CHUA KALIHIM NA NG NEDA

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang opisyal na pagkakahirang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Karl Kendrick Chua bilang Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA). Kilala si Secretary Chua sa Duterte Administration na may propesyonalismo, kakayahan at integridad bilang Undersecretary ng Department of Finance at Acting Secretary ng NEDA. “With the aforesaid traits we are confident that Sec. Chua would continuously and consistently perform well in his present but crucial task of jumpstarting our economic recovery amid the COVID-19 pandemic,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “Congratulations to Sec. Chua…

Read More

MAGPINSAN SINAKSAK NG KAINUMAN

LAGUNA – Patay ang isang binata habang malubhang nasugatan ang pinsan nito matapos saksakin ng kanilang kainuman na napikon sa biruan sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si John Ivan Payaga Sahagun, 20, matapos matadtad ng saksak sa katawan. Nasa malubhang kalagayan naman ang pinsan nito na si Johnsel De Villa Payaga, 23, na itinakbo sa Laguna Provincial Hospital sa bayan ng Sta. Cruz dahil sa maselang kalagayan matapos malapatan ng pangunang lunas sa Gen. Cailes…

Read More

3 TOPMOST WANTED SA CAVITE, ARESTADO

CAVITE – Nalambat ng Cavite Police ang dalawang tinaguriang top 2 most wanted person at isang top 5 most wanted person, sa isinagawang manhunt operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-12:11 noong Miyerkoles ng hapon nang magsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Tagaytay Police sa Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Norline Basagre, 29, binata, ng Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City. Si Basagre ay tinaguriang top…

Read More

Publiko binalaan sa ‘green’ tagging MALALASWANG VIDEO LINK HUWAG I-CLICK

NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa netizens hinggil sa talamak na random tagging sa social media partikular sa Facebook at hinikayat na huwag i-click ang anomang malalaswang video link na natatanggap. Ito’y matapos tumaas ang bilang ng mga nagrereklamong Facebook users dahil sa random tagging. Nitong mga nagdaang araw ay marami sa netizens ang nakatanggap ng malalaswang video mula sa hindi naman nila friend o hindi kilalang tao. Kaugnay nito, inatasan ng PNP ang kanilang cyber crime unit na pag-aralan ang posibleng masamang epekto nito sa netizens…

Read More

Kinuwestyon ni Defensor REMDESIVIR SUPPLIER SPONSOR NG MGA DOKTOR

(BERNARD TAGUINOD) KINUWESTYON ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang pag-sponsor ng isa sa pinakamalaking supplier ng remdevisir sa mga aktibidad ng mga organisasyon ng mga doctor sa bansa. Sa moto propio investigation ng House committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay, naglabas si Defensor ng mga larawan na nagpapakita ng sponsorship ng Biocare Lifescience Inc. sa ilang aktibidad ng mga doctor. “Hindi po ba ang Biocare Lifescience ang biggest distributor ng remdesivir? Kanya po ang Evapharma at saka yung Jubilant…

Read More

BOOSTER SHOTS KONTRA NEW COVID VARIANTS

GUMUGULONG na ang clinical trial sa booster shots na nalikha ng Moderna. Sinabi ni Phil. Ambassador to US Jose Romualdez, na-develop na ang booster na sa sandaling mabigyan ng Emergency Use Authorization ay baka magamit na sa Setyembre. Aniya, malaking tulong ang booster shots para makapagbigay pa ng dagdag na bisa sa mga bakuna lalo’t iba-iba ang variants na nagsusulputan. “Now the other good news, na ibinigay sa akin ng Moderna is that mayroon silang booster shots that they have already developed and they are now on clinical trials. Ito…

Read More

10-DAY QUARANTINE SA OFWs ITINUTULAK

MAAARING gawing 10 araw ang mandatory quarantine period mula sa 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW. “So ito po ‘yung proposed changes as we have already mentioned. We can shorten the duration of quarantine from 14 days. If there are no symptoms to the end of 10 days,” ayon kay Dr. Edsel Salvana, isang health expert mula sa Technical Advisory Group (TAG) sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkoles. “Basta walang symptoms, we can do it 10 days,” paglilinaw ni Salvana.…

Read More

Sa mga tinamaan ng COVID-19 5 PATAY KADA ARAW SA PGH

UMABOT na sa limang COVID-19 patients ang binabawian ng buhay sa Philippine General Hospital (PGH) kada araw sa loob ng nakalipas na tatlong linggo. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PGH Spokesperson Jonas Del Rosario, na base sa kanilang daily census, halos nasa limang pasyente na may COVID-19 ang nasasawi kada araw. Aniya, umaabot sa pito hanggang sampung COVID-19 patients ang dumadating o naa-admit sa kanilang ospital, at lima sa mga ito ang binabawian ng buhay. Kung minsan din naman aniya ay “dead on arrival na” o very critical ang…

Read More

TOP ‘COAL BANK’ SA PINAS INIHAYAG

INIHAYAG ng daang organisasyon at mga indibidwal mula sa civil society, mga makakalikasang grupo, Simbahan, lokal na mga pamahalaan na pinangungunahan ng Withdraw from Coal (WFC) na ang Bank of Philippine Islands (BPI) ang may pinaka-highest exposure sa coal mula sa 15 bangko sa bansa. Batay sa updated report nitong Abril 2021 ng WFC sa kanilang Coal Divestment Scorecard, sa 15 bangko, ang BPI ay nanatili sa kanilang posisyon mula December 2020 Scorecard na may pinakamalaking bahagi mula sa ‘total loans’ at ‘underwriting’ na 27% at 17%, ayon sa pagkakabanggit.…

Read More