11 LINDOL SA LOOB NG 24-ORAS NARAMDAMAN SA KANLAON

NAKAPAGTALA ng 11 pagyanig ng lupa sa paligid ng Mount Kanlaon sa loob lamang ng nakalipas na 24-oras, dahilan upang itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa alert level 1 ang nasabing bulkan.

Sa isang bulletin, lumalabas na nagbubuga na rin ngayon ng abo ang bulkan na may taas na 300 metro. Sa kanilang pagsusuri, may tinatayang 500 tonnes ng sulfur dioxide ang nailabas na ng bulkan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng nasabing ahensiya ang mga residenteng nakatira malapit sa bulkan na mag-ingat sa posible nitong pagsabog.

Mahigpit ding pinagbabawalan ng PHIVOLCS ang publiko na pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone dahil sa posibleng phreatic eruption. No fly zone naman ang mga eroplano malapit sa tuktok ng bulkan. (FERNAN ANGELES)

227

Related posts

Leave a Comment