COVID CASES SA PNP SUMIPA SA 14,283

ISANG 45-anyos na lalaking non-commission police officer (NCPO) na nakatalaga sa PNP-National Capital Regional Police Office, ang pumanaw at nadagdag sa bilang ng mga pulis na namatay dahil sa COVID-19 nitong nakalipas na linggo. Ayon kay P/Lt. General Guillermo Eleazar, PNP Deputy Chief for Administration, nasa 37 na ang naitalang COVID-19 death toll sa hanay ng pulisya kasunod ng pagkamatay ng isang 45-anyos na NCPO na nakatalaga sa Metro Manila. Sa report na inilabas ng PNP Health Service, nasa 185 bagong COVID-19 cases ang naitala noong Sabado at 13 sa…

Read More

2 TIMBOG SA PEKENG SWAB TEST RESULTS

ARESTADO sa inilatag na entrapment ng mga tauhan ng Manila Police District ang dalawang lalaking sangkot sa paggawa ng pekeng swab test results ng COVID-19. Swak sa kulungan ang mga suspek na sina Mark Paclian y Boydon, 37, may asawa, at Bryan Dizon y Rodriguez, 19, binata, kapwa walang trabaho at nakatira sa #929 R. Hidalgo St., Quiapo, Manila. Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Article 172 (Falsification by private individuals and use of falsified documents), Article 176 (Manufacturing and possession of instruments or implements for falsification)…

Read More

5 SASAKYAN SINAGASA NG LASING

CAVITE – Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng isang 34-anyos lasing na lalaki nang  araruhin  ang apat na sasakyan, motorsiklo at tindahan dahil sa sobrang galit sa bayan ng Tanza. Nahaharap sa kasong paglabag sa RPC Art. 151 (resistance and disobedience), RA 4136 (driving without license) at reckless imprudence resulting in damage to property ang suspek na si Juanito Tolentino dahil sa reklamo nina Franklin Dilio, 46; Jerry Bon, 55; Ferdinand Asahan, 55, at Danilo Gallawan, 29, pawang mga residente ng Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat ni Pat. John…

Read More

EX-HOUSE DEPUTY SPEAKER POSITIBO SA COVID-19

DUMAGDAG sa mga positibo sa COVID-19 sa mababang kapulungan si former House Deputy Speaker at ngayo’y Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu. Inanunsiyo nito sa kanyang Facebook page ngayong araw ang resulta ng kanyang covid test. Nabatid na sumailalim sa RT-PCR test ang mambabatas maging ang kanyang pamilya at office staff members noong nakaraang Huwebes. Asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng nakamamatay na sakit ang kongresista at agad itong nagpunta sa isang isolation facility. “Hinihimok ko ang lahat ng aking mga nakasalamuha sa mga nagdaang araw na sumunod sa quarantine…

Read More

HOA, building managers sa QC inobliga COVID-19 CASES IREPORT SA LGU

INIUTOS ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa homeowner’s associations at building managers na iulat ang bilang ng kanilang mga empleyado, tenants, residente, miyembro o kliyente na maaaring dinapuan ng COVID-19 upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus sa residential at commercial establishments gayundin din sa mga condominium at subdivision. Inilabas ni Mayor Joy Belmonte ang kanyang utos sa second supplemental GCQ guidelines at hinihikayat ang building managers at homeowner’s associations na agad ireport ang positive COVID-19 cases sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa loob ng…

Read More

Ngayong Holy Week RELIGIOUS GATHERINGS FULL STOP – SPOX ROQUE

“WALA na po. Wala na pong religious gatherings. Full stop!” Ito ang binigyang diin ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ilagay sa Enhanced Community Quarantine ang National Capital Region (NCR), Laguna, Cavite at Rizal mula Marso 29 hanggang Abril 4. Nitong Biyernes ay inanunsyo ni Sec. Roque na pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases na magkaroon ng religious gatherings isang beses kada araw mula Abril 1 hanggang 4 o sa Semana Santa. Aniya, hanggang 10…

Read More

ONLINE CLASSES, TULOY

TINIYAK ng Malakanyang na tuloy pa rin ang online classes sa bansa. Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay kasunod ng muling pagsasailalim sa ECQ ng Kalakhang Maynila at mga karatig nitong lalawigan. Sinabi Sec. Roque na hindi naman lalabas ng bahay ang mga estudyante kaya’t walang dahilan para itigil ang online classes. “Tuloy naman po ang online classes dahil hindi naman lalabas ng bahay iyan. Kayo ha, cutting class online ha. Hindi naman po, tuloy po,” may halong biro na pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE) 64

Read More

Q PASS IPATUTUPAD MULI SA MAYNILA

MULING ipatutupad ng Lungsod ng Maynila ang quarantine pass para makatiyak na ang lalabas lamang ng bahay ay tunay na may mahalagang pakay sa panahon ng enhance community quarantine na magsisimula ng madaling araw ngayong Lunes, Marso 24 hanggang Abril 4, Linggo. Dahil dito, inatasan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Manila Barangay Bureau Director Romeo Bagay na ipaalam sa mga barangay chairman kung paano ang implementasyon ng quarantine pass. Batay sa memorandum na inilabas ni Bagay, lahat ng punong barangay sa lungsod ng Maynila ay inatasang mag-isyu…

Read More

DUTERTE BINATI NG CABINET MEMBERS SA KANYANG 76TH BIRTHDAY

NAGPAABOT ng pagbati ang cabinet members kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ika-76 taong kaarawan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hangad nila na pagkalooban ng Poong Maykapal si Pangulong Duterte ng mas marami pang malusog na taon. “Today, we greet our country’s leader and father of the nation, President Rodrigo Roa Duterte, a happy 76th birthday,” ayon kay Sec. Roque. “We pray to the Almighty to continue giving President Duterte more healthy years ahead so he may continue fulfilling his vision of bringing about genuine and meaningful…

Read More