MANDATORY ROTC SA SENIOR HS

SIDEBAR

Pasado na sa House of Representatives ang House Bill 8961 na muling bubuhay sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga kabataang naka-enroll sa Grade 11 at 12 na tinatawag ding Senior High School.

Kasing-edad rin ng mga Grade 11 at 12 ang mga dating estudyante sa first at second year college kung saan mandatory ang ROTC sa apat na semester sa ilalim ng subjects na Military Science (MS) 11 and 12 para sa freshmen at MS 21 at 22 sa sophomore.

Basic military training ang sakop ng MS 11-22 kaya mga non-commissioned officer rank (may ranggong sarhento) ang ibinibigay sa mga nagtatapos nito. Para sa mga gustong maging commissioned officer (may ranggong tinyente), may advance ROTC na puwede nilang kunin pagkatapos ng Basic ROTC.

Masama ang na¬ging konotasyon ng ROTC noong panahon ng Batas Militar dahil sinasabi ng mga ak-tibista sa mga uni¬bersidad na instrumento ito ng Rehimeng Marcos para gawing pasista ang kaisipan ng mga kadete ng ROTC.

At dahil naging instrumento ang ROTC ng diktadurang Marcos, binuwag ang ROTC bilang mandatory subject sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Cory at kahalili nito ang civic action gaya ng pagtatanim ng puno at paglilinis ng mga kagubatan at karagatan.

Pero dahil na rin sa pangangailangan na magkaroon ng isang “citizen army” na handang lumaban sa-kaling may mga lulusob na mananakop sa bansa (gaya ng China halimbawa), muling binuhay ang man-datory ROTC na mukhang makakapasa rin sa Senado.

Sa mga bansang gaya ng South Korea at Singapore, National Service ang tawag sa ROTC pero mas ma-higpit ang basic training dito na tumatagal ng dalawang taon. Ito’y dahil na rin sa banta sa kanilang se-guridad – North Korea laban sa South Korea; Malaysia laban sa Singapore.

Kasama sa basic training ang tatlong buwan na live-in training sa mga kampo na malayo sa syudad kung saan tuturuan silang humawak at gumamit ng mga baril at ang aktwal na combat exercise.

Pagkatapos ng basic training ay bibigyan sila ng assignments sa mga kampo na kabilang sa dalawang taong national service gaya ng nangyayari sa Singapore. Libre rin ang lahat ng uniporme at equipment ng mga nasa NS at may monthly allowance pa ang mga ito na katumbas ng P25,000.

Mayamang mga bansa ang Singapore at South Korea kaya hindi kayang gawin dito sa Pilipinas ang na-tional service na libre lahat ng gamit ng mga kadete at may monthly allowance pa mula sa gobyerno.

Kung libre siguro ang ROTC at may buwanang suweldo pa mula sa Department of National Defense ay malamang na hindi na mag¬rereklamo ang mga militanteng kongresista gaya nina ACT Teachers Repre-sentatives Antonio Tinio at France Castro na tutol sa pagpasa ng H.B. 8961.

Ito ang posisyon ng ACT pasty-list group: “Institutionalizing the mandatory ROTC in senior high schools will be another tool of the Duterte administration to repress students rights, open the gates for the militarization of schools and more aggressive attacks against critics of the regime among the youth.

“Institutionalizing mandatory ROTC will never instill patriotism among the youth.”

Dahil pasado na sa mababang kapulungan ang Mandatory ROTC Bill, Senado na lang ang hinihintay pa-ra magpasa ng katulad na panukalang batas at kung magkakagayon ay magkakaroon ng bicameral con-ference committee na magsasapinal ng bersyon ng batas. Sigurado namang lalagdaan ito ni Pangulong Duterte na pabor sa ROTC.

Abangan… (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:
Read More

DAPAT KASUHAN ANG MGA NARCO-POLS

SIDEBAR

Sa kabila ng kampanya ng Department of Interior and Local Government laban sa 46 lokal na opisyal na sinasabing narco-politicians, 27 sa 37 tumakbo para sa re-election at ibang posisyon ang nanalo sa halalang Mayo 13.

Sa 27 na narco-pols na nanalo, 18 ay binoto muli sa parehong posisyon samantalang walong incumbent mayor at vice mayor ang nanalo sa ibang posisyon dahil sa term limit na itinatadhana sa ating Saligang Batas.

Kabilang sa mga nanalong narco-pols ay 18 mayor, tatlong vice mayor, dalawang kongresista, isang vice governor, isang provincial board member at isang konsehal. Ang mga ito ay miyembro ng mga partido politikal gaya ng PDP-Laban (6), Nationalist People’s Coalition (6), Nacionalista Party (6), National Unity Party (2), Lakas (2), Kilusang Bagong Lipunan (1) at tatlong independiente o walang partido.

Ang mga nasabing narco-pols ay nasa listahan ni Pa¬ngulong Rodrigo Duterte at ang punong ehekutibo mismo ang naglabas ng narco-list noong 2016 o tatlong taon bago pa man magsimula ang kampanya para sa May 13 elections.

Noong Marso, naghain ng administrative complaint ang DILG sa laban sa 46 na incumbent local officials dahil sa kanilang pagkakasangkot sa ilegal na droga bilang operator o protektor. Kasama sa kinasuhan ng DILG ang 35 mayor, pitong vice mayor, isang provincial board member at tatlong kongresista.

Hindi lang malinaw kung bakit walang criminal complaint ang isinampa laban sa 46 na narco-pols gayung ang Philippine Drug Enforcement Agency data ang nangalap ng ebidensya at ang natu¬rang ahensya rin dapat ang naghain ng kasong kriminal laban sa mga ito.

At ang nakakagulat din ay sa kabila ng kanilang pagi¬ging narco-pols ay nanalo pa rin ang 27 sa kanila gaya ng iniulat ng Philippine National Police.

Maging si DILG Secretary Eduardo Año ay dismayado sa pagkapanalo ng mga narco-pols dahil lumalabas na kulang pa rin talaga sa “political maturity” ang mga botante.

Paliwanag ni Secretary Año: “Our voters seemed not mature enough, but then the public has spoken, the people have spoken… It is now my job to ensure that these government officials will do their jobs in accordance to the mandate of the Local Government Code.”

Ang malaking katanungan nga ay kung bakit sa kabila ng administrative complaint laban sa mga narco-pols ay kung bakit hindi naalerto ang Anti-Money Laundering Council para tingnan ang mga bank accounts ng mga nasabing politiko at kung may kahina-hinalang mga transaksyon ay agad na na-freeze para hindi nagamit sa eleksyon.

Dapat din sanang gumalaw ang Bureau of Internal Revenue kung ang binabayad na buwis ng mga narco-pols ay tumutugma sa istilo ng kanilang pamumuhay gaya ng mga uri at dami ng bilang ng mga sasakyan, bahay at ang malimit na pagbiyahe sa ibang bansa.

Minsan nang nagreklamo si Pangulong Duterte na ang pangunahing kalaban niya pagdating sa drug war ay ang gobyerno mismo lalo pa’t ang tone-toneladang shabu na pumapasok sa bansa ay nagdaraan mismo sa Bureau of Customs.

At sa pagkapanalo ng mga narco-pols, gobyerno pa rin ang problema dahil hanggang ngayon ay walang criminal complaint laban sa mga ito na madali sanang gawin kung mahusay ang kooperasyon ng mga ahensya ng pamahalaan gaya ng DILG, PDEA, AMLC at BIR.  (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:
Read More

HINGGIL SA MGA BOBONG MASA AT PAINTELEKTWAL NA BOTANTE

SIDEBAR

Nakakalungkot basahin ang mga naglalabasang komentaryo sa social media kung saan binabansagang mga “bobo” at “idiots” ang mga masa na bumoto sa mga kandidato ng administrasyon samantalang ang mga maka-Otso Deretso ay mga matatalino at intelektwal na botante.

Humantong na rin sa punto na kailangang i-bash, kutyain at insultuhin ang mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na isang indikasyon na masyadong emosyonal ang mga maka-oposisyon dahil hindi nila lubusang naiintindihan ang dinamismo ng electoral politics sa ating bansa.

Isa sa pinakamatindi umanong insulto at pag-aalipusta ang nagbabalik-Senadong si Bong Revilla na sa kabila ng pagpapawalang-sala sa kanya ng Sandiganbayan sa kasong plunder ay patuloy na sinasabihang “magnanakaw” at “mandarambong” lalo pa kung umaangat siya sa loob ng “Magic 12” base sa unofficial count ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV.

Kung pag-aaralan lang sana ng mga millennials at mga nag-aastang intelektwal sa social media ang pasikut-sikot ng political campaigning, hindi sila sana magiging emosyonal sa kanilang mga kandidato sa pagka-senador kung hindi man pumapasok ang mga ito sa “Magic 12.”

Mahilig na rin lang silang mag-online sa internet, bakit hindi nila i-search ang website ng Pulse Asia o ng ABS-CBN kung saan naka-post ang lahat ng surveys ng patungkol sa May 13, 2019 senatorial race.

Kung wala mang taga-Otso Deretso na pumapasok sa “Magic 12” ng senatorial race, hindi ito nakakagulat kung pagbabasehan ang pinakahuling survey ng Pulse Asia ilang araw bago ang May 13 elections.

Narito ang mga senador na pumapasok sa “Top 15” at ang kanilang posibleng puwesto base sa May 3-6 Pulse Asia survey: Cynthia Villar-1; Grace Poe, 2-3; Pia Cayetano, 2-4; Bong Go, 3-7; Bong Revilla, 4-8; Lito Lapid, 4-9; Bato de la Rosa, 4-9; Sonny Angara, 5-10; Imee Marcos, 6-14; Nancy Binay, 8-15; Koko Pimentel, 9-15; JV Ejercito, 9-15; Jinggoy Estrada, 9-15; Bam Aquino, 9-15 at Francis Tolentino, 10-15.

Kahit balikan ang mga naunang survey ng Pulse Asia noong panahon ng kampanya, makikita na ang mga nabanggit na kandidato rin ang pumapasok sa “Top 15” at maliban kay Aquino ng “Otso-Deretso,” minsan ding pumasok ang pangalan ni Mar Roxas.

Hindi nakaukit sa bato ang resulta ng survey dahil nananatiling dinamiko ang kondukta ng kampanya at alam ng mga campaign strategist na nagsisilbing “guide” ang mga survey para paghusayin ang kampanya at matukoy kung saang mga lugar dapat magpalakas at kung saan dapat konsolidahin ang mga tradisyunal na base na may “command votes.”

At kung nagbabagu-bago ang posisyon ng mga kandidato pagdating ng aktwal na bilangan ng boto ay sanhi ng mga iba’t ibang salik gaya ng endorsement ng maimpluwensyang Iglesia ni Cristo na kilalang bumuboto bilang isang bloke. Tinatayang nasa 1.5 million votes ang kayang i-deliver ng INC at malaking bagay ito lalo na sa mga kandidatong nasa ilalim ng “Ma­gic 12” o ang mga kandidato na nasa mga posisyong 9-12.

Naririyan din ang endorsement value ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayon din sa Pulse Asia ay nasa 20 percent na lubhang malaki kung kaya hindi nakakapagtaka kung bakit walang pumapasok na taga-Otso Deretso sa “Magic 12.” Nasa 10-13 percent naman ang endorsement value ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na personal na nangampanya sa mga senatorial candidates ng Hugpong ng Pagbabago at lahat ito ay pasok sa “Magic 12.”

At kung pag-aaralan lang ng mga paintelektwal na millennials ang class structure ng Pilipinas, makikita nilang hugis tatsulok ang lipunan at ang pinakamarami ay ang Class “D” and “E” na tumutukoy sa mga anak pawis — manggagawa, magsasaka, tindera sa palengke, mga basurero, driver ng jeepney, tricycle at pedicab.

Ang “bobong masa” ang nagpapanalo sa anumang eleksyon partikular sa nasyunal at hindi ang mga maya­yamang Class “A” and “B” at mga edukadong Class “C” o ang middle class.  Kailangan lang pag-aralan ang dinamismo ng electoral politics para mas maging obhetibo ang pagtingin sa resulta ng eleksyon at hindi maging emosyonal hanggang sa puntong sa­sabihing dinaya ang kanilang kandidato kapag natalo.  (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:
Read More

MALAS PA RIN ANG NUMERO 13 KAY ERAP

SIDEBAR

Ika-13 na pangulo ng Republika si President Joseph Ejercito “Erap” Estrada at sinasabing malas ang numero 13 sa kanya kung kaya siya ang kauna-unahang pangulo na na-impeach ng Mababang Kapulungan noong taong 2000.

Hindi natapos ang kanyang impeachment trial dahil sa gitna ng napipintong acquittal ni Pangulong Erap ay naganap ang EDSA 2 na siyang nagpabagsak sa kanyang administrasyon at pinalitan ng gobyerno ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nitong nakaraang Mayo 13 ay muling minalas si President-Mayor Erap dahil base sa resulta ng bilangan ng boto sa Maynila ay malaki ang lamang sa kanya ng dating kaalyado at Vice Mayor Isko Moreno at kulang na lang ang proklamasyon ng Commission on Elections sa bagong alkalde ng Maynila.

Hindi nakakagulat ang pagkatalo ni President-Ma­yor Erap kay Isko Moreno dahil nakita naman ito sa resulta ng mga survey ng polling firms na may kredibilidad at track record.

Nang hindi makuha ni Erap ang endorsement ng maimpluwensyang Iglesia ni Cristo, marami ang nagsabing tapos na ang eleksyon dahil batid ng kampo ni Estrada na INC lang ang nagpanalo sa kanya sa Maynila kung saan lumamang siya kay Alfredo Lim ng 30,000 votes noong 2013 at 3,000 na lamang noong 2016.

Kahit nga hindi pa nagsisimula ang kampanya ay nararamdaman ng mga Manilenyo ang mga batayang problema ng lungsod gaya ng tambak na basura nitong mga nakaraang buwan bago ang simula ng kampanya.

Mismong ang tapat ng aming bahay sa 4th District (Sampaloc) ay naging tambakan ng mga basura dahil hindi dumarating ang mga garbage truck para kunin ang mga basura ng residente na dati-rati ay tatlong beses sa isang linggo.

Hindi rin nasolusyunan ng anim na taong administrasyon ni Erap ang mga nakabalagbag na mga jeepney at sasakyan sa mga gilid ng kalsada kung kaya nagkakaroon palagi ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Maynila.

Sa pagkakaalam ko, nagrereklamo rin ang mga senior citizen dahil kailangan pa nilang pumila at pumirma para kunin ang kanilang financial subsidy sa City Hall gayung puwede namang bahay-bahayin na lang ang mga senior citizen na hirap nang lumakad.

Isa sa pinagmamalaki ng administrasyon ni Erap ay libreng panganganak at libreng palibing sa lahat ng mga lehitimong residente ng Maynila. “From womb to tomb” ang tawag niya sa naturang programa na kanya ring ginawa noong mayor pa siya ng San Juan.

Nakakapagtaka lang kung bakit walang statistics na inilabas dito ang City Hall para maipakita kung ilan ang bilang ng mga nanay sa Maynila na naging libre ang panganganak at kung ilang patay ang nabigyan ng libreng libing.

Kung naging konsistent lang sana ang nasimulang magandang palakad sa Maynila, mahirap sanang tibagin si Erap lalo pa’t third termer na siya. Ibig sabihin lang ay hindi nasiyahan ang mga Manilenyo kabilang na ang mga may puwesto sa palengke na nagrereklamo sa mas mataas na renta dahil sa modernisasyon ng mga palengke.

Kaya marahil pati ang anak ni Erap kay Laarni Enriquez na si Jerika ay hindi rin pinalad na manalo bilang konsehal sa 4th District (Sampaloc) dahil nga marami ang hindi na nasisiyahan sa palakad ni Mayor Erap.

Maliban sa pagiging malas ng numero 13 kay Erap, naniniwala ang kolumnistang ito na naglaho na rin ang “Erap Magic” na siyang dahilan kung bakit pati ang mga Estradang kandidato sa iba’t ibang posisyon ay minalas na rin sa kanilang pagtakbo sa eleksyon ng Mayo 13. Nakakalungkot. (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:
Read More

NAPIPINTONG SELF-DESTRUCTION NI ADVINCULA ALYAS BIKOY

SIDEBAR

Kung matutuloy ang Se­nate inquiry bukas, araw ng Biyernes, hinggil sa mga alegasyon ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, inaasahang malalantad ang mga kasinu­ngalingan na ikinakalat ni Bikoy laban sa ilang mga personalidad.

Committee on Public Order and Illegal Drugs na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson ang magsasagawa ng imbestigasyon kay Bikoy pero ngayon pa lang ay sinasabi na ng senador na tuluyang mahuhubaran ang sinasabing whistleblower base na rin sa ibinigay nitong sworn statement kay Senate President Tito Sotto noong 2016.

Sinabi ni Lacson na Di­syembre 2016 unang naki­pag-ugnayan si Bikoy kay SP Sotto at ipinadala ng senador ang kanyang staff sa New Bilibid Prisons para makausap siya at makunan ng sinumpaang salaysay.

Convicted sa salang estafa si Advincula at nahatulan siya ng anim na taong pagkakakulong sa NBP mula 2012 hanggang lumaya ito nang mas maaga sa 2018 dahil sa good behavior sa loob ng Bilibid.

Ayon kay Lacson, naalala ni Sotto ang pangalang Peter Advincula kung kaya pinahanap ng senador sa kanyang files ang sulat sa kanya ni alyas Bikoy pati na ang kopya ng kanyang sinum­paang salaysay noong 2016. “Matapos ang pagpapahayag ni SP Sotto palagay ko mauunawaan ng publiko na wala na ring saysay pakinggan si Bikoy,” ani Lacson.

Kinumpirma ni Sotto ang pahayag na ito ni Lacson at sinabing base sa December 2016 statement ni Advincula, inakusahan ni Bikoy na sangkot sa “Quadrangle” drug syndicate sina Pangulong Noynoy Aquino, Interior Secretary Mar Roxas at Justice Secretary Leila de Lima.

Ayon pa kay Advincula, si Aquino at ang kanyang dalawang Cabinet secretary ay “patron” ng mga sindikato ng droga kabilang ang iba pang opisyal na hindi niya pinangalanan.

Dahil hindi pinansin si Advincula noong 2016, nag-iba na siya ng tono at nang makalaya sa NBP ay hindi na sina Pangulong Aquino, Roxas at De Lima ang kanyang isinasangkot sa ilegal na droga kundi ang anak ni Pangulong Duterte na si Paolo, dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go at si Atty. Manassas Carpio na asawa ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Hindi na rin pinansin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) si Advincula dahil na rin marahil sa nakita nitong mga kontradiksyon at hindi kapani-paniwalang mga alegasyon na walang ano mang katibayan o ebidensya.

Kaya dapat matuloy ang Senate inquiry bukas kay Bikoy nang sa gayon ay ma­kita ng publiko kung anong klaseng pagkatao mayroon si Advincula at kung may maipapakita itong ebidensya para suportahan ang kanyang mga akusasyon.

Nakadepende sa pagdalo ni Bikoy sa Senado bukas kung matutuloy ang imbestigasyon ni Senador Lacson. Ayon na rin sa senador, humihingi ng mas mahabang panahon si Advincula at kung maaari ay pagkatapos na lang ng eleksyon ang Senate inquiry. Abangan… (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:
Read More

VOTE BUYING

SIDEBAR

Ipinagbabawal ng Omnibus Election Code ang pamimili ng boto ng mga kandidato o mga taga-suporta nito pero sa kabila ng pagiging ilegal ng vote buying ay palasak pa rin ito tuwing panahon ng eleksyon.

Diskwalipikasyon ng kandidato ang pinakamabigat na parusa sa vote buying pero i­lang eleksyon at presidente na ang nagdaan ay wala ni isang kandidato ang nadiskwalipika o natanggal sa puwesto dahil sa pamimili ng boto.

Mismong ang Commission on Elections ay aminado na kahit may mahuling umano’y mga namimili ng boto ay mahirap itong mapatunayan kung walang mag-aakusa na mga botante na binibili ang kanilang boto.

Isang halimbawa rito ang ginawang pag-aresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa 10 tagasuporta ni Cavite gubernatorial candidate na si Jonvic Remulla na ayon sa CIDG ay nahuli sa aktong namimili ng boto sa Barangay Zapote 5 sa Bacoor City.

Nakuha sa mga suspek ang maraming piraso ng maliit na brown envelope na naglalaman ng tig-200 pesos at ang kabuuang halaga ay P75,800 at maliban dito ay may nakumpiska ring perang nagkakahalaga ng P83,500 at isang plastic bag na naglalaman ng mga campaign paraphernalia gaya ng pulang wristbands at dalawang campaign t-shirt na may nakasulat na “Tapat sa Bayan, Tapat sa Usapan Jonvic Remulla Gobernador at Jolo Revilla Bise Gobernador” samantalang sa likod ay nakasulat ang “Wow Pilipinas.”

Natural lang na pasubalian ni Jonvic Remulla ang akusasyon ng vote buying sa pagsasabing gagamitin ang naturang pera para sa transportation allowance ng poll watchers na magbabantay sa mga presinto sa araw ng eleksyon.

Posibleng may katotohanan ang sinasabi ni Remulla at mas magiging totoo ang kanyang pahayag kung maipapakita niya ang mga litrato ng kanyang poll watchers na sumasailalim sa training.

Si dating Cavite Gov. Ayong Maliksi ang pinakamabigat na kalaban ni Remulla sa pagka-gobernador. Bagama’t lamang si survey si Remulla na dating two-term governor, natural lang sa mga politikong gaya niya ang magsiguro kaya kung may oportunidad na mag-special operation gaya ng vote buying, handang gawin ito ng kanyang kampo.

Pero sabi nga ni Comelec spokesman James Jimenez, wala pang diskwalipikasyon na magaganap dahil dadaan pa ito sa proseso at matagal ang proseso sa Comelec kaya nga hanggang ngayon ay wala pa itong desisyon sa disqualification cases kina Senador Koko Pimentel at dating Senador Serge Osmeña.

Paliwanag ni Jimenez: “Sa ngayon po kailangan nating hintayin ‘yung resulta ng imbestigasyon na naganap doon. Unang-una, wala naman kami roon sa pinangyarihan ng panghuhuli so again, umaasa tayo sa investigation. We expect talaga na may defense ang partidong inaakusahan so hindi na ‘yan kakaiba sa atin pero kailangan, para maging fair tayo sa lahat, kailangan nating tingnan. Baka naman totoo ‘yung paliwanag.”

Kadalasang nagaganap ang vote buying sa huling linggo bago ang eleksyon at kadalasan nga ay nagbabakasyon ang gobernador, congressman at mayor para mas malaki ang perang ibibigay at para rin matiyak na hindi madodoble ang ibibigay ng mga operator.

Tukoy ang mga barangay sa mga lokalidad kung saan nabibili ang mga boto ng mga residente sa pamamagitan ng mga point man na kadalasan ay mga kapitan ng barangay na kaalyado ng bumibili ng boto.

Magkabilang partido ay nagsasagawa ng vote buying kung kaya walang nag­rereklamong politiko dahil lahat ay gumagawa nito basta may nakalaan na pondo. Kung may matatalong kandidato dahil walang pambili ng boto, kasalanan niya kung bakit siya natalo at hindi puwedeng isisi sa vote buying na matagal nang kalakaran. Nakakalungkot nga lang ang ganitong sistema.(Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:
Read More

140 PORSYENTONG DAGDAG SA MINIMUM WAGE

SIDEBAR

Nitong nakaraang Lunes, o dalawang araw bago ang selebras­yon ng Araw ng Paggawa, naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng petisyon sa National Capital Region (NCR) wage board na humihingi ng karagdagang P710 sa minimum na arawang sahod na nagkakahalaga ng P537.

Ito na marahil ang pinakamalaking dagdag-sahod na hiniling ng TUCP at maski ng ibang grupong obrero. Ibig sabihin ay magiging P1,247 ang daily minimum wage ng mga ordinaryong empleyado sakaling aprubahan ng NCR wage board ang panukala ng TUCP na itinuturing na pinakamalaking grupo ng mga labor federation.

Halos 140 porsyentong pagtaas sa minimum wage ang nais mangyari ng TUCP at kung magkakagayon ay aabot ng P32,000 ang buwanang sweldo ng mga ordinaryong manggagawa na siyang entry level ng sweldo ng mga bagong pulis na may ranggong Patrolman na dating Police Officer 1.

Suntok sa buwan mang maituturing ang panukalang ito ng TUCP, hindi rin natin sila masisi kung ang naturang numero ang lumabas sa kanilang pag-aaral base sa kasalukuyang presyo ng mga basic commodities, tantos ng implasyon at pati ang singil sa tubig, kuryente at upa sa bahay.

Sa punto de vista ng TUCP, kailangan nilang ilaban ang naturang wage increase at kung ano man ang maging desisyon ng NCR wage board ay wala rin silang puwedeng gawin kundi tanggapin ang naturang desisyon.

Tungkulin din ng TUCP sa mga manggagawa – miyembro man o hindi ng kanilang organisasyon – na imulat sila sa pangangailangan ng isang “living wage” o yaong antas ng sweldo na puwede silang mamuhay ng disente at kapangyarihan na bilhin ang kanilang mga batayang pangangailangan.

Nakapagtataka lang kung bakit tila walang kampanya ang militanteng Kilusang Mayo Uno para sa dagdag na sahod gaya ng ginagawa nito sa mga nakaraang Araw ng Paggawa.

Mas pinili ng KMU noong selebrasyon ng Labor Day nitong Miyerkoles ang mga politikal na panawagan gaya ng di pagboto sa mga kandidato sa pagka-senador ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang pagsuporta sa mga kandidato ng Makabayan bloc gaya ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

Kumpara sa KMU, mas consistent ang TUCP sa pagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng dagdag na sahod at maayos na kondisyon sa mga pabrika at pagbibigay tuldok sa masamang sistema ng “Endo” o end of contract na hanggang sa ngayon ay ipinapatupad pa rin ng ilang mga kompanya.

Narito ang paliwanag ng TUCP kennelling na bagong petisyon para sa 140 porsyentong dagdag sa minimum wage: “Metro Manila workers should already be receiving a minimum of P1,247 salary in order for them and their families to live normal and decent lives. The current P537 wage for minimum wage earners in Metro Manila is highly insufficient in the light of rising costs food and services caused by taxes and inadequate government services and social protection assistance to poor Filipinos.” (Sidebar /  RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:
Read More

PALAGING PERSONAL ANG POLITIKA 

SIDEBAR

May kasabihan sa larangan ng politika na “politics is always local” na ang ibig sabihin ay mas mahalaga para sa mga politiko sa nasyunal ang lokal na posisyon dahil ito ang nagsisilbing base o balwarte nila sa magulong mundo ng politika.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay matagal nang lokal na opisyal bilang mayor, vice mayor at kongresista ng Davao City na naging tuntungan niya para maging presidente ng Republika.

Pero bagama’t pala­ging lokal mag-isip ang mga politiko, hindi maikakaila na palaging personal din ang politika na ang ibig sabihin ay kung ano mang magdesisyon sa politika ay palaging nakabase sa personal na kagustuhan ng mga politiko.

Nakakalungkot ngang isipin na dahil sa politika ay nagkakagalit ang mga mag-ama gaya nang nangyari sa mga Villafuerte ng Camarines Sur; Marcos at Keon sa Ilocos Norte at mga Ejercito at Estrada sa Lungsod ng San Juan.

Pinakamatindi na sigurong bangayan ng magkakapamilya sa politika ang nagaganap na hidwaan sa pagitan ni kasalukuyang Makati City Mayor Abigail Binay at ang kanyang nakababatang kapatid at dating mayor na si Junjun Binay na siyang pinakamahigpit niyang kalaban bilang punong lungsod.

Hindi na rin naitago ang malalang hidwaan sa pagitan nina Mayor Abby at Junjun Binay at sa candidate’s forum na sponsored ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa simbahan ng San Ildefonso Parish nangyari ang bastusan ng magkapatid.

Maihahalintulad ang awayang Abby-Junjun sa awayan ng mga anak ni King David sa Old Testament kung saan humantong sa patayan at walang nagawa ang hari sa naturang sitwasyon na kagaya ng nangyayari sa Makati City kung saan walang magawa si dating Vice President Jojo Binay.

Kung tama ang mga ulat sa pahayagan, pinagbintangan ni Mayor Abby si Junjun na siyang nagkakalat ng balita na drug addict umano ang asawa nitong si Makati Rep. Luis Campos na tumatakbo sa ikalawang distrito.

Pinasubalian naman ito ni Junjun Binay at sinabing siya rin ay namatayan ng tagasuporta sa katauhan ni Monaliza “Monette” Bernardo na binaril ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Olympia noong Marso 21.

Lumilitaw na ang asawa ni Mayor Abby na si Rep. Campos ang puno’t dulo ng hidwaan ng alkalde at mi­yembro ng kanyang pamilya at nagsimula ito nang magsimulang maging magsyota ang ngayo’y mag-asawa, ayon na rin kay Senator Nancy Binay na siyang pinakamatanda sa magkakapatid.

Paliwanag ni Sen. Nancy: ”Our personal rift started when she (Abby) started dating iyung asawa n’ya ngayon. Sabi ko nga, ano iyung pinag-awayan nila last Saturday? Siya (Campos) pa rin…That started the rift because I’ve been hearing not so nice things about him when they were dating. As a sister, I want the best for my sisters, I’m the eldest. I think minasama niya iyun.”

Sinabi pa ni Sen. Nancy na taong 2016 nang magsara ng pintuan si Mayor Abby sa kanilang pamilya nang hindi na ito nagpupunta sa kanilang lingguhang panangha­lian kung saan sila nagkikita-kitang magpapamilya.

Bilang ate nina Abby at Junjun, si Senadora Nancy pa rin ang nagiging “voice of reason” at alam niya mismo na parehong talo ang kanyang magkapatid sa kanilang away bagama’t si Junjun ang kanyang sinusuportahan dahil nga sa hindi nakapag-deliver ng dapat na serbisyo sa mga taga-Makati si Mayor Abby.

Ang tanong na nga lang ay magkakasundo pa kaya ang magkapatid na Abby at Junjun matapos magdesis­yon ang mga taga-Makati sa Mayo 13. Sana naman. (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:
Read More

GIYERA SA BASURA NG CANADA

SIDEBAR

Mga taong 2013 at 2014 bumaha sa bansa ang mga container na naglalaman ng mga basura na galing sa Canada. “Recyclable scrap plastics” ang dekla­rasyon ng mga importer ng basura sa bill of lading na siyang isinusumite sa Bureau of Customs para sa kaukulang buwis kung mayroon man.

Umabot sa 103 shipping containers na naglalaman ng basura mula sa Canada ang nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng Port of Subic at Port sa Manila at hanggang ngayon ay nakasalansan ang mga shipping containers habang naghihintay na maibalik sa bansang Canada.

Habang ginaganap ang Asean Summit sa Maynila noong Nobyembre 2017, sinabi ni Canadian Prime Mi­nister Justin Trudeau na humahanap na ng solusyon ang kanyang bansa sa problema sa garbage disposal matapos tawagin ang kanyang atensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi noon ni Trudeau na pinag-aaralan pa ng kanyang gobyerno kung paano reresolbahin ang mga “legal barriers and restrictions” sa pag-ship back ng 101 container ng basura na nasa Ports of Subic at Manila.

Magdadalawang taon na mula nang sabihin ito ni Trudeau sa Asean Summit pero hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin ang mga basura mula Canada kaya naubos na rin ang pasensya ni Pangulong Duterte.

Habang nakikinig sa situation briefing sa kapitolyo ng Pampanga hinggil sa naganap na 6.1-magnitude na lindol, nagpahayag ng pagkadismaya si Duterte sa bansang Canada at sinabihang kailangang alisin na nito ang 103 shipping containers ng basura sa susunod na linggo.

Ito ang naging pahayag ng pangulo: “I want a boat prepared. I’ll give a warning to Canada maybe next week that they better pull that thing out or I will set sail, doon sa Canada, ibuhos ko ‘yang basura nila doon. I cannot understand why they are ma­king us a dumpsite, and that is not the only case on point. Papasunud-sunod ‘yan na pinapadala ‘yung basura sa atin. Well, not this time.”

Nagbabala pa si Pangulong Duterte na handa siyang magdeklara ng giyera laban sa Canada kung hindi nito kukunin ang kanyang mga basura at muling ibabalik sa kanilang bansa. “Awayin natin ang Canada. I will declare war against them. Kaya man natin ‘yan sila. Isauli ko talaga ‘yan. Ah, tingnan mo. Ikarga mo ‘yan doon sa ano sa barko, load it — the containers to a ship and I will advise Canada that your garbage is on the way. Prepare a grand reception. Eat it if you want to.”

May katwirang mapuno ang pangulo sa bansang Canada dahil hanggang ngayon ay wala itong aksyon para bawiin ang mga basura na isang palaisipan hanggang ngayon kung papaano naparating sa Port of Subic at Port of Manila.

Hanggang ngayon nga ay wala pa tayong narinig na balita mula sa Bureau of Customs kung sino ang Filipino consignee ng mga basura at kung naparusahan na ba ang mga sangkot sa pagpapara­ting ng Canadian trash.

Hindi naman ito ang u­nang pagkakataon na may mga basurang nakalagay sa shipping containers ang nakarating sa bansa pero ang tanong ay kung nasampahan ba ng Bureau of Customs ng karampatang kaso ang mga nasa likod ng garbage shipment.

Maliban sa pagdedeklara ng giyera laban sa basura ng Canada, makakabuting ipag-utos din ni Pangulong Duterte ang pagsasampa ng kaso sa mga importer at Filipino consignee ng mga basura para hindi na muli itong maulit. (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:
Read More