Isabela mayor nadulas ARROYO BINUKING SA ILEGAL NA PAGPAPABAKUNA

0

(BERNARD TAGUINOD)

UMUGONG ang balitang nabakunahan na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo gamit ang bakunang hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) matapos itong ikwento mismo ng nakasama niyang alkalde.

Ibinuko ni Cabatuan, Isabela Mayor Charlton Uy ang pagpapabakuna ni Rep. Arroyo gamit ang Covovax, sa pakikipag-usap nito sa mga opisyal ng kanyang bayan hinggil sa kanilang vaccination program.

“I was with Congressman Mikey Arroyo last night and he mentioned, what was that? Novavax? They say it’s better because it is supposedly 91 percent [effective]. We have to pledge [an amount] because it is supposedly coming already in June,” ani Uy.

Ang Covavax vaccine ay dinebelop umano ng Novavax company na nakabase sa Amerika at mina-manufacture ng Serum Institute ng India.

Umaabot umano sa 95.6 percent ang efficacy nito laban sa COVID-19 subalit hindi pa ito inaprubahan ng FDA at wala pang iniisyung emergency use authorization (EUA) kaya ilegal pa itong gamitin.

Mariin namang itinanggi ni Arroyo na nabakunahan na siya gamit ang Covovax.

“Its inaccurate and false,” ani Arroyo sa mga mamamahayag at hindi na ito nagbigay pa ng karagdagang impormasyon dahil ayaw umano nitong pahabain ang nasabing isyu.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumingaw na may miyembro ng Kamara na nabakunahan laban sa COVID-19.

Noong November 2020, napaulat na nabakunahan na si Sen. Panfilo Lacson at House majority leader Ferdinand

Martin Romualdez kahit wala pang inaaprubahang bakuna noong panahong iyon.

Hindi nagbigay ng anomang pahayag si Romualdez sa nasabing isyu hanggang sa kasalukuyan.

Noong nakaraang linggo, tanging si House health committee chairperson Angelina Tan ang kumpirmadong nagpabakuna sa lahat ng miyembro ng mababang kapulungan.

Read More

QUARANTINE HINDI PA KAILANGANG HIGPITAN

0

WALA pang nakikitang pangangailangan o dahilan ang pamahalaan para magpatupad ng mahigpit na community quarantine sa kabila ng pagsirit ng bilang ng bagong COVID-19 cases.

Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sabay sabing maaari namang magpatupad ang local governments ng granular lockdowns.

“Right now, hindi naman kinakailangan—if you’re talking about mag-MECQ (modified enhanced community quarantine) ba tayo or ECQ (enhanced community quarantine). Hindi naman po kailangan,” ang pahayag ni CabSec Nograles nang tanungin kung may tsansa ba na ang bansa ay isailalim sa “stricter lockdown.”

“The LGUs already have a localized and granular lockdown mechanism. Kumbaga ‘yan na ‘yung ECQ na granular and localized level per barangay, per street, per building, per purok, per sitio. They can already do that,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni CabSec Nograles na ang “quick response and actions” ng mga lokal na pamahalaan ay imo-monitor sa susunod na dalawang linggo “and then we’ll take it from there.”

Ang Metro Manila at ang 9 na iba pang lugar sa Pilipinas ay nasa ilalim ng general community quarantine, itinuturing na 2nd loosest level, ngayong buwan.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng modified general community quarantine, itinuturing na “least stringent restriction.”

Ayon kay CabSec Nograles, ang pagtaas ng bilang ay hindi masasabing “conclusively” na ina-attribute sa mas transmissible variants na orihinal na na-detect sa United Kingdom at South Africa. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Mula nang ikasa ang vaccine rollout NABAKUNAHANG PINOY NASA 29K NA

0

TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Pilipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1.

Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.”

Nakapagpadala na ang pamahalaan ng 383,980 doses ng bakuna na dinevelop ng Chinese firm Sinovac at British-Swedish pharmaceutical company AstraZeneca sa mga ospital at medical facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Inaprubahan naman ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa tatlong bakuna gaya ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneza at Sinovac.

Ang tatlong bakuna ay kailangan magbigay ng dalawang doses.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong 1.1 million doses ng COVID-19 vaccines — 600,000 doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng China at 525,600 doses ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.

Layon ng Pilipinas na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino ngayong taon. (CHRISTIAN DALE)

Read More

PANUKALA PARA SA PROTEKSYON NG KABABAIHAN, INIHAIN NG ALL WOMEN SENATORS

0

ISINUSULONG ng mga babaeng senador ang panukala para sa pagbuo ng mga hakbangin na tutugon sa gender-differentiated needs at iba pang public health concern ng mga babae partikular ang mga kabataan sa panahon ng emergencies at disasters.

Ang Senate Bill 2088 o ang proposed Gender Responsive and Inclusive Pandemic Management Act of 2021 ay inihain nina Senador Risa Hontiveros, Nancy Binay, Pia Cayetano, Leila de Lima, Imee Marcos, Grace Poe at Cynthia Villar sa araw mismo ng pagdiriwang ng International Women’s Day nitong Lunes.

Sa kanya namang privilege speech sa pag-eendorso ng panukala, ipinaliwanag ni Hontiveros na kabilang sa mga pangunahing laban ng mga babae ay ang gender-related violence, economic disempowerment, ang wala sa oras na pagbubuntis dahil sa kawalan nang maayos na serbisyong kalusugan at human trafficking.

Tinukoy pa ni Hontiveros ang ulat ng Women’s Legal and Human Right Bureau hinggil sa gender-based violence na simula noong July 2020 hanggang February 2021, pinakamalaking bahagi o 34 percent ay mga teenager na may edad 13 hanggang 18 habang 30 percent ay 19 hanggang 25-anyos.

“Nang unang magpataw ng lockdown, na syang itinuturing na isa sa pinakamahigpit sa buong mundo, may malinaw na pagtaas ng bilang ng gender-based violence. Bakit? Dahil ang ilang mga babae ay naging bantay-sarado na ng kanilang mga abuser. Bakit ulit? Dahil work-from-home ang mga empleyado at distance learning ang mga kabataan,”diin pa ng senador.

Binigyang-diin pa ni Hontiveros na maging ang online sexual abuse ay lumala dahil halos lahat ay naging netizens na at maging mga chat apps kagaya ng Telegram ay ginagamit para sa palitan ng ga nude photos.

“Minsan nga ay business na ito. Nabalitaan namin ang tinatawag nilang “Team Lapagan” – o lapagan ng mga maseselang larawan ng mga kababaihan. Ang laman nito ay kadalasang mga kuha ng kanilang mga karelasyon o dating karelasyon,” giit ng senadora. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

BENEPISYO NG 3M SSS MEMBERS MAGLALAHO

0

AABOT sa tatlong milyong kasapi ng Social Security System (SSS) ang posibleng hindi pakinabangan ang kanilang mga benepisyo kung patuloy silang hindi magbabayad ng buwanang kontribusyon.

Inilabas ito ng mismong pangulo at chief executive officer ng SSS na si Aurora Ignacio kasabay sa pagkumpirma na itinuloy ng ahensiya ang 13 porsiyentong buwanang hulog ng mga miyembro simula noong Enero 1 ng kasalukuyang taon.

Higit itong mataas mula sa 12% sinisingil sa mga kasapi.

Sa 13%, ang hatian dito ay 4.5% sa bahagi ng manggagawa o empleyado, at 8.5% sa parte ng kapitalista.

Ang pinakabagong umento ay nakabatay sa Republic Act No. 11199.

Ayon kay Ignacio, upang huwag tuluyang mawala ang mga benepisyo ng mga kasapi tulad ng ayudang salapi sa pagpapaospital, pensiyon kapag nagretiro at iba pa ay nararapat lamang ipagpatuloy ng mga ito na bayaran ang kanilang buwanang pananagutan sa SSS.

Ang 3 milyong ‘tagilid’ ang mga benepisyo ay ang mga miyembrong natigil ang pagbabayad sa SSS nitong nakaraang taon dulot ng tanggalan sa trabaho bunsod ng hagupit ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa maraming uri ng negosyo.

Idiniin ni Ignacio na ang paghuhulog sa SSS ay maituturing na buwanang “savings” ng mga manggagawa at “investment” para sa kanilang kinabukasan.

“We understand that times are difficult right now but continuing your membership with SSS is one of the most practical decisions that you can make for yourself and your family. Consider your SSS contributions as savings for today and an investment for your future,” paliwanag ni Ignacio. (NELSON S. BADILLA)

Read More

Aralin ng anak dinadaya ng magulang ‘SAGOT-FOR-SALE’ IIMBESTIGAHAN

0

HINILING si Senador Win Gatchalian na paimbestigahan ang “sagot-for-sale” ng module na posibleng magdulot ng pinsala sa kaalaman ng mag-aaral matapos matuklasan na may ilang magulang na nagbabayad sa pamamagitan ng internet upang masagot ang aralin ng kanilang anak.

Sa pahayag, binalikan ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education ang iniulat ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na may ilang magulang na nagbabayad ng maaaring sumagot sa modules ng kanilang anak.
Binabayaran ng magulang ang ilan sa pamamagitan ng internet.

Magkakaroon muli ng pagdinig sa Senado upang matalakay ang proseso ng assessment ng mga mag-aaral.

Ayon sa Department of Education (DepEd), mahigit siyamnapu’t siyam (99.13) na porsiyento sa halos labing-apat (14) na milyong mag-aaral ang nakapasa sa first quarter. Hindi kasama rito ang datos mula sa National Capital Region, Region 7, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Bagama’t kinikilala ni Gatchalian na ang ulat ng DepEd ay base lamang sa datos na nagmumula sa mga rehiyon, iginiit niya ang pangangailangan ng mas malinaw na pag-unawa sa proseso ng assessment sa ilalim ng distance learning, lalo na’t nahaharap tayo sa maraming hamon tulad ng kakulangan ng paggabay ng guro at maayos na internet connection. (ESTONG REYES)

Read More

TIDBITS INFORMATION CAMPAIGN SA COVID VARIANTS IPINAKAKASA

0

IKINAALARMA nina Senador Sonny Angara at Grace Poe ang paglobo ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 kaya’t nanawagan silang kumilos agad ang pamahalaan at maglunsad ng information campaign hinggil sa bagong variant na mabilis makahawa.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Angara at Poe na lubha nang nakaaalarma ang ang ganitong sitwasyon at kailangan magkaroon ng dagdag na pag-iingat ulit dahil tila nakampante ang ilan.

“We have to go back to observing social distancing as these new variant are reportedly more infectious and require less contact time than previous variants for one to contract the new variant,” ayon kay Angara.

“The alarming surge in COVID-19 infections must be addressed with quicker action to deliver the shots to our health workers and other priority groups as we anticipate the arrival of more vaccines in the coming days,” ayon naman kay Poe.

Sinabi ni Poe na dapat pabilisin ang pagbabakuna kaysa sa pagkalat ng virus. “This is taking into account that the supply of the government-procured and donated doses will reach the Philippines on time.” (ESTONG REYES)

Read More

CRIMES AGAINST HUMANITY

0

Itinuturing naman ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na isang uri ng “crime against humanity”ang umano’y “state terror attack” sa mga militanteng grupo sa Southern Tagalog.

“This is particularly mass killing or murder and extermination based on political ideology, which is categorized as crimes against humanity in Article 7 of the Rome Statute,” ani Casilao.

Dahil dito, umapela ang dating mambabatas sa international community partikular sa International Criminal Court (ICC) na makialam na dahil habang tumatagal ay lumalala umano ang state terror attack.

 

“BLOODY
SLAUGHTER”

Ganito naman inilarawan ng NAGKAISA Labor Coalition ang halos magkakasabay na pagpatay sa mga lider-manggagawa at aktibista ilang oras makaraang iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo at pulis ang “kill the armed communist right away” patungkol sa mga gerilya ng New People’s Army (NPA).

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) General Debold Sinas ang pagkamatay ng siyam at pagkakaaresto ng anim na umano’y “nanlaban” habang inaaresto sa bisa ng warrant of arrest.

Ayon sa hepe ng PNP, 24 lahat ang arrest warrant na inisyu ng judge sa Manila-Regional Trial Court (Manila-RTC).
Tiniyak din ni Sinas na lehitimo ang mga operasyong naganap.

“NAGKAISA! Labor Coalition calls on the Filipino people to speak and denounce the bloody slaughter, arrests and red-tagging of trade unionists and members of people’s organizations,” bahagi ng panawagan ng tagapangulo nila na si Atty. Jose Sonny Matula.

Idiniin ni Matula na: “Any extra-judicial killing (EJK) diminishes us all, it kills part of our humanity”.

Binira ni Matula ang pagpaslang kay Emmanuel Asuncion dahil ito ay “highly condemnable and the serving of search warrant questionable if not incredible”.

Ilang linggo ang nakalipas, kinitil ang lider-manggagawang si Leonardo Escala sa pier sa Tondo, Maynila.

 

NAKAAALARMA

Ikinababahala rin ng grupong Human Rights Watch ang ikinasang operations na mistulang coordinated plan umano ng government forces para salakayin, arestuhin at kung kinakailangan ay patayin ang mga pinaghihinalaang militante o mga aktibista.

Sa pahayag ni HRW deputy Asia director Phil Robertson, “Based on these reports, these raids appear to be part of a coordinated plan by the authorities to raid, arrest, and even kill activists in their homes and offices,” ani Robertson.

Kaugnay nito, nanawagan si Robertson na magkaroon ng isang makatotohanang imbestigasyon sa mga pagsalakay na ito na nasa ilalim ng jurisdiction ni AFP Southern Luzon Command, Lieutenant General Antonio Parlade Jr.

 

“BIG SCORE”

Kaugnay nito, tinawag ng PNP na “big score” laban sa mga miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa Sourthern Tagalog ang pagkamatay ng siyam na mga aktibista sa “simultaneous operation” noong Linggo.

Kinumpirma rin ng PNP-Calabarzon, ang magkakasabay na operasyon at paghahain ng search warrant laban sa makakaliwang grupo na isinagawa sa Cavite, Laguna, Batangas at Rizal ay bilang pagtalima sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa at sa pananatili ng kaunlaran sa ilalim ng Executive Order No. 70.

Ang sabayang operasyon na pinangunahan ng PRO 4A Calabarzon kasama ang operating units ng CIDG Regional Field Unit 4A, CIDG National Capital Region, Special Action Force at ng kanilang Air Unit sa pakikipag-ugnayan na rin sa 202nd Brigade, 2ID Philippine Army ay nagresulta sa pagkamatay nina Emmanuel Asuncion ng grupong BAYAN, mag-asawang Ariel at Ana Mariz Lemita-Evangelista, Melvin De Guzman Dagsinao at Calec Buds Bacasno na napatay sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose Rodriguez, Rizal habang sa Sitio Macaingalan, Brgy. Puray, sa nasabi ring bayan napatay sina Abner Damas Esto at Edward Damas Esto. Sa Sitio Mina, Sta. Inez, Tanay, Rizal naman napatay sina Puroy Dela Cruz at Randy Dela Cruz.

Ayon pa sa report ng Calabarzon police, ang mga napatay ay pawang nanlaban habang sinisilbihan ng search warrant para sa mga kasong Violation of R.A 10591 o Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act at RA 9516 o Illegal possession of explosives.

Nakuha rin umano sa mga napatay ang iba’t ibang uri ng armas at mga pampasabog.

Siyam naman ang sinasabing nakatakas at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Ayon kay Police Brigadier General Felipe Natividad, regional director, PRO-Calabarzon, “Kailangan nating sama-samang kumilos upang mawakasan na ang 51 year-old communist insurgency problem sa bansa at isa lamang ito sa mga inisyatiba at programa ng kasalukuyang gobyerno at ng magkatulong na puwersa ng PNP at AFP.”

Subalit mariing kinondena ng iba’t ibang aktibistang grupo ang mga naturang operasyon.

Ayon sa mga ito, ilegal na crackdown ito ng PNP at militar sa human rights workers ng Timog Katagalugan at tinawag din nila itong “tokhang” sa mga aktibista.

 

IIMBESTIGAHAN

Tiniyak naman ng Palasyo na iimbestigahan ang pagkamatay ng siyam na aktibista sa tinaguriang ‘Bloody Sunday raid’.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, pangungunahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang imbestigasyon.

“Ang iimbestigahan po, iyong necessity and proportionality kung bakit sila napatay,” ang pahayag ni Sec. Roque.

“Kung walang necessity and proportionality, that would be murder,” dagdag na pahayag nito.

Nauna nang kinondena ng iba’t ibang grupo ang nasabing insidente.

“Hindi kami tatahimik, at nanawagan kami sa lahat ng mga Pilipino na kondenahin ang mga pagsalakay na ito at tumayo sa amin sa pakikibaka para sa hustisya at sa pagtatanggol sa mga karapatan ng mamamayan,” sinabi ni Cristina Palabay, pambansang sekretaryo heneral ng Karapatan, habang hinimok ng kanyang grupo ang Commission on Human Rights (CHR) upang siyasatin ang mga pagsalakay at “tiyakin na ang hustisya at pananagutan ay maihatid para sa mga biktima ng teror at pasismo ng estado.”

Gayunman, sinabi ni Sec. Roque, na ang police operations sa nagdaang linggo ay hindi dapat iugnay sa naging panawagan ng Punong Ehekutibo dahil ang pagpatay sa armadong rebelde ay nasa ilalim ng International Humanitarian law.

“Tama iyong order ng President to kill communists kasi kung ang kalaban ay may armas, alangan namang mag-antay ka lang na ikaw ay mabaril,” ang pahayag ni Sec. Roque.
(NELSON S. BADILLA/NILOU DEL CARMEN/CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL)

Read More

SC kinalampag sa ‘Bloody Sunday raid’ MARAMI PANG MAMAMATAY

0

(BERNARD TAGUINOD)
PINALALANSAG ng isang mambabatas sa Korte Suprema ang aniya’y ‘factory’ ng search warrants na ginagamit ng mga otoridad laban sa mga progresibong grupo na karaniwang nauuwi umano sa tokhang-style operations.

Ginawa ni ACT party-list Rep. France Castro ang panawagan kasunod ng panibagong operasyon laban sa mga progresibong grupo sa Southern Tagalog Region noong Linggo ng madaling araw na ikinamatay ng siyam na aktibista.

Kabilang sa mga biktima sina Bagong Alyansang Makabayan – Cavite Secretary-General Manny Asuncion na napatay sa Dasmariñas City, Cavite at ang mangingisdang mag-asawa na sina Chai Lemita-Evangalista at Ariel Evangelista na napatay naman sa Nasugbu, Batangas kung saan naulila ng mga ito ang kanilang 10 taong gulang na anak.

“We urge the Supreme Court to review its rule allowing executive judges of Quezon City and Manila to issue search warrants valid nationwide, and the seeming complicity of several judges with human rights violations by their issuance of search warrants in violation of the Rules of Court,” ani Castro.

Hangga’t hindi aniya inaaksyunan ng SC ang problemang ito ay marami pang miyembro ng mga progresibong organisasyon ang mamamatay.

Noong Disyembre pa kinalampag ng grupo ni Castro ang SC sa mga inisyung search warrant ng Quezon City at Manila trial courts sa labas ng kanilang hurisdiksyon subalit hindi pa ito inaaksyunan ng Kataas-taasang Hukuman.

“The Duterte administration has been using search warrants as death warrants to plant guns and bombs against leaders of progressive organizations,” ayon pa sa mambabatas.

Read More