MANDATORY EVACUATION CENTER SA BAWAT LUNGSOD, IGINIIT 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Bong Go ang paglalagay ng evacuation center sa lahat ng lungsod, lalawigan at munisipalidad sa buong bansa. Sa kanyang Senate Bill 1228, iginiit din ni Go ang paglalaan ng pondo para sa pagtatayo ng mga evacuation center. Ipinaliwanag ni Go sa kanyang panukala na alinsunod sa Konstitusyon, mandato ng gobyerno na protektahan ang buhay, ari-arian at kapakanan ng sambayanan kasabay ng pagpapanatili ng peace and order. Binigyang-diin ng senador na madalas na tinatamaan ng kalamidad ang bansa dahil sa lokasyon nito sa “Pacific Ring…

Read More

LIZ-QUEN, MAGTATAYO NG BAGONG NEGOSYO

(NI BOY ABUNDA) KAMAKAILAN ay nagbukas na ang ikalawang sangay ng Hope Wellness Spa na pag-aari ni Liza Soberano. Ayon sa kasintahan ng aktres na si Enrique Gil ay balak na rin nilang magsosyo ngayong 2020 para sa isang bagong negosyo. “We’re really planning on opening up our own wellness resort spa. I love the ocean kasi and we actually enjoy getting massages, and all things natural. My mom is a big health freak, she really became strict with her diet. She went vegan for a time and ang dami…

Read More

ILANG KALSADA SA R. BLVD ISASARA SA RIZAL DAY

RIZAL

(NI RENE CRISOSTOMO) BUKAS, Disyembre 30, araw ng paggunita sa ika-123 taong kamatayan ng bayaning si Dr.Jose Rizal ,magpapatupad ng road closure at traffic re -routing ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa Roxas Boulevard, Ermita,Manila. Ito ang napag-alaman kay PLt.Col Carlo Magno Manuel, hepe ng Manila Police District-Public Information Office ,na magsisimulang isara simula 6 :00 ng umaga ang North at South bound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang T.M. Kalaw. Lahat ng sasakyan ay dadaan sa southbound mula sa Delpan bridge-Pier ay dapat kumaliwa sa P.Burgos…

Read More

PONDO NG LGU MATATANGGAP SA 2020

(NI NOEL ABUEL) MALAKI ang posibilidad na simula sa darating na taon, direkta nang matatanggap ng mga nangangailangang local government unit (LGU) ang pondong kanilang hinihingi para sa kanilang mga proyekto. Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ito ay bunga ng polisiya ng Department of Budget and Management (DBM) na nag-aatas sa mga ahensiya ng pamahalaan na kumuha muna ng sertipikasyon sa Regional Development Councils (RDCs) kaugnay sa mga proyektong ipatutupad sa taong 2021. Ayon kay Lacson, nangunguna sa krusada para sa tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan, ang hakbang…

Read More

US-RP RELATIONS, MATATAG — SOLON

trump21

(NI DANG SAMSON-GARCIA) TIWALA si Senador Koko Pimentel na hindi makaaapekto sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ang umiinit na usapin sa sinasabing pag-ban sa Amerika ng mga opisyal ng gobyerno na tumulong sa pagpapakulong kay Senador Leila de Lima na ginantihan ng pagbabanta ng Malakanyang na oobligahin ang mga Amerikano na kumuha ng visa bago pumasok sa ating bansa. “Ang relationship ng Pilipinas sa Amerika, napakalakas nyan. Ito ay napakaliit lang na issue. It will not affect the relationship with us. Maliit na bagay lang ito,” saad ni…

Read More

34 NA BIKTIMA NG PAPUTOK NAITALA NG DOH

(NI KIKO CUETO) PUMALO na sa 34 ang bilang ng mga sugatan nang dahil sa paputok sa buong bansa, ayon na rin sa tala ng Department of Health (DOH). Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang 34 na kaso ay naitala sa National Capital Region, Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON, at sa Bicol. Wala pa namang namamatay nang dahil sa paputok. Karamihan sa mga naiatalang mga suatan ay dahil sa boga – isang improvised cannon na gawa sa mga PVC pipes. Kasama na rin diyan ang mga lusis at piccolo.…

Read More

GOV’T NURSE MAS LAMANG NA SA SAHOD NG TEACHERS

(NI BERNARD TAGUINOD) MAUUNGUSAN ng mga government nurses ang mga public school teachers sa sahod simula sa susunod na taon at lalong lalaki ang agwat ng mga ito sa susunod na apat na taon. Simula sa 2020 ipatutupad na ang P30,531 na sahod ng mga government nurse matapos manalo ang mga ito sa kaso sa Korte Suprema at kasama din ang mga ito Salary Standardization Law (SSL) 5. Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, magkakaroon ng P6,088 na karagdagang sahod ang mga government nurse sa loob ng apat na taon…

Read More

BASSOONIST MENDOZA, TAMPOK SA PPO CONCERT SERIES

BASSOONIST MENDOZA

Ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), sa pangunguna ni Maestro Yoshikazu Fukumura, ay maghahandog ng kanilang pagtatanghal sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Sila ay magsasagawa ng kanilang ikalimang concert sa Enero 24, 2020 sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines sa ganap na alas-8 ng gabi kung saan ang kanilang guest performer ay walang iba kundi si bassoon player Adolfo O. Mendoza. Ang program ay kinabibilangan ng Antonin Dvorak’s Serenade for String Orchestra, op.22, E Major; Wolfgang Amadeus Mozart’s Bassoon Concerto, B-flat Major and Cesar Franck’s Symphony in D…

Read More

FULL ATHLETES BENEFITS IPATUTUPAD SA 2020

(NI ANN ENCARNACION) HANGAD ng Philippine Sports Commission (PSC) na maipatupad ang Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives  Act sa pagpasok ng Bagong Taon. Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, batid niya ang hangarin ng mga atletang Pinoy na matulungan ang kanilang pamilya kaya’t marapat lang na maibigay ang mga nakalaang insentibo sa kanila upang maibahagi nila ito sa kanilang pamilya sa pagpasok ng taong 2020. Nais ng PSC chair na ma-enjoy din ng mga atleta ang discount sa mga pagkain, at mga serbisyo…

Read More