UMENTO SA GOV’T EMPLOYEES TULOY!

gov1

WALANG dahilan para maudlot ang umento ng mga government worker sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) maipasa man daw o hindi ang panukalang 2019 national budget. Ito ang paniniyak ni Senate Finance committee chair Loren Legarda matapos kausapin ni Budget Secretary Benjamin Diokno para sa salary adjustment ng mga government employees. Idinagdag pa na sa Miscellaneous Personal Benefits Funds (MPBF) huhugutin ng gobyerno ang pondong gagawin sa ikaapat na bahagi ng SSL. Kasabay nitom sinabi ni House Appropriations Committee chair Rolando Andaya Jr. na magiging moot and academic na…

Read More

SOLO PARENT SA QC MAY 20% DISKWENTO SA RESTO

solo

(NI ABBY MENDOZA) MAGANDANG balita sa mga solo parent sa Quezon City. Maaari nang makakuha ng 20% discount sa mga restaurant sa lungsod tuwing una at huling linggo ng kada buwan. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang diskuwento ay batay sa QC Ordinance No 2766 na nakaangkla sa Republic Act 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000 na naglalayong tulungan ang mga single parent sa kanilang gastusin. Ang 20% diskuwento sa restuarant bill na hindi lalagpas sa P2,000 ay maaaring makuha ng mga solo parents pamamagitan ng…

Read More

2 TINUTUTUKAN SA ZAMBO MOSQUE BLAST

mosque

TINUTUTUKAN ngayon ng kapulisan ang dalawa katao na hinihinalang nasa likod ng mosque blast na pumatay sa dalawang Muslim preachers at nakasugat sa apat na iba pa sa Zamboanga City. Sinabi ni Zamboanga Peninsula Regional Police Director C/Supt. Emmanuel Licup na may mga lead na umano siyang sinusubaybayan sa mga persons of interest. “We have ordered all our provisional directors to get in touch with other faith-based groups, and in fact, yesterday all our provincial officers have conducted their own (coordination) and in the city it was lead by no…

Read More

TUMATAKBONG KONSEHAL PATAY SA DRUG BUST

crime200

ISANG umano’y big-time pusher na tumatakbong konsehal ang napatay sa drug buy-bust sa Pilar, Sorsogon, Miyerkoles ng gabi. Si Roy Lumbao, dating barangay chair ay napatay sa buy-bust operation sa barangay Binauahan, ayon kay acting regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Christian Frivaldo. Nagbenta umano si Lumbao ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P18,000 sa isang undercover PDEA operative bandang alas-8:30 ng gabi. Nang matunugan na operasyon ang nagaganap, agad binunot ni Lumbao ang kanyang .45 caliber sa kanyang baywang kaya’t inunahan na siya ng mga pulis. Si…

Read More

ZOREN FEELING BINATA PA RIN KAY MINA

zoren200

(NI ROMMEL GONZALES) DALAWAMPUNG taon na ang relasyon nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. Tinanong namin si Zoren kung ano ang sekreto at tumatagal ang kanilang pagmamahalan… “Dapat kasi marunong…both parties ha… ‘yung give and take. “At saka kanya-kanyang department ba. Kunwari department ng lalake ‘to, hayaan mong ‘yung lalake ang mag-decide, pag department ng babae, hayaan mong mag-decide ‘yung babae. Tapos kailangan meron talagang understanding, kasi ako pakiramdam ko binata pa din ako e, kaya hindi ako nahihirapan.” Hindi siya nasasakal? “Oo, pakiramdam ko binata ako dahil hindi ko…

Read More

JOLO BLAST ‘SUSPECTS’ PINALAYA NA

poi

NILINIS ng militar at ni Mayor Kherkar Tan ang pangalan ng grupo ng mga lalaking unang sinabing ‘persons of interest’ sa twin blasts sa Jolo cathedral nang lumutang at patunayang walang kinalaman sa pagsabog. Ang mga ito ay nahagip ng CCTV na umano’y kahina-hinala ang pagkilos malapit sa pinagsabugan. Pawang mga estudyante habang ang isa ay teacher, ayon pa kay Tan. Sinabi rin ni Col. Gerry Besana, public affairs officer ng Western Mindanao Command na ang apat na lalaki ay sumuko sa Sulu Provincial Police Office dahil sa takot sa…

Read More

P500K REWARD KAY ‘KAMAH’

jolo200

ISANG non-government organization ang nag-alok umano ng P500,000 pabuya sa pagkakadakip sa isang alyas ‘Kamah’ na sinasabing nasa likod ng dalawang pagsabog sa Jolo noong Linggo. Kinumpirma ni Wesmiscom spokesperson Col. Gerry Basana na malaking tulong ang pabuyang ibibigay ng isang non-government organization sa ikabibilis sa paglutas ng kaso. Puspusan pa rin ang pagtugis kay ‘Kamah’ umano’y kapatid ng napaslang na Abu Sayyaf leader. Patuloy ang opensiba ng military sa mga lugar na posibleng pinagkukutaan ni ‘Kamah’. Inaalam din ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang report na Yemeni couple ang…

Read More

DAGDAG 1K SA GSIS PENSIONER, PWD

gsis

MAGANDANG balita sa mga pensiyonado at people with disabilities (PWDs) ng Government Service Insurance System (GSIS). Magkakaroon ng dagdag na P1,000 ang pensiyong matatanggap ng mga retirado at persons with disability, ayon sa pangulo ng ahensiya. Ayon kay GSIS President Jesus Clint Aranas, target nilang mailabas sa susunod na buwan hanggang Marso ang resolusyong magtataas sa minimum basic pension sa P6,000 mula P5,000. “As long as it does not affect our fund life, increase kami so we already passed a resolution increasing it, mararamdaman na ng mga pensioner namin,” sabi…

Read More

RICHARD GUTIERREZ LUSOT SA P38-M TAX EVASION CASE

richard200

NALUSUTAN ng aktor na si Richard Gutierrez ang tax evasion case matapos ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may kinalaman sa P38.5 milyon hindi pagbayad ng tamang buwis. Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon na pinirmahan ni ni Assistant State Prosecutor Christine Perolino, inabsuwelto ng DoJ si Gutierrez at ibinasura naman ang reklamong isinampa ng BIR. Unang sinabi ng BIR na nagsumite umano ang aktor ng mga pekeng dokumento at hindi ito nagbayad ng tamang buwis. Gayunman, nabatid na hindi…

Read More