MANGINGISDA PINATAY SA NAWAWALANG CELLPHONE

CAVITE – Patay ang isang mangingisda na nilasing muna bago kinompronta ng kanyang mga kabaro hinggil sa nawawalang cellphone saka pinagtulungang saksakin sa bayan ng Naic sa lalawigang ito. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Jonathan Into Perez, nasa hustong gulang, habang arestado naman ang mga suspek na sina Mandu Bulawi, 34; Francis Copas, 40, at Cardo Ginova, 40, pawang tubong Mountain Province at residente sa isang barracks sa Aplaya Bliss, Brgy. Labac, Naic. Sa report ni P/SSgt. Rodrigo Veloso III ng Naic Municipal Police Station, dakong alas-12:10…

Read More

P162.7-M SUPPLEMENTAL BUDGET NG BULACAN, PASADO NA

PINAGTIBAY ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan ang P162.7 milyong supplemental budget bilang karagdagang pantustos sa mga pangangailangan sa paglaban ng pamahalaang panlalawigan sa coronavirus disease. Ayon kay Bise Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado, nagmula ang pera sa Bayanihan Grant to Provinces ng Department of Budget and Management. Ipinaliwanag ni Alvarado, layunin nito na agapayan ang mga pamahalaang lokal para sa mga gastusin upang matustusan ang mga pamamaraan ng pagtulong sa mamamayang Bulakenyo ngayong may pandemya. Base sa inihaing talaan ni Gobernador Daniel Fernando ng mga gagastusan, ang pinakamalaking bahagi ay ilalaan sa…

Read More

52 NEW COVID CASES SA DAVAO REGION

DAVAO City – Dalawang araw bago magpalit ng quarantine restrictions, naitala sa Davao region ang pinakamataas na pagtalon ng bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections. Noong Biyernes, inanunsyo ng Department of Health (DOH), umabot sa 52 ang bagong aktibong kaso ng COVID-19, at aabot na sa 329 ang kabuuan nito. Sa bilang na 52, ang 30 nito ay naitala rito sa lungsod, kung saan aabot naman sa 283 ang nadapuan ng impeksyon. Ang panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ay parang salamin din…

Read More

TRAFFIC ENFORCER PATAY, 4 PA HULI SA BUY-BUST

BULACAN – Patay ang isang traffic enforcer na hinihinlang drug pusher makaraang kumasa sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa San Jose del Monte City habang dalawang kasama nito ang nadakip at dalawa pang drug suspect ang naaresto sa anti-drug operation sa mga bayan ng Balagtas at San Miguel, pawang ng lalawigang ito noong Biyernes. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Rolando Tigpas Jr., traffic enforcer, habang nadakip ang kanyang dalawang kasama na sina Marilou Alday at John Carl Docul,…

Read More

Lola ginising ng ‘demonyo’ MISTER, ANAK PINATAY SA TAGA

MISAMIS Oriental – Halos maputol ang ulo ng mag-ama nang tagpasin sila ng kanilang ilaw ng tahanan habang nakatakbo ang tatlong apo ng mag-asawa, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mag-amang napatay na sina Luciano Loresca,70, at Elvie Loresca Bagares, 36, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Vivian Loresca, 70, pawang mga residente ng Sitio Magpalit, Brgy. Cabalantian, Manticao, Misamis Oriental. Samantala, nakaligtas ang tatlong batang mga apo ng mag-asawa nang makatakbo ang mga ito palabas ng kanilang bahay. Ayon kay Manticao Police Station…

Read More

Hindi pa tapos ang ‘boksing’ sa Kamara DRILON AT PANGILINAN SINAKLOLOHAN ANG ABS-CBN

NAPAKALINAW ng nakasaad at ipinag-utos ng Saligang Batas sa Kongreso na ang batas para sa prangkisa ng isang kumpanya ng media ay magsisimula sa Kamara de Representantes o mababang kapulungan ng Kongreso. Hindi maaaring mauna o pangunahan ng Senado o mataas na kapulungan ng Kongreso ang Kamara. Alam naman ito ng mga senador at kongresista. Nakasaad sa Konstitusyon KABISADO nila ang ligal at tamang prosesong ito na nakasaad sa Konstitusyon. Alam ng mga mambabatas na hindi maaaring mauna ang mga senador na kumilos at magdebate hinggil sa hinihinging prangkisa ng…

Read More

2ND TRANCHE NG SAP, ‘DI PA NASISIMULAN – MALAKANYANG

HINDI pa nagsisimula ang DSWD sa pamamahagi ng ikalawang bugso o 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) para sa lahat ng mga benepisyaryo nito na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagsagawa sila ng beripikasyon hinggil sa distribusyon ng 2nd wave ng SAP, at base aniya sa DSWD, hindi pa nito sinisimulan ang pamamahagi ng naturang cash subsidy. Aniya, bine-verify pa ng DSWD ang karagdagang limang milyong indibidwal na nararapat din aniyang makatanggap ng 2nd batch ng SAP. Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Sec.…

Read More

MENTAL HEALTH ACT, TINATALAKAY NA SA SENADO

SINIMULAN na ng Senado ang pagtalakay sa Senate Bill 1471 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 11036 o mas kilalang Mental Health Act. Ito ay sa gitna ng mga balitang tumataas ang bilang ng mga nangangailangan ng tulong dahil sa mental health problems sa harap ng COVID-19 pandemic. Sa virtual hearing, sinabi ni Senate Committee on Health and Demography chairman Christopher Bong Go na kailangang tutukan din at bigyan ng importansya ang mental health ng mga tao sa gitna ng krisis lalo na at maraming tao ang nakararanas ng iba’t…

Read More

ADVISORIES SA KALAMIDAD AT EMERGENCIES, ISALIN SA FILIPINO

NAIS ni Senador Lito Lapid na gawin ng mga ahensya ng pamahalaan sa Filipino language ang mga inilalabas na advisory o bulletin sa panahon ng kalamidad o anomang sakuna. Sa kanyang Senate Bill 1539, iginiit ni Lapid na mahalagang nauunawaan ng lahat ang bawat abiso mula sa gobyerno upang maihanda ang mamamayan at makatugon nang nararapat. Ipinaliwanag ng senador na kadalasan ang mga anunsyo, bulletins at abiso ay nakalathala sa salitang English kaya’t marami rin ang nalilito. Mas makabubuti anya na isalin ang mga ito sa Tagalog o iba pang…

Read More