MISSILE LAUNCH SA S. CHINA SEA IIMBESTIGAHAN

chinasea12

(NI AMIHAN SABILLO)

BLANGKO pa ang Armed Forces ukol sa ulat na missile launch ng China sa South China Sea.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinabi nito na hindi pa nakararating sa DND ang ulat na ito ng media.

Dahil dito, magsasagawa, aniya ng imbestigasyon para makapagdesisyon ng kanilang susunod na hakbang.

Napag-alaman na una nang tinawag ng Pentagon nitong Martes na nakababahala ang missile launch ng China at taliwas sa pahayag nito na iiwasan nila ang militarisasyon sa naturang karagatan.

Ayon pa kay Pentagon spokesperson Lieutenant Colonel Dave Eastburn, malapit lang sa Spratlys ang missile test ng China at hindi posibleng maka-intimidate sa mga kalapit bansa.

Wala pa namang pahayag ang AFP ukol dito.

Matatandaan na bago ang missile test, umiiral ngayon ang trade war sa pagitan ng China at US.

Please follow and like us:
Read More

ISYU SA SOUTH CHINA SEA PAG-UUSAPAN SA JAPAN

dutertejapan12

(NI BETH JULIAN)

INAASAHANG tatalakayin sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanilang bilateral meeting sa Tokyo ang isyu ng South China Sea.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Asian Pacific Affairs Assistant Secretary Meynardo Montealegre, hindi lamang usapin ng South China Sea ang maaaring mapag-usapan ng dalawang lider kundi maging ang Korean Peninsula.

Sinabi ni Montealegre na kasama sa agenda ang paghahanap ng mapayapang paraan o resolusyon sa isyu ng territorial dispute.

Ayon kay Montealegre, nakatakdang magbigay ng keynote adress si Pangulong Duterte kaharap ang iba pang lider ng Malaysia, Bangladesh, Cambodia, Laos, Vietnam at Singapore, gayundin ang iba pang mga minister mula sa iba pang bansa.

Matatalakay din ang usapin ng pagpapadala ng Pinoy skilled workers sa Japan.

May nauna nang pahayag si Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na nagsabing may mga letters of intent silang naisasara sa pagitan ng ilang malalaking kompanya sa Japan.

Ito na ang ika-pitong beses nang pagtungo at makahaharap sa bilateral meeting ni Pangulo ng Duterte ang Punong Ministro ng Japan mula noong 2016.

Sa susunod na Linggo nakatakdang bumiyahe ang Pangulo sa Japan para dumalo sa 25th International Conference on the Future of Asia sa Tokyo na gaganapin sa May 30 hanggang 31.

Ang nasabing meeting ay taunang pulong sa Tokyo kung saan nagtitipun-tipon at nagpupulung-pulong ang iba’t ibang pamahalaan at business leaders para pag usapan ang magiging direksyon ng Asya.

Please follow and like us:
Read More

DIPLOMATIC PROTEST LUNAS SA SIGALOT NG PHL, CHINA

south china sea1

(NI BETH JULIAN)

DIPLOMATIC at negosasyon ang pinaka-mabisang paraan para malutas ang sigalot ng Pilipinas at China sa South China Sea.

Ito ang pahayag ng Malacanang sa gitna ng patuloy na pagiging agresibo ng China sa South China Sea na ang pinakahuli rito ay ang pangunguha ng Chinese vessel sa Scarborough Shoal ng giant clam o mga taklobo.

Sinabi ni Presidential spokesperson  Salvador Panelo na kahit nagpasaklolo na ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema para hilinging mag-isyu ito ng Writ of Kalikasan, negosasyon pa rin ang mas epektibong paraan.

Paalala ni Panelo, dapat maging maingat ang mga petitioner at ikonsidera ang iba pang bagay.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na ipinatutupad na ng gobyerno ang Writ of Kalikasan sa pamamagitan ng paglalagay ng Coast Guard sa lugar.

 

Please follow and like us:
Read More