DE LANGE: BAGONG MUKHA NG DOWNHILL SKATEBOARDING

Jaime De Lange

(NI DENNIS PRINCIPE)

Sa matagal na panahon, kinunsidera bilang “pasaway” ng kalsada ang mga skateboarders na gumagala sa paligid ng Metro Manila at maging sa iba’t-ibang siyudad at bayan sa Pilipinas.

Ngunit sapul nang magwagi si Cebuana skateboarder Margielyn Didal ng gintong medalya sa 2017 Asian Games, unti-unti nang nababago ang paningin sa mga skateboarders ng bansa.

Sa nakaraang Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas, isa pang skateboarder ang gumawa ng ingay at inaasahan na makatutulong sa pagbibigay ng dagdag respeto sa kanilang sport.

Ang 23-anyos na si Jaime De Lange ay nagwagi ng SEA Games gold sa Downhill skateboarding na ginanap sa Maragondon, Cavite.

Kung pagandahan ng tricks ang laro ni Didal, karera naman pababa ng budok ang sport ni De Lange na sinasabing exciting panoodin dahil sa bilis ng takbo ng mga skateboarders.

Tubong Muntinlupa, si De Lange ang kinukinsidera ngayon bilang mukha ng downhill skateboarding hindi lamang dahil sa pagiging magandang lalaki kungdi dahil na rin sa lehitimong galing nito na nagbigay daan para makapasok ito sa world rankings ng skateboarding.

“He’s really hard to beat. He is the best skater in the Philippines right now,” ayon kay Luzon qualifier top finisher Tomas Romualdez.

Alam ni De Lange na may pagka-delikado ang tingin ng marami sa kanilang sport. Ngunit tiniyak naman nito na sa tamang ensayo at pag-iintindi ng kanilang sport ay maituturing ito na isa sa mga safest sport bukod pa sa pagiging exciting laruin at panoorin.

“There’s definitely a way to go down the hill dangerously and recklessly but there’s also a safe way to do it. Like, for me, I would never go down the hill if I feel it’s not safe,” ani De Lange “Ideally, we skate at closed roads where there are no traffic, absolutely controlled setting and those situations exists and that would be an ideal way for anybody to experience safe skating.”

“But really, it’s as safe as you make it because if you’re aware and smart about it, wear your helmet, extra careful and that’s where you’re going to have fun,” dagdag ni De Lange.

Aminado din naman si De Lange na siya mismo ay nakaranas ng ilang aksidente na nagdulot ng serious injuries sa kaniyang katawan.

Ngunit hindi naman ito sapat para sa kaniya na ikunsidera ang pagtigil sa kaniyang downhill skateboarding career.

“I’ve broken both my ankles. I had one really bad crash when I was travelling in South Korea. I did a front flip and hurt my neck really bad but those things are rare considering I’ve been doing it for almost ten years,” pahayag ni De Lange.

“I have one or two close calls a year and three major injuries throughout my career so it’s a pretty safe record,” dagdag ni De Lange.

Bago ang Downhill skateboarding, sinubukan ni De Lange ang ilang sports tulad ng basketball, soccer, swimming at golf dahil para sa kanyang mga magulang, kailangan na bawat isa sa kanilang magkakapatid ay matuto ng isang sport.

“We were all looking for sports and I tried them all definitely but it was actually my drum teacher who introduced me to longboarding,” ani De Lange “One day he came to our house bringing with him a board and that was it. We stopped playing drum as it eventually became a skate session.”

Gusto man niya ang paglalaro sa team sports tulad ng basketball at soccer, mas magaan ang pakiramdam ni De Lange na maglaro ng individual sport.

“It’s all on you. It’s nobody’s fault but your own. If you win it’s your fault. If you lose, it’s your fault and that’s what I love about individual sports,”pahayag ni De Lange.

Read More

2 GOLDS KAY DIDAL, LEDERMANN

HINDI binigo ni Margielyn Didal ang sambayanang Filipino nang ibulsa ang ginto sa women’s elite division ng Game of S.K.A.T.E. sa 30th Southeast Asian Games, Huwebes sa Sigtuna Hall, Tagaytay.

Hinablot naman ni Daniel Ledermann ang ikalawang ginto ng bansa nang manalo sa men’s category.

Tinalo ng reigning Asian Games champion sa street event na si Didal ang kababayang si Christiana Means, na naguwi ng silver medal.

Tuwang-tuwa ang mga nanood sa all-Pinay showdown kung saan nagpakita ng iba’t ibang skateboarding tricks ang dalawa.

Ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong event sa SEAG.

Sa bronze medal match up, tinalo naman ng Indonesian skateboarder na si Nyimas Cinta ang kababayan niyang si Kyandra Susanto.

Bago nakuha ang ginto, nakipagsabayan muna ng husto kay Ledermann ang 12-anyos na skateboarder mula sa Indonesia na si Basral Hutomo, na kinalaunan ay nagkasya sa silver medal finish.

Napunta naman kay Thawatchai Siangoueng ng Thailand ang bronze medal sa nasabing event.

Read More

8 GOLDS SISIKWATIN NG PHL SKATEBOARDING TEAM SA SEAG

PINANINDIGAN ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines ang nauna nilang pahayag na wawalisin nila ang walong ginto sa 30th Southeast Asian Games.

“Yes, we’re looking at sweeping all of our eight events in the SEA Games,” sabi ng presidente nitong si Monty Mendigoria.

Paliwanag niya, “I am confident of my projection because when we decided on what events to play, I was told by (Philippine Olympic Committee president) Cong. Bambol (Tolentino) to put in those where we can surely win the gold medal.”

Target umano ng grupo nila na maging ‘most bemadalled federation’ sa darating na biennial meet sa darating na November 30 hanggang December 11.

“And I can say that we are unbeatable in all of the events that we have included,” pagmamalaki pa ni Mendigoria.

Kinokonsiderang ‘powerhouse’ sa buong rehiyon ang Filipino skateboarders sa pangunguna ni Margielyn Didal, ang kasalukuyang kampeon sa women’s street event sa Asian Games, kasama sina Christiana Means, Jericho “Kiko” Francisco at iba pang magagaling na Filipino-foreign athletes mula Europe at United States.

Maliban sa mga nabanggit, hindi na pinangalanan muna ni Mendigoria ang iba pang miyembro ng national team upang hindi umano ma-scout ng ibang mga bansa gaya ng Thailand at Malaysia.

“We are very optimistic,” dagdag nito kasabay ang paninigurong pawang world-class ang mga isasabak nila.

Kaugnay nito, pinasalamantan niya ang all-out support ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kanilang grupo.

“The PSC and chairman William Ramirez are behind us 150 percent. Although there are some delays, they still make sure to provide everything we need as far as our training and preparations for the Southeast Asian Games are concerned.”

“That’s why we are working hard. We want to repay the trust of the PSC and our private sponsors by coming up with a victorious performance in the upcoming SEA Games,” sabi pa ni Mendigoria.

Read More

DIDAL 5TH PLACER SA SLS

didal44

(NI JEAN MALANUM)

TUMAPOS si Filipina skateboarder Margielyn Didal na panlima, pinakamataas na nakuha ng isang Pinoy, sa Street League Skateboarding (SLS) World Tour noong Linggo sa CA Skateparks Training Facility sa Los Angeles.

Umiskor si Didal ng 21.2 sa women’s final at tinalo ang former world champion at five-time Summer X Games gold medal winner Leticia Bufoni ng Brazeil (21.0).

Ang top 5 finish ni Didal ay nagdagdag ng ranking points para makasabak siya sa Tokyo 2020 Olympics.

Ang 11-anyos na si Rayssa Leal ng Brazil ang nagbulsa ng unang puwesto (23.3) at patuloy na umaangat ang kanyang performance sa unang taon niya sa SLS.

Nakuha naman ni Alana Smith ng US ang silver (22.5) habang ang defending champion na si Aori Nishimura ng japan ay nalaglag sa 3rd spot (22.1).

Si Didal, isang Cebuana, kung matatandaan ay nagwagi ng gold medal sa 2018 Asian Games at naghahanda rin para sa paglahok sa 2019 Southeast Asian Games na gagawin sa Pilipinas.

Read More

DIDAL NAGBULSA NG GINTO

didal44

NAGPAKITANG-GILAS si Asian Games gold medalist Margielyn Didal nang manguna sa inaugural National Skateboarding Championship nitong Sabado sa Santa Rosa, Laguna.

Si Didal ay naging runaway winner sa women’s street finals sa naitalang iskor na 28.73 points.

Ito rin ang event na denomina niya sa Asian Games noong nakaraang taon, kung saan naiambag niya ang ika-apat na gintong medalya ng Pilipinas.

Pumangalawa naman si Princess Jaramillo para sa silver medal (24.57 points), habang si Cindy Serna ang bronze medalist (22.73 points).

Denomina naman ni Fil-German Daniel Ledermann ang men’s street event sa natipong 34.57 points.

Ang silver medal ay napunta kay Renzo Feliciano (31.73 points), at ang bronze ay naiuwi ni Archie Mapoy (28.7 points).

Read More