BILANG NG MAG-AARAL SA BAWAT KLASE PINALILIMITAHAN

students12

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senador Grace Poe na limitahan ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase upang makatiyak na de kalidad na edukasyon ang maibibigay sa kanila.

Sa kanyang Senate Bill 1190, iginiit ni Poe na dapat magkaroon ng regulasyon para sa bilang ng mga mag-aaral sa isang klase at magkaroon ng dagdag na insentibo sa mga guro na humahawak ng mas malaking klase.

Ipinaalala ni Poe na ang edukasyon ang pundasyon ng bansa at tungkulin ng estado ang promosyonng de kalidad na edukasyon sa lahat ng antas subalit hindi naman anya nagtatapos sa paniniyak na papasok sa paaralan ang mga estudyante bagkus ay tiyaking may matutunan ang mga ito.

Lumitaw anya sa pag-aaral na  ang malaking dahilan ang dami ng mag-aaral sa klase sa kalidad ng pagtuturo at matututunan ng ga estudyante.

Gayunman, dahil sa limitadong resources, tulad ng kakapusan ng guro at silid-aralan, 70% ng mga paaralan sa Metro Manila ang nagpapatupad ng double shifts at tumatanggap ng malalaking klase.

Lumalabas na ang public elementary school’s average class size ng bansa ay 43.9 na mas malaki sa Malaysia na ay average na 31.7;  Thailand, 22.9;  Japan,  28.6 at India, 40.

Sa public secondary schools, ang average size ng klase sa Pilipinas ay 56.1; 34 sa Malaysia; 41.5 sa Thailand; 33. 9 sa Japan at 39 sa India.

Sa ilalim ng panukala, ang standard class size na hahawakan ng isang guro ay dapat na 35 na mag-aaral subalit papayagan nag large class size na hanggang 50.

Gayunman, ang mga guro na hahawak sa Large Class  size ay dapat na tumanggap ng large honorarium na katumbas ng  1.0%  ng kanyang arawang sahod.

Kung papasa ang panukala, maglalaan ng gobyerno ng inisyal na P5 bilyong pondo para sa implementasyon nito.

 

Read More

ESTUDYANTENG MANONOOD NANG LIVE, ILIBRE — PANELO

Spokesman Salvador Panelo

(NI CHRISTIAN DALE)

ILIBRE o huwag nang pagbayarin ang mga estudyante na manood ng iba’t ibang games sa 2019 Southeast Asian Games.

Ito ang suhestiyon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo upang maraming estudyante ang makapanood ng kada dalawang taong biennial meet.

Kung hindi papayag ang 30th SEA Games organizers, bigyan man lamang ang mga estudyante na gustong manood nang live sa iba’t ibang venues ng kahit 50% discount.

“Baka pwedeng yung mga estudyante  huwag na lang pagbayarin siguro, pero yung mga may sweldo naman, eh, magbayad,” ani Panelo.

Ayon pa sa Presidential spokesman, kailangan ng organizers ng SEAG ng panggastos para sa maintenance kaya okey lang na magbayad ang mga may trabaho, ngunit sana ay libre o kahit bawasan naman ng kalahati ang tiket para sa mga estudyante

Nauna nang hiniling ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kung pupwedeng wala nang bayad ang karamihan sa events sa SEA Games.

Katwiran ni Puentevella, maraming Pinoy ang gustong manood ng mga laro ngunit walang perang pambili ng ticket.

“After watching the exciting football match between our team drawing Cambodia with only half the stadium filled with cheering football Pinoy fanatics, I’m sure there were many more waiting outside who wanted to just experience the games but couldn’t come in because they couldn’t afford the tickets,” sabi ng mambabatas.

Saad pa ng dating Philippine Olympic Committee chairman, sapat naman ang bilyon-bilyong pisong nakuha ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC)  para ma-subsidize ang mga ticket at ibigay na lang sa bawat Pilipinong gustong sumuporta sa aing mga pambansang atleta.

“And since we are using billions of government funds anyway, why are we still commercializing the games? Aren’t these billions enough? How can we avail of the home court advantage in this manner?”

Sinabi pa ni Puentevella, “outside the opening and closing ceremonies and probably our national sport, basketball, it’s about time we free all the games before the official opening. I’m sure the President will approve this for the sake of the sport-loving masses.”

Isang libong piso hanggang P12,000 ang presyo ng tiket sa SEA Games opening ceremony bukas (Nobyembre 30) sa Philippine Arena, habang sa Disyembre 11 naman ang closing ceremony sa New Clark City.

 

Read More

ESTUDYANTE MAY LIBRENG TERMINAL FEE SA UNDAS

naia15

(NI ROSE PULGAR)

MAY libreng terminal fees sa mga paliparan sa bansa para sa mga estudyante ngayong panahon ng Undas 2019.

Ito ang inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na gawing magaan sa mga magulang at estudyante ang kanilang bakasyon sa probinsya para sa Undas.

Kabilang sa mga free terminals fee ang mula elementary, high school at college level at vocational cources sa mga paliparan na pinangangasiwaan ng CAAP sa buong bansa.

Ayon kay CAAP Director General Jim Sydiongco ang Undas holiday ay mabuting opportunity sa mga  students na ma avail ang malasakit initiative ng Department of Transportation (DOTr) para sa libreng terminal fee sa domestic at international flights.

Ipakita lamang ang valid school IDs o enrollment registration cards with photos.

Idinagdag pa ng CAAP na naniniwala ang DOTr na edukasyon ang matayog na pundasyon para sa kaunlaran ng anumang bansa.

 

Read More

PARENTS’ GROUP NAG-PROTESTA VS ANAK NA NI-RECRUIT NG NPA

parents44

(NI JULIE DUIGAN)

“EDUKASYON hindi rebolusyon” sigaw ng mga magulang sa ginanap na press conference Biyernes ng umaga sa Ermita, Maynila.

Ito ang madamdaming tagpo ng mga magulang na ang kani-kanilang mga anak ay hindi na kapiling , matapos umanong mairecruit ng umano ‘y Kabataan Party List ; Anak Bayan party List at mula sa makakaliwang grupo.

Dahil dito, nagkaisa ang iba’t ibang grupo ng mga magulang upang ilunsad ng Parents League of the Philippines para sa ibayong proteksiyon at pangalagaan ang mga puwersang CPP /NPA , isa sa umano’y mga “hot base” para sa recruitment ng komunistang grupo.

Gamit umano ng mga ito ang “legal front recruitment “, upang maghimagsik sa pamahalaan at maglatag ng armadong pakikibaka.

Napasok na ng ilang makakaliwa ang mga eskuwelahan sa Manila, tulad ng PUP at FEU , dahil nasa anim na umanong magulang ang nangangamba sa kanilang anak kung ang mga ito’y nasa bundok na at hindi na nag-aaral .

Read More

RECRUITMENT NG NPA KINUMPIRMA NG MILITAR

cpp npa12

(NI BONG PAULO)

KINUMPIRMA ng militar na may mga ginagawang recruitment activity pa rin ang rebeldeng grupo sa ilang mga lugar sa North Cotabato.

Ito ang ipinahayag ni 72nd Infantry Battalion commander Lt. Col Rey Alvarado ng Philippine army na nakabase sa Magpet, North Cotabato.

Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng Community Support Program na direktiba ng higher headquarters target ang mga kabataan upang hindi umanib sa kaliwang grupo.

Dagdag pa ng opisyal, may mga namonitor pa rin ngayon sa ilang lugar sa lalawigan na mga kabataan na sumasali sa grupo.

Ang mga pangako at pagbibigay ng pera ang dahilan na nahihikayat ang mga menor de edad. Sinabi rin nitong target ng grupo ang nasa IP (Indigenous People) community lalo na ang kulang sa edukasyon at kulang sa impormasyon.

Kaugnay nito, muling nagpa-alala ang militar na handa ang gobyerno na sila ay protektahan ang mga nais na bumalik sa pamahalaan.

 

Read More

ESTUDYANTE EXEMPTED SA TERMINAL FEE, IKINATUWA SA SENADO

airport55

(NI NOEL ABUEL)

IKINAGALAK ng ilang senador ang desisyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bigyan ng exemptions ang mga estudyante sa pagbabayad ng terminal fee sa 42 paliparan sa buong bansa.

Ayon kay Senador Grace Poe, malaking tulong sa mga mag-aaral ang desisyon ng CAAP maging sa kanilang mga magulang na makagagaan para sa budget ng mga ito.

“Makakaginhawa ito sa mga biyaherong estudyante. Para sa isang mag-aaral, malaking bagay ang matitipid na P100-P200. Makaeengganyo rin ito sa kanila para magbiyahe at bumisita sa iba’t ibang lugar sa bansa,” sabi ni Poe.

Idinagdag pa ni Poe, chair ng Senate Public Services Committee, umaasa ito na maayos na maipatutupad ang nasabing programa sa lalong madaling panahon.

“Hinihikayat natin ang mga mag-aaral na i-check ang kanilang mga tiket para masiguro na wala na sa charges ang terminal fee,” panawagan pa ni Poe.

Kaugnay nito, hiniling ng senador sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na igiit na ibalik sa mga ito ang maling pagkolekta sa kanilang terminal fee noong nakaraang taon.

“Tandaan natin ang ilan nating kababayang OFW na kailangan pang humingi ng refund dahil sa maling pagkolekta sa kanila ng terminal fee noong isang taon. Patuloy tayong mananawagan ng maayos na serbisyo sa ating mga airport. Dapat maramdaman ito ng ating mga kababayan sa kanilang pagbiyahe,” panawagan pa ni Poe.

 

Read More

STUDENT FARE DISCOUNT BATAS NA

fare44

(NI BETH JULIAN)

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nagsusulong na gawing permanente ang student discount sa mga estudyante sa mga public utilities.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11314 na nagkakaltas sa 20 percent na diskwento sa pamasahe sa mga estudyante.

Sa ilalim ng batas, saklaw nito ang mga tren, jeep, bus, taxi, tricycle, barko at eroplano at ang iba pang mga pampubliko sasakyan.

Exempted naman dito ang mga   school services, shuttle at tourist vehicles at kahalintulad na serbisyo.

Dito ay kailangan lang ipakita ng mga estudyante ang mga valid IDs nila o enrollment form na may kasamang government ID o  anumang government document.

Maaari naman dumulog at maghain ng reklamo ang mga estudyante na pagkakaitan ng nasabing pribilehiyo sa LTFRB.

Read More

APELA NG DEPED: IHABOL SA ENROLLMENT ANG MGA BATA

deped12

(NI KEVIN COLLANTES)

UMAAPELA ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na ipa-enroll na ang kanilang mga anak upang makapasok ang mga ito sa eskwelahan.

Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, sa mga pampublikong paaralan ay binibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong makapag-enroll, upang matiyak na makakapag-aral ang mga ito.

Mas mainam aniya kung bago matapos ang buwang ito ay maipa-enroll na ang mga bata upang hindi sila mahirapan.

“Sa public school kung puwede bago matapos itong buwan na ito kasi mahihirapan ‘yung bata na makahabol,” ani Mateo.

Aniya, inaasahan na rin naman nilang darami pa ang bilang ng mga mag-aaral sa public schools dahil marami pa aniya ang magpapa-enroll ngayong linggo hanggang sa buwan ng Agosto, kung kailan magbubukas naman ng klase ang mga pribadong paaralan.

“We’re expecting about 2.7 million students but if we include the out-of-school youth and alternative learning system, that number may go up,” aniya pa.

Noong Lunes, Hunyo 3, ay milyun-milyong estudyante ang pumasok sa eskwelahan kasabay ng pormal nang pagsisimula ng School Year 2019-2020.

 

Read More

SUBJECT SA KALAMIDAD, ISASAMA NA SA DEPED CURRICULUM

students12

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG maihanda ang mga tao, lalo na ang mga kabataan sa kalamidad, isasama na sa curriculum ng Department of Education (DepEd) ang Disaster Awareness and Disaster Mitigation.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 8044 na iniakda ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na nakabimbin ngayon sa House committee on basic education na pinamumunuan ni Rep. Ramon  Durano VI.

Sa sandaling maging batas ang nasabing panukala, magkakaroon ng hiwalay na subject ang mga elementary at high school students para ipamulat sa kanila ang mga kalamidad na nangyayari sa bansa.

Isasabay dito ang pagtuturo sa mga estudyante kung paano ang tamang paghahanda sa kalamidad at ano ang mga dapat nilang gawin upang maiwasan ang matinding epekto ng bagyo at lindol.

“Our students should be made aware of the different hazards that they are likely to encounter in their own communities. They should know in advance what specific preparations to make before the onset of a disaster, what to do during disasters, and what actions to take in its aftermath,” ani Alejano.

Umaasa ang mambabatas na maging batas na ito dahil isa ito sa mga paraan aniya upang mabawasan ang nagbubuwis ng buhay at pagkasira ng mga ari-arian kapag may bagyo at lindol.

Noong Lunes ay nagkaroon ng magnitude 6.1 na lindol sa Castillejos, Zambales kung saan naapektuhan ang ikalawang distrito ng Pampanga na naging dahilan ng pagkamatay ng may 16 katao kasama na ang mga natabunan sa gumuhong gusali ng isang grocery store.

Sinundan ito kinabukasan, Martes ng 6.5 magnitude na lindol sa Eastern Samar at noong Miyerkoles naman ay niyanig ang Davao Oriental.

 

 

Read More