SALARY INCREASE SA MGA GURO UMUUSAD NA

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMUUSAD na ang mga panukalang batas na magtataas , hindi lamang sa sahod kundi mga allowances ng mga public school teachers sa bansa.

Ito ang nabatid matapos itatag na  ng House committee on basic education na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang Technical Working Group (TWG) na mag-aaral para sa pagtataas ng sahod at allowance ng  mga public school teacher.

Umaabot sa 36 panukalang batas ang ihahain sa Kamara para sa salary at allowances increase ng mga guro sa bansa na kinabibilangan ng House Bill No.6 o “Teachers Salary Increase Act of 2019”na iniakda ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Itinalaga ng komite si Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara na mamuno sa TWG kaya pinag-isa ang lahat ng mga panukalang batas na ito dahil iisa lamang ang kanilang layunin.

Sa kanyang panukala, sinabi ni Cayetano na kailangang tugunan na ang matagal nang panawagan ng mga public school teachers na dagdagan ang kanilang sahod.

Kabilang din sa mga naghain ng panukala ang Makabayan bloc sa Kamara sa pangunguna ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro kung saan nais ng mga ito na itaas sa P30,000 ang buwanang sahod ng mga teacher 1 dahil sa kasalukuyang ay P20,000 lamang umano ang sinasahod ng mga ito.

Ayon naman kay Quezon Rep. David Suarez na kasama ni ALONA party-list Rep. Anna Marie Villaraza-Suarez   na may akda sa House Bill 2475, kailangan nang tulungan ang mga public school teachers para tumaas ang kanilang moral.

“I find that they lack a lot of support in terms of what can be provided to them so that we can further improve their welfare, so that we can further improve their morale especially in the duties that they perform in nation-building,” ani Suarez.

Kasama rin sa tinalakay ang mga panukalang batas na dagdagan ang teaching supplies allowances ng mga public school teachers dahil maging ang mga ito ay tumataas na ang presyo.

 

Please follow and like us:
Read More

P61/DAY UMENTO SA GOV’T WORKERS, MALIIT

teachers44

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULAD ng inaasahan, barya lang ang ibibigay na umento sa may 1.2 million sibilyang empleyado ng gobyerno sa susunod na taon dahil aabot lamang ito sa P61 kada araw.

Ito ang pagtataya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list na kinakatawan ni Rep. France Castro sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil P31 Billion lamang ang inilaan para sa salary increase ng mga empleyado ng gobyerno.

Isa ang nasabing halaga sa nilalaman ng 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion para gamitin sa pagtaas ng sahod ng mga government workers.

Ayon kay ACT chairperson Joselyn Martinez, kung hatiin ang P31 Billion sa 1.2 Million empleyado ng gobyerno, P1,845 lang ang maidaragdag sa sahod ng mga state workers kada buwan o P61 kada araw.

Kasama sa mga bibigyan ng umento ang may 800,000 public school teachers kaya dismayado si Martinez dahil hindi umano ito makabubuhay.

“The teachers are very disappointed. This is not what President Duterte has promised us. This amount does not even fit the definition of ‘enough to tide us over.’ We need substantial salary increase, not crumbs. This is unacceptable,” ani Martinez.

Unfair aniya ito dahil gumastos ang Duterte administration ng P76 Billion sa dagdag na sahod ng may 300,000 pulis at military sa nakaraang mga taon kung saan dumoble ang sahod ng mga ito.

10K PULIS SA 2020

Samantala, kasama rin sa pinondohan sa 2020 national budget ay ang P3 Billion na gagasutin sa  pagkuha ng karagdagang 10,000 police officer 1 o police corporal  sa susunod na taon.

Maliban dito, mapupunan na umano ang 26,685 bakanteng posisyon sa Philippine National Police (PNP) dahil isinama na rin sa 2020 national budget ang P14.4 Billion para dito sa susunod na taon.“This will bring our police-to-population ratio to the ideal ratio of 1:500,” saad ng budget message ni Duterte na ipinadala nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Naglaan din ang gobyerno  P100 milyon para sa pagtatayo ng 16 police stations sa buong bansa kaya umaabot sa P184.9 bilyon ang magiging pondo ng PNP sa 2020.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

TEACHERS NA RECRUITER NG STUDENTS NASA WATCHLIST

cpp npa12

(NI AMIHAN SABILLO)

PASOK sa listahan ng intelligence watchlist ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga guro na nagre-recruit ng mga estudyante para maging miyembro ng komunistang grupo.

Ito ang inihayag ni Interior and Local Government (DILG) Secretary  Eduardo Año, at nasa radar na umano ng intelligence group ng PNP at AFP ang mga nasabing guro na miyembro ng Legal Front Organizations ng CPP-NPA na recruiters ng mga kabataan.

Kaugnay sa pag-amin ng kalihim na may mga guro na nang re-recuit “Yes, oo, they know it, they are playing around with our democratic spaces,”

Sinabi pa ni Año, may hakbang na silang ginagawa na sa katunayan umano ay katuwang nila ang mga dating cadres na nagbalik-loob ngayon sa gobyerno na siyang nagbibigay ng impormasyon kaugnay sa mga modus operandi na ginagawa ng mga legal front organizations ng CPP-NPA lalo na sa recruitment.

Malaking bagay aniya ang hakbang na ito para matuldukan na ang pangre-recruit ng mga inosenteng kabataan sa mga eskwelahan ng mga makakaliwang grupo kaya nais ng DILG at PNP na rebyuhin ang pinirmahang memorandum of agreement sa pagitan ng UP at DND.

Please follow and like us:
Read More

GURO NAGPO-PHOTO COPY NG MGA LIBRO

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG matiyak na mayroong materyales ang kanilang mga estudyante, napipilitang gumastos ang mga public school teachers sa pagpapa-photo copy ng mga libro.

Ito ang nabatid kay ACT party-list Rep. France Castro kaya masakit umano sa loob nito habang ginagawa ito ng mga public school teachers ay mayroong mga text books ang hindi ipinamigay ng Department of Education (DepEd).

Ang hinaing ay matapos matuklasan ng Commission on Audit (COA) na hindi ipinamimigay ng DepEd sa mga public schools ang may P113.7 milyon halaga ng textbooks.

Bukod pa dito ang kuwestiyonableng text book contract na pinasok ng ahensya na nagkakahalaga ng  P254 milyon.

“Teachers often complain that they would have to shell out from their own pockets to meet this requirement and to to fill in the various shortages in our schools only to find out that public education funds were being misused,” ani Castro.

 DEPED BUDGET SA TEXTBOOKS KINATAY

Dahil dito, isinisisi ng mambabatas sa DepEd ang taun-taon na  pagkatay ng Department of Budget and Management (DBM) sa textbook budget ng ahensya na tiyak na makaaapekto aniya sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

Nabatid na noong 2017 ay P3,040,831,000  budget ng DepEd para sa “Textbooks and Other Learning Materials” subalit  naging P2,990,831,000 na ito noong 2018 at bumaba sa pa sa 2,844,499,000 ngayong  2019.

“Taunan na nga ay kinakatay ang badyet para sa textbooks, palaki nang palaki ang budget cut, tapos mababa pa ang accomplishments ng DepEd?. How can our youth expect quality education when the most basic learning material cannot be properly provided by the state?” tanong pa ni Castro.

Hindi umano nila ito  palalagpasin kaya magpapatawag ag mga ito ng imbestigasyon upang mapanagot ang mga dapat managot dahil kalidad ng edukasyon anila ang nakasalalay dito.

Please follow and like us:
Read More

SIGAW NG MGA GURO: DEPED IMBESTIGAHAN SA ANOMALYA!

deped55

(NI KEVIN COLLANTES)

ISINUSULONG ng isang grupo ng mga guro ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagbili ng Department of Education (DepEd) ng may P113 milyong halaga ng mga libro at iba pang learning materials na hindi naman nagamit ng mga mag-aaral.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) chairperson Joselyn Martinez, dapat na imbestigahan ang findings ng Commission on Audit (COA) hinggil sa umano’y iregularidad sa paggamit ng pondo ng DepEd partikular na ang may kinalaman sa pagbili ng mga learning materials.

Binigyang-diin ni Martinez na hindi sapat ang simpleng paliwanag lamang at dapat na may managot sa naturang anomalya.

Dismayado si Martinez sa natuklasan ng COA na may tatlong milyong librong binili ang hindi pala nagagamit at nakatago lamang sa mga bodega, gayung kulang na kulang aniya ang mga librong ginagamit ng mga mag-aaral.

Sinabi niya na anim na taon matapos na maipatupad ang K to 12 program, hindi pa rin naidi-distribute ng DepEd ang mga textbooks sa maraming asignatura sa iba’t ibang baitang.

Base sa isinagawang dokumentasyon ng grupo, mula Hunyo ng taong ito ay wala pa ring opisyal o usable textbooks ng MAPEH para sa Grade I; Araling Panlipunan para sa Grades II, III, IV, V, VI, VII, IX at X; Science para sa Grades V at VI; Filipino para sa Grades VI, VII, at VIII; at Mathematics para sa Grades VI, VII, VIII, at X.

Sa Grade XI naman, wala pa rin umanong textbooks para sa General Academic Strand (GAS), Humanities and Social Sciences (HUMMS), Accountancy and Business Management (ABM), at Technical, Vocational and Livelihood – Shielded Metal Arc Welding (TVL-SMAW).

Sinabi ni Martinez na matagal nang hinihintay ng mga guro ang mga naturang learning materials at dahil hindi naipamahagi ang mga ito ay kinakailangan ng mga guro na magbigay ng esktrang oras, effort at pera upang bumili ng kanilang sariling reference materials.

Nanindigan din siya na dapat na kaagad na matugunan ang naturang matagal nang problema at napapanahon nang may panagutin sa anomalya.

Please follow and like us:
Read More

5 GURO SA SEA TRAGEDY AAYUDAHAN NG DEPED

deped25

(NI KEVIN COLLANTES)

NAGLULUKSA ngayon ang Department of Education (DepEd) dahil sa pagkamatay ng limang guro mula sa Western Visayas Region, na nakabilang  sa paglubog ng tatlong motorboat sa Iloilo-Guimaras Strait nitong Agosto 4.

Ayon sa DepEd, labis nilang ikinalulungkot ang nangyari sa mga guro at nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima.

Tiniyak rin naman ng DepEd na pagkakalooban ng kaukulang tulong ang mga biktima at kanilang mga kaanak.

“Finally, the Department expresses its wholehearted commitment and calls on its field offices, partners, and stakeholders to ensure that the bereaved families receive adequate support as they go through this difficult time,” pahayag ng DepEd.

Nabatid na ang mga biktima, na kinabibilangan ng apat na guro mula sa Lambunao National High School at isang guro mula sa Agcuyawan Calsada Elementary School, ay nanggaling sa Guimaras State University upang iproseso ang kanilang graduate school requirements, kasama ang isa pa na nakaligtas naman sa trahedya.

Kaagad namang bumiyahe ang mga opisyal ng Schools Division ng Iloilo sa bayan ng Dumangas upang alamin at ipagkaloob ang pangangailangan ng mga biktima at kanilang mga pamilya.

 

Please follow and like us:
Read More

8 TEACHERS KASAMA SA SEA TRAGEDY

seatragedy33

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGLULUKSA ang organisasyon ng mga public school teachers sa Kamara dahil walo  umano sa mga kasamahan sa hanapbuhay ang kasama sa mga 31 katao na namatay na lumubog ang bangka ng mga ito sa Guimaras at Iloilo Strait.

“We  extend our deepest condolences to the families and friends of the victims in the Iloilo Strait pumpboat accidents,” ayon  kay Alliance of Concerned Teachers (ACT)  party-list Rep. France Castro.

Nabatid kay Castro na kasama sa mga nasawi sina George Betita Buenavista,  guro sa Agcuyawan Calsada Elementary School, Maria Emilie Legarda, Ivy Grace Labordo, Ma. Zeny Anilao at  Lynlyn Janolino na  pawang nagtuturo naman sa Lambunao National High School sa  Lambunao, Iloilo.

Tatlo naman sa mga nasawi na sina  Jaquelyn Alferez, Andrew Valenzuela at  Eden Perales ay mga Filipino teachers naman sa United Arab Emirates na nagbabakasyon lang sa bansa.

“The five teachers from Iloilo were taking a master’s degree in Guimaras State College and were in Guimaras to process their comprehensive examination applications,” ani Castro.

Dahil dito, nanawagan ang mambabatas sa mga otoridad na tiyaking huwag nang maulit ang nasabing insidente at tiyaking ligtas ang lahat ng mga naglalakbay sa karagatan.

Kailangang siguraduhin aniya ng lahat ng ahensya ng gobyerno kasama ang local government units (LGUs) na maayos ang panahon bago payagan ang mga sasakyang pandagat na maglayag dahil hindi biro ang ganitong uri ng aksidente.

 

Please follow and like us:
Read More

TEACHERS’ COALITION KAY DU30: NUMBERS PLEASE

teachers12

(NI MAC CABREROS)

HINDI lubos na nagalak ang mga guro sa nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na SONA na pagkakalooban ng umento ang mga ito kabilang ang iba pang empleyado ng gobyerno.

“ Magkano naman kaya ang umentong ito?” tanong ng Teachers’ Dignity Coalition.

Binanggit ng grupo ang pahiwatig ng Pangulo na “hindi ito kalakihan pero mas mataas nang kaunti sa nakalipas.”

Binigyan-diin pa ng TDC na malamang ang tinutukoy ng Punong Ehekutibo ay ang dagdag-sahod na aayon sa Salary Standardization Law na noon pang 1989 ipinatupad.

“Ang masakit  ay naka-angkla pa rin ito sa SSL at hindi magbibigay ng hiwalay na iskema para sa teachers. Hindi pa rin itatama ang pagkakamaling nagawa ng nagdaang gobyerno,”diin TDC national chairperson Benjo Basas.

Dahil dito, nais ng grupo na magpasa ang 18th Congress ng batas na magtatakda sa dagdag benepisyo ng mga guro gaya ng AFP, PNP at GSIS na may batas pinaiiral dito.

Samantala, ibinibida ng Department of Education (DepEd) sa pagtutok sa Last Mile Schools Program sa geographically isolated and disadvantaged and conflict-affected areas o GIDCA.

“Priority namin talaga ang Last Mile Program para marating natin, maabot natin ang lahat ng kabataan dito sa Pilipinas. Walang maiiwan,” pahayag Sec. Leonor Briones.

Inihayag din ni Briones sa ginanap na National Science and Technology Week sa World Trade Center na kaagapay sila ng Department of Science and Technology sa pagtaguyod sa science and technology para mapalakas ang human resources ng bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

DISCOUNT SA PASAHE SA MGA GURO ITINUTULAK

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD)

ITINUTULAK  sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na bigyan din ng discount ang mga public at private school teachers sa pamasahe sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan.

Ayon kay Biñan City Rep. Marlyn “Len” B. Alonte-Naguiat, kung mayroon aniyang 20% discount ang mga estudyante  sa pamasahe ay nararapat din umanong magkaroon din nito ang lahat ng mga guro.

“Iyong 20 percent fare discount ng mga estudyante, ganoon din dapat para sa mga teacher. Teachers have long held special respect status in our society. It is time that respect is made manifest in the form of public transport fare discount,” ani Alonte-Naguiat.

Kung maipatupad ang panukala ng mambabatas ay magkakaroon ang mga public at private school teachers ng discount sa pasahe sa mga pampasaherong bus, tren, taxi, jeepney, barko, eroplano at maging sa mga Transport Network Companies tulad ng Grab.

Layon umano ng panukala ni Alonte-Naguiat na mabigyan ng insentibo ang lahat ng mga public at private school teachers dahil sa sakripisyo ng mga ito para hubugin ang mga bagong henerasyon.

“Kung maisasabatas natin ang fare discount para sa mga guro, para na rin nating tinaasan ang kanilang sahod kahit papaano, dahil ang matitipid nila sa pamasahe ay perang mailalaan nila sa iba pa nilang pangangailangan. Isa pa, sa Teachers’ Fare Discount, parehong public and private school teachers ang makikinabang,” ayon pa sa mamabatas.

Naniniwala ang lady solon na sa dami aniya ng mga pasahero ng mga nabanggit na pampasaherong sasakyan ay hindi nila mararamdaman ang ibibigay na discount sa mga public at private school teachers.

“Ituring na nilang pasasalamat sa teachers ang discount na 20 percent,” dagdag pa ni Alonte.

Please follow and like us:
Read More