NAKUMPISKA SA VOTE BUYING UMABOT NG P12-M

votebuying14

(NI JG TUMBADO)

UMABOT sa mahigit P12 milyon halaga na gagamitin sana sa vote buying ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa nitong panahon ng eleksyon.

Ito ay batay na rin sa ulat na ipinalabas ng National Election Monitoring Action Center o NEMAC sa kampo Crame.
Umabot sa mahigit na 200 ang operasyon kung saan nakadampot sila ng 356 na indibidwal at walong menor de edad.

Ang top 5 na mga rehiyon ay ang Region 13 o Caraga kung saan umabot sa halos P8 milyon ang nakumpiska.

Sinundan ito ng region 10 na umabot naman sa mahigit na P1.1 milyon, NCRPO na umabot sa P500,000, Region 5 na P449 milyon at Region 4A na mahigit sa P400,000. Patuloy pa rin ang isinasagawang validation ng PNP sa isinagawang  operasyon.

Inihahanda na rin ng PNP ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga naaresto na sangkot sa vote buying.

Please follow and like us:
Read More

COMELEC COMMISH DISMAYADO SA TALAMAK NA VOTE BUYING

comelec commish12

(NI HARVEY PEREZ)

NAGPAHAYAG ng sobrang pagka dismaya   si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon dahil sa pinakamalalang mga insidente ng vote buying na naganap nitong midterm elections na idinaos nitong Lunes.

Kasabay nito, naniniwala naman ang poll watchdog na Legal Network for Truthful Elections (Lente), na dapat na panagutin ang mga taong sangkot sa pamimili ng boto.

Sinabi ni Guanzon, sa eleksiyon na ito ang pinakamalalang vote buying incident na kanyang nakita dahil ang bilihan ng boto ay kada pamilya na.

“This is the worst vote buying –  they buy votes per family . This has corrupted our family value system and must be stopped!” ayon kay Guanzon sa kanyang official Twitter account.

Kaugnay nito,sinabi ng  Lente na   dapat na mapanagot ang mga taong sangkot sa pamimili ng boto.

“It must be ensured that cases must be filed and that they must lead to penal or criminal sanctions,” ayon sa Lente.
“It must be then affirmed that the right process under the law must be followed when it comes to the enforcement and arrest proceedings,” dagdag pa nito.

Matatandaan na sinabi ng Comelec na mababa ang insidente ng mga election-related violence na naitala nila ngayong midterm elections, ngunit aminadong mas maraming vote buying incidents ang naireport sa kanilang tanggapan.

Siniguro naman ng Comelec na paiimbestigahan nila ang mga naturang insidente at pananagutin ang mga taong sangkot dito.

Base sa itinatakda ng batas, ang sinumang mapatutunayang sangkot sa pamimili ng boto ay maaring mabilanggo ng mula isa hanggang anim na taon, maharap sa diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang pwesto sa gobyerno at matatanggalan pa ng karapatang makaboto.

Please follow and like us:
Read More

HINDI PA GUILTY ANG MGA NAHULI SA VOTE BUYING – COMELEC

votebuying12

(NI NELSON S. BADILLA)

TINIYAK ng tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na hindi awtomatikong lumabag ang mga nahuling indibidwal dahil sa pamimili at pagbebenta ng mga boto, krimeng paglabag ng Omnibus Election Code.

Ani James Jimenez, iimbestigahan pa ang mga kasong inihain laban sa mga taong nahuli upang malaman kung totoong lumabag sila sa Artikulo 22 ng Omnibus Election Code o hindi.

Sa piskalya pa lang ay tutukuyin na kung matibay, malakas at sapat o hindi ang mga ebidensya hinggil sa kasong inihain laban sa kanila, patuloy ni Jimenez.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), halos 147 katao na mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kinasuhan ng pamimili at pagbebenta ng mga boto.

Kabilang sa mga ito ay nahuli noong Sabado habang nagaganap ang miting de avance ni dating Makati City Mayor Edwin Jejomar “Junjun” Binay Jr.

Si Binay ay tumatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod laban sa kanyang ate na si Mayor Abigail-len “Abbie” Binay – Campos.

Please follow and like us:
Read More

VOTE BUYING MALAKING HAMON SA PNP

comelec pnp12

(NI JG TUMBADO)

ANG malawakang vote buying sa bansa ang siyang pinakamatinding hamon na tinutugunan ng pambansang pulisya ngayong 2019 midterm elections.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang press briefing sa Camp Crame, Lunes ng umaga sa unang oras ng pag-uumpisa ng botohan.

Sinabi ni Albayalde, na nakapagtala na sila ng 79 na insidente ng vote buying kung saan 213 ang nadakip, at 10 pa ang pinaghahanap.

Inilarawan ni Albayalde na “massive” o “kaliwa’t-kanan’ ang nagaganap na vote buying sa bansa.

Patuloy aniya silang nakatatanggap ng mga report kaugnay sa vote-buying mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at mga lalawigan.

Gaya na lamang umano ang ilang insidente na may nakikitang grupo-grupo o sama-samang sumasakay sa isang arkiladong jeep o bus at inire report na agad sa PNP bilang vote-buying.

Hinihikayat naman ni Albayalde ang publiko na patuloy lang na mag-report sa PNP dahil ang mga ulat ay isinasailalim naman sa beripikasyon.

Please follow and like us:
Read More

60 HULI SA VOTE BUYING SA LOOB NG BRGY HALL

vote12

(TEKSTO/PHOTO BY KOI HIPOLITO)

INARESTO ng mga operatiba ng pinagsanib na puwersa ng Regional Special Operations Unit (RSOU-NCRPO) at District Special Operation Unit (SPD-DSOU) ang 60 katao kabilang ang tatlong empleyado ng barangay nang maaktuhan ang mga itong iligal na namimili at nagbebenta ng kanilang mga boto sa loob mismo ng barangay hall ng Barangay San Isidro, No.2246 Marconi St., sa lungsod ng Makati, gabi ng Sabado.

Nakilala ang walong suspek na bumibili ng boto ng kanilang mga ka-barangay na sina Karen May Matibag, barangay treasurer, Medlyn Joy Ong, barangay secretary , Marie Antoinette Capistrano, barangay administrative staff, Wenifredo Ong, Mario Luis Siriban, Adrian Chiapoco, John Brian Matibag at Maria Liberty Dacullo.

Batay sa ulat na ipinadala ni RSOU Chief P/Col. Rogarth Bulalacao Campo kay NCRPO Chief P/BGen. Guillermo Lorenzo Eleazar, nakatanggap umano sila ng impormasyon galing sa concerned citizen na may nagaganap na aktibidad ng “vote buying” sa loob ng barangay hall ng nasabing lugar. Naaktuhan ang mga ito na namamahagi ng pera sa nagkakagulong tao sa lugar at agad na inaresto ang walong suspek.

Nasabat sa posisyon ng mga suspek ang 820 piraso ng P500.00 na nagkakahalaga ng P410,000 cash, 19 identification cards, 10 cellular phone, listahan ng pangalan ng mga botante at voters precincts at dalawang box na may  tatak na Ulat sa Bayan leaflets na nakapangalan kay incumbent Makati City Mayor Mar-Len Abigail Binay.

Please follow and like us:
Read More

COMELEC DISMAYADO SA LUMOLOBONG KASO NG VOTE BUYING

votebuying14

(NI HARVEY PEREZ)

DISMAYADO ang Commission on Elections (Comelec) sa mataas na insidente ng vote buying activities nang magsimula ang campaign period para sa national and local elections.

Ayon kay Comelec Education and Information director Frances Arabe marami ang naghahain ng mga reklamo pero wala naman umaong nahahatulan dito.

Sinabi ng opisyal na ilang lugar sa bansa na binibili ang boto ng mga botante sa halagang P20 lamang.

Habang ilan naman umano ay aabot ng hanggang P15,000 ang binabayad sa mga botante kapalit ang kanilang boto sa nalalapit na halalan.

Sa kabila nito, sinabi ni Arabe na todo-kayod ang ginagawa ng pulisya para habulin hindi lamang ang mga namimili ng boto kundi maging ang mga nagbebenta rin ng kanilang boto sa mga kandidato.

Hinikayat naman ni Arabe sa mga botante na bumoto ayon sa kanilang konsensya at hindi dahil sa pera.

Please follow and like us:
Read More

P1-M ‘PAMBILI’ NG BOTO INABANDONA SA ZAMBO DEL SUR

ZAMBOANGA DEL SUR12

HIGIT sa P1 milyong na sinasabing ipambibili ng boto ang natagpuang abandonado sa Barangay Dapiwak, bayan ng Dumingag town sa Zamboaga del Sur.

Nakalagay ang P1.056 milyon sa isang paper bag sa tabi ng abandonadong bahay bago magtanghali nitong Sabado.

Sinabi sa report na isang hindi nagpakilalang phone caller ang nagpaabot hinggil sa mga umaaligid na kalalakihan sa lugar  bandang alas-9 ng umaga, ayon kay 1st Lt. Abner Pilando, commander ng Alpha Company.

Sinabi pa ng caller na ginugulo umano sila ng mga armadong kalalakihan dahilan para humingi na sila ng tulong sa militar.

Nang makitang nagresponde ang mga sundalo ay nagkanya-kanyang takbo na ang mga armado.

Nakuha ng mga sundalo ang paper bag at listahan ng mga posisyon na pagbibigyan ng pera sa eleksiyon kabilang ang mga chair ng Board of Election Canvassers (BEC),  miyembro nito, CVO head, CVO members at poll watchers.

Ang nabawing pera ay dadalhin sa Dumingag Municipal Police Station habang inaalam pa kung saan galing ang pera at sino ang nasa likod nito.

Please follow and like us:
Read More

KASO NG VOTE BUYING UMAKYAT; BILANG NG KARAHASAN BUMABA

votebuying14

(NI JG TUMBADO)

MAS tinutuunan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pinaigting na pagmomonitor sa lumalaganap na vote buying sa buong kapuluan kaugnay sa May 13 midterm national elections.

Ito ay kasunod ng pagbaba ng insidente ng karahasan at tumaas naman ang bilang ng pamimili ng boto.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Bernard Banac, naitala ang 32 kaso ng pre-election violence ngayong taon na malaking pagbaba kumpara sa 106 noong 2016 elections.

Habang noong 2013 ay 94 ang kaso ng karahasan na may kinalaman sa halalan at noong 2010 ay nasa 138.

Sinabi ni Banac, ito ay dahil posibleng naka-focus ang mga pulitiko sa vote-buying imbes na makasakit ng kalaban o maghasik ng karahasan.

Samantala, nasa 15 reklamo ng vote-buying ang iniimbestigahan na ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ayon kay PACC commissioner Greco Belgica, 10 kaso ng vote-buying ang naiparating na sa Law Department ng Commission on Elections (Comelec)

Sinabi naman ng National Movement for Free Elections (Namfrel) na ‘wholesale’ na ang alokasyon para sa vote buying kung saan umaabot ito mula P200,000 hanggang P500,000 sa ilang lugar.

Ayon kay NAMFREL secretary general Eric Jude Alvia, bulto na ang vote buyers at kasabwat ang ilang multi-level marketing networks.

Please follow and like us:
Read More

105 TEAMS VS VOTE BUYING NAKAANTABAY – PNP

comelec pnp12

(NI FRANCIS SORIANO)

UMAABOT na sa 105 teams na pinagsamang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) , Special Action Force (SAF), Intelligence Group (IG), at  reserved force ng Philippine National Police ang sasabak sa eleksiyon  matapos mapaulat ang talamak na pamimili ng mga boto ng mga tumatakbong politiko sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay PNP Directorate for Operations, MGen. Mao Aplasca, bawat teams ay binubuo ng walo hanggang 10 pulis na siyang magbabantay at aaresto sa mga namimili ng boto, bilang tugon sa inilabas na kautusan ng Commission on Elections (Comelec) para masawata ang serye ng vote buying sa bansa.

Dagdag pa nito na umaabot na sa 24 indibidwal ang naaresto ng PNP at nakasuhan dahil sa vote buying nitong nakalipas na araw at maari pa umanong tumaas ang bilang nito dalawang araw bago ang nakatakdang halalan sa Lunes.

Please follow and like us:
Read More