One Hospital Command Center dinadagsa pa rin ng tawag 100 CALL CENTER OPERATORS IDINAGDAG

BUNSOD ng patuloy na pagdagsa ng tawag mula sa mga naghahanap ng mapupuntahang ospital sa mga tinamaan ng COVID-19, nagsanib-puwersa na ang Department of Health (DoH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagdaragdag ng call center operators. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, maghahati sa pagbabayad ang MMDA at DOH para sa 100 call center operators na sasagot sa tawag na matatanggap ng One Hospital Command Center. Aniya, kung dati-rati’y mahirap talagang makapasok sa One Hospital Command, ngayon ay siguradong mas madali nang makakakontak dito. Samantala, patuloy namang…

Read More

BAYAD SA P28-B UTANG NG PHILHEALTH SA PRIVATE HOSPITALS, PINABIBILISAN

NANAWAGAN si Senadora Mary Grace Poe sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na huwag nang patagalin ang pagbabayad ng P28 bilyon sa mga pribadong ospital. Ani Poe, nararapat lamang na pabilisin ng pamunuan ng PhilHealth ang pagbabayad sa mga pribadong ospital dahil kailangan din naman ng pondo ng mga pagamutan para sa kanilang operasyon at pangangailangan ng mga pasyente, partikular sa mga mayroong coronavirus disease-2019 (COVID-19). Ipinahayag ito ni Poe bilang pagmamalasakit at pagtindig para sa Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) na ilang ulit nang nananawagan sa…

Read More

2 BANGKAY ITINAPON SA LAGUNA

LAGUNA – Dalawang bangkay ang magkahiwalay na itinapon sa madamong bahagi sa lungsod ng San Pedro at Cabuyao sa lalawigang ito, nitong Biyernes. Ayon sa ulat na ipinadala kay Calabarzon Regional Director P/Brig. Gen. Felipe Natividad, naaagnas na ang katawan ng biktima nang matagpuan ng concerned citizen bandang alas-5:45 ng hapon sa madamong bahagi ng Magsaysay Road, Brgy. San Antonio, San Pedro City. Habang ang isang bangkay na lalaki namang itinapon sa Brgy. Pittland, Cabuyao City nitong alas-5:30 ng madaling araw ay nakitang may tama ng bala ng baril sa…

Read More

PRESO SA CAVITE NASAWI SA COVID-19

CAVITE – Dinapuan ng COVID-19 ang isang 54-anyos na preso na nagresulta sa pagkamatay nito habang nasa loob ng kanyang selda sa Trese Martires City, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang namatay na si Reynaldo Sabas, nakakulong sa Trece Martires City Custodial Center dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Richard Chavez ng Trece Martires City Police Station, dakong alas-8:30 noong Huwebes ng umaga nang mapansin ng isang Francisco Escuin, kasamahang preso ng biktima, na nahihirapang huminga…

Read More

6 KATAO TIMBOG SA DROGA

ANIM na katao, kabilang ang apat na babae, ang dinampot ng mga operatiba ng Manila Police District makaraang makumpiskahan ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation noong Huwebes ng hapon sa Tondo, Manila. Kinilala ang mga arestado na sina Maria Luz y Eisma, 42; Eric Dela Cruz y Campaner, 42; Rona Baclayo y Royo, 42; Laila Sultan y Edress, 27; Asliah Abdullatip y Maralit, 30, at Asnawie Usman y Batalo, 24-anyos. Batay sa ulat ni P/Lt. Joan Dorado, hepe ng Station Anti-Illegal Drugs Enforcement Unit, kay P/Lt.…

Read More

ANAK SINAGIP NG AMA SA TANGKANG RAPE

SWAK sa selda ang dalawang lasing na lalaki makaraan umanong tangkang gahasain ang dalawang dalaga sa Malabon City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Ronald Cagata, 48, at Ronnie Porccadilla, 55, kapwa ng Flovi 8, Phase 6, Brgy. Tonsuya sa nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat, bandang alas-10 ng gabi noong Huwebes, nang makita ng mga suspek ang magkaibigang sina Stephanie Grace Valentino, 18, at alyas Curacha habang nakatayo sa Flovi 8 at hinabol ng mga ito. Nang makita ni Ricky Sierra, 44, ama ni Curacha,…

Read More

Tumawid na tulala LALAKI PATAY SA TREN

IPINALALAGAY ng mga awtoridad na malalim ang iniisip ng isang 36-anyos na lalaki habang naglalakad kaya hindi napansin ang parating na tren at nasagasaan ito, nitong Biyernes ng madaling araw sa Tondo, Manila. Kinilala ang biktimang si Walter Orbase, residente sa Tondo, Manila. Base sa ulat ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-4:20 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa riles ng tren sa Hermosa St. sa Tondo. Ayon sa imbestigasyon, tumawid na parang nakatulala ang biktima at wari ay malalim ang iniiisip kaya posibleng…

Read More

1 PATAY SA COMMUNITY PANTRY NI ANGEL LOCSIN

NASAWI ang isang senior citizen na lalaki na kabilang sa mga dumagsa sa community pantry na inilunsad ng aktres na si Angel Locsin para sa kanyang kaarawan, Biyernes ng umaga sa Quezon City. Sa inisyal na ulat, nakilala ang nasawi na si Rolando dela Cruz, 67-anyos. Ayon sa ulat, alas-2 pa lamang ng madaling araw ay nagsimula nang pumila ang mga tao sa Titanium commercial building sa Barangay Holy Spirit, Quezon City kung saan napiling idaos ni Locsin ang kanyang community pantry. Ito’y sa kabila na inanunsyo ng aktres sa…

Read More

25 PA PATAY SA COVID SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng 25 na namatay dahil sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 22, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, 13 ang patay sa Caloocan City at 1,724 na ang active cases. Pumalo na sa 24,405 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 21,984 na ang gumaling at 697 na ang namatay. Anim naman ang patay sa Valenzuela City at 1,230 ang active cases makaraang 148 ang gumaling ngunit 167 naman ang nagpositibo. Sumampa na sa 16,255 ang nasapol…

Read More