1/2 KILONG DAMO SILAT SA ANTIPOLO

mariwana

HINDI na pumalag ng isang 24-anyos na binata nang arestuhin ng mga pulis na nabentahan niya mismo ng damo sa lungsod ng Antipolo.

Ayon sa ulat ni Rizal Provincial Police Director Dominic Baccay kay Philippine National Police (PNP) Regional Director Antonio Yarra, kinilala ang suspek na si Jotello Robleza.

Kumpiskado sa anti-illegal drugs operation na pinangunahan ni Lieutenant Daniel Solano ng Provincial Intelligence Unit, ang hindi bababa sa kalahating kilong high-grade marijuana mula sa pag-iingat ng suspek. Sa tantya ng pulisya, aabot sa P750,000 ang halaga ng nasamsam na drogang lantaran umanong ibinebenta sa Antipolo.

Ayon kay Provincial Drug Enforcement Unit chief, Major Joel Custodio, ikinasa ang buy-bust operation makalipas ang ilang linggong surveillance kaugnay sa umano’y lantarang negosyo ng ilegal na droga ng suspek na higit na kilala sa alyas nitong “Pabili Nga Po”.

Nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. (ENOCK ECHAGUE)

154

Related posts

Leave a Comment