PONDO NG OWWA, NAUUBOS NA NGA BA?

0

MATAPOS na lumabas sa balita ang panawagan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III para sa karagdagang pondo ng Overseas ­Workers Welfare Adminsitration (OWWA) upang matustusan ang gastusin ng mga OFW na nasa quarantine area, maraming mga OFW ang nangangamba na sila na ang babalikat sa pagbabayad sa hotel, transportasyon at pagkain sa panahon ng kanilang quarantine sakaling umuwi sa Pilipinas.

Nitong Abril 29, 2021 ay isinagawa ang regular OWWA Board of Trustees meeting na pinamumunuan ni Sec Bello at doon ay aming napag-usapan ang tunay na kalagayan ng pondo ng OWWA. Ang katotohanan ay ang pondo ng OWWA ay hindi naman totoong nauubos na katulad ng hinala ng mga OFW. Ang halagang 18.3 bilyong piso ay iniingatan ng OWWA na naka invest o ­deposito sa Landbank at Development Bank of the Philippines. Sa madaling salita ang sariling pondo o trust fund ng OWWA na nagmula sa mga OFW ay “intact” at hindi totoong nauubos.

Ang pondo sa mga programa na katulad ng scholarship, livelihood at social services ay hindi kailanman naapektuhan.

Ang katotohanan ay ang tinutukoy na nauubos ay ang pondong inilaan ng National Government na 6.1B mula sa Bayanihan Act 2 para gamitin sa pambayad sa hotel, pagkain at transportasyon sa mga OFW na uuwi ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay umabot na lamang sa halagang 890 ­milyon ang natitira mula sa 6.1B sa nasabing pondo ng Bayanihan Act Fund na maaaring umabot na lamang ngayong buwan ng Mayo. Kung kaya si Sec.Bello ay nakikiusap sa Malakanyang upang ayudahan ang OWWA para maipagpatuloy ang programang pagtulong sa mga umuuwing OFW.

Inaasahan na marami pa ring mga OFW ang uuwi ng PIlipinas dahil naapektuhan ng pagkawala ng hanapbuhay o trabaho sa ibang bansa. Kung kaya hindi nagpapatumpik-tumpik ang pamunuan ng OWWA na masiguro na hindi matitigil ang pagbibigay nito ng tulong para sa mga OFW.

Sa nakaraang pagpupulong ng OWWA Board of Trustees ay siniguro ni Administrator Hans Cacdac na patuloy ang kanilang pakikipagugnayan ni Sec. Bello sa palasyo ng Malacañang at Department of Budget Management upang masiguro na hindi mahihinto ang operation ng OWWA para sa mga umuuwing OFW. Kung sakali man na maantala ang pagbibigay ng pondo ng national ­government ay kanilang pakikiusapan ang mga creditors na katulad ng mga hotel owners at bus operators na mabigyan ng palugit ang pagbabayad sa mga quarantine facilities.

Kasabay nito, ay inirerekomenda ni Sec. Bello sa IATF na muling ikonsidera ang pagpapaikli ng araw na kinakailangan na ­quarantine na imbes na 6 na araw na bago ang pag-swab test ay muling ibalik ang pag-swab test sa pagdating pa lamang sa Airport ng mga returning Filipinos. Gayundin, hinihikayat ni Sec Bello na imbes na 6-14 days na quarantine ay gawin na lamang na 3 days ang quarantine.

Ang panawagan na ito ni Sec. Bello ay aking sinusuportahan hindi lamang para makatipid ang OWWA sa gastusin sa ­pagbabayad sa mga hotel kundi upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga umuuwing OFW na agad nilang makapiling ang kanilang pamilya.

Hindi na mabibilang sa daliri ang mga pamilya ng OFW na lumapit sa akin upang humingi ng tulong na mapakiusapan ang Bureau of Quarantine na makauwi agad ang kanilang kaanak mula sa quarantine para makadalo sa paglilibing ng kanilang mahal sa buhay. Ngunit dahil sa mahigpit na polisiya ukol sa 14 days quarantine ay maraming mga OFW ang hindi man lamang nagawang makipaglibing sa kanilang mahal sa buhay na tanging dahilan ng kanilang biglaang pag-uwi sa Pilipinas.

Read More

IMMIGRATION ASSISTANT TIRADOR NG EXCLUDED PASSENGERS

0

ISANG immigration assistant na nakatalaga sa Border Control Intelligence Unit (BCIU) ng Bureau of Immigration ang diumano ay tirador ng mga dayuhang excluded passengers sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Siya raw ang madalas na nakikitang nag-aayos bilang fixer ng mga kawawang dayuhang biktima sa main office ng BI sa Intramuros Maynila.

Itago natin siya sa alias na GL at kasabwat umano niya ang mga tiwaling tauhan ng BCIU at TCEU na nakabase sa NAIA.

Ang mga taga BCIU at TCEU ang siya naman daw naglalakad ng Recall of Exclusion Order upang makapasok ang mga dayuhang hinaharang sa departure area kapalit ang halagang 300k hanggang 700k thousand Pesos.

Kung inyong matatandaan, ibinisto natin dito sa Bistador ang tangkang pagbawi ng exclusion order laban sa isang Chinese national na si Zhang Xiaming na dumating at hinarang sa NAIA Terminal 2 noon pang March 18.

Hanggang sa kasalukuyan ay nandoon pa rin siya sa passengers lounge ng mga airlines sa NAIA at umaasang matutulungan siya ni alias GL na mapipirmahan sa Commissioners Office ang kanyang pases para makapasok ng tuluyan sa bansa.

Ang sabi, sobra na raw dismayado itong si Zhang Xiaming kung bakit hindi man lang siya pinayagang makatapak ang paa sa labas ng NAIA samantalang kumpleto raw ang kanyang mga travel documents gaya ng Philippine Visa na valid hanggang June 7, 2021.

Meron din daw siyang tinatawag na exemption mula sa Department of Foreign Affairs na pirmado ni DFA Assistant Secretary Ma. Theresa Lazaro na ang dayuhan ay isang businessman at konektado sa Hua Xin Construction Corp.

Biktima kaya ang dayuhan sa pagsasamantala ng mga tiwaling opisyales ng BI sa kanilang kapangyarihan o ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho?

Bakit halos dalawang buwan na itong nananatili sa airport at hindi pa pinababalik sa China? Nanghihinayang kaya itong mga opisyales ng TCEU at BCIU sa maaring kikitain nila? Ang TCEU at BCIU ay under sa kapangyarihan ng office of the Commissioner at Chief ng Intelligence Division.

Kaugnay pa rin ng raket ni ­alias GL ay nagsisilbi rin umano itong runner at fixer sa Legal ­Division partikular ng mga lifting of blacklist upang makapasok naman sa bansa ang mga ­blacklisted na dayuhan kapalit ang mahigit kalahating milyong piso ­kasabwat naman ang isang Ilokano at bikolanong abo­gado rito at ­maging kay Mr. Clean.

Maging ang extension of ­tourist visa ay pinapatulan din umano ni alias GL na isang ­empleyado ng BI at mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagiging fixer.

Paging DOJ Secretary Menardo Guevara, Office of the Ombudsman at kay BI Admin Chief Mary Ann Caranto, pakisilip nga po ang lifestyle ng kumag na ito na sobra raw ang lakas ng loob at tibay ng pagmumukha dahil sa kanyang mga kasabwat na ­opisyales ng BI.

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maaari ninyo akong itext sa 09158888410.

Read More

MAHUSAY NA SERBISYO NG TELEKOMUNIKASYON AT INTERNET HATID NG RED FIBER

0

ISANG taon mahigit mula nang magsimula ang ­pandemyang COVID-19, patuloy pa rin ang ating bansa sa paglaban kontra COVID-19. Bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng ­COVID-19 kada araw, tila matatagalan pa bago bumalik sa normal ang takbo ng ating buhay. Habang hinihintay ang pagdating ng mga dosis ng bakuna para sa lahat, patuloy rin ang pagpapatupad ng iba’t ibang uri ng mga community quarantine sa bansa. Bilang resulta, marami ang nagtatrabaho at nag-aaral mula sa kani-kanilang tahanan.

Sa ganitong panahon lumalabas ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay at maaasahang serbisyo ng telekomunikasyon at internet.

Upang matugunan ang tumitinding pangangailangan para sa internet at serbisyong ­telekomunikasyon, ang Radius Telecoms, isang subsidiary ng Meralco, ay patuloy na ­ginagampanan ang mahalagang papel nito lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kasama sa mga inaalok na serbisyo ng Radius sa mga malalaking kumpanya at maliliit na negosyo ang internet, data, at managed services. Bilang bahagi ng plano at layunin nitong matulungan ang bansa sa pagkamit ng maaasahang koneksyon ng internet, nagsimula na ito sa paglulunsad ng RED Fiber Internet sa piling mga condominium at village sa Metro Manila, CALABARZON, at Gitnang Luzon.

Ayon kay Radius Telecoms CEO & President Quiel Delgado, siya ay naniniwala na ang serbisyo ng telekomunikasyon ay maituturing na napakahalaga para sa pagsusumikap at muling pagbangon ng mga negosyo mula sa matinding epekto ng pandemya. Hangad ng Radius ang magpatuloy sa paghahatid ng serbisyo ng internet na siyang maituturing na pangunahing pangangailangan dahil sa new normal na set-up sa tahanan ng bawat pamilyang Filipino.

Dagdag pa ni Radius Chief Operations Officer Jen dela Paz, laging sinisiguro ng kumpanya na mayroong dedicated team na nakatutok para masiguradong hindi maaantala ang serbisyo nito sa mga customer.

Napakahalaga ng mission at vision ng kompanya sa panahon ngayon. Pinatutunayan nito ang kahalagahan ng papel na ­ginagampanan ng Radius sa ­muling pagbangon ng ating bansa sa pamamagitan ng paghahatid ng mahusay at maaasahang produkto at serbisyo hindi lamang para sa sektor ng mga negosyo kundi pati na rin sa mga residential na konsyumer na nagtatrabaho at nag-aaral mula sa kani-kanilang tahanan.

Inilunsad din ng Radius ­kamakailan ang Optical ­Transport Network (OTN) Suite, na ­maituturing na isang magandang balita para sa mga magiging customer nito. Nakipag-tambalan ang Radius sa Nokia upang ihatid ang naturang Network Suite.

Gumagamit ng next-­generation at industry-leading network protocol ang Radius OTN na kayang i-mutiplex ang iba’t ibang serbisyo papunta sa tinatawag na optical light paths at nagbibigay ng hanggang 200 Gbps network capacity sa mga customers.

Binibigyang-daan ng revolutionary multiplexing capability na ito ang mas malaking lambda capacity at wavelengths per fiber na mas sulit para sa mga customer.

Ang OTN ay akma sa kasalukuyang ginagamit na DWDM Wave data service ng Radius na karaniwang ginagamit sa pag-uugnay ng mga data center. Sa pamamagitan ng Radius OTN, kaya nilang tapatan ang high bandwidth requirements ng enterprise customers nila sa Metro Manila.

Tunay na kapana-panabik ang panahon na ito para sa industriya ng telekomunikasyon dahil sa patuloy na pag-usbong ng mga pagbabago at mga kolaborasyon. Lubhang napakahalaga ng pagkakaroon ng mahusay at maaasahang serbisyo ng internet lalo na ngayon dahil ang teknolohiyang ito ang nagsisilbing tulay upang manatiling konektado sa isa’t isa.

Read More

DILG nagsumite na ng rekomendasyon kay Duterte ELEAZAR MATUNOG NA NEXT PNP CHIEF

0

ANG pangalan ni Lt Gen. Guillermo Eleazar ang isa sa mga matunog na kandidato para maging susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Kahapon ay kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, na isang pangalan lamang ang kanyang isinumite o inirekomenda upang maging susunod na PNP chief, kapalit ni PNP Chief Gen. Debold Sinas.

Na kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang bola kung sino ang hihirangin niyang hahalili sa magreretirong si Sinas sa darating na Mayo 8, taong ito.

Ang pangulo lamang ang may kapangyarihan na pumili ng karapat-dapat na kapalit mula sa top key officers ng PNP na may ranggong Brigadier General pataas.

Hindi naman pinangalanan ni SILG Año kung sino ang kanyang inirekomenda.

Subalit posibleng kasama sa PNP Command Group ang nasabing recommended o top choice na kinabibilangan nina Lt Gen. Guillermo Eleazar na isa sa mga matunog na next PNP chief dahil ilang ulit na itong na-bypass at ngayon ay deputy chief for administration; si Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, deputy chief for operations; Lt. Gen. Ephraim Dickson, chief of the Directorial staff. Itinuturing namang dark horse sa karera para sa PNP top post si Maj. General Vic Danao, hepe ng PNP-National Capital Regional Office.

Sina Sinas, Eleazar, Vera Cruz, at Dickson ay pawang miyembro ng PMA Hinirang Class of 1987. (JESSE KABEL)

Read More

Mga nagreseta ng Ivermectin pinagdidiskitahan FDA-DOH BIASED SA MAHIHIRAP – DEFENSOR

0

(BERNARD TAGUINOD)

HALATANG-halata na mas kinikilingan ng Food and Drugs Administration (FDA) at Department of Health (DOH) ang mayayaman kaysa sa mahihirap pagdating sa pagsiguro ng kanilang kaligtasan kontra sa COVID-19.

Ginawa ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang pahayag dahil mas pabor aniya ang dalawang nabanggit na ahensya na ipagamit ang Remdesivir na tanging mayayaman ang kayang bumiili habang ipinagbabawal ng mga ito ang Ivermectin na abot kaya ng mahihirap.

“The DOH and FDA are allowing the use of remdesivir, while cracking down on ivermectin. Their bias is for the rich and against the poor,” ani Defensor.

Nagkakahalaga lamang aniya ng P35 ang bawat tableta ng Ivermectin kaya kayang-kaya ito ng mahihirap kumpara sa remdesivir na umaabot sa P12,000 hanggang P48,000 ang bawat vial.

Ito umano ang nagtulak kay Defensor na mamigay ng libreng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City lalo na’t maraming patotoo sa iba’t ibang panig ng mundo na nakagagamot ito sa COVID-19.

Noong Abril 29 sinimulan ni Defensor kasama si Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang “community pan-three” project kung saan namahagi sila ng Ivermectin sa Matandang Balara, Quezon City na dinumog ng mga tao.

 

Volunteer doctors

Noong Sabado ay umapela si Defensor sa DOH na tantanan ang mga doctor na katuwang nila sa pamimigay ng Ivermectin.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa kautusan ng DOH sa Professional Regulation Commission (PRC) na imbestigahan ang mga doctor na nag-prescribe ng Ivermectin sa mga taga-Matandang Balara.

“It is seldom that I ask for help and support for my advocacies and beliefs. As a public official, I have accepted the fact that I am ‘fair game’ and people may attack me and I just have to roll with the punches and hope that my arguments will come to light,” ani Defensor.

“But our doctors do not deserve this! They have put their names and practice on the line for the love of our people and nation. They didn’t have to do that. They could have remained quiet and towed the line. They spoke and they acted knowing that silence will lead to the death of our people. They were just being true to their Hippocratic oath!” saad pa ng mambabatas.

Kabilang sa mga katuwang nina Defensor sa kanilang inisyatiba noong Huwebes ang mga doktor na sina Allan Ladrito, Iggy Agbayani, Noel Castillo at Sham Quinto.

Read More

Daluyan pa rin ng dumi ng 14M NCR residents MANILA BAY NANANATILING DUGYOT

0

BIBILANG pa ng maraming taon bago maging ligtas na languyan ang Manila Bay dahil sa kasalukuyan ay diretso pa sa dagat ang dumi ng halos 14 milyong residente sa Metro Manila.

Ito ang nabatid mula kay House Deputy Speaker Lito Atienza hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Manila Bay na patuloy na ginagastusan ng gobyerno, partikular na ang Department of Environment and Natural Resource (DENR), para mapaganda ito.

“It may take several years before the public can enjoy swimming safely in the waters of Manila Bay, at the rate households in the National Capital Region are being connected to a sewage system,” ani Atienza.

Masakit man aniyang tanggapin, hindi pa rin bumababa ang fecal coliform levels sa Manila Bay dahil 85 percent o 13.9 milyong residente sa Metro Manila ay hindi pa konektado sa sewerage system.

“The greater part of Metro Manila’s toilet waste will continue to get discharged into stormwater drains and flow untreated into channels, including the Pasig River, that all empty out into the bay every day,” ani Atienza.

Sinabi ng mambabatas, bibilang pa ng 15 taon bago maikonek sa sewerage system ng Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services Inc. ang palikuran ng lahat ng mga residente ng Metro Manila.

Mismong ang nabanggit na water concessionaires umano ang nagsabi na sa susunod na 15 taon ay diretso pa sa Manila Bay ang mga dumi ng halos 14 milyong residente sa Metro Manila.

Bago maging ligtas na languyan ang Manila Bay ay dapat hindi lalagpas sa 200 most probable number (MPN) per 100 milliliters (ml) ang coliform level subalit base sa pinakahuling water samples ng DENR sa 21 monitoring stations sa paligid ng Manila, umaabot pa ito sa 4.87 million MPN/100ml.

Lahat nang magtatangkang lumangoy sa Manila Bay ay posibleng makakuha ng sakit tulad ng viral and bacterial gastroenteritis, hepatitis, dysentery, typhoid fever at iba pa. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

Pasahero kritikal LADY TRIKE DRIVER PATAY SA PAMAMARIL

0

QUEZON – Patay ang isang babaeng tricycle driver nang ito at ang kanyang pasahero ay pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Raquel Sumadsad Bunga, 50, dahil sa mga tama ng bala sa leeg habang kritikal ang pasahero nitong si Mark Anthony Payen, 27, na tinamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo.

Batay sa report ng Candelaria Police, arkilado ng lalaki ang tricycle para sa lipat-bahay nang harangin ang mga ito ng suspek at pagbabarilin sa Malabanban Sur, gamit ang kalibre .45 baril.

Kapwa nasapol ang dalawa na lulan ng tricycle na kargado ng mga gamit sa bahay.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Masusing iniiimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid kung sino sa dalawang biktima ang talagang target ng suspek at kung ano ang motibo sa pamamaril. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

MAGKAANGKAS PATAY SA KURBADA

0

LAGUNA – Patay ang isang lalaki at isang babaeng magkaangkas sa motorsiklo nang sumalpok sa kasalubong na van sa kurbadang bahagi ng kalsada sa bayan ng Cavinti sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Frederick Griego, 46, siyang nagmamaneho, at Remelyn Sarmiento, backrider nito.

Batay sa report, bandang alas-7:30 ng gabi, nang mangyari ang insidente sa national highway sakop Barangay Tibatib kung saan sinakop ng motorsiklo ang linya ng kasalubong na L200 van.

Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo kaya nag-overshoot ito sa kurbada.

Parehong isinugod sa ospital ang dalawa ngunit ideneklarang dead on arrival si Griego habang pumanaw si Sarmiento habang nilalapatan ng lunas.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng nakabanggang L200 van na si Rodelino Ruazol. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

3 DRUG SUSPECTS HULI SA P4.6-M MARIJUANA

0

TINATAYANG aabot sa P4.6 milyong halaga ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police sa tatlong kalalakihan sa ikinasang anti-narcotics operation sa Tarlac City nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa ulat, pawang mga taga-Mountain Province ang tatlong drug suspects na may edad na 24 hanggang 50 anyos.

Ayon sa PNP Drug Enforcement Group, nahuli ang tatlo sa inilunsad na anti-illegal drug operation sa Barangay San Nicolas, Tarlac bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Nakuha sa kanilang posesyon ang 24 bricks ng hinihinalang dried marijuana leaves, 26 rolled dried marijuana at dalawang bote ng cannabis oil.

Pansamantalang nakadetine sa Camp Gen. Francisco S. Macabulos sa Tarlac City ang mga suspek para sa proper disposition.

Ang mga ito ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL)

Read More