MAALIWALAS NA PANAHON SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON — PAGASA

0

MAALIWAS na kalangitan ang aasahan ng mga Pinoy sa pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Pagasa.

Ito ay matapos bayuhin ng malalakas na pag-ulan, nagwasak sa maraming ari-arian at kumitil sa buhay ang higit sa 20 katao ang bagyong Ursula sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao habang patuloy na nasa evacuation centers ang libu-libong napinsala ng bagyo noong Pasko.

Ang bagyong Ursula ay tinataya sa 335 kilometro ng timog Zambales Biyernes ng alas-4:00 ng madaling araw at hindi na makaapekto sa anumang paraan sa bansa. Inaasahang aalis na ng bansa sa Sabado si Ursula, ayon kay Pagasa weather forecaster Ezra Bulquerin.

Sa bisperas ng Bagong Taon, Martes, maaliwalas na panahon na ang mararanasan na may bahagyang pag-ulan lamang sa hapon o gabi.

Ang Ilocos, Cordillera, at Cagayan Valley regions kasama ang Aurora province ay makararanas ng maulap na papawirin na may mga kaunting pag-ulan. Ang Metro Manila at nalalabing lugar sa bansa ay may maaliwalas na papawirin na may bahagyang pag-ulan sa hapon o gabi.

 

Read More

ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN NI ‘URSULA’

angatdam77
0

BAHAGYANG napataas ng bagyong Ursula ang antas ng tubig sa Angat Dam, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila.

Hanggang nitong Huwebes, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nasa 199.40 meters, mataas sa 198.70 meters sa nakalipas na dalawang araw.

Gayunman, hindi pa rin sapat ang ibinuhos na ulan ni Ursula na dapat sana ay nasa 212 meters.

Nauna nang inaasahan na makukuha ang normal na antas ng tubig sa Angat Dam sa mga darating na pag-ulan upang makatulong sa panahon ng tag-init sa Marso. Subalit, sinabi ng Pagasa na si Ursula na ang posibleng huling bagyo na papasok sa bansa ngayong taon.

Pitong beses nag-landfall ang bagyo sa ilang bahagi ng Visayas at Luzon noong Disyembre 24 at 25 kung saan naitala ang 22 patay at milyun-milyong ari-arian ang napinsala kasama na ang Kalibo airport.

 

Read More

WPS TINATAHAK NI ‘URSULA’; BAHAGYANG HUMINA

0

BAHAGYANG humina habang patungo sa northwestward ng West Philippine Sea, ang bagyong Ursula, ayon sa Pagasa.

Sa kanilang 11 p.m. bulletin, huling namataan si ‘Ursula’ sa 100 kilometers north-northwest ng Coron town, Palawan.

Taglay pa rin nito ang 130 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at 160 kph pagbugso sa 20 kph. Ang mga sumusunod ay nasa ilalim ng tropical cyclone warning signals no. 2:

Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island

Oriental Mindoro

Calamian Islands

TCWS #1

Bataan

Laguna

Cavite

Batangas

southwestern Quezon

Marinduque

western Romblon

rest of extreme northern Palawan including Cuyo Islands

northwestern Antique

northwestern Aklan

Makararanas pa rin ng malalakas na pag-ulan sa Calamian at Cuyo Islands, Mindoro Provinces, kabilang ang Lubang Island, at northwestern Antique.

Asahan din ang mga pag-ulan hanggang malalakas na pag-ulan sa Romblon, Aklan, Capiz, Antique, Marinduque, CALABARZON, Metro Manila, Central Luzon, at iba pang bahagi ng Palawan.

Read More

13 LUGAR SIGNAL NO 1 SA BAGYONG URSULA

0

(NI ABBY MENDOZA)

NASA 13 lugar na ang nasa Storm Signal No 1 matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ursula, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa).

Ang Public storm warning Signal No ay nakataas sa:

Sorsogon

Masbate including Ticao Island

Eastern Samar

Northern Samar

Samar

Biliran

Leyte

Southern Leyte

Northern Cebu (Carmen, Asturias, Tuburan, Catmon, Sogod, Borbon, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Bogo, Medellin, Daanbantayan, Bantayan Islands, Camotes Islands)

Central Cebu (Balamban, Talisay, Cebu City, Cordova, Lapu-Lapu, Mandaue, Consolacion, Liloan, Compostela, Danao)

northeastern Bohol (Inabanga, Danao, Dagohoy, Pilar, Guindulman, Anda, Candijay, Alicia, Buenavista, Jetafe, Talibon, Trinidad, Bien Unido, San Miguel, Ubay, Mabini, Pres. Carlos P. Garcia)

Dinagat Islands

Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands

Pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente dahil sa mararanasang katamtaman hanggang malalakas na pag-uulan na magdudulot ng pagbaha at landslides.

Ang bagyo ay namataan 900 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur, taglay ang lakas ng hangin na 65kph, bugso na 80kph at kumikilos sa bilis na 25kph.

Sa bisperas ng Pasko sa Martes, Dec.24 at sa mismong araw ng Pasko, ay asahan ang malalakas na ulan dala ng bagyo sa Kabisayaan.

Ayon sa Pagasa, bago ang pagtama sa kalupaan ng bagyong Ursula ay lalakas pa ito at magiging Severe Tropical Storm

Sa Eastern Visayas inaasahang maglalandfall ang bagyo, Martes ng gabi o sa mismong araw ng Pasko sa Miyerkules.

Sa Sabado ng umaga inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

 

 

Read More

BAGYONG URSULA NAKAAMBA SA PASKO

0

(NI ABBY MENDOZA)

PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko na bibiyahe ngayong Kapaskuhan para umuwi sa kanilang mga probinsya na gawin na ito ng mas maaga upang makaiwas sa ma-stranded dahil sa inaasahang papasok na bagyong Ursula.

Ayon sa Pagasa, itataas nila ang gale warning signal sa Lunes ng gabi, Disyembre 23, mangangahulugan ito na sususpendihin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahe ng mga barko dahil sa sama ng panahon at inaasahang mataas na alon.

Sa pinakahuling monitoring ng Pagasa ay isa nang bagyo ang Low Pressure Area(LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), sa oras na pumasok ito ng bansa ay tatawagin na itong bagyong Ursula na ika-21 bagyo na pumasok ng bansa ngayong taon.

Ang papasok na bagyo ay namataan 1855 km East ng Mindanao, kumikilos ito sa bilis na 40kph at bugso na 60kph.

Sa forecast ng Pagasa ay Lunes ng madaling araw inaasahang papasok ng PAR ang bagyo at dadaan ito sa Visayas Region.

“The tropical depression is expected to landfall at the Caraga region or Eastern Visayas between December 24 to 25. It is expected to become stronger and is most likely to become a tropical storm,” pahayag ni weather forecaster Netherlene Salitrero.

Samantala, ang isa pang LPA na nagdadala ng paguulan sa Visayas ay namataan sa layong 605 kilometers ng Hinatuan, Surigao del Sur, hindi naman ito inaasahang lalakas pa at matutunaw na sa mga susunod na araw.

 

 

 

 

 

Read More