P12-M SMUGGLED NA BIGAS, NASABAT NG NAVY SA BASILAN

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASABAT ng Naval Forces Western Mindanao (Navforwem) ng Philippine Navy ang isang shipment ng smuggled na bigas na nagkakahalaga ng P12 milyon sa karagatang sakop ng lalawigan ng Basilan.

Sa ulat ni Navforwem commander Rear Admiral Erick Kagaoan nitong Sabado, naispatan ng mga tauhan ng Naval Special Operation Unit 6 (NAVSOU6) sa ilalim ng Naval Tak Force 61, habang nagsasagawa ng maritime security patrol ang wooden-hulled, Indah Jehan sa  Lampinigan Island sa Basilan, nitong Biyernes.

Nabatid na walang maipakitang kaukulang mga dokumento ng importasyon ang 10 crew ng barko na galing sa Labuan, Sabah, Malaysia at patungo ng Zamboanga City, lulan ang 10,000 sako ng mga smuggled na bigas.

Iti-turnover ng Philippine Navy ang nahuling mga smuggled na bigas sa Bureau of Customs matapos dalhin ang M/V Indah Jehan sa pantalan ng Ensign Majini sa Naval Station Romulo Espaldon sa Zamboang City para sa kaukulang dokumentasyon.

Ang pagkasakote sa  mga smuggled na bigas ay resulta umano ng pinaigting na focused maritime patrol ng Philippine Navy bilang suporta sa operasyon ng AFP-Western Mindanao Command.

Please follow and like us:
Read More

P20-M SMUGGLED YOSI NASABAT SA ZAMBO NG PHIL NAVY

cigaret250

(NI JESSY KABEL)

MILYUN-MILYONG halaga ng puslit na kontrabando ang nasamsam ng gobyerno nang  masabat ng Philippine Navy ang mahigit kumulang sa 2,000 kahon at nasa P20 milyon ng umano’y smuggled na sigarilyo  sa karagatan ng Zamboanga City Martes ng gabi.

Ayon kay Bureau of Customs district collector Atty. Sigmunfreud Barte Jr, ng mga nasabat na smuggled cigarettes ay galing umano sa Malaysia at naka-consign sa iba’t ibang pangalan.

Ayon kay Rear Erick A Kagaoan,  AFP Commander, Naval Forces Western Mindanao, kasalukuyang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang Philippine Navy sa lugar nang mapansin nila ang bangkang may lamang mga kahon.

Akto umanong lalapitan ng mga tauhan ng Naval Forces ang natanaw na bangka subalit mabilis itong lumayo kaya’t hinabol ito ng Phil. Navy.

Nang maabutan, agad sinampa ng mga sundalo ang bangka at doon nadiskubre ang mga dalang kontrabando.

Walang maipakitang papeles ang mga tripulante ng bangka kaya dinala sila sa Bureau of Customs.

Ininspeksiyon din ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga karton ng sigarilyo para masigurong walang nakasilid na droga rito.

Agad na ipinasa ng Navy sa Bureau of Customs, ang nasamsam na pinakamalaking halaga ng smuggled cigarettes na nasabat sa lungsod para matukoy ang tunay na halaga nito ang posibleng kakikilanlan sa mga recuiters .

Wala pang nagpapakilalang may-ari ng mga kontrabando kaya inirekomenda ni Barte na sirain na agad ang mga sigarilyo para hindi na mapakinabangan.

 

Please follow and like us:
Read More

MALAYSIAN KIDNAP VICTIM NAMATAY SA ZAMBO

zambo

NAMATAY na ang Malaysian kidnap victim na nailigtas sa kamay ng komunistang Abu Sayyaf, ayon sa military.

Si Jari Bin Abdullah, nailigtas noong April 4 sa Simusa Island, Sulu, ay namatay sa Zamboanga City noong Martes, ayon sa Western Mindanao Command.

Sinabi sa report na sa kasagsagan ng putukan sa pagitan ng Abu Sayyaf at militar ay tinangkang tumakas ni Abdullah ngunit nakita siya ng isang miyembro ng Abu Sayyaf kaya’t binaril ito.

Namatay si Abdullah sa harap ng kanyang pamilya, Malaysian Consul General at mga opisyal ng International Monitoring Team.

Pumirma rin ang pamilya ni Abdullah ng waiver para tanggalin ang kanyang life support, ayon pa sa WesMinCom.

Samantala, pormal namang nailipat ang Indonesian na bihag na si Heri Ardiansyah sa Indonesian officials sa Maynila nitong Martes ng hapon. Si Ardiansyah ay na-rescue ng militar sa isang operasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

SEGURIDAD HINIGPITAN SA MOSQUE BLAST

muslim

NAGHIGPIT na rin ng seguridad sa Zamboanga City matapos pasabugin ang mosque na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng apat na iba pa Miyerkules lagpas ng hatinggabi.

Sinabi ni Zamboanga Peninsula Regional Police Director C/Supt. Emmanuel Luis Licup na binato ng granada ang mosque habang natutulog ang mga biktima sa loob. Nakatakda sanang magturo ng islam ang mga preacher sa mga batang Muslim sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City.

Ang pagsabog ay naganap tatlong araw matapos ang malagim na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo ng umaga.

Gayunman, naging maingat ang military na iugnay ang pagsabog sa twin blasts.

“Wala pang lead. Mahirap mag speculate kung magkaugnay ang pagsabog. Hintayin na lang natin matapos ang imbestigasyon,” sabi ni Licup.

Hindi tulad ng Jolo cathedral, wala umanong natanggap na anumang pagbabanta ang mosque o motibo bago ang pagsabog.

Agad nang isinagawa ang checkpoint sa lugar at police and military visibility upang maiwasan ang anumang karahasan.

Kinilala ang mga namatay na sina Habil Rex, 46, at Bato Sattal, 47. Apat sa mga sugatan at nasa Zamboanga City Medical Center ay sina Yasson Asgali, Yasson Asgali, Paulo Salahuddin, Albani Jikilani, at  Amidz Kassara

Please follow and like us:
Read More

SAYYAF ‘BOMBER’ PATAY SA ZAMBO

zambo1

(NI AL JACINTO)

ZAMBOANGA CITY – Napatay ng mga police commandos ang isang hinihinalang Abu Sayyaf bomber matapos itong makipaglaban sa Zamboanga City.

Sinabi kahapon ng pulisya na natunton ng mga commando si Admar Asilon, na miyembro umano ng Abu Sayyaf’s urban terrorist group sa ilalim ni Marzan Ajijul. Sa halip na sumuko ay nakipag-barilan ito habang tumatakas sa Barangay San Jose bago maghating-gabi nitong Lunes.Nasukol ang 35-anyos na Abu Sayyaf sa isang gusali kung saan ito napaslang. Ayon sa pulisya, si Asilon ay miyembro rin ng isang gun-for-hire syndicate sa Zamboanga City at Basilan.

“Moreover, subject person is known to be an active member of UTG under the leadership of Marzan Ajijul who operates in the East Coast of Zamboanga City and also a member of City Hunter a gun-for-hire group operating in Isabela City, Basilan and this city (Zamboanga),” ani ng pulisya sa impormasyon na inilabas nito.

Ang operasyon laban kay Asilon ay inilunsad ng 904th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 9. Naganap ito halos isang araw lamang matapos na 2 suicide bombers ng ISIS ang umatake sa Our Lady of Mount Carmel sa bayan ng Jolo sa Sulu province.

Nanawagan naman si Zamboanga Mayor Beng Climaco sa publiko na “to be very vigilant against the presence of suspicious-looking persons and unattended packages in their community, and report them immediately to the authorities.”

Hinigpitan na rin ng mga awtoridad ang seguridad sa Zamboanga, ayon kay Climaco. “Multiple layers of checkpoints have been established, particularly in thickly populated areas and at the borders or entry and exit points of the city,” wika pa nito.

Please follow and like us:
Read More