PDU30 PUMAYAG SA OPERASYON NG STL PERO…

(NI BETH JULIAN)

PUMAYAG si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-operate ang STL pero mahigpit itong nagpaalala na dapat sumunod sa mga kondisyon ang mga operators at franchise holders ng STL.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, matatanggal lamang ang suspensyon sa operasyon ng STL kapag nakasunod na sila sa mga itinakdang kondisyon.

Kabilang sa mga kondisyon ay ang pagdedeposito ng franchise holder ng kanilang shares sa PCSO ng tatlong buwan para naman sa franchise holder na hindi pa nakagagawa nito ay kailangang magdeposito ng kanilang kakulangan.

Mayroon ding waiver na pipirmahan ng franchise holder na nangangahulugang hindi maaring magdemand ang mga ito laban sa gobyerno.

Dagdag pa ni Panelo, magiging epektibo ang pagtanggap sa asosasyon ng operasyon ng STL sa sandaling mailathala na sa mga pahayagan ang implementing rules and regulations  (IRR).

Please follow and like us:
Read More

STL BALIK-OPERASYON NA

(NI ABBY MENDOZA)

BINUKSAN na muli ng Malacanang ang operasyon ng Small Town Lottery na una na nitong ipinatigil ang operasyon noong nakaraang buwan.

Gayunman, bago muling makapag-operate ang mga STL operators ay kailangan sumunod ito sa bagong patakaran na inilatag ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO)

Sa isang Facebook live sa PCSO facebook page ay sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang pagbabalik ng STL operations ay kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte  matapos na rin ang ginawang rekomendasyon ng PCSO board.

“Pursuant to the recommendation of PCSO, the President lifted the suspension of STL. Authorized Agents Corporations (AACs) that  are compliant with the conditions of their STL agency agreement and have been remitting its guarantee minimum monthly retail receipts may now operate,” pahayag ni Garma.

Ayon kay Garma papayagan ang mga AACs na bumalik sa kanilanhg operasyon sa ilalim ng bagong kondisyon at kabilang na dito ang pagdedeposito ng cash bond na katumbas ng 3 buwan ng PCSO share sa guarateed minimum monthly retaul receipt, ang hinihinging 3 buwang cash bond ay bukod pa sa nauna nang cash bond na hiningi ng PCSO nang ang mga ito ay mag apply ng franchise.

Ikalawa sa kondisyon ay ang awtomatiko nang forfeited ang cash bond pabor sa PCSO kung hindi makakatalima ang mga AACs sa pagreremit.

Ikatlo ay kailangan na magsagawa ng written undertaking ang mga AACs na susunud ito sa mga kondisyon na inilatag ng ahensya at hindi ito maghahain ng anumang claims, monetary man o hindi at hindi ito maghahain ng anumang legal remedies sa korte gaya ng paghingi ng Temporary Restraining Order o Injunction na pipigil sa ahensya na ipatupad ang kanilang karapatan laban sa mga AACs.

Ikaapat, awtomatiko nang terminated ang kasunduan sa pagitan ng AACs at PCSO kung magkakaroon ng paglabag sa kanilang frachise agreement gayundin sa bagong kondisyon.

‘The foregoing conditions shall be applied to other AACs that may be allowed to resume operations”pahayag ni Garma.

Aniya, kailangan din na sumunod ang mga operators sa bagong  STL agency agreements at gayundin sa bagong STL implementing and regulations na kanilang nakatakdang ipalabas.

 

Please follow and like us:
Read More

RETIRED POLICE, MILITARY SA STL: NO BIG DEAL – DU30

(NI BETH JULIAN)

WALANG problema kay Pangulong Rodrigo Duterte kung may ilang retiradong pulis at military general ang may prangkisa ng small town lottery (STL).

Ito ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa 118th Police Service Anniversary ng Philippine National Police (PNP), kasabay ng pahayag na wala siyang nakikitang masama basta’t masiguro lamang na sumusunod sa panuntunan at batas.

“Let me say this to you now. The allegation that police generals, retired, are into the STL, lotto and what not, I said: ‘You do not have a problem with me.’ If it’s a bidding, you participate as long it is not rigged in your favor and you secure it complying with the laws, I will not begrudge you,” pahayag ng Pangulo.

Aniya, wala siyang balak kontrahin kung ang mga heneral ay kasosyo ng mga milyonaryo sa STL basta masigurado lamang na hindi “ginapang” ang kontrata o prangkisa sa gobyerno.

“If you have friends who are millionaires and would finance a corporation and you are a corporator, I do not see any reason why you should not be in that business. Ang hinihingi ko lang naman is walang gapangan,” paglilinaw pa ng Pangulo.

Una nang ipinasara ng Pangulo ang operasyon ng lotto, STL, Keno at Peryahan ng Bayan na nasa pangangasiwa ng Philippine Charity Sweepstakes Office dahil sa mga tinatanggap na reklamo ng korapsyon saan mas marami ang nakukurakot kaysa napupunta sa kaban ng gobyerno.

 

Please follow and like us:
Read More

‘LOTTO, STL OPERATORS KAYANG MABUHAY KAHIT TIGIL-OPERASYON’

panelo55

(NI BETH JULIAN)

INAMIN ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na walang magagawang hakbang ang pamahalaan para sa mga kawani ng lotto outlet at STL operations na nawalan ng trabaho dahil sa pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon nito.

Sa press briefing sa Malacanang, ikinatwiran ni Panelo na kaya namang maka-survive ng mga Filipino sa tuwing may ganitong inaasahang sitwasyon.

Hindi dapat i-under estimate, ayon kay Panelo, ang kakayahan ng mga Filipino dahil nagagawan ito ng paraan sa tuwina para mairaos ang buhay.

Naniniwala si Panelo na hindi naman maghihirap agad ang mga operator ng lotto at STL dahil tiyak namang nakapag-ipon ang mga ito sa panahong operational pa ang kanilang mga outlet.

Sinabi ni Panelo na posibleng mabibigyan din ng tulong ng pamahalaan ang mga naapektuhang empleyado ng lotto at STL outlet.

Katwiran pa ni Panelo, kung dati ay wala namang lotto outlet at STL at hindi pa sila empleyado ay nabubuhay naman sila kaya hindi imposibleng kaya pa rin nilang makaraos sa buhay ngayon.

Please follow and like us:
Read More

HAMON KAY DU30: CASINO ISUNOD NA IPASARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

IKINATUWA ng isang religious leader sa Mababang Kapulungan  ng Kongreso ang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng uri ng sugal sa bansa kasama na ang pagpapasugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) subalit dapat aniyang isama na dito ang mga casino.

Ayon kay Cibac party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva, good news aniya ang pagkansela ni Duterte sa permit ng mga Lotto at Small Time Lottery (STL) sa buong bansa dahil maaari na umanong makaiwas ang Pilipinas bilang gambling Center of the World.

“Sana pati mga Casinos as breeding grounds of broken families and criminals,” ani Villanueva.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na parami ng parami ang mga casino sa Pilipinas na ikinababahala ng mambabatas kaya nais nito na isunod ito ng Pangulo na ipasara.

Ang mga casino ay nasa illalim ng Philippine Amusement and Gaming Corportation(Pagcor).

MOTIBO NI DUTERTE PINAGDUDUDAHAN

Pero hindi maiwasang magduda ang mga dating mambabatas na sina dating Magdalo party-list Rep. Gary Alejano at Akbayan party-list Rep. Tom Villarin sa motibo ni Duterte sa biglang pagpapasa sa mga lotto, STL at iba pang uri ng sugal sa bansa.

Hindi naniniwala si Alejano na ang isyu ng corruption sa PCSO ang dahilan ng pagpapatigil ni Duterte sa operasyon ng mga Lotto at STL, kundi mayroon itong balak na pabor umano sa kanyang mga kaalyado.

“This is a shakedown just like what he did before in order to shake off those non-allies who are current holders of gambling licenses & franchises. Then later “re-open” and award these to his friends and allies. Corruption? I dont think that’s the issue,” ani Alejano.

Para naman kay Villarin, wala aniya sa hulog ang Pangulo dahil sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay hinihikayat nito ang Pagcor na magpasugal ng magpasugal umano lumaki pa ang kita ng gobyerno ay pinapatigil nito ang lotto at STL.

Please follow and like us:
Read More

LOTTO OUTLETS SINIMULAN NANG ISARA

lotto44

(NI MAC CABREROS)

BILANG pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinuyod ng Eastern Police Districtang mga lotto outlets sa Lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong City at San Juan  (PaMaMariSan), ngayong Sabado ng umaga.

Pinamunuan mismo ni EPD director, BGen. Nolasco Bathan, kasama si San Juan City  Police chief, Col. Ariel R. Fulo sa pagsasara sa mga lotto outlets sa 79 F. Blumentritt St., 107, N. Domingo St., Brgy. Pedro Cruz; 02 G.B Santos St., Brgy Rivera; 19-A N. Domingo St., Brgy Progreso; 146 Aurora Blvd, Brgy Balong Bato; Aurora Blvd. Brgy
Salapan, nasabing lungsod.

Naging maayos at mapayapa ang pagsasara sa mga lotto outlets, ayon sa tanggapan ni BGen. Bathan.
Naunang ipinatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng mga Lotto outlets, STL, Keno at Peryahang Bayan dahil ugat o pugad ito ng korupsyon.

Umani ng magkakaibang reaksyon ang nasabing hakbang ng Pangulo kung saan matindi ang pagtutol ng mga may-ari ng lotto outlets dahil sa pagkawala ng kanilang puhunan at kabuhayan kasama ang kanilang empleyado.

“Maganda po ‘yan. Pambili na lamang ng pagkain ang pantaya,” pagpabor ng isang empleyado ng engineering company sa Pasig City.

“Kung inipon ko lang sana ang itinaya ko simula noong may lotto ay malamang libu-libong piso na ang pera ko o baka milyon pa,” dugtong ng isa pa.

Ang Lotto 6/42 ay sinimulan ng PCSO sa ilalim ni chair Manuel Morato noong Enero 1995 sa halagang P10 kada isang 6-numerong kombinasyon habang ang Small Town Lottery ay nag-umpisa noong Marso
20, 2006 sa administrasyon ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Layon ng lotto na makalikom ng pondo para sa charity service ng gobyerno habang target na mapatigil ng STL ang jueteng.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, unang binola ang loterya noong 1833 sa pamamagitan ng Empresa de Reales Loterias Españolas de Filipinas sa ilalim ng Spanish government. Maging si  Dr. Jose Rizal ay nanalo ng ₱6,200 noong 1892 habang naka-exile sa Dapitan at nai-donate ang panalo nito sa isang educational project.

Nabatid na isa  kada 5.2 milyon ang tsansang manalo sa 6/42 habang 1 kada 8.124 milyon sa 6/45 ; 1 kada 14 milyon sa 6/49; 1 kada 29 milyon sa 6/55 at 1 kada 40.4 milyon sa lotto 6/58.

 

Please follow and like us:
Read More

PNP TULOY SA PANGHUHULI SA JUETENG OPERATORS

jueteng123

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATULOY pa rin ang gagawing panghuhuli ng Philippine National Police (PNP) sa mga sangkot sa operasyon ng jueteng sa bansa, ayon kay P/Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).

Gayunman, sinabi ni Banac na ipauubaya na nila sa  desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pahayag na mas gugustuhin pa nito ang patuloy na operasyon ng jueteng kesa drug trafficking sa bansa dahil nagiging kabuhayan o source  of living na ng mga mahihirap na Filipino ang jueteng.

Ayon kay Banac, mananatili ang kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin na hulihin ang mga sangkot sa operasyon ng jueteng at iba pang mga ilegal na sugal alinsunod sa RA 9287.

Suportado naman ng PNP ang numbers game operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na Small Town Lottery o STL bilang pamalit sa jueteng.

 

Please follow and like us:
Read More

PROBLEMA SA STL; REVAMP SA PCSO, ISUSULONG 

stl12

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL sa hindi maresolbang problema sa Small Town Lottery (STL), irerekomenda umano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na irevamp ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO).

“We will recommend revamp in some of the offices, some members of the Board should be replaced. There are only five, mamili na lang kayo kung sino, with the exception of Sandra Cam,” ani House minority leader Danilo Suarez.

Nitong Martes, muling nagsagawa ang House committee on public account na pinammunuan ni Suarez at  at Committee on games and amusement na pinamumunuan naman ni Paranaque Rep. Gus Tambunting  kung saan natuklasan ng 42 na ang non-compliant na Authorised STL Agents (ASAs) mula sa dating 33 ang nabigong magremit ng Presumptive Monthly Retail Receipts (PMRR) kaya tinatayang P4.65 Billion ang nawawalang kita ng PCSO.

“STL sales have plummeted. Are these loses demand or supply-driven? Are the people veering away from betting on STL? Or are sales grossly underreported, so PMRR can be negotiated?,” ani Suarez.

Maliban dito, dapat aniyang ipull-out na ang mga PCSO personnels sa mga lugar na may STL operations subalit hindi nagreremit kaya palaki nang palaki ang nawawala sa gobyerno.

“It is part of our report na naging weakness ay ‘yung  naglagay sila ng hindi nakakaintindi ng  gaming and it does not really see the potential, the social benefits that can be derived at from the revenue of the PCSO. Nawala ang intention at vision ng social services,”ayon pa kay Suarez.

“Talagang nakakaalarma just think of it meron kang TRO, nag-ooperate pa rin, pero ang iba hindi nila pinapaoperate, merong injunction so hindi balanse, hindi parehas ang pagtingin ng ating enforcement agency like PCSO dun sa treatment sa client nila, yung mga ASAs. Kung magiging strategy na gagawin ng ating mga ASAs, dadating ang puntos lahat ito ay magpa-file ng TRO at hindi magbabayad,” ayon naman kay Coop-Natcco party-list Rep. Anthony Bravo.

 

Please follow and like us:
Read More

PANELO: SANDRA CAM MAAARING MAG-RESIGN KUNG GUSTO NIYA

SANDRACAM13

BINUWELTAHAN ng Malacanang ang pasabog ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board director Sandra Cam sa pagsabing malaya siyang makaaalis sa pwesto kung hindi na niya masikmura ang korupsiyon sa ahensiya.

Hindi na rin umano niya kailangan pa ang aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin siya sa pwesto, ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo.

Isang press conference ang ipinatawag ni Cam noong Huwebes at hiniling nito sa Pangulo na sibakin na siya sa pwesto dahil umano sa mga katiwaliang nagaganap.

Ayon sa report, sinabi ni Cam na may P10 bilyon ang nawawala dahil sa Peryahan ng Bayan project.

Hinihimok din umano siya ng kapwa niya mga director na baligtarin ang PCSO Board Resolution 83 na kikila sa bagong opisyal ng Speedgame Inc. na nagsasagawa ng operasyon ng Small Town Lottery sa Pangasinan.

Sinabi ni Cam na may utang pa ang Speedgame sa ahensiya ng aabot sa P132 million. Hindi rin umano gumagawa ng hakbang ang PCSO na kolektahin ang utang ng mga STL operators.

Sinabi naman ni Panelo na isapormal ni Cam ang kanyang reklamo at isumite ito sa

Presidential Anti-Corruption Commission upang maaksiyunan ito.

Maaari rin siyang magsampa ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng PCSO at isumite ito sa PACC.

Tiniyak naman ng Palasyo na magsasagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng korupsiyon sa PCSO.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More