CEBPAC PINURI SA PAG-HIRE NG TRANSWOMAN FLIGHT ATTENDANTS

(NI ABBY MENDOZA)

PINURI ng ilang mambabatas ang hakbang ng pamunuan ng Cebu Pacific na maghire ng transgender bilang bahagi ng kanilang flight crew.

Ayon kay Iloilo Rep Julienne Baronda ang ginawa ni Cebu Pacific CEO Lance Gokongwei ay pagkilala na pantay-pantay ang lahat anuman ang kasarian ng mga ito, umaasa ang mambabatas na ang binuksang pinto ng Cebu Pacific ay paparisan din ng iba pang mga airlines at iba pang kumpanya na sarado pagdating sa pagkuha ng mga transwoman o transman sa kanilang workplace.

Ani Baronda, ang hakbang na ito ay sumasalamin din sa nauna nang pahayag ni Pope Francis na dapat buksan ang puso at tanggapin ang anumang orientation, creed at sexuality ng bawat isa.

“The hiring of transwomen by Cebu Pacific is a welcome development as it pushes the boundaries of the Filipino worldview regarding sexualities. The openness and tolerance the Pope want us to practice is concretized by this development in Cebu Pacific,”paliwanag ni Baronda.

Gayundin ang pahayag ni ACT CIS Partylist Rep Niña Taduran, aniya, lalaki man o babae, o dati mang lalaki o dating babae at pare-pareho at magkakapantay sa karapatan at oportunidad sa lahat ng bagay.

“We appreciate Cebu Pacific’s recognition of the rights of the members of the LGBTQ community even if the SOGIE Bill or Anti-Discrimination Bill hasn’t been passed yet. We need more companies which will give equal opportunities to the LGBTQ community,” pahayag ni Taduran.

Sina Jess Labares at Mikee Vitug ang dalawang kauna unahang  transgender women  flight attendant ng bansa na kinuha ng Cebu Pacific matapos nilang maipasa ang training.

 

127

Related posts

Leave a Comment