PIKTYURAN SA COVID-19 VACCINATION SINIRA NG SOLON

BLIND Item muna tayo… Hindi nairekord ng mga ­empleyado ng isa sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang kanilang pagbabakuna laban sa COVID-19 dahil sa isang mambabatas na nagbitbit pa ng anak na wala namang sakit. Sa report na nakarating sa inyong DPA as in Deep Penetration Agent, kasama ang mga empleyado at opisyales ng isa sa dalawang kapulungan ng kongreso ang unang nabakunahan gamit ang Sputnik V na mula sa Russia na pasok sa A1-A2 at A3 priorities. Dahil dito ihinanda na ng mga empleyado ang kanilang mga cellphone para…

Read More

MGA NANAY SANGKOT NA RIN SA TALAMAK NA ONLINE SEX

SOBRA-SOBRA na ang ­pagiging kapit sa patalim ­ngayon ng maraming Pinoy lalo na ang mga ina ng tahanan dahil sa kahirapan na dulot ng mahigit sa isang taon nang pandemya ng COVID-19. Nakatanggap ng imporma­syon ang PUNA na dumarami ngayon ang online sex na kinasasangkutan ng mga kababaihan para lang may pangkain ang kanilang pamilya. Nakalulungkot isipin na marami sa mga ina ng tahanan ngayon na medyo bata pa ang nakikipag-chat sa mga dayuhan sa ibang bansa kapalit ang pera. Wala naman magawa ang kanilang mga asawang lalaki kundi lunukin…

Read More

DAHIL INUTIL ANG PACC, SARAP BUHAY NG MGA KORAP

ISANG taon at isang buwan na lang si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto. Ngunit, hindi pa nakararami ang Task Force Against Corruption (TFAC) ng nakakasuhang mga korap na opisyal at kawani ng pamahalaan sa Office of the Ombudsman (OMB). Ang TFAC ay siyang binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte upang imbestigahan at kasuhan ang mga korap na opisyal at kawani sa lahat ng yunit ng pamahalaan. Pinamumunuan ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra. Kung hindi ako nagkakamali, tatlo pa lang ang nasasamapahan ng TFAC ng kaso sa OMB. Palagay ko, kaya…

Read More

3 LALAWIGAN UNDER MECQ

ISINAILALIM ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa modified enhanced community quarantine mula Mayo 10 hanggang Mayo 23, 2021 ang mga lalawigan ng Cagayan, Apayao at Benguet. Ang tatlong nabanggit na lalawigan ay mula sa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Ang hakbang na ito ng IATF ay batay sa rekumendasyon ng Screening and Validation Committee at nakasaad sa Resolution No. 114-C ng IATF. Hindi naman kasama sa ilalim ng MECQ ang Baguio City. Sa ulat, tuloy lang sa kasalukuyang lockdown classification ang punong rehiyon ng Pilipinas bilang pagtugon ng gobyerno…

Read More

GCQ SA NCR PLUS POSIBLE SA MAYO 15

MAARING ilipat sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit-lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang NCR Plus bubble. Ani Sec. Roque, ang health care utilization sa Metro Manila ay ibinaba sa “moderate risk” category, ang attack rate ay nababawasan at ang reproduction number ay “less than 1” na. Magkagayon pa man, nananatiling…

Read More

Kaya nagpapapansin – Palasyo CARPIO PUMOPORMA SA PULITIKA

MALABONG ma-impeach si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mapatalsik sa kanyang posisyon dahil lamang sa kanyang polisiya sa West Philippine Sea (WPS). Pinalagan ni Presidential spokesman Harry Roque ang alegasyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang pangulo ay nakagawa ng “betrayal of public trust and national interest” dahil sa kanyang posisyon sa maritime conflict. Para kay Sec. Roque, nagpapapansin lang si Carpio. “Alam ninyo ang taong bago sa pulitika sasabihin ang lahat para mapansin and this is yet another instance of Justice Carpio saying things just for…

Read More

Hiling ni Defensor para sa government employees MIDYEAR BONUS IBIGAY SA MAY 14

(BERNARD TAGUINOD) HINILING ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa mga ahensya ng gobyerno na irelease agad ang mid-year bonus ng kanilang mga empleyado sa Biyernes, Mayo 14. “The early release of their incentive will be a big help to our more than one million workforce in the bureaucracy amid the pandemic, especially our healthcare and other frontliner workers,” ani Defensor. Base sa Republic Act (RA) 1146, lahat ng state personnels mula presidente hanggang sa pinakamababang position sa gobyerno tulad ng janitor at clerk ay dapat matanggap ang kanilang mid-year…

Read More

Calls, texts, emails pwedeng dedmahin pag ‘di oras ng trabaho ‘RIGHT TO DISCONNECT’ HINIRIT NG MGA OBRERO

UMAPELA ang mga manggagawa mula sa pribado at pampublikong sektor sa kanilang employers na irespeto ang kanilang karapatan na pag-disconnect mula sa work-related phone calls, chats, texts, at e-mails sa labas ng oras ng kanilang trabaho. “Heightened by a rigorous flexible work arrangements in coping with the COVID-19 pandemic, there’s a growing clamor among working people in government and in private enterprises urging employers to respect their right to disconnect from work-connected communications after working hours without being punished for it,” ani Gerard Seno, National Executive Vice President ng pinakamalaking…

Read More

Makupad sa pamamahagi ng P2.63-M benepisyo ng HR victims CHR SINITA NG COA

PINAGALITAN ng Commission on Audit (COA) ang Commission on Human Rights (CHR) dahil sa palpak na pagkalinga sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Ayon sa COA, hindi pa natapos ng CHR na ipamahagi ang P2.63 milyong ayudang pinansiyal sa 291 biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Umabot sa 60 porsiyento ng Community and Rehabilitation Financial Assistance (CRFA) ng CHR ang hindi pa natutugunan ng nasabing ahensiya, saad ng COA. Ang pinuno ng CHR ay si Jose Luis Martin “Chito” Gascon na dating opisyal ng Liberal Party (LP). Nadiskubre…

Read More