F2F CLASSES MAARING IPAGPALIBAN – CHEd

MAAARING ipagpaliban ng mga kolehiyo at unibersidad sa mga lugar na nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 3 ang pagsisimula ng kanilang limited in-person classes kung kinakailangan.

Martes ng gabi nang magpalabas ng advisory ang Commission on Higher Education (CHEd) na nagsasabing ang higher education institutions (HEIs) na nasa Alert Level 3 areas ay maaaring magsimula na ng limited in-person classes para sa lahat ng kanilang degree programs sa Enero 31.

Ang pahayag na ito ng CHED ay humakot ng kritisismo mula sa social media users, na nagpahayag ng pagkabahala dahil patuloy na nakaharap ang bansa sa resurgence ng COVID-19 cases.

Sinabi ni CHEd Chairman Prospero de Vera na ang Enero 31 ang “earliest date” na maaaring magsagawa ng in-person classes ang HEI.

“Iyong Jan. 31, ang ibig sabihin, ‘yon ang pinakamaaga na puwede kang magbukas. Pero kung ‘yong conditions on the ground [are] not favorable, siyempre, ‘wag ka magbukas,” aniya pa rin.

“Some HEIs in other regions, such as in Eastern Visayas and Caraga, also postponed the start of their limited in-person classes as they continue to recover from the destruction left by Typhoon Odette last December, aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

175

Related posts

Leave a Comment