CAYETANO BABABA SA SPEAKERSHIP –VELASCO

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANINIWALA si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco na pagdating ng panahon ay bababa rin si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ginawa ni Velasco ang pahayag  sa ambush interview nitong Martes sa Kamara, kaugnay ng isyu na posibleng manatiling Speaker si Cayetano hanggang matapos ang 18th Congress.

“I know naman for a fact na usapang lalaki… definititely when the 15months is already due I believe Speaker Allan will step down and hand the speakership sa inyong lingkod,” ani Velasco.

Magugunita na nagkasundo ang dalawa na maghati sa pamumuno sa Kamara kung saan si Cayetano ay magsisilbi sa loob ng 15 buwan o hanggang Oktubre 2020 habang ang natitirang 21 buwan sa 18th Congress ay ipapasa kay Velasco ang Speakership.

Pinanghahawakan ni Velasco ang kasunduang ito na mismong si Pangulong Rodrigo ang namagitan kaya kumpiyansa ito na siya ang susunod na Speaker ng Kapulungan Nobyembre 2020.

“Usapang lalaki naman talaga. If you notice ‘di ako masyado nagsasalita… ayoko naman mag-grab ng limelight.. I want to give him the free reign.. I’m just waiting for the (my time),” ani Velasco.

Wala ring ideya si Velasco sa tila parinig ni Davao City Mayor Sara Duterte laban kay Cayetano dahil sa mga aberya sa pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian games.

Sinabi ni Mayor Sara sa social media na “I told you so, but you didn’t listen,” ani mayor sa kanyang instagram post.

“I haven’t talked to Mayor Inday. Later on I will call and ask her what she means by that. Dito sa Congress we just work. We are very civil. We don’t really talk about the term-sharing agreement,” ani Velasco.

Read More

REP. DUTERTE BILANG SPEAKER, ITINANGGI 

paolo duterte12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

“ESPEKULASYON.”

Ganito inilarawan ni Antipolo Rep. Robbie Puno na maging Speaker si Presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte matapos itong sumanib sa kanilang partidong National Unity Party (NUP).

Sa press conference, sinabi ni Puno na dumoble na ang miyembro ng NUP mula noong nakaraang eleksyon kaya umaabot na ang mga ito sa 50 matapos maglipatan sa kanilang partido ang may 25 congressmen, kasama na si Duterte.

Gayunpaman, hindi umano ito indikasyon na si Duterte ang susunod na Speaker pagkatapos ng 15 buwan dahil may umiiral na term-sharing sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.

“I’ve never heard of any of that (na si Duterte ang susunod na Speaker),” ayon pa kay Puno.

Bago naihalal bilang Speaker si Cayetano ay maugong na tatakbo bilang Speaker si Duterte subalit kalaunan ay kinontra rin ito.

PDP-LABAN NALALAGAS

Samantala, mistulang isa-isang nalalagas ang mga kasapi ng administration party na PDP-Laban matapos umabot sa 12 miyembro ng mga ito sa Kamara ang lumipat sa NUP.

Kabilang na dito sina San Jose del Monte Rep. Florida Robes at Paranaque Rep. Joy Tambunting na lumipat na umano sa NUP.

Ayon sa mga impormante, nagkakatampuhan sa loob ng administration party kaya naglalayasan na ang kanilang mga miyembro.

Read More

WALANG DRAMA SA SPEAKERSHIP RACE; CAYETANO NAILUKLOK

0

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

MISTULANG bigo ang nag-aabang ng drama sa botohan ng Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos iluklok na walang naging problema si Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano bilang House Speaker ngayong 18th Congress.

Mismong si Presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang nagbukas sa nominasyon kay Cayetano bilang Speaker

“Mr. Speaker I nominate the distinguished gentleman from the Taguig-Pateros Allan Peter Cayetano,” ni Rep. Duterte subalit bago ito ay nilinaw nito na hindi siya pabor sa term sharing.

Kasama rin sa mga nag-nominate kay Cayetano ang mga nakalaban nito sa Speakership race na sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Matapos ang botohan, idineklara ni Presiding Speaker at House of Representative Secretary General Roberto Maling na si Cayetano ang nahalal na House Speaker sa botong 266.

Nakalaban ni Cayetano sa Speakership si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante na nakakuha naman ng 28 boto na inaasahang magiging minority leader ngayong 18thCongress.

Bilang pagsunod sa tradisyon sa Kamara, ibinoto ni Abante si Cayetano bilang House Speaker ang Manila solon naman ang ibinoto ng bagong House Speaker.

Sa 297 na present mula sa 304 congressmen ngayong 18th Congress 3 ang hindi bumoto na kinabibilangan nina Buhay party-list Rep. Lito Atienza, Albay Rep. Edcel Lagman at Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III.

Pinanumpa ni Iloilo Rep. Braden John Biron, na siyang pinakabatang miyembro ng 18th Congress si Cayetano bilang ika-22 House Speaker.

Marami ang  nag-abang sa botohan ng Speakership ng Kamara dahil simula noong Mayo ay samut-saring isyu ang lumutang hinggil sa pagpili ng Speaker ng Kamara pagkakaroon ng sariling kandidato ang mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Rep. Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte  ng sariling  ng  kandidato sa katauhan ni Velasco.

Lalong umugong na magkakaroon ng fireworks matapos magpatawag ng breakfast si Rep. Duterte bago ang magbukas ang session ng 18th Congress, Lunes ng umaga subalit hindi ito sinipot ng Presidential son bagkus ay pumunta ito sa hiwalay ng agahan na inorganisa ni Cayetano.

Gayunpaman, hindi nangyari ang inaasahan ng mga tao na drama dahil matiwasay na nairaos ang botohan.

 

Read More

PARTYLIST COALITION SUPORTADO SI CAYETANO

cayetano44
0

(NI ABBY MENDOZA)

HANDA ang  Partylist Coalition Foundation Onc(PCFI)  na suportahan ang inendorsong House Speaker ni Pangulong Rodrigo Duterte, partikular ang term sharing sa pagitan nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sa isang press conference matapos ang pulong ng Partylist Coalition sa Marco Polo Hotel sa Ortigas, sinabi ni PCFI  President  at 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero na sa ngayon ay suportado na nila si Cayetano bilang susunod na House Speaker.

Nanindigan din si Romero na magkakaroon ng bloc voting ng 54-man coalition sa pagbubukas ng 18th Congress sa July 22 at ang iboboto ng kanilang hanay ay ang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na magpapadala sila ng liham kay Rep. Cayetano upang hingin ang 20% committee allocation para sa partylist group.

Kabilang umano rito ang mga komite na hinawakan ng partylist noong 17th Congress.

Unang inihayag ni Pangulong Duterte ang desisyon nya na magkaroon ng term sharing sa House Speakership, ang unang 15 buwan ay pamumunuan ni Cayetano habang ang susunod na 21 buwan ay kay Velasco.

Samantala, umapela din si Romero kina Cayetano at Velasco na huwag nang baguhin ang chairmanship sa mga komite kahit pa man dalawa ang uupong Speaker.

Ani Romero, mahihirapan lamang ang buong Kamara sa kanilang legislative agenda kapag babaguhin pa ang committee chairmanship sa oras na magkaroon na ng transition sa pagitan ng dalawang Speaker.

“For us congressmen, kami lahat, we like to make it consistent at possible,” ani Romero.

Maganda aniya kung gawing consistent lamang ang mga nakaupong chair sa 75 komite sa loob ng tatlong taon para sa matiwasay na trabaho sa kapulungan.

Nauna nang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na nakakaranas ng delay ang organization sa Kamara dahil sa speakership issue.

Kaunting oras na lamang aniya ang nalalabing oras bago mag convene ang 18th Congress.

 

 

Read More

HILING NG SOLON: DU30 MAKIALAM NA SA SPEAKERSHIP

duterte33
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI malayong magkaroon ng maya’t mayang kudeta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa dami ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging speaker ng Kamara.

Ito ang dahilan kaya naniniwala si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na mag-eendorso si Duterte ng kanyang kandidato para matapos na ang banggaan ng kanyang mga mismong kaalyado sa nasabing posisyon.

Sa press conference ng Makabayan bloc nitong Martes, sinabi ni Zarate na kung hindi makikiaalam si Duterte sa pagpili ng speaker ay hindi makasisiguro ang sinumang mananalong speaker sa kanyang puwesto.

“Kung sino ang mananalong speaker, talagang hindi siya sigurado d’yan sa upuan nya. Kasi wala naming paksyon dito na talagang majority kaya kailangang magbuild ng coalition with the different bloc ang faction so kapag hindi na nagkakasundo ang interes sa loob ng koalisyon, magkakaroon ng palitan ng speaker,” ani Zarate.

Ayon sa mambabatas, walang ipinagbago ang paksyon sa Kamara noong 17th Congress na nagluklok at nagpatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez  sa paksyon ngayong 18th Congress.

Dahil dito, hindi malayo aniyang magkaroon ng maya’t mayang kudeta sa liderato ng Kamara lalo na’t hindi nagkakasundo ang mga paksyon sa Kamara kung ang magiging speaker ay walang personal na basbas ng Pangulo.

 

Read More

REP. DUTERTE SASALI NA SA SPEAKERSHIP RACE

polo21
0

(NI ABBY MENDOZA)

NAGKAKAWATAK-WATAK na umano ang  mga miyembro ng Mababang Kapulungan dahilan para ikonsidera na rin ni Rep. Paolo Duterte na makisawsaw na sa speakership race sa layuning mapag-isa niyang muli ang mga ito.

Kasabay nito, nais ng batang Duterte na magkaroon ng hindi lamang iisang House speaker, kundi House speaker para sa Luzon, Visayas, Mindanao at Partyist Groups.

Sa isang statement, sinabi ng batang Duterte na hindi isyu kung sino ang speaker at hindi ito para sa dalawang tao lamang kundi para sa buong bansa, nais ni Duterte na magkaroon na lamang ng tig-iisang speaker para sa Mindanao Bloc Visayas Bloc at partylist.

“I will ask the Visayas bloc to elect their speaker for their term share, and so with the Mindanao bloc and the partylist coalition. We are not talking about two persons here. We are talking about our beloved country. It is not about speakership alone, but who is the right person to unite Congress and I hope those running for the speakership stop influencing the Cabinet,”giit pa nito.

Una nang sinabi ng batang Duterte na hindi siya tatakbo bilang House Speaker subalit sa ngayon ay kinokonsidera na umano nya na sumali sa speakership race.

Sa ipinalabas na statement ni Duterte, ipinaliwanag nito na ang kanyang pagsali sa speakership ay dahil na rin sa hangad nya na pagkaisahin ang mga mambabatas na nagkakawatak-watak na dahil sa speakership issue.

“Moapil na ko pagka-speaker.The House is divided, I might be able to help unite it. Pareho lang kaming binoto ng mga tao ah. Kung term sharing, term sharing na kaming lahat,” pahayag ni Duterte.

Matatandaan na una nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kung tatakbo bilang House Speaker ang kanyang anak ay magre-resign ito.

“Itong si Paolo, sinabi ko sa kanya: If you run for speakership, let me know. Kasi kung tatakbo ka, magre-resign ako. Kasi marami na tayo. Nandiyan na ang kapatid mo na mayor. So uneasy,” nauna nang pahayag ng Pangulo.

Tinangka naman ng mga mamamahayag na humingi ng reaksyon sa mga Kongresista ukol sa pagtakbo ni Duterte subalit wala sa mga ito ang nais na magbigay ng anumang pahayag.

 

Read More

SPEAKERSHIP RACE; SOLONS KAY PACQUIAO: ‘WAG MAKIALAM

pacman2
0

(NI ABBY MENDOZA)

BILANG paggalang sa parliamentary courtesy, pinayuhan ng dalawang senior congressman si Senador Manny Pacquiao na umiwas sa pakikialam sa isyu ng House Speakership.

Payo nina 1-Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta at House Majority Leader Capiz Rep. Fredenil Castro na dapat pagtuunan na lang ng pansin ni Pacquiao ang mga isyu sa Senado.

Ani Marcoleta, sa halip na makisawsaw si Pacquiao sa Kamara ay dapat pagtuunan nito ng pansin ang magkaroon ng Senate President na mula sa kanyang partidong  Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

“Bakit dito (House of Representatives) ka (Pacquiao) nag-e-endorso? Sa

Senado bakit hindi mo i-endorso na ang Senate President dapat ay

PDP-Laban? Bakit ang inaasinta mo dito ang speakership?  Hindi ka

naman makakaboto dito dahil hindi ka naman congressman,” pahayag ni Marcoleta.

Matatandaan na si Pacquiao ang nag anunsyo na si Marinduque Rep Lord Allan Velasco ang siyang ineendorso na House Speaker ng PDP Laban subalit kinontra ito ni dating House speaker  Pantaleon

Alvarez sa pagsasabing wala pang konsultasyon ang kanilang partido sa kung sino ang susuportahang Speaker.

Dagdag pa ni Castro na ilang miyembro ng PDP laban ang nagsabing personal lamang ni Pacquiao ang pag-eendorso kay Velasco.

“They were claiming that Senato Pacquiao’s position is not the official party stand. In short, they questioned what Senator Pacquiao has been doing in the speakership

race. He should not dip his finger on the affairs of the House of

Representatives. He is a senator,” giit ni Castro.

 

 

 

Read More

SHORTLIST SA SPEAKERSHIP ITINANGGI NG PARTYLIST COALITION

congress12
0

(NI ABBY MENDOZA)

PINABULAANAN mismo ni Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI) President, 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero na may napili na ang kanilang samahan sa Kamara ng susuportahang House Speaker.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Romero kasunod na rin ng ipinalabas na press release ng isa sa kanilang miyembro na si PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na nagsasabing dalawa na lamang ang choice ng kanilang koalisyon para sa Speakership at sa pagitan na lamang ito nina Leyte Rep. Martin Romualdez at Marinduque Rep Lord Allan Velasco.

Iginiit ni Romero, na kahahalal pa lamang na Presidente ng PCFI, na walang katotohanan na sa pagitan na lamang nina Romualdez at Velasco ang kanilang pinagpipilian sa speakership race at sa katunayan umano ay sa susunod na Linggo pa lamang ang kanilang nakatakdang pagpupulong para desisyunan kung sino ang susuportahan.

“There is no official PCFI position yet as we have to meet all our congressmen members by next week,” paglilinaw ni Romero.

Dahil sa ipinalabas na press release ni Nograles ay tila napangunahan nito si Romero na aktibo sa koalisyon.

Sinabi ni Romero na bagama’t iginagalang nila ang sentimyento ng bawat isa sa kanilang miyembro ay mainam na hintayin pa rin ang opisyal nilang posisyon.

Nanindigan si Romero na bloc voting ang kanilang gagawing pagboto sa Speakership.

“In the end, the PL Coalition after the process will vote as one big bloc,”pagtatapos pa nito.

May dalawang buwan bago ang botohan ng Kamara para sa susunod na House Speaker ay inaasahang mas titindi pa ang lobbying sa mga mambabatas.

 

Read More

‘COMMON CANDIDATE’ SA SPEAKERSHIP HILING SA KAMARA

congress123
0

(NI ABBY MENDOZA)

DALAWANG buwan pa bago ang botohan sa kung sino ang magiging bagong House Speaker sa 18th Congress, inirerekomenda na ni Albay Rep. Edcel Lagman na magkaroon na ng ‘common candidate’ para sa Speakership ang nasa majority sa House of Representatives.

Katwiran ni Lagman, sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay maituturing na mga President’s men, dapat umano na mamili na ng isa sa tatlong kongresista na kanilang ino-nominate bilang susunod na Speaker.

Nababahala si Lagman na kung walang common candidate ang mayorya ay mauulit na naman ang nangyari sa 17th Congress kung saan ang naging Minority Leader ay nasa bakuran din ng Majority bloc.

Matatandaan na sa 17th Congress nang mapuwesto si dating House speaker Pataleon Alvarez ay si Quezon Rep. Danilo Suarez ang naging Minority Leader na kaalyado din kaya walang naging tunay na boses umano ang minorya sa Kamara.

Umaasa si Lagman na sa 18th Congress ay hindi na mawawalan ng puwesto ang lehitimong oposisyon at mangyayari ito kung mayroong common candidate.

Sinabi ni Lagman na magdesisyon na sana agad ang administrasyon ng ‘common candidate’ para sa speaker upang makapili na rin sila sa oposisyon ng kanilang nais na kandidato.

Naging tradisyon sa Mababang Kapulungan na sakali mang matalo sa speakership ang manok ng oposisyon, otomatikong ito ang magiging lider ng Minority Group sa Kamara.

Read More