(NI JEAN MALANUM) SININDIHAN sa Davao City ang 30th Southeast Asian (SEA) Games torch na maglalakbay sa ilang pangunahing lungsod sa Pilipinas. Pinangunahan nina national athletes Nesthy Petecio, Mikee Selga at Sydney Sy Tancontian ang ceremonial torch lightning sa SM Lanang at nilahukan ng 3,000 participants. Naroon din sina Senator Bong Go, Davao Vice Mayor Baste Duterte, Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) Director Jojit Alcazar, Presidential Assistant for the Visayas Secretary Mike Dino, Philippine Sports Commission (PSC) Commissioners Charles Maxey at Celia Kiram, at Philippine Olympic Committee (POC) Executive…
Read MoreMonth: October 2019
ASIN TAX NG DOH TINUTULAN SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) TUTOL ang ilang senador sa balak ng Department of Health (DOH) na patawan ng buwis ang mga produktong ginagamitan ng asin. Para kay Senate President Vicente Sotto, lumilitaw na lumalagpas na ang DOH sa kanilang mandato. “I think they are now going overboard. Bakit pati pagkain namin gustong pakialaman ng DOH?” saad ni Sotto. Pinayuhan naman ni Senador Panfilo Lacson ang DOH na huwag ituloy ang kanilang plano at mag-isip na lamang ng ibang paraan upang mabawasan ang pagkonsumo ng mga maaalat na pagkain. “DOH should not…
Read MoreTRIAL RUN NG CHINA-MADE DALIAN TRAIN PALALAWIGIN PA
(NI KEVIN COLLANTES) NAGPASIYA ang Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) na palawigin pa ng isang buwan ang trial run ng China-made na Dalian train. Ayon sa DOTr-MRT 3, ang orihinal na petsa ng trial run ng naturang train set ay mula Oktubre 15 hanggang, Oktubre 31 lamang. Gayunman, nagpasya silang patagalin pa ng hanggang Nobyembre 30, 2019, mula 8:30 ng gabi hanggang 10:30 ng gabi, araw-araw, ang initial trial period ng Dalian train upang higit pang maobserbahan na mabuti ang performance ng Dalian train set sa linya ng…
Read MoreDUTERTE LIGTAS SA 6.5 LINDOL
(NI NOEL ABUEL) NASA maayos na kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng nangyaring muling paglindol sa Davao City at iba pang bahagi ng Mindanao. Ito ang tiniyak ni Senador Christopher Bong Go sa kabila ng pagkakaroon ng crack sa ilang bahagi ng bahay ng Pangulo ay maayos naman ito na nagkataong nasa lungsod ngayon. ” Nasa CR si Pangulong Duterte sa Teachers Viilage nang tumama ang magnitude 6.5 na lindol pero wala namang masamang nangyari sa kanya,” sabi ni Go. Tanging bitak sa pader ang natamo ng bahay ng Pangulo…
Read MoreDAGDAG NA SOCIAL WELFARE ATTACHE, IGINIIT
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINALAMPAG ni Senador Sonny Angara ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magtalaga ng mga dagdag na social welfare attache sa ibayong dagat upang maasikaso ang kapakanan ng mga manggagawang Pinoy. Ayon kay Angara, araw-araw maraming Overseas Filipino Workers ang inaabuso sa iba’t ibang bansa. Noong Abril, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11299 para sa pagtatayo ng Office for Social Welfare Attache kayat napunan na ang mga posisyon sa Malaysia/Brunei; Jeddah; Riyadh; Kuwait; Hong Kong; Qatar; at Dubai. Iginiit ni Angara na…
Read More4 PATAY, 8 SUGATAN SA 6.5 LINDOL SA COTABATO
(NI JG TUMBADO) APAT katao ang nasawi nasawi kabilang ang isang barangay chair sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, nang yanigin ng panibagong lindol ang Cotabato kaninang umaga. Nakilala ang nasawing kapitan na si Cesar Bangot ng Barangay Batasan. Sa nakarating na report sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), gumuho ang Barangay gym sa kasagsagan ng 6.5 magnitude earthquake sa bayan ng Tulunan pasado alas 9 ng umaga at nadaganan si Bangot ng bumagsak na debris ng gusali. Tatlo pang indibidwal ang nasawi sa iba’t ibang lugar…
Read MoreBUILDING CODE REREBISAHIN NG KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) KASUNOD ng mapanirang lindol na naganap sa bansa nitong mga nakalipas na taon kung saan ang huli ay sa Mindanao, nakatakdang rebisahin ng Kamara ang National Building Code para matiyak na ang mga itatayong gusali ay nakaaayon sa mga mas malalakas na pagyanig. Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano lubhang matagal na ang pinaiiral na Building Code at hindi na ito akma sa kasalukuyang panahon. “The House would assess whether the old construction standards are still appropriate for the risks the country is facing from natural…
Read MoreCREMATION: PAANO SINUSUNOG ANG BANGKAY?
Tradisyon na natin sa tuwing ipinagdiriwang ang Araw ng mga Patay ay mayroon tayong katatakutan, kuwentong kababalaghan o kahit pa kathang-isip lamang. Pero ang sasabihin natin sa pahinang ito ay katotohanan at hindi naman talaga nakakatakot pero naroon na mapapaisip ka rin. Tutok tayo sa cremation. PAGSUSUNOG SA BANGKAY Ang cremation o ang pagsunog sa bangkay ng isang tao sa mataas na temperatura – ito ay mula sa init na 1,400 hanggang 1800 degrees Fahrenheit. Ang sobrang init ay kailangan upang ma-reduce ang katawan sa basic elements nito at matuyo…
Read MoreANTI-DRUG CZAR
Si dating Pangulong Joseph Estrada ang bukod-tanging naging “Anti-Crime Czar” nang likhain ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Presidential Anti-Crime Commission (PACC) at ginawang chairman nito ang kanyang bise presidente noon na si Estrada. Hindi siguro magiging pangulo ng bansa si Estrada kung hindi niya nagampanan nang mahusay ang kanyang pagiging anti-crime czar sa pamamagitan ng PACC at task forces nito na siyang responsable sa mga accomplishment ng komisyon. Inakala ng political advisers noon ni FVR na papalpak si Erap sa kanyang trabaho bilang PACC chairman at epektibong “anti-crime…
Read More