46 DOMESTIC FLIGHTS KANSELADO SA NAIA

calcelled55

(NI FROILAN MORALLOS) NAGKANSELA ang Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific (CEB) ng 46 domestic flights, dahil sa bagyong Tisoy na kasalukyang nananalasa sa mga lugar ng eastern Visayas at Bicol region. Dahil sa masamang panahon dala ni Tisoy na may International Codename Kammuri, kinansela ng PAL ang kanilang flights: PR 2237 TACLOBAN – CEBU, PR 2238 CEBU – TACLOBAN, PR 2239 TACLOBAN – CEBU, PR 2378 DAVAO – SIARGAO, PR 2379 SIARGAO – DAVAO, PR 2675 CLARK – CATARMAN, PR 2676 CATARMAN – CLARK, PR 2696 CLARK – BASCO,…

Read More

MAHIGIT 3K KATAO INILIKAS SA EASTERN VISAYAS, BICOL SA BAGYONG TISOY

BAGYONG USMAN-2

(NI NICK ECHEVARRIA) MAHIGIT na sa 3,000 katao ang inilikas sa ipinatupad na preemtive evacuation sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa pinangangambahang matinding epekto ng bagyong Tisoy, batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nitong Lunes Ayon sa NDRRMC umaabot na sa 890 pamilya na katumbas ng 3,008 indibidwal mula sa 11 barangay sa Bicol region at Eastern Visayas ang inilikas. Istranded naman ang 4,603 na mga pasahero mula sa Batangas, Oriental at Occidental Mindoro, Romblon, Southern at Northern Quezon, Iloilo, Capiz, Antique,Aklan, Albay,…

Read More

6 LALAWIGAN NASA SIGNAL NO. 3

ulan55

(NI KIKO CUETO) UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga lugar kung saan nakataas ang Signal Number 3, ayon sa Pagasa. Patuloy ang banta ng malakas na hangin at buhos ng ulan na magpapabaha sa mabababang lugar sa bansa. Malakas na ulan ang asahan sa Bikol, Samar at Biliran. Matinding ulan din ang asahan sa Northern Cebu, Northern Negros Island, Dinagat Islands, Siargao Island, at natitirang bahagi ng Eastern Visayas. Ramdam din ang ulan sa Romblon, Mindoro provinces, Samar, Eastern Samar at Calabarzon. Dito sa Metro Manila, makararanas din ng…

Read More

ULAN NI ‘TISOY’ INAASAHAN SA ANGAT DAM

angatdam77

(NI ABBY MENDOZA) BAGAMAT pinsala ang dulot ng bagyong Tisoy, steady na supply naman ng tubig para sa summer ang positibo nitong ihatid para sa mga residente ng Metro Manila. Ayon sa National Water Resources Board(NWRB) inaasahan nilang makatutulong ang bagyong Tisoy para madagdagan pa ang antas ng tubig sa Angat Dam,ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, nanatiling mababa sa 189 meters ang water level ng dam, kulang pa ito ng 16 meters para maabot ang normal operating level na 205 meters. Sinabi ni David na umaasa silang mapupunan…

Read More

BAGYONG TISOY PUMASOK NA NG BANSA, SAMAR NASA  SIGNAL NO 1 NA

ulan55

(NI ABBY MENDOZA) PUMASOK na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyo na may international name na Kammuri at pinangalanan na itong Tisoy, kasabay nito ay inilagay na sa Storm Signal No 1 ang Eastern at Northern Samar. Ayon sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) napanatili ng bagyo ang lakas nito pagpasok ng bansa, taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph, bugso na 185kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Huli itong namataan 1,165 kilometers East ng  Virac, Catanduanes. Sinabi ng Pagasana sa Disyembre 2, Lunes…

Read More

BAGYONG TISOY PAGHANDAAN –PAGASA

(NI ABBY MENDOZA) MAIHAHALINTULAD sa nanalasang bagyong Reming at Glenda ang padating na bagyong Tisoy kaya ngayon pa lamang ay inaatasan na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office na maging handa. Ayon sa Pagasa, parehas ang direksyon na tinatahak ng bagyo na may international name na Kammuri sa direksyong tinahak ng bagyong Glenda noong November 28, 2006 at bagyong Reming noong July 2014. Sa bagyong Reming ay 106 ang nasawi, 1250 ang sugatan, 5 ang missing at P38.6…

Read More

BAGYONG TISOY PAPASOK SA BANSA KASABAY NG SEAGAMES –PAGASA

rain

(NI ABBY MENDOZA) ISANG bagyo ang papasok sa bansa kasabay ng hosting ng bansa ng SEA Games, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa ang bagyo na may international name na Kammuri ay nasa labas pa ng bansa. Namataan ito sa layong 1,755 km sa Silangang Visayas, taglay ang lakas ng hangin na 85 kph, bugso na 105 kph at kumikilos sa bilis na 25kph. Sinabi ni Pagasa forecaster Raymond Ordinario na  maaari pang madagdagan ang pwersa ng hangin na dala ng bagyo habang papalapit…

Read More