GILAS NAGHAHANAP NG BAGONG COACH

(NI ANN ENCARNACION) KAHIT naipanalo pa ang Gilas Pilipinas ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games, walang balak si Barangay Ginebra coach Tim Cone na mag-extend sa kanyang national duty. Iginiit ni Cone na “one and done” ang pagiging Gilas coach niya. “I was told at the start that I will be some sort of a caretaker for the national team that will be playing for the Southeast Asian Games,” paliwanag ni Cone. Idinagdag niya na may inihahanda nang programa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa susunod na…

Read More

SEAG OPENING CEREMONIES IINDYANIN NG GILAS

(NI VT ROMANO) SA halip na makilahok sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games, minabuti ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na mag-ensayo na lamang ang koponan. Ang kakulangan sa ensayo ang dahilan ni Cone sa paghingi ng permiso na huwag nang dumalo sa opening ceremonies sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Binubuo ng PBA players ang Philippine men’s basketball team, na nabawasan pa ng isang miyembro matapos magtamo ng back injury si Roger Pogoy. “All the athletes in the games have had a year or more to…

Read More

MANINIGURO SA GINTO; PBA PLAYERS, ISASABAK SA SEA GAMES

(NI JOSEPH BONIFACIO) DAHIL gahol na sa panahon, pati sa nalalapit na deadline ng pagsusumite ng listahan ng mga pangalan ng manlalaro, minabuti ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at ng bagong katatalagang national team head coach Tim Cone, na sumandal na muna sa all-pro team para sa 30th SEA Games. Kahapon sa ginanap na press conference, inihayag ng SBP ang 15-man pool ng Gilas Pilipinas, na kinabibilangan ng core ng Brgy. Ginebra na sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Scottie Thompson, Stanley Pringle at Art dela Cruz. Kasama…

Read More

GILAS COACHING JOB, OK NA KAY CONE

(NI JJ TORRES) PORMAL nang tinanggap ni Tim Cone ang alok bilang head coach ng Gilas Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio ang naging decision ng Barangay Ginebra San Miguel coach matapos nilang magpulong kahapon upang i-finalize ang ilang detalye ng offer na binigay noong nakaraang linggo. “I spoke to Tim Cone last Saturday and he expressed interest but wanted to finish his game last night and talk to…

Read More