DEPED, DPWH PINAKIKILOS SA NAWASAK NA CLASSROOMS

deped25
0

(NI NOEL ABUEL)

IPINAMAMADALI ni Senador Bong Go sa Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa mga nasirang eskuwelahan at kalsada dulot ng nagdaang bagyong Tisoy.

Maliban sa nasabing mga ahensya kasama rin sa pinakikilos ni Senador Go ang Department of Energy (DOE) at Department of Information and Communication Technology (DICT) upang bumalik na sa normal na pamumuhay ang mga naapektuhan pamilya sa Bicol region, partikular sa Albay at Sorsogon.

Ayon kay Go, inatasan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang mga opisyales ng mga nasabing ahensya upang agad na ipatupad ang utos nito.

Sinabi ni Go na maliban sa tulong ay naibibigay ang uniform at school supplies ng mga estudyanteng biktima ng bagyo.

“May dala po akong konting grocery items at ako na rin po ang bibili ng uniporme ng mga bata para makapabalik agad sila sa kanilang pag-aaral,” ayon sa senador.

Tiniyak din nito na sasagutin din ang pagpapaopera ng mga biktima ng bagyo kung kailangang dalhin ang mga ito sa Metro Manila.

Una nang tiniyak ni Go na mayroong programa ang National Housing Authority na pagtulong sa mga napinsalang bahay ng mga biktima para agad na makabangon ang mga ito.

 

Read More

SSS, GSIS MAY ALOK NA PAUTANG SA BIKTIMA NG BAGYONG TISOY

0

(NI ABBY MENDOZA)

BILANG tulong sa may 90,000 pamilya na nasalanta ng bagyong Tisoy, bukas ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) at iba pang financial institutions para magbigay ng pautang.

Ayon kay GSIS Senior Vice President Joseph Philip Andres ang mga government employee ay maaaring mag-avail ng kanilang emergency loan at finance assistance loan pna hanggang P20,000 na maaaring bayaran sa 8% interest sa loob ng 3 taon.

Sinabi naman ni  SSS Assistant Vice President for Member Loans Department Boobie Angela Ocay na hanggang Pebrero 2020 maaaring mag avail ng kanilang pautang, ang mga SSS member ay maaari  mag avail ng kanilang 3 loan package; una ay calamity loan assistance na maaaring bayaran sa 10% interest sa loob ng 2 taon; ikalawa ay mag-advance ng 3 buwan na pensyon at ikatlo ay mag avail ng direct house repair moratorium program.

May lending institutions din gaya ng Land Bank of the Philippines ang maaaring lapitan ng mga magsasaka na nalugi sa kanilang pananim  habang PhilGuarantee Corporation naman ay maaaring lapitan ng mga negosyante na nangangaioangan ng financial assistance.

Sa kaugnay na balita, nagbigay na ng paunang ayuda ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo.

Ani Agriculture Secretary William Dar, naglabas na ang DA ng P250 miyon pondo para sa rehabilitasyon sa mga sakahan at palaisdaan na winasak ng bagyo sa Bicol Region, Calabarzon at sa Mimaropa.

Sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay nasa 90,000 pamilya o mahigit 362,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Tisoy matapos itong manalasa sa Regions 3, 5 at 8.

 

Read More

BIKTIMA NG BAGYONG TISOY PAUTANGIN NANG WALANG INTERES — SOLON 

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINILING ni Albay Rep. Joey Salceda sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na pautangin nang walang interes ang mga biktima ng bagyong Tisoy, partikular na sa Albay na isa sa mga labis na nasalanta.

Nais ni Salceda na katumbas ng anim na buwang sahod ang ipatutupad ng SSS at GSIS sa kanilang mga miyembro sa nasabing lalawigan upang magamit nila ito sa muli nilang pagbangon.

Nabatid kay Salceda na nag-alok na umano ang Home Development Mutual Fund o Pag-Ibig fund ng express home rehabilitation and reconstruction loan (HRRL) sa kanilang mga miyembro sa Albay.

Umaabot umano sa P150,000 ang inaalok na pautang ng Pag-Ibig kung saan maging ang mga may utang ay puwedeng makautang ulit para magamit sa pagpapaayos sa kanilang nasira bahay.

Hindi na rin umano sisingilin ng processing fees ang mga mangungutang at walang ipapataw na interest.

Kasabay nito, nanawagan si Salceda sa mga mga gustong tumulong sa mga biktima ni Tisoy na pera na lamang ang ibigay imbes na mga kagamitan na karaniwang ginagawa  sa panahon ng kalamidad.

“Cash is a best form of relief as it gives the choice to the victims,” ayon pa sa mambabatas.

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN NG BAGYONG TISOY

angatdam12
0

(NI KIKO CUETO)

MAY magandang naidulot ang malakas na buhos ng ulan nang dahil sa Bagyong Tisoy.

Ito’y dahil tumaas ang tubig sa Angat Dam.

Ayon kay Pagasa hydrologist Danilo Flores, umakyat ng 4.5 meters ang level ng tubig.

Base ito sa inilabas datos ng Pagasa, kung saan ikinumpara ang level ng tubig sa alas-6:00 ng umaga noong Martes sa lebel ng tubig kanilang alas-6:00 ng umaga, Miyerkules.

Nasa 193.37 meters na ito, pero malayo pa rin ito sa 210-meter level.

Sinabi naman ni Flores na sa susunod na araw, aasahan nila ang pagbagsak pa ng tubig sa Angat Dam.

Pinayuhan naman ni Flores ang mga residente ng Metro Manila na magtipid pa rin ng tubig.

Inaasahan din na magkakaroon pa ng isang bagyo bago matapos ang taon.

 

 

Read More

STATE OF CALAMITY IDEDEKLARA SA ORIENTAL MINDORO

0

IDEDEKLARA sa ilalim ng state of calamity ang Oriental Mindoro kasunod ng pagbayo ng bagyong Tisoy sa lalawigan.

Sinabi ni provincial disaster office head Vincent Gahol na pahihintulutan ng local government na gamitin ang emergency funds sa mga nasirang pananim.

“Nakalulungkot kasi akala po namin kahapon wala kami masyadong pinsala. Kaya lang po nung pumasok po ‘yung mga reports sa amin kagabi ay kailangan po namin magdeklara ng state of calamity ngayong araw,” sabi nito sa DZMM.

“Na-damage kasi ‘yung aming mga palayan, pinasok ng tubig-baha. ‘Yung atin pong saging, mga high value crops na pinagkukunan po ng pangkabuhayan ng ating mga kababayan talaga pong dapang-dapa dahil sobrang lakas ng hangin at ulan na binigay ni Tisoy.”

Naiwan ng bagyong Tisoy ang dalawa katao sa lalawigan.

Nawalan ng kuryente maging sa kalapit na Occidental Mindoro.

Maaari nang daanan ang Oriental Mindoro national highway ngunit hindi pa ang provincial roads dahil sa mga punong natumba ang nakaharang pa sa daan.

Nasa 19,000 katao ang lumikas sa kanilang tahanan sa Oriental Mindoro at 7,880 naman sa Occidental Mindoro ang nakatakdang bumalik na sa kanilang mga bahay.

 

 

Read More

BAGYONG TISOY HUMINA NA MATAPOS ANG 4 NA LANDFALL — PAGASA

BAGYONG USMAN-2
0

(ABBY MENDOZA)

MAY apat na beses tumama sa lupa ang bagyong Tisoy na naging dahilan ng tuluyang paghina nito.

Bagama’t bahagya na itong humina habang tinatahak ang direksyon patungo sa West Philippine Sea ay nanatiling nakataas ang Storm Signal No 3 sa tatlong lugar habang malaking bahagi pa rin ng Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No 2 batay sa 5:00 weather update na ipinalabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa).

Unang naglandfall ang bagyong Tisoy alas 11:00 ng gabi noong Disyembre 2 sa Gubat, Sorsogon; ikalawa ay alas 4:00 ng madaling araw (Disyembre 3) sa  San Pascual, Burias Island, Masbate; ikatlo ay alas 8:30 ng umaga sa Torrijos, Marinduque at alas 12:30 ng tanghali sa Naujan, Oriental Mindoro ang ikaapat na pagtama nito sa lupa.

Ayon sa Pagasa, patuloy na makakaranas ng tuloy tuloy na paguulan sa Quezon,  Rizal, Mindoro Provinces, Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Marinduque, at Romblon.

Ang mga residente sa nasabing lugat ay inaabisuhan na patuloy na mag-ingat dahil malalakas na ulan pa rin ang hatid ng bagyo na maaring magdulot ng landslide.

Nakataas pa rin ang storm surge na aabot sa 3 meters sa Marinduque, Mindoro Provinces, Romblon, Cavite at Batangas.

Ang mata ng bagyong Tisoy ay huling namataan 110 km Northwest ng San Jose, Occidental Mindoro, kumikilos ito sa bilis na 25kph at may taglay na lakas ng hangin na  130 kph at bugso na 200 kph.

Sinabi ni PAGASA Weather specialist Benison Estareja na Miyerkoles ng hapon ay maaari nang magresume ang mga laro ng Sea Games dahil na rin sa inaasahang gaganda na ang lagay ng panahon pagsapit ng hapon lalo na sa lugar ng CALABARZON.

Ani pa ni  Estareja na magkakaroon na rin ng sunny periods sa Metro Manila sa araw ng Miyerkoles kaya hindi na nila inirerekomenda na magkansela ng pasok sa nga paaralan, samantala ang Central Luzon ay patuloy na makararanas ng pag-uulan.

Nasa ilalim ng Signal No 3 ang Oriental Mindoro,Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island at Batangas.

Signal No 2 naman ang umiiral sa  Romblon,Camarines Norte,Metro Manila

Bulacan,Bataan,Tarlac,Pampanga,Rizal,Quezon kabilang ang Polillo Islands

Zambales,Marinduque,Cavite, Laguna,northern portion ng Camarines Sur; Southern part ng Nueva Ecija, southern Aurora at Palawan.

Signal No 1 naman sa Southern portion ng Quirino, nalalabing lugar sa

Aurora, northern portion ng Palawan Pangasinan, southern portion ng Nueva Vizcaya, at northern Antique.

Sa forecast ng PAGASA ay sa Huwebes ng umaga ay nasa bisinidad na ng Subic, Zambales ang bagyo bago tuluyang lumabas ng Philippine area of responsibility.

 

Read More

NAIA SARADO HANGGANG MAMAYANG ALAS-11 NG GABI

NAIA-8
0

(NI FROILAN MORALLOS)

PANSAMANTALANG ipinasara ng Manila International Airport Authority (MIAA), sa pakikipatulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) , ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa bagyong Tisoy.

Nagsimula ang closure ng NAIA mula 11:00 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi ng Disyembre 3.

Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal apektado ang tinatayang aabot sa 480 international at domestic flight .

Kaugnay nito, pinapayuhan ni GM Monreal ang mga pasahero na huwag muna magpunta sa airport habang sarado pa ang paliparan.

Ang naging hakbang ng MIAA ay batay sa weather forecast ng Pagasa na dadaan ang  bagyong Tisoy sa Metro Manila, upang makaiwas sa hindi inaasahan aksidente  na maaring mangyari sa mga pasahero.

Read More

BAGYONG TISOY NANANALASA SA SOUTHERN QUEZON, M’DUQUE, ROMBLON

0

NAPANATILI ng bagyong Tisoy ang lakas at nasa bahagi ng Bondoc Peninsula sa kasalukuyan.

Nabatid sa 8AM weather bulletin ng Pagasa, ang bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng San Francisco, Quezon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa Pagasa, ang ‘eyewall’ ng bagyo ay kasalukuyang nananalasa at naghahatid ng napakalakas na hangin  at malalakas na pag-ulan sa Southern Quezon, Marinduque, at Romblon.

Sa loob ng susunod na tatlong oras ang ‘eyewall’ ng bagyo ay makaaapekto na sa Cavite, Batangas at sa norther portion ng Mindoro Provinces.

Maari din itong muling tumama sa kalupaan o ‘di kaya ay dumaan sa bahagi ng Marinduque-Simara Island-Banton Island bago mag-tanghali.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 3 sa sumusunod na mga lugar:

– Camarines Sur
– Albay
– Camarines Norte
– Masbate including Ticao at Burias Islands
– Romblon
– southern portion ng Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Pitogo, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Calauag, Catanauan, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres)
– Marinduque
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro including Lubang Island
– Batangas
– Cavite
– Laguna

Tropical cyclone wind signal number 2 naman sa:
– Catanduanes
– Sorsogon
– Metro Manila
– Bulacan
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga
– Nueva Ecija
– southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
– Rizal
– Nalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan)
– Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
– Zambales
– Pangasinan
– Northern Samar
– Aklan
– Capiz
– Northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao)
– Northern Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Btad, San Dionisio, Sara, Concepcion, Lemery)

Tropical cyclone wind signal number 1 sa:
– Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones and San Agustin)
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Ilocos Sur
– La Union
– Quirino
– Nalalabing bahagi ng Aurora
– northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran)
– Eastern Samar, Samar, Biliran, northern Negros Oriental (Canlaon, Guihulngan, Vallerhermoso)
– northern Negros Occidental (Talisay, Calatrava, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, Sagay, Escalante, Toboso, Bacolod, Murcia, Salvador Benedicto, San Carlos, Bago, Pulupandan, Valladolid, La Carlota, San Enrique, Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla)
– Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Tuburan, Carmen Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands)
– Nalalabing bahagi ng Antique
– Nalalabing bahagi ng Iloilo
– Guimaras
– Leyte

Pinayuhan ng Pagasa ang publiko na maging maingat at alerto.

Read More

P750-M AYUDA SA ELECTRIC COOP IPINAHAHANDA 

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

KAILANGANG ihanda na ng mga kongresista sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRC) ang P750 million na ayuda para sa mga electric cooperatives (ECs) na tatamaan ng bagyong Tisoy.

Ginawa ni PHILRECA party-list Rep. Presley de Jesus ang panawagan dahil tiyak na maaapektuhan umano ang mga ECs ng bagyong Tisoy na may lakas na 140 kilometers per hour and gustiness na aabot sa 170 kph.

Habang isinusulat ito ay nanalasa ang bagyong Tisoy sa Bicol region kasing lakas umano ng bagyong Reming noong  2006  at Glenda noong 2014 na nag-iwan ng libu-libong patay na katao at sumira ng ari-arian at imprastraktura na nagkakahalaga P45 billion.

Ayon kay De Jesus, sa ilalim ng Republic Act No. 11039 o  Electric Cooperatives Emergency Resiliency Fund (ECERF), naglaan ng  P750 Million National Disaster Risk Reduction and Management fund.

Tulong umano ang nasabing halaga sa mga ECs na maaapektuhan at masisira ang pasilidad sa panahon ng kalamidad, hindi lamang bagyo kundi sa panahon ng lindol.

Bagama’t nananalangin ang mambabatas na hindi mag-iiwan ng matinding pinsala ang bagyong Tisoy sa mga imprastraktura at buhay ng mga mamamayan, kailangan aniya ng mga ECs ang tulong sakaling hindi maisawan ang pinsala.

Unang ipinaalala nina  De Jesus at  Rep. Godofredo Guya  ng  RECOBODA party-list ang nasabing halaga noong tamaan ng lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kamakailan kung saan may electric infrastructure ang nasira.

Read More