabuuang 454 ang nagpositibo na gumagamit ng droga habang 102 naman sa kanila ang may kaugnayan sa iba’t ibang transaksyon ng ipinagbabawal na gamot.

Sa kabuuan mula July 2016-September 20, nasa 9,172 mga pasaway na pulis na ang pinatawan ng kaukulang parusa sa mga kasong administratibo bunga ng pagkakasangkot sa mga gawaing kriminal at paglabag sa kanilang panuntunan.

Sa nasabing bilang 2,806 sa kanila ang natanggal sa  serbisyo, kabilang  ang 454 na sangkot sa droga, 535 ang mga na- demote ng ranggo, 4,721 naman ang nasuspinde sa tungkulin, 762 ang reprimanded, 60 ang pinagbawalang lumabas ng kanilang mga quarters, 208 ang binawian ng sweldo habang naman 80 ang pansamantaang tinanggalan ng mga pribilehiyo.

Nito lamang nakalipas na siyam na buwan, 2,286 na PNP personnel ang naharap sa mga kahalintulad na kasong administratibo patunay na seryoso ang pambansang pulisya sa kanilang kampanya laban sa mga tiwali nilang miyembro.

“The involvement of a few of our personnel in illegal drugs and other forms of corruption is likewise a scourge. Therefore, I demand that not only the Integrity Monitoring Enforcement Group but equally so all the Regional and Provincial Directors as well as the Chiefs of Police to lead in rooting out and destroying this menace. I expect no less,” pahayag ni Gamboa sa media.

Hiniling din ni Gamboa sa publiko na tulungan ang PNP sa pagbibigay ng mga impormasyon laban sa mga pasayaw na pulis at sa mga high value targets bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Read More

SANGKOT SA GCTA SA BUCOR SIBAKIN LAHAT! –DU30

0

(NI HARVEY PEREZ)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na gugulong ang ulo ng lahat ng opisyal at personnel ng Bureau of Correction (BuCor) na mapatutunayang sangkot sa korupsiyon.

Kasunod nito, iniutos ni Duterte na pansamantalang mamuno sa BuCor, ang ‘next in rank’ ng mga  employees ng mga sinuspindeng prison official sa naganap na pagpapalaya ng mga convicts  ng heinous crime sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ay habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa mga lumutang na korupsiyon.

“Like the President said, our investigation is ongoing so that we will find out all types of corruption there, so that heads will be rolling other than the suspension made by the Ombudsman,” ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo.

Una nang sinabi ni Duterte na aalisin niya ang lahat ng BuCor officials na masasangkot sa korupsiyon lalo na ang mga sangkot sa maagang pagpapalaya  ng mga bilanggo.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra,  na gusto niyang makuha muli ang kontrol sa BuCor matapos sumingaw ang korupsiyon.

Sinabi ni Guevarra na panahon na para rebisahin ang batas na ipinatupad kung bakit nawalan ng kontrol ang DOJ sa BuCor.

Nalaman na ang  Republic Act No. 10575, ang pinagbasehang batas kung kaya nawalan ng kontrol ang DOJ sa BuCor.

 

Read More

FAELDON: WALA NA AKONG PASAN SA BALIKAT

faeldon55
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

BAGAMA’T late ng limang oras, sumipot din sa pagdinig ng Senado hinggil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang sinibak na si Bureau of Correctiosn (BuCor) Director Nicanor Faledon.

Kasabay nito, inamin ni Faeldon na masaya siya sa kanyang sitwasyon ngayon lalo pa’t wala na siyang pasan sa kanyang balikat.

“I’ve never been happier than now. In a way na pag wala nang yoke sa balikat mo, you can soundly sleep,” saad ni Faeldon.

Ipinaliwanag ng legal counsel ni Faeldon na si Atty. Jose Dino na sa kanilang pagkakaalam ay alas-3 ng hapon ang pagdinig.

Katunayan, ipinaalam pa anya ng kanilang kampo sa Senado na sa kanilang original na schedule, Huwebes ng umaga ay dadalo pa ang dating Marine Captain sa budget hearing sa Kamara at saka magtutungo sa Senado pagdating ng hapon.

Gayunman, nagulat anya sila na biglang nabago ang oras ng pagdinig kasabay ng pagtanggi na nagpadala sila ng mensahe sa Senado na hindi ito makadadalo.

Sa pagsisimula ng pagdinig, kinumpirma ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Richard Gordon na nagpadala ng text message ang abogado ni Faeldon at nakikiusap kung maaari hindi na dadalo ang kanyang kliyente sa pagdinig.

Sa kabila naman na may subpoena na ipinalabas laban kay Faeldon, sinabi ni Gordon na nagdesisyon ang komite na huwag munang patawan ng parusa ang sinibak na opisyal.

“We will not put him under any sanction,” saad ni Gordon.

Gayunman, kung may mga impormasyon anya na mangangailangan ng paglilinaw ni Faeldon ay oobligahin nila itong muling dumalo.

Read More

HIGIT 1-K PINALAYANG CONVICT INILAGAY SA BI LOOKOUT

0

(NI HARVEY PEREZ)

IPINALAGAY ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Immigration Look-out Bulletin Order (ILBO), ang higit sa 1,000 convicts na pinalaya sa ilalim ng Good Conduct  Time Allowance (GTCA).

Inatasan din ni Guevarra ang lahat ng paliparan at daungan na i-monitor nang mabuti.

Gayunman, sinabi ni Guevarra na hindi basta basta mapipigilan ang mga inmate kung lalabas sila ng bansa.

Samantala, sinabi ni Guevarra na may 10 na sa mga pinalayang inmate ang nagpahayag na susuko, kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa kulungan ang may 1,700 convicts.

Gayundin, sinabi ni Guevarra na posibleng ideklarang ‘fugitives’ ang mga pinalabas na inmate kung hindi sila susuko sa loob  ng 15 araw na grace period at doon na papasok ang warrantless arrest.

Samantala, nalaman na nag-impake na sa kanyang tanggapan ang nagbitiw na Bureau of Correction (BuCor) chief Nicanor Faeldon.

Dumating umano si Faeldon sa BuCor ng alas 2 ng madaling araw, kasama ang kanyang asawa at dalawang anak, at nagligpit ng kanyang gamit.

Pinagbilinan pa umano ni Faeldon ang kanyang mga tao na pagbutihin ang kanilang trabaho dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maglingkod sa bayan.

Read More

SIBAK KAY FAELDON ‘DI SAPAT; MANAGOT DAPAT — SOLONS

faeldon1
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGBUNYI  ang mga mambabatas sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Bureau of Correction (Bucor) director general Nicanor Faeldon subalit kailangang panagutin ito sa pagsalaula sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sa pagkakahiwalay na reaksyon, ikinatuwa ng mga mambabatas sa Kamara ang aksyon ni Duterte laban kay Faeldon  subalit kailangang mapanagot ang dating opisyal dahil kung hindi ay walang maniniwala sa anti-drug at anti-corruption campaign ng Pangulo.

“Charges must be filed against him and the others who made a mockery of our laws,” ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate  lalo na’t mga Chinese drug lords, rapist at mga mamamatay tao ang kanyang pinakawalan.

Simula noong maging batas ang GCTA law o Republic Act (RA) 10592 ay 1,914 heinous crime convicts na kinabibilangan ng 797 mamamatay tao, 758 rapist at 48 drug lords.

“If the President is serious against corruption and genuinely aims to rid his administration of illegal activities, the buck should not stop with Faeldon and it should not stop with dismissal,” ayon naman kay ACT party-list Rep. France Castro.

Sinabi naman ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago na kung hindi maparurusahan si Faeldon ay malaking kabalintunaan na aniya ang kampanya ni Duterte laban sa illegal drug at katiwalian sa gobyerno.

Ginawa ni Elago ang pahayag dahil hindi napanagot si Faeldon sa P6 billion halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC) noong siya pa ang hepe ng nasabing ahensya.

Read More