1 PANG STAFF NI CAYETANO, NA-COVID

ISA pang staff ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ito ang pinakahuling report ni House Secretary General Jose Luis Montales hinggil sa kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“An employee from the Speaker’s Office tested positive for COVID-19. She got tested after experiencing body weakness, headache, colds, and loss of smell and taste,” ani Montales.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang tanggapan ni Montales dahil nag-report sa kanyang trabaho ang biktima noong Setyembre 14 hanggang 18.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng COVID-19 positive sa tanggapan ni Cayetano subalit gumaling na umano ang mga ito.

Dahil sa nasabing kaso, umakyat na sa 80 ang tinamaan ng COVID-19 sa Kamara na kinabibilangan ng 10 mambabatas, dalawa sa mga ito ay binawian ng buhay na sina Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol Jr. at Sorsogon Rep. Bernardita “Ditas’ Ramos.

Samantala, iminungkahi naman ng isang mambabatas sa Department of Health (DOH) na gumawa ng 5-year vaccination plan upang mabakunahan ang lahat ng tao sa mga epicenter ng COVID-19 tulad ng Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao at iba pang lugar sa bansa.

Unang sinabi ng DOH sa budget hearing sa Kamara kamakailan, 20 milyon lamang sa 110 milyong populasyon ng Pilipinas ang kaya nilang bakunahan kapag nagkaroon ng gamot sa COVID-19.

Subalit ayon kay BWH party-list Rep. Natasha Co, kailangang mabakuhan ang lahat ng mga tao sa urban areas upang masiguro na wala nang banta sa kalusugan ng mga tao.

“Defeating COVID-19 in these urban centers might be enough to contain and control the spread of the coronavirus. Vaccination of the rest of our citizens would then be in 2023 to 2025,” ayon sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

118

Related posts

Leave a Comment