100 Anakpawis, 50 pang dating rebelde KUMALAS SA KILUSAN

TULUYAN nang kumalas sa kanilang organisasyon ang 100 miyembro ng ANAKPAWIS at 50 dating mga miyembro ng rebeldeng komunista sa San Juan, Pamplona, Cagayan noong Abril 24, 2021.

Sa natanggap na report ng SAKSINGAYON mula kay P/BGen. Crizaldo Nieves, Regional Director, Police Regional Office, sa pamamagitan ni P/Lt. Col. Andree Abella, chief PIO, sa isang simpleng seremonya na dinaluhan ng mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa nasabing lalawigan, ay isinagawa ang pormal na pagkalas ng 100 miyembro ng ANAKPAWIS at 50 dating mga rebelde sa kanilang samahan at nangako nang buong suporta sa pamahalaan.

Bago pa man nila binuksan ang kanilang deklarasyon ng pagkalas sa kanilang samahan, ang ANAKPAWIS ay persona-non-grata sa naturang munisipalidad.

Tatlo sa kanilang dating organizers at dating mga rebelde ang nagpahayag ng kanilang karanasan sa kilusan bilang mga miyembro at ‘recruiters’ ng NPA.

Sa nasabing okasyon, may mga lecturer mula sa iba’t ibang miyembro ng ahensya ng Regional Task Force to End Local Armed Conflict (RTF-ELCAC) na iprinisenta at ipinaliwanag ang kanilang mga programa at proyekto para sa lahat ng mga rebelde na nagnanais bumalik na sa normal na pamumuhay at magtamasa ng mapayapang buhay.

Si Emelita Vizcaro, dating organizer ng ANAKPAWIS Pamplona na na-recruit noong 2014, nakilala bilang si lyas “Manny,” isang dating youth member sa isang front organization, ay nagbahagi ng kanilang karanasan ng mga karahasan at mga kalupitan ng Communist Terrorist Groups (CTGs) at front organization sa lalawigan ng Cagayan at buong rehiyon.

Kaugnay nito, si PRO2 Regional Director Police Brigadier General Nieves, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si P/Col. Romaldo Bayting, Deputy Regional Director for Operations, ay nagpahayag kanilang paghanga sa lahat ng mga miyembro ng ANAKPAWIS na kumalas ng suporta sa CTG.

Idinagdag pa niya na ang Police Regional Office 2 sa ilalim ng kanyang pamumuno, ay patuloy na susuportahan ang lahat ng mga programa ng gobyerno upang matapos na ang Local Communist Armed Conflict sa Region 2, at patuloy nilang dadalhin ang serbisyo ng gobyerno palapit sa komunidad sa ilalim ng PRO2 “Lingkod Bayanihan” program.

Naging highlight ng aktibidad ang “pledge of disaffiliation” ng ANAKPAWIS members at dating mga rebelde mula sa kani-kanilang progresibong grupo, pagsusunog ng bandila ng CTGs at paglagda sa “Pledge of Allegiance” sa gobyerno. (JOEL O. AMONGO)

56

Related posts

Leave a Comment