‘SUICIDE GAME’ IPINABUBURA SA FB AT GOOGLE

fb1

(NI BERNARD TAGUINOD) NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Facebook at Google na burahin ang account ng mga “demonyo” umano sa social media lalo na ang tinatawag na “suicide game”. Maging ang mga iba pang net-based game na kinaadikan ng mga kabataan at mga account ng mga online-scammers ay dapat umanong burahin ng facebook at google upang maprotektaha, hindi lang ang mga kabataan kundi ng lahat ng mga netizens. Ginawa ni Aangat Tayo party-list Rep. Neil Abayon, ang nasabing apela sa Facebook at Google matapos o Momo challenge na ang target ay…

Read More

PCG BINIGYAN NG BAGONG SPEED BOATS NG JAPAN

japan1

(NI DAHLIA S. ANIN) IBINIGAY Huwebes ng umaga ng gobyerno ng Japan ang dalawang 12 meter high speed boat sa Philippine Coast Guard. Personal ang pagturn-over na ginawa ni Ambassador Koji Haneda, ambassador of Japan to the Philippines kay PCG Commandant, Admiral Elson E. Hermogino. Ang mga speed boats na ito ay lalayag sa Timog na bahagi ng ating bansa para labanan ang mga pirata at terrorismo. Gagamitin din ito sa mga anti drugs operation lalu na’t ilang floating coccaine na ang nakita sa karagatan ng bansa. Ang mga speed…

Read More

OPISYAL NG BTA PINANGALANAN NA NG PALASYO

bta

(NI CHRISTIAN DALE) ISINAPUBLIKO na ng Malakanyang ang mga pangalan ng  mga nanumpa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumubuo sa Bangsamoro Transition Authority (BTA). Inilabas na rin ng Malakanyang ang kumpletong pangalan at appointment papers ng mga ito. Base sa mga dokumento, Pebrero 22 nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment papers kay Ahod Balawag Ebraim o mas kilala bilang Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Al Haj Murad Ebrahim bilang interim chief minister at 75 iba pa. Bukod kay Ebraim, mayroon nang appointment papers sina MILF chief peace negotiator…

Read More

CALOOCAN BISHOP NANGANGAMBA SA PAMILYA

ambo1

(NI ALAIN AJERO) HINDI para sa kanyang buhay nangangamba ang Obispo ng Caloocan kundi sa mga taong malalapit sa kanya na posibleng madamay sa pagiging kritiko niya sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular sa mga pagpatay at droga. Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa loob ng nakalipas na isang lingo ay puno ng mensahe ang kanyang mobile phone na siya na ang susunod na lilikidahin at hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga ito. Bunsod nito, may mga aktibidad na hindi na niya nadadaluhan para pangalagaan…

Read More

MAY DEMOLITION JOB NGA BA KAY KRIS AQUINO?

(NI RK VILLACORTA) May demolition job ba kay Kris Aquino? Puna ko lang na halos sunud-sunod ang dagok kay Queen of All Media na sinimulan ng pagbasura sa kanyang inihain na 44 counts of qualified-theft sa Makati court laban kay  Nicko Falcis na business “partner-consultant” ni Tetay. Isa sa mga natuwa sa pagbasura ay si Grethen Barretto na ewan ko at hindi ko matanto kung bakit ganun na lang ang pakikisawsaw. The other day, ang korte sa Pasig ay ibinasura rin ang parehong complaint ni Kris kay Falcis. Sinundan naman…

Read More

PHOENIX AT COLUMBIAN UMESKAPO

dyip1

(NI JJ TORRES) Mga laro sa Biyernes: (Mall of Asia Arena) 4:30 p.m. — Columbian vs Blackwater 7:00 p.m. — Alaska vs Phoenix   PAREHONG umeskapo ang Phoenix Pulse at Columbian Dyip sa dikitang laro kagabi sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum. Nakahirit si Jason Perkins ng dalawang free throws sa huling 7.2 seconds ibigay sa Phoenix ang 98-96 win kontra Northport. Habang nagkatalo lang sa isang puntos ang Columbian Dyip sa paggapi sa Meralco Bolts, 86-85. Umangat ang Phoenix sa 6-1, habang 2-3 naman ang Batang Pier.…

Read More

HIWALAY NA ENTITY NG MNLF INAAYOS NA

DUTERTE1

(NI BETH JULIAN) PINAG-AARALAN na ng gobyerno ang babalangkasing kasunduan sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF). Kasunod ito ng pagpupulong sa Malacanang noong Lunes ng gabi nina Pangulong Rodrigo Duterte at MNLF founding chairman Nur Misuari. Sinabi ng Pangulo na napapanahon na para magkaroon ng isang hiwalay na entity ang MNLF matapos unang maitatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na pansamantalang pinamumunuan ngayon ni MILF Chairman Al Haj Murad Ibrahim. Naniniwala ang Pangulo na ang pagkakaroon ng sariling entity ng grupo ni Misuari ang tugon para…

Read More

SALUDAR KAMPEON PA RIN

saludar

NAPANATILI ni Vic Saludar ang kanyang World Boxing Organization mininumweight crown matapos talunin si Japanese challenger Masataka Taniguchi via unanimous decision sa Korakuen Hall sa Tokyo. Tinapos rin ni Saludar ang dominasyon ni Taniguchi sa mga Filipino boxers. Anim na Pinoy ang tinalo ng Japanese boxer bago ang laban kay Saludar. Ginamit ni Saludar ang kanyang jabs at overall ring generalship upang makumbinsi ang mga hurado at ibigay ang panalo sa kanyang unang title defense ng 105-pound crown. Si Saludar, 6-time national amateur champion, ay nabigo muna sa kanyang unang…

Read More

SWS: PINOY NANINIWALANG SANGKOT ANG PULIS SA EJK

sws

HIGIT kalahati sa mga Pinoy ang naniniwala na ilang opisyal ng pulisya ay sangkot sa illegal drug trade, extrajudicial killings (EJKs), at kadalasang nagtatanim ng ebidensiya laban sa drug suspects, ayon sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey. Ayon sa survey results na inilabas ng Miyerkoles, 68 porsiyento ng Pinoy ang naniniwala sa alegasyon na sangkot ang kapulisan illegal drug trade — kung saan 29 porsiyento sa mga ito ang naniniwalang totoo ang akusasyon at 39 porsiyento naman ang nagsasabing ‘tama siguro’ habang limang porsyento lamang ang nagsasabing hindi sila…

Read More