100 LAW VIOLATORS TIKLO SA BULACAN

BULACAN – Umabot sa 100 law violators, kabilang ang 28 drug suspects, ang nadakip sa dalawang araw na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PNP noong Lunes at Martes sa lalawigang ito.

Base sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, 16 drug suspect ang nakorner ng SDEU sa anti-illegal drug operations sa ika-limang araw ng SACLEO noong Lunes sa mga siyudad at bayan ng Balagtas, Meycauayan, Plaridel, Pulilan, San Rafael, Baliwag, Malolos at San Miguel habang umabot sa 51 pakete ng shabu, drug paraphernalia at buy-bust money ang nakumpiska.

Sa ika-anim na araw ng SACLEO noong Martes, umabot naman sa 12 drug suspects ang nakorner ng SDEU at mga operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), sa pangunguna ni P/Major Jansky Andrew Jaafar, at PNP Drug Enforcement Group (DEG) sa mga bayan ng Bulakan, Pulilan, Sta. Maria, Norzagaray, San Miguel at San Jose del Monte at nakumpiska ng mga awtoridad ng kabuuang 57 pakete ng shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.

Samantala,umabot naman sa 31 sugarol ang nakorner ng Bulacan PNP sa mga bayan ng Balagtas, Meycauayan, Paombong, Marilao, Malolos, San Jose del Monte at Baliwag at nahuli sa akto ang mga suspek na naglalaro ng tong-its, pusoy, cara y cruz, pool games na hinaluan ng sugal na poker.

Arestado rin ang 32 wanted sa iba’t ibang manhunt operations na isinagawa ng trackers team ng pulisya ng Bocaue, Bulakan, Calumpit, Pandi, Plaridel, Meycauayan, San Ildefonso, San Jose de Monte, Guiginto, Baliwag, Hagonoy, Angat, katuwang ang Bulacan PIU, Bulacan CIDG at ang 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC).

Siyam pang katao ang nadakip ng pulisya at barangay tanod sa police response sa iba’t ibang krimen sa DRT, Guiguinto, Marilao, Meycauayan, Norzagaray at San Jose del Monte City. (GINA BORLONGAN)

145

Related posts

Leave a Comment