KANDIDATO PINAGSUSUMITE NG SOCE SA COMELEC

comelec james12

(NI HARVEY PEREZ)

PINAALALAHANAN nitong Miyerkoles ng  Commission on  Elections (Comelec) ang lahat ng kumandidato sa national at local elections, kaugnay sa  pagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, hindi lamang ang mga nanalo ang dapat magsumite ng SOCE kundi maging ang mga natalong kandidato.

Base sa  resolusyon ng Comelec, dapat na maisumite ang SOCE sa kanilang tanggapan hanggang sa Hunyo 12, o 30-araw matapos ang halalan.

Sa  SOCE ay dapat na idetalye ng mga kandidato ang tinanggap nilang mga donasyon at kontribusyon, gayundin ang mga ginastos nila sa pangangampanya para sa eleksyon.

Nilinaw ni Jimenez na ang mga nanalong kandidato na mabibigong magsumite ng SOCE ay hindi papayagang makaupo sa puwesto, at papatawan pa ng kaukulang multa.

Hindi umano magbibigay ng  extension ang Comelec para sa pagsusumite ng SOCE.

Please follow and like us:
Read More

NO SOCE, NO PROCLAMATION — COMELEC

comelec

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI umano ipu-proklama ng Commission on Elections (Comelec)  ang mga nanalong kandidato o political party sa Mayo 13, mid-term election at hindi rin pauupuin sa kanilang bagong puwesto kapag hindi sila naghain ng kanilang  Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) sa tamang oras.

Alinsunod sa Comelec Resolution No. 10505,  pinagtibay noong Pebrero 28 nakasaad na   “no elected candidate shall enter upon the duties of office until he has filed his SOCE.”

Ayon sa Comelec, ang mga kandidato ay bibigyan ng anim na buwan para maghain ng SOCE kundi sila ay hindi Ipu -proklama ng Comelec.

“The office of an elected candidate who failed to file SOCE shall be considered vacant pursuant to Sec. 11 of the Omnibus Election Code until he has complied and submitted his SOCE within six months from proclamation,” ayon sa Comelec.

Ang lahat umano ng kandidato nanalo man o natalo ay dapat magsumite ng SOCE sa Hunyo 12 o 30 araw pagkatapos ng eleksiyon.

“Except for elected candidate and party-list groups, the deadline is final and non-extendible,”ayon pa sa Comelec.

Nakasaad din sa resolusyon na ang mga nanalong kandidato ay na late ng paghahain sa loob ng anim na buwan sila ay papatawan ng administrative fine.

Ang multa para sa  national political parties, party-list organizations at senators, ay  P10,000 sa halip na  P30,000 mula sa dating multa .

Habang ang mga provincial political parties ay  P8,500  mula sa dating  P22,500 ,habang ang mga provincial governors at vice governors ay P8,000 mula sa dating P25,000.

Samantalang ang mga provincial board members, congressmen, local political parties, mayors at vice mayors ay P7,000 mula sa dating  P20,000; at sa Konsehal ay P6,000 mula sa dating P15,000.

 

Please follow and like us:
Read More