SURIGAO DEL NORTE NILINDOL

earthquake12

(NI JEDI PIA REYES)

NIYANIG ng magnitude 4.5 na lindol ang Surigao Del Norte, Linggo ng umaga.

Dakong alas-8:16 ng umaga nang ma-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagyanig sa layong 29-kilometro Hilagang-Kanlurang ng munisipalidad ng Burgos.

May lalim na 25-kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity II sa Borongan City sa Eastern Samar.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na aftershocks o pinsala dahil sa lindol.

Nabatid din mula kay Sancina Sulapas, ng Burgos Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, na wala pang naiuulat sa kanila na ano mang pinsala dahil sa lindol.

“Nag-iikot po ako at tinatanong yung residente kung naramdaman ba nila at kung may pinsala. Wala naman po, sa awa ng Diyos,” ayon kay Sulapas.

Please follow and like us:
Read More

MAGNITUDE 8 NA LINDOL SA SURIGAO DEL NORTE, POSIBLE — PHIVOLCS

phivolcs100

(NI ABBY MENDOZA)

NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology(Phivolcs) sa posibilidad ng pagkakaroon ng 8.0 magnitude quake sa Surigao del Norte matapos umabot na sa 673 ang naitalang aftershocks sa Surigao del Norte matapos ang 5.5 magnitude quake noong Abril 26.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang kumpol-kumpol na lindol ay tinatawag na earthquake swarm, aniya, dalawang scenario ang maaaring mangyari kapag may earthquake swarm, una ay manatili ang pagkakaroon ng maliliit na pagyanig at ang ikalawa ay  maaring magdulot ng malakas na lindol, sa kaso umano sa Surigao ay binabantayan nila ang posibilidad na umabot ng magnitude 8 at maaaring magdulot ito ng tsunami.

Nitong unang bahagi ng  taon ay nagkaroon na rin ng earthquake swam sa ibat- ibang bahagi ng bansa  at pagkatapos nito ay nagkaroon ng 6.0 magnitude quake, maaari umano na ganito lamang din ang mangyari o mas malakas na sya ngayong minomonitor ng Phivolcs.

“Hindi natin iniaalis ang maging scenario natin diyan ay mga magnitude 8, na kung ganyan ang mangyayari na malakas eh yung tsunami naman ang ating babantayan,” pahayag ni Solidum.

Ipinaliwanag ni Solidum na kung pagbabantayan ang mga kaso ng swarm earthquakes sa Surigao ay wala namang malaking nangyari ngunit hindi umano dapat maging kampante.

“Hindi talaga natin pwedeng tanggalin yung ganung scenario at kailangan pa rin bantayan at maging handa,” giit pa ni Solidum.

Kasabay ng babala ay umapela si Solidum  sa mga residente na nasa coastal communities sa Surigao na palagiang maging alerto, iminungkahi din ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan na magkaroon ng regular na pagsasanay upang maging handa sa lindol o tsunami.

Please follow and like us:
Read More

SURIGAO DEL NORTE NIYANIG NG 6.2 LINDOL

SURIGAO

(NI ABBY MENDOZA)

NIYANIG ng 6.2 magnitude ang Surigao del Norte Biyernes ng gabi bagamat walang naitalang pinsala magdudulot naman ito ng mga aftershocks.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) may kalakasan ang lindol na naramdaman din sa ilamg bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa talaan ng Phivols, naramdaman ang pagyanig alas 11:06 ng gabi noong Biyernes,  may lalim ito na 38 km na tectonic ang pinagmulan at ang sentro ay naitala sa bayan  ng Burgos.

Sa rekord ng Phivolcs,  ang pagyanig ay naramdaman din sa  Dinagat island na nasa Intensity V samantala Intensity IV ang naitala sa Butuan City, Agusan del Norte; Abuyog, Leyte; Tacloban City at sa bayan ng Hinunangan, San Francisco at  San Ricardo sa Southern Leyte.

Intensity lll naman ang sa Palo, Leyte; Borongan, Eastern Samar; Cebu City, Gingoog City at Misamis Oriental.

Intensity II ang naramdaman sa Argao City, Cebu, Intensity I sa Cagayan de Oro, Ormoc City at  Sarangani province

Sinabi ng Phivolcs na makakaranas ng mga aftershocks kung saan kahapon ay may 8 aftershocks na ang naramdaman na ang pinakamalakas ay 3.7 magnitude.

Please follow and like us:
Read More

‘NARCO POLITICIANS’ SA COCAINE SA DAGAT?

cocaine18

(NI BERNARD TAGUINOD)

POSIBLE umanong mga narco politicians ang nasa likod ng mga nagsisilutangang kontrabando ng cocaine sa karagatan kung saan gagamiting pondo ang mapagbebentahan sa nalalapit na eleksiyon.

Ito ang paniwala ni House committee on dangerous drug chair Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, kasunod ng mga cocaine na nadidiskubre sa mga karagatan ng Pilipinas.

Mula shabu, lumevel-up (level-up) na ang mga durugista sa Pilipinas dahil mula sa paggamit ng shabu ay lumipat na ang mga ito sa cocaine.

“Oo, level-up na (ang mga adik kasi mas mura na ngayon ang cocaine kesa shabu,” text message ni Barbers sa Saksi Ngayon.

Hindi nagbigay ng karagdagang impormasyon si Barbers ng tanungin ng Saksi Ngayon kung sino ang mga pulitiko ang posibleng nasa likod ng mga cocaine na narekober sa kanilang probinsya subalit sinabi nito na ang ilegal na droga ang “…fastest way to raise funds ngayong eleksyon.”

 

Hindi nagbigay ng detalye si Barbers kung magkano ang bawat gramo ng cocaine subali mas mahal na umano ang shabu dahil hindi na kasingdami umano ang supply nito ngayon kumpara noon dahil sa pinag-igting na kampanya ng gobyerno laban sa ileal na droga.

 

Ang shabu ay shabu ay dating tinaguriang “poor man’s cocaine” subalit iba na aniya ang situwasyon ngayon kaya maraming ibinabagsak na cocaine sa Pilipinas gamit ang karagatan.

Noong Sabado ay 77 block ng cocaine ang narekober ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa karagatan ng  Dinagat at Siargao na nagkakahalaga ng P500 Million.

Bago ito ay nakakuha din ang mga otoridad ng mga bloke ng cocaine na palutang-lutang sa karagatan ng Vinson, Camarines Norte na nagkakahalaga ng P5.4 milyon.

Mayroon din aniya mga narekober ng mga mangingisda  na 28 sealed pack ng high-grade cocaines na nagkakahalaga ng P162 Million sa Lucena, Quezon noong Abril 2017; 24 kilos naman ang nakuha sa karagatan ng Matnog, Sorsogon noong Enero 2018 na P125 million ang halaga at 18.8 kilo naman na nagkakahalag ng P79 Million sa Davilacan, Isabela noong Pebrero 2018.

Sa isang statement, noong Sabado, inatasan ni Barbers ang PDEA at PNP na laliman ang imbestigasyon sa mga cocaine na nakuha sa Dinagat at Siargao dahil posibleng pag-aari ito ng mga pulitiko para gamitin sa kanilang kampanya.

“It is an open secret in my province that some politicians are involved, directly or indirectly, in illegal drugs operations. And it is not far-fetched to think that people involved in this have heightened their illegal activity and use their loot for election purposes in the May 2019 elections,” ani Barbers sa inisyung statement.

Please follow and like us:
Read More

PDEA NAKATUTOK SA LIKOD NG 77 BLOKE NG COCAINE

cocaine1

DIVERSIONARY tactic umano ng sindikato ng droga ang paglaglag ng bloke-blokeng cocaine sa dagat para lituhin ang awtoridad sa nakuhang kalahating bilyon ng cocaine na nakita sa mga dalampasigan ng Surigao del Norte at Dinagat Islads.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang modus ng drug syndicate ay ihulong ang mga cocaine sa dagat upang huwag mapansin ang mas malaking shipment.

“Inilalaglag nila ng mga sindikato intentionally, but here comes a bigger shipment of shabu sa ibang lugar para lahat ng focus ng law enforcement agencies and law enforcers ay doon sa search and retrieval,” ayon pa kay Aquino.

Nakikipag-koordinasyon na rin ang PDEA sa mga counterparts upang i-monitor at nagdadatingang bloke ng shabu sa karagatan.

Rumesponde ang awtoridad sa report mula sa isang miyembro ng barangay intelligence group na mga bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuan sa San Isidro, Siargao, Surigao del Norte.

Nagsagawa ng chemical test ang PDEA conducted a chemical test at nakumpirmang mga cocaine ang lamang ng 40 bloke gayundin ang 37 bloke ng cocaine na nakuha rin sa dagat noong Biyernes.

“Naghigpit tayo sa port, naghigpit tayo sa airport so most likely baka nataranta sila. Puwedeng part ng modus nila ‘yon,” sabi ni Police Chief Superintendent Gilberto Cruz, regional director of Philippine National Police-Caraga.

Please follow and like us:
Read More

IKA-4 NA LINDOL YUMANIG SA SURIGAO DEL NORTE

surigao1

(NI ABBY MENDOZA)

MULING nakapagtala ng 4.3 magnitude na pagyanig sa  bayan ng General Luna sa Siargo Island,Surigao del Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon aa Phivolcs ang naitalang pagyanig ay ikaapat nang lindol na naitala sa bayan ng General Luna simula noong Biyernes.

Sa ngayon ay nagbabala ang Phivolcs ng mga aftershocks resulta ng bahagyang malalakas na pagyanig.

Ayon Phivolcs sa alas 12:45 ng madaling araw nang maitala ang 4.3 magnitude na lindol na naramdaman  28 km northeast sa bayan ng General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte province. May lalim ito na  17 km.

Noong Linggo ay dalawang beses na nilindol ang bayan ng General Luna, una ay 10:33 ng gabi na may lakas na 5.1 magnitude at nasundan alas 10:39 ng gabi ng 4.2 magnitude.

Dahil sa nasabing magkasunod na lindol ay nakapagtala na ng 13 aftershocks na ang pinakamalakas ay 3.7 magnitude.

Noong Biyernes ay 5.9 magnitude ang naitala din sa bayan ng General Luna na sinundan din ng ilang aftershocks.

Sinabi ni Surigao del Norte Gov. Sol Matugas na nakaalerto  na ang lahat ng rescue teams ng  provincial at municipal DRRMC upang agad na makaresponde sakaling magkaroon ng pinsala amg magkakasunud na lindol.

Inalerto din ng  lokal na pamahalaan ang mga residente na maging kalma lamang at hindi mabahala sa lindol.

 

 

Please follow and like us:
Read More

5.5 AFTERSHOCK NAITALA SA SURIGAO DEL NORTE

surigao1

NIYANIG ng 5.5 na lindol ang Surigao Del Norte Linggo ng umaga ayon sa Phivolcs.

Ang pagyanig ay maituturing na aftershock sa magnitude 5.9 quake na naganap noong Biyernes ng gabi. Ang lindol kaninang alas-6 ng umaga ay may lalim na 44 kilometro at ang epicenter ay nasa

42 kilometro sa east ng General Luna, ayon pa sa Phivolcs.

Naitala naman ang intensity 1 sa kalapit na Gingoog town sa Misamis Oriental ganundin sa Cebu City.

Hindi naman inaasahan na magkakaroon ng major damage ang pagyanig, ayon sa Phivolcs.

Please follow and like us:
Read More

HALOS 100 NA STRANDED KAY ‘AMANG’

amang

UMAABOT na sa 94 pasahero ang stranded sa Lipata Port Surigao del Norte dahil sa bagyong  ‘Amang’ matapos maisama sa signal number 1 ang lalawigan. Pinayagan namang makabiyahe ang 27 rolling cargos.

Sa Baseport patungong Siargao ay 22 na ang pasaherong stranded at 11 sasakyang pandagat ang hindi nakabiyahe.

May ipinalabas din na heavy rainfall warning No. 5 para sa Dinagat Island, Siargao island, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur kasama na ang Davao Oriental at Compostela Valley na nangangahulugang nanatiling banta ang pagbaha at landslide sa nasabing mga lugar.

Nananatili namang nakaalerto ngayon ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office o local DRRMOs sa buong Caraga region lalo na sa mga naninirahan sa mga low-lying areas at yaong nasa gilid ng mga tributaries dahil sa posibleng magaganap na mga pagbaha at landslides.

Please follow and like us:
Read More