EXCITED SI ALDEN

ALDEN-12

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Excited na ang mga fans ni Alden Richards sa bagong programang ihu-host nito.

Isang musical game show na kung saan mga bata ang kasali.

Parang singing competition, pero may kakaibang rekado para iba nag concept.

Centerstage ang title ng programa na kung saan ang bestfriend niyang si Betong Sumaya ang co-host niya.

May tatlong judges din na sina Pops Fernandez, Mel Villena at Aicelle Santos.

Mas excited siyempre si Alden dahil malapit sa kanya ang mga bata at kakaibang experience daw na makaka-interact niya ang mga magagaling na mga  batang may talent sa pagkanta.

LAST TAPING DAY NG TALK SHOW NI VICE GANDA

SEE: Wala pa namang kumpirmasyon mula sa ABS-CBN 2, pero kumakalat na ang balitang tatanggalin na raw ang Gandang Gabi Vice.

Ang narinig lang namin ay ngayong linggo na raw ang last taping ng naturang celebrity talk show ni Vice Ganda.

Sa GMA 7 naman ay iri-reformat na raw ang Dear Uge ni Eugene Domingo into a light drama.

WALANG PROPOSAL NA MAGAGANAP SA CO-LOVE CONCERT NINA JENNYLYN AT DENNIS

SWAK: Tinitiyak ni Jennylyn Mercado na walang drama ng proposal o pag-usapan ang kung ano ang plano nila ni Dennis Trillo sa kanilang relasyon na gagawin sa  concert nilang Co-Love na gagawin nila sa New Frontier Theater sa February 15.

Tinanong kasi namin kung doon na ba ay mag-propose si Dennis sa kanya?

Sure daw siyang hindi gagawin iyun ni Dennis dahil hindi pa raw talaga siya puwede sa ganun, gawa ng may commitment siya sa GMA 7.

“Hindi pa puwede eh. Idedemanda ako.

“Ayoko rin naman pag-usapan yan eh. Tapusin ko muna yung mga commitments ko,” pakli niya.

Ayaw lang  niya idetalye, pero mukhang nasa clause ng kontratang pinirmahan niya sa GMA 7 na hindi pa muna siya puwedeng mag-asawa.

Kaya sa career lang talaga siya naka-focuse, at maganda rin namang magkasama sila ni Dennis sa concert na talagang pinag-isipan daw nila nang husto kasama ang direktor nilang si John Prats at ang 3rd Avenue na musical director nila.

“Kinakabahan kami kasi first time namin mag-show together tapos ang mga songs eh medyo dibdiban kaya puspusan ang paghahanda namin ni Dennis.

“Halos lahat ng kanta ay pinag-usapan namin nang mabuti, tapos meron kaming pa-orchestra para sweet di ba?

“Kailangan naming pag-usapan ng buong team para hindi nakakahon sa gusto naming kanta, para maka-relate sa ibang tao,

“May koneksyon sa amin at sa bawat ng tao. Kasi di ba sa bawat relasyon laging hindi naman masaya di ba?

“Sa umpisa kinikilig ka, tapos habang tumatagal nakikilala nyo na ang isa’t-isa, nagkakaroon kayo ng problema. So,  parang dadalhin namin kayo sa journey talaga ng love story ng lahat ng tao,” pahayag ni Jennylyn sa pictorial ng Descendants of the Sun.

MAGALING NA AKTOR BALOT NA BALOT KAHIT SA GOLF COURSE

SEE: Hindi mo pala talaga ma-‘see’ ang mukha nitong magaling na aktor kapag nasa initan ito dahil takip na takip daw ito.

Iyun ang napapansin ng ibang mga kumpare niya kapag naglalaro sila ng golf, o may iba pang sports activity silang ginagawa na nasa labas at nasisikatan ng init ng araw.

Sobra raw kung makatakip ang mukha na mata lang nito ang nakikita dahil takot daw siyang mainitan ang mukha.

Ang ibang kumpareng walang kaalam-alam sa pagpaparetoke ng fez ay hindi nila talaga alam kung bakit.

Pero napapansin na kasi ang nareretoke sa mukha at ilang beses na ring na-botox kaya pinagbawalang mainitan.

Kaya naman nanatiling bagets pa rin ang mukha ni aktor, pero ang napapansin lang, hindi na gaanong nakitaan ng emosyon kapag umaarte dahil ang tigas na ng mukha sa katuturok ng botox.

Hindi talaga maiwasang maapektuhan ang pag-arte nito dahil matigas na ang fez!

Read More

SANYA LOPEZ NEW LEADING LADY OF SEN. BONG

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Inikot ni Sen. Bong Revilla ang Cavite at Batangas kahapon para mamigay ng relief goods at tingnan na rin kung ano ang puwede pang tulong na kaya niyang ibigay sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal.

SInamahan siya ng mga anak niyang sina Bryan at Ram Revilla at ilang pamangkin para tumulong sa kanya.

Pero bago ‘yan, nakipag-meeting na siya sa GMA 7 para ma-finalize ang gagawin niyang Agimat ng Agila na punung-puno pala ito ng aksyon.

Ang latest na nabalitaan namin, si Sanya Lopez ang isa sa pinagpiliang makatambal niya.

Kaya pala nakikita naming ipinu-post ni Sanya sa kanyang Instagram account na nagi-ensayo ito ng mga action scenes at pagputok ng baril.

COLEEN AT EDGAR ALLAN  NAKALULUNGKOT ANG SINAPIT NG KANILANG MIA

COLEEN-EDGAR ALLANSEE: Nakalulungkot ang sinapit sa takilya ng pelikulang Mia na pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman.

Ipinalabas ito nung nakaraang Miyerkules na nung na-check namin nung tanghali, wala pa raw 50 thousand ang kinita nito sa mga sinehan.

Hindi lang magandang senyales na ang unang Pinoy Film na ipinalabas sa taong 2020 ay sumemplang ito sa takilya.

Kunsabagay, inaasahan na itong di sisipa sa takilya dahil di naman gaanong na-promote at sumabay pa sa pagputok ng bulkang Taal.

Dito muna nakatutok ang mga tao sa ngayon, at wala sa concern nila ang mag-ikot sa mall at manood ng sine.

‘Anak ni Waray, Anak ni Biday’ na bida sina…

BARBIE AT KATE PANG ILANG SHOW NG GM-7 NA ITINAPAT KAY COCO

BARBIE-KATESWAK: Dalawang linggo na lang matatapos na  ang Beautiful Justice at ang buong akala namin ang Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ang ipapalit para sa Ang Probinsyano.

Ang dinig namin, ang Anak ni Waray, Anak ni Biday ang ipapalit, kaya puspusan na ang trailer nito.

May pagka-comedy naman ito na itatapat sa maaksyong teleserye ni Coco Martin.

Malay nga naman natin, baka masilat pa ito nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

MARK KINANTIYAWAN NINA  CHRISTIANAT AICELLE

MARK BAUTISTA-3SEE: Kinakantiyawan si Mark Bautista ng mga kaibigan niyang sina Christian Bautista at Aicelle Santos dahil wala pa rin siyang partner.

Sa mediacon ng concert nilang 1 for 3, masayang ikinuwento ni Chistian ang honeymoon nila ng asawa niyang si Kat Ramnani sa Africa.

Si Aicelle naman ay naka-schedule na ang honeymoon nila ni Mark Zambrano sa Japan.

Masaya naman daw si Mark kahit single pa rin siya hanggang ngayon.

“Sabi nga nila sa akin, masarap daw na may partner ka pagkagising mo.

“Masarap din naman na wala kang partner pagkagising mo,” napapangiti niyang pahayag.

Mas naka-focus na lang ngayon si Mark sa paghahanda sa concert nila nina Christian at Aicelle na silang tatlo rin ang nag-produce at ididirek ni  Paolo Valenciano.

Gaganapin ang kanilang 1 for 3 concert sa The Theatre at Solaire sa February 1.

Read More

SILVER PLAY BUTTON AGAD SI KATHRYN SA KANYANG UNANG VLOG

kathryn bernardo-4

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Kasabay ng pagpasok ng taong 2020, sinimulan ni Kathryn ang vlog niya sa You Tube at ilang oras lang kaagad na nagkaroon na ito ng 100 thousand subscribers.

Kaya unang post pa lang niya,  nakatanggap na siya agad ng Silver Play Button mula sa You Tube.

Kaya na-inspire si Kathryn na mag-post uli ng ilan niyang experience sa kanyang vlog.

Ang tanong ng mga fans, may ipu-post kaya siya nung nag-shoot sila ni Alden Richards sa Hongkong?

Matataypan daw kaya ito ni Daniel Padilla?

KC IPINAGTANGGOL NI GABBY

KC and gabbySEE: Sa mga post ni Gabby Concepcion sa kanyang Instagram account siya nagtanggol kay KC Concepcion.

Marami kasing mga netizens ang nag-react na hindi sila pabor sa pagsasalita ni Sharon Cuneta sa mga interviews ng problema nila ni KC.

Isang follower niya ang nag-comment sa isang post niya na ni-like niya ito.

Sabi nung isang follower niya na si @dissiskarma; “I’m happy that you feel peace but you need to help your daughter and keep her from her abuser which is her own mom @reallysharoncuneta @itskcconcepcion needs to be protected held her. Look at my posts in my feed!”

May ilang posts din si Gabby na ang tingin ng karamihan patungkol ito sa isyu ng mag-inang Sharon at KC.

Ipinost niya ang isang quote card na ang sabi; “Sometimes the best thing you can do is not think, not wonder, not imagine, not obsess. Just breathe, and have faith that everything will work out for the best.”

DEREK-ANDREA IBABALIK NG GMA-7

DEREK-ANDREASWAK: Wala pang kinukumpirma ang GMA 7, pero ang latest na narinig namin, may binubuong magandang material daw ngayon na muling pagsasamahan nina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Kitang-kita naman kasing in love ang dalawa sa isa’t-isa, kaya sila pa rin daw ang gustong pagsamahin ng Kapuso network.

BAGUHANG YOUNG ACTRESS FEELING SIKAT

SEE: Napapailing na lang ang ilang magagaling at sikat na artista dito sa baguhang young actress na kabagu-bago ay feeling sikat na raw.

Kapag napapasabay daw ito sa mga bigating artista na endorsers din ng kilalang produktong pampaganda, laging nasa harap daw ito at madalas tinatakpan ang mas sikat na artista.

Kapag sa mga ribbon cutting, nakapuwesto raw agad sa harap at walang pakialam na natatakpan ang mas sikat sa kanya.

Napapailing na lang daw ang mga kilalang artista na hindi naman swapang sa atensyon.

Kasi naman kapag sila ang tinatawag, tilian ang mga tao. Pero itong si baguhang young actress, isang nakakabinging katahimikan kapag tinatawag ang pangalan.

Isang aktor ngang may pagkataklesa ang nag-comment na bakit ganun daw itong si baguhang young actress? “Hindi naman siya maganda!” sabi nitong aktor.

Read More

ILANG MILYON LANG ANG LAMANG

MMDA GM JOJO GARCIA

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Masaya na ang mga taga-MMFF sa kinita ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Ilang milyon lang naman ang lamang ng nakaraang taon, kaya itinuturing pa rin nilang successful ito.

Ang pinaghahandaan na nila ngayon ay ang Summer Metro Manila Film Festival.

Hindi raw nila ini-expect na kagaya rin ng katatapos na MMFF ang kikitain nito.

Masaya na raw sila kung maka-500M ang walong pelikulang kalahok.

Pahayag ng General Manager ng MMDA na si Jojo Garcia; “Itong ating Summer festival 2020, kung matatandaan nyo ang nag-initiate si Sen. Bong Go, ang nagrekomenda na pinayagan ng Execom.

“We’re hoping na sana makatulong sa industriya. We’re not expecting a billion sales definitely. Pero we’re expecting at least kalahati 500M…will really help the industry.

“Iyun naman talaga ang purpose namin talaga sa Metro Manila Filmfest to help the industry, itong pelikulang Pilipino.”

BILIS MAG- MOVE ON NI KIRAY; MAS GUWAPO ANG BF NGAYON

KIRAY-2SEE: Ang daling nakapag-move on ng komedyanteng si Kiray Celis pagkatapos niyang makipag-break sa una niyang boyfriend na dati niyang partner sa negosyo nilang restaurant.

Ikinuwento niya sa nakaraang mediacon ng pelikulang D’Ninang ng Regal Films na nakipag-break na siya sa dating boyfriend at ibinenta na raw niya ang share niya sa negosyong iyun dahil hindi naman daw siya kumportable na partner pa rin niya sa  negosyo ang ex-boyfriend.

Ngayon ay proud siya sa bagong boyfriend na mas guwapo raw sa ex niya.

“Guwapo talaga ang boyfriend ko ngayon. Very proud ako,” pagmamalaki niya.

Kaibigan daw ito ng kapatid niya at magkalaro pa raw sila sa Mobile Legends, hanggang sa nagkadebelopan.

Pero ang isa pa sa ipinagmamalaki ni Kiray ay hanggang ngayon ay virgin pa rin daw siya.

Wala raw talagang churvahan sa dating boyfriend kahit tatlong taon na ang kanilang relasyon. Pati sa bago niya ngayon, na delicious pa naman.

“Wala po talaga. Malakas po ang mens ko ngayon,” bulalas ni Kiray.

“Hindi naman porke’t mag-boyfriend kayo ganun na kayo? Hindi naman kailangan yun eh.

“Hindi naman lahat ng tao…hinihiling naman yun. Yung iba marespeto talaga.

“Ayoko pa eh!” sabi pa ng Kapuso comedienne.

MATATAGALAN PANG MAGING BAHAGI SI AI AI NG ALL OUT SUNDAYS

AIAI-2SWAK: Pinanood ni Aiai delas Alas ang pilot episode ng All-Out Sundays na pumalit sa kanilang Sunday Pinasaya.

Ang obserbasyon niya; “Parang nanganganay pa naman sila. Pero hoping na magi-improve siya as the days go by.”

Medyo nanibago nga raw siya na apat na taon din siyang may trabaho tuwing Linggo, at ngayon ay nasa bahay na lang siya nanonood ng AOS.

Pero mukhang magiging bahagi rin daw siya ng All-Out Sundays, pero baka medyo matagal-tagal pa raw.

“Sabi nila eh. Pero hangga’t wala pa naman ako dun…pero sabi ng mga bosses, magiging part ako nung show.

“Pero matagal pa. Siguro by summer pa ako,” pakli ng Kapuso comedy queen.

UWAK BAWI SI GAY BENEFACTOR SA HUNK ACTOR

SEE: Waley na! As in binawi ang tatlong motorbike, at tatlong sasakyan sa guwapong hunk actor ng mayamang gay benefactor.

Hindi namin akalaing patola rin pala si hunk actor sa mayamang bading, dahil living in style ito pati ang buong pamilya.

Matagal-tagal din ang kanilang relasyon, pero nang nalaman ni gay benefactor na tila nagkakadebelopan na si hunk actor at ng aktres na kasama niya sa soap, sinabihan niya itong kung itutuloy niya, mas mabuting tapusin na lang ang kanilang relasyon.

May mga panunumbat pa si gay benefactor na kaya ganun na lang ka bongga si aktor at lalong gumanda ang career dahil din sa tulong niya.

Wala raw itong utang na loob!

Pero deretsahang sinabi sa kanya ni hunk actor na wala siyang utang na loob dahil nagagamit naman ang katawan niya.

Kaya biglang binawi ang lahat na mga naibigay at back to dating gawi na si hunk actor.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, meron pang isang bading na nagmamahal nang tunay kay hunk actor na dumudugo ang puso at tahimik na tumatangis.

Read More

ALL-OUT SUNDAY MATAAS ANG RATING

ALL OUT SUNDAYS

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Tuwang-tuwa ang mga taga-GMA 7 sa mataas na rating ng All-Out Sundays na nagsimula noong nakaraang Linggo.

Ayon sa AGB-NUTAM naka-6.1 percent ito at 5.7 percent ang katapat na ASAP Natin ‘To.

Pero ang claim naman ng ABS-CBN 2, ang ASAP naman daw ang nag-rate nang mataas.

Ayon sa kanilang survey group na Kantar Media, nakapagtala ng 11.7 percent ang ASAP at 9.7 daw ang AOS.

Nasa mga tao na ‘yan kung alin ang gusto nilang panoorin.

Ang mahalaga, nag-enjoy ang mga televiewers sa mga magagandang panoorin sa TV tuwing Linggo ng tanghali.

MARAMING TAGA-ASAP ANG DAPAT MAG-‘ALL OUT’ EVERYDAY

SEE: Pinaglaruan naman ng mga bading ang dalawang programang ito ng ABS-CBN 2 at GMA 7.

Komento ng ilang bading, mas nababagay daw sa mga Kapamilya stars ang titulong All-Out Sundays, dahil ang dami raw doon na dapat nang mag-out.

Eh sa Kapuso network, at least nakapag-out na raw si Mark Bautista kaya bagay siya sa All-Out Sundays.

Eh ang dami raw sa taga-ASAP ang dapat nang mag-‘all-out’.

AGA LUMAYO PA KAY VICE

SWAK: Lalo pang lumayo ang agwat ng Miracle in Cell No. 7 sa pumangalawa na The Mall The Merrier.

Ayon sa aming reliable source, umabot na ng 375M ang Miracle… ni Aga Muhlach at naka-305M ang The Mall…ni Vice Ganda.

Pangatlo pa rin ang 3Pol Trobol na naka-85M at 70M naman ang Mission Unstapabol, at 20M ang Sunod, 15M ang Mindanao, 5M ang Write About Love at 4M naman ang panghuli na Culion.

Ngayong linggo na matatapos ang MMFF 2019 at ilalabas na rin ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival ang ranking at total gross ng walong pelikulang kalahok.

Mukhang hindi nito naabot ang kinita ng nakaraang taong filmfest, pero hindi naman bumaba nang husto.

Marami raw kasing i-consider, kagaya ng bagyong sumalanta sa Visayas at Mindanao, at mahal na rin kasi ang ticket sa sinehan, kaya hanggang dalawa o tatlong pelikula lang ang kayang panoorin ng mga tao at hindi na kayanin ang lahat na kalahok.

KAPAMILYA NAKAHANDA NA

SEE: May nakarating na kuwentong isang kilalang movie producer daw ang kinausap ng taga-ABS-CBN 2 kung gusto nitong maging bahagi sa transition ng Kapamilya network kung sakaling hindi ma-renew ang franchise nito.

Hindi lang madetalye ng producer kung ano ang magiging role niya, pero kaagad na tumanggi na raw siya dahil ayaw niyang  sumakit pa ang ulo niya.

Mas gusto raw niyang pa-relax relax na lang siya at ayaw na raw niyang maghanap pa ng dagdag na problema.

Napapag-usapan na rin lang itong isyu ng renewal ng franchise, nilinaw daw taga-ABS-CBN 2 na walang bentahang mangyayari, at nakahanda na raw kung ano ang posibleng mangyari kung sakaling hindi nga sila mari-renew.

Read More