SIN TAX LAW RATIPIKADO NA SA KAMARA

sin tax law12

(NI ABBY MENDOZA)

NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang package 2+ ng Comprehensive Tax Reform Program na magtataas ng excise tax rates sa alcohol products, heated tobacco at vapor products sa bansa.

Ang nasabing panukala ay niratipikahan na rin sa Senado kaya inaasahang isusumite na ito sa Malacanang para sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng panukala ang mga inuming distilled spirits ay papatawan ng ad valorem tax na  22 percent ng retail price at additional specific tax na P42 per liter sa taong  2020, P47 sa 2021, P52 sa 2022, P59 sa 2023 at P66 sa 2024 habang ang specific tax ay itaas ng 6 percent kada taon.

Ang mga still wines at sparkling wines ay papatawan ng  excise tax na P50 at itaas pa ng 6% kada taon.

Ang fermented liquors ay bubuwisan ng  P35 per liter sa 2020,P37 sa 2021, P39 sa 2022, P41 sa 2023 at P43 sa 2024 at ang kanilang rates of tax ay iataas ng 7% kada taon.

Samantala ang heated tobacco products ay papatawan ng excise tax rate na P25 per pack sa 2020, P27.50 sa 2021,P30 sa 2022 at P32.50 sa 2023 habang ang tax ay itaas ng 5% kada taon.

Sa  vapor products, salt nicotine ay papatawan ng excise tax na P37 per milliliter sa 2020 at P5 pa kada taon hanggang 2023.

Ayon kay Albay Rep, Joey Salceda, Chairman ng Houe Ways and Means Committee na inaasahang makalilikom ang gobyerno ng P24.9B dahil sa bagong ipapataw na tax.

Sa kikitain ng gobyerno ay  60 percent  ay ilalaan sa  Universal Health Care Law, 20 percent sa Health Facilities Enhancement Program at 20 percent sa development projects sa health sector.

Read More

KABATAAN MAKIKINABANG SA SIN TAX 

sin tax law12

(NI NOEL ABUEL)

NANINDIGAN si Senador Pia Cayetano na higit na makikinabang ang mga kabataan sa bansa sa panukalang dagdag-buwis sa mga alak at sigarilyo.

Ayon sa senador, pangunahing layunin ng Senate Bill No. 1074 na iiwas ang mga kabataan na malulong sa masamang epekto ng alak at sigarilyo sa pamamagitan ng pagdagdag sa buwis sa sin tax.

Sinabi ni Cayetano, chair ng Senate Ways and Means committee, ang dagdag na excise taxes sa lahat ng alcoholic beverages at e-cigarettes kabilang din ang tobacco products at ng vapes.

“What we want to achieve is [to significantly raise our alcohol prices] so that these are not so accessible to the most vulnerable: the children and youth,” ayon kay Cayetano sa interpelasyon ni Senador Manny Pacquiao, na co-author din ng SB 1074.

“Hindi po tayo naniniwala na kailangan affordable ang alak sa ating mga kabataan. For example, sa isang bote ng gin, ang karagdagang presyo lang dito ay P2.00 per shot [under SB 1074]. Nasa P6.00 ang isang shot [based on the current price of gin],” paliwanag ng senadora.

Nakasaad din sa nasabing panukala na mas mataas ang ipapataw na buwis sa sin tax kung ikukumpara sa inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ng Department of Finance (DOF).

“What I have proposed is a rate that is higher than that proposed and passed in the House of Representatives. In fact, it is also higher than that initially showed to me by DOF. But both the DOF and DOH [Department of Health] now support my version,” sabi ni Cayetano.

Sa pamamagitan umano ng SB 1074 ay makakakolekta ng  P47.9 bilyong dagdag na kita ang pamahalaan subalit kulang pa rin ito sa kinakailangan ng Universal Health Care (UHC) program.

 

Read More

YOSI TAX PIPIRMAHAN NA NI DU30

sintax43

(NI BETH JULIAN)

AGAD-AGAD.

Ito ang gagawing aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda sa tobacco sin tax bill para maging isang ganap na batas.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sa sandaling dumating na sa Office of the President ang Senate Bill 2233, ay asahan nang agad itong haharapin at pipirmahan ng Presidente at hindi na patatagalin pa.

Una nang lumusot sa Senado ang panukalang batas sa botong 20-0-0 na mismong ang Pangulo ang umaasang lulusot sa dalawang kapulungan ang panukala.

“Logic na lamang ang magdidikta na walang pagdadalawang isip na lalagda agad ang Pangulo sa bill  dahil siya ang nanawagan nung isang linggo para mapaspasan ang panuklang dagdag buwis sa mga tobacco products para magamit sa implementasyon ng libreng pagpapagamot sa ilalim ng Universal Health Care Act.

Nasa P257 bilyon halaga ang kailangan sa unang taon ng pagpapatupad ng UHC act kung saan kailangan ang P62 bilyon para mapunan ang kulang na pondo para rito.

Kaya naman kapag naisabatas na ang panukala, magiging P45 na dagdag sa excise tax kada pakete simula sa 2020 hanggang sa pumalo na sa P60 kada pakete sa Enero 2022.

 

Read More

KOLEKSIYON SA SIN TAX DIRETSO SA HEALTH CARE LAW

yosi12

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

IPAPANUKALA ng isang senador na ilagay ang lahat ng koleksyong makukuha sa isinusulong na bagong sin tax bill sa universal healthcare (UHC) program ng pamahalaan.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hihilingin nito sa kanyang mga kabaro na ilagay ang makokolektang dagdag-buwis sa tobacco products sa pagpapagamot ng mahihirap.

“I would propose that the increases in the excise tax on tobacco as a result of the sin tax that we are working on now should be devoted solely to the universal health program and benefit the entire country,” aniya.

Kumpiyansa ang Senado na maipapasa ang nasabing panukala bago mag-adjourn ang Kongreso sa susunod na linggo lalo na at sinertipikahan itong urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Drilon na sa makokolektang P15B sa dagdag buwis sa sin tax ay hindi pa sapat para suportahan ang UHC program.

Read More

SIN TAX HIKE IHAHABOL SA 17TH CONGRESS

sin tax12

(NI NOEL ABUEL)

PIPILITIN ng isang senador na maihabol bago matapos ang 17th Congress ang panukalang pagdaragdag sa buwis sa sin tax partikular sa sigarilyo.

Ayon kay Senador Win Gatchalian hihilingin nito sa mga kapwa mambabatas na talakayin sa lalong madaling panahon ang pagpapataw ng dagdag na ₱70 buwis sa kada pakete ng sigarilyo upang maawat ang maraming Filipino na bumili ng sigarilyo maliban pa sa ang makokolektang buwis ay makadaragdag sa pondo na magagamit sa  universal health care program.

Kumpiyansa ang senador na maipapasa sa huli at ikatlong pagbasa ang Senate Bill No. 2177 bago matapos ang 17th Congress sa Hunyo 7.

“The remaining nine session days actually represent our best opportunity to pass this bill,” he said. “First, the Department of Health (DoH) openly supports this bill. The Department of Finance (DoF) is also very supportive. A similar bill has been passed in the Lower House, (although) it is not the tax rate that we want to achieve,” sabi pa ni Gatchalian.

Sa sandaling maipasa ang panukala, aabot sa ₱79.03 hanggang ₱114.03 ang presyo ng kasa pakete ng sigarilyo.

“My argument is really from a governance standpoint, and I think dapat slowly mapababa ‘yung naninigarilyo para hindi tayo gastos nang gastos at para hindi paikot-ikot lang ‘yung ating pinaggagastusan, dahil dumarami rin ‘yung gumagamit ng sigarilyo,” paliwanag pa ni Gatchalian.

 

Read More