NAPAKATALAMAK NA KORAPSYON LULUTASIN (DAW) NI PACQUIAO

0

POKARAGAT na ‘yan!

Sobrang tindi namang ­mangako ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa sa ipinangako noong tumatakbo sa pagkapangulo si Rodrigo Duterte noong 2016 sa tiket ng Partido Demokratiko Pilipino – Laban ng Bayan (PDP – Laban) ay lulutasin daw niya ang talamak na katiwalian at korapsyon sa pamahalaan.

Matatapos na ang termino ni Duterte sa Hunyo, 2022 ay hindi pa rin nababawasan ang korapsyon sa pamahalaan.

Kahit mayroon na tayong Office of the Ombudsman (OMB), nagtayo pa si Duterte ng Presidential Anti – Corruption Commission (PACC) na ngayon ay pinamumunuan ni Greco Belgica, ngunit hindi pa rin natinag at natakot ang mga korap sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Kahit nagbuo pa si Duterte ng Task Force Against Corruption (TFAC) na pinamumunuan ni Justice Secretary Menardo Guevarra, nanatiling inutil ang administrasyong Duterte laban sa korapsyon.

Kaya, wala nang mangyayari sa pangako ni Duterte laban sa korapsyon dahil isang taon at isang buwan na lamang siya sa puwesto, kundi magiging bahagi na lamang ng kasaysayan ng Pilipinas ang kanyang ipinangako noong 2016.

Maitatala na lamang ang kanyang pumalpak na pangako sa mga isasagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sa mga unibersidad.

Ngayong nalalapit na ang eleksyon, ang pangulo ng PDP – Laban na si Senador Manny Pacquiao ay nagpahayag na kung siya ang magiging pangulo ng Pilipinas ay lulutasin daw niya ang napakatalamak na katiwalian at korapsyon.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi ko alam kung maniniwala kayo kay Pacquiao.

Pero, ako ay hindi maniniwala sa ipinangako ni Pacquiao dahil wala akong makitang malinaw, malakas at matibay na ebidensiyang maghihikayat sa akin upang maniwala na kikilos si Pacquiao laban sa katiwalian at korapsyon kung sakaling maging pangulo siya ng ating bansa.

Mula nang maging ­kongresista hanggang maging senador si Pacquiao ay wala siyang ibinunyag tungkol sa ­korapsyon ng kahit anong ahensya ng pamahalaan.

Hindi nga niya binatikos ang mga kakilalang politikong kinasuhan sa Sandiganbayan hinggil sa mahigit P10 bilyong pork barrel na ikinabit kay Janet Lim Napoles.

Napakatahimik nga ni Pacquiao tungkol sa ­napakatalamak na korapsyon sa Bureau of Customs (BOC) sa panahon nina Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña hanggang maging si Rey Leonardo Guerrero ang commissioner ng naturang ahensiya.

Wala ngang naging papel si Pacquiao tungkol sa pangkat ng mga immigration officer na sangkot sa iba’t ibang klaseng korapsyon, kabilang na ang P10,000 hatag ng bawat pumapasok na Intsik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kanila at sa sindikato ng human trafficking sa Bureau of Immigration (BI).

Tapos, ngayong malapit na ang halalan para sa pagka-pangulo at pagkapangalawang – pangulo ng bansa ay pakakawalan niya ang ideyang lulutasin ng isang Manny Pacquiao ang korapsyon sa pamahalaan.

Pokaragat na ‘yan!

Wala namang lokohan.

Nakalulula nang labis ang napakatalamak na katiwalian at korapsyong binabanggit ni Pacquiao.

Kaya, huwag siyang ­mangangako nang hindi niya kayang gampanan – lalo na kung wala siyang pinatunayang laban sa isyung ito.

Ang paglaban sa korapsyon ay hindi tulad ng laban ng isang taong nabuhay nang sobrang hirap tulad ni Pacquiao hanggang naging bilyonaryo dahil sa pagiging “world boxing champion” sa walong dibisyon, pagiging negosyante, singer, commercial model at siyempre pagiging politiko.

Iba ang paglaban sa ­korapsyon at ang karera sa boksing at iba rin ang pagiging senador.

Sa pagiging senador nga ay wala pang maningning na maipagmamalaki si Emmanuel “Manny” Pacquiao.

Pokaragat na ‘yan!

Read More

Kapag delay sa pagsusumite ng PCR test results TESTING CENTERS PARURUSAHAN

0

TAMA na! Sobra na! kailangan nang mabigyan ng kaukulang aksiyon partikular ng Department of Health ang mga testing center na nagiging habitual na ang huli o laging late na pagsusumite ng PCR test result.

Sinabi ni Testing czar secretary Vince Dizon, ibang usapan na kung palagian na lang late ang pagsusumite ng ilang mga laboratoryo ng kanilang PCR exam at laging hindi umaabot sa cut off.

“Mayroon pong mga sanctions na ini-impose ang Department of Health para doon sa mga habitual na hindi nagsu-submit on time. Alam mo naman ang connectivity problema iyan sa buong Pilipinas hindi lang ng ating mga laboratory,” ayon sa kalihim.

Sa kabila nito, nauunawaan din naman nila ang sitwasyon ng mga nagpapatakbo ng laboratoryo lalo na sa tuwing may mga area na tumataas ang kaso ng virus.

Ani Dizon, marami naman aniya sa mga nagtatrabaho sa mga laboratoryo ay tinatamaan din ng sakit kaya’t nakakaawa rin ang kanilang sitwasyon.

Batay sa kanilang obserbasyon, nasa average na labinlima hanggang 20 laboratoryo ang hindi nakakaabot sa 12 noon cut-off time.

“Unang-una ho, sa ating pagmamatyag ‘no, mga 15 to 20 labs on average ang hindi nakaka-submit sa cut-off ng twelve noon. Pero ang importante naman doon sila ay nagsu-submit lampas ng cut-off at napapasok din sa sistema ang kanilang mga resulta. Hindi naman ibig sabihin na kapag ikaw ay hindi umabot sa cut-off ay hindi na pumapasok iyong mga resulta sa sistema ng Department of Health; pero nonetheless, importante pa rin na on time sana ang pag-submit,” ang pahayag ni Dizon. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Metro mayors nagkasundo NEGOSYO SA NCR UNTI-UNTING BUKSAN

0

NAPAGKASUNDUAN ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila na suportahan ang unti-unting pagbubukas ng negosyo sa Kalakhang Maynila.

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr., na isa ito sa kanyang idiniga sa kanilang pulong sa mga bumubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) kahapon.

Partikular na sinuportahan ng mga alkalde, ani Abalos ay ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Tourism (DoT).

‘Kamukha po ng dati na kanilang pananaw na slowly but surely sa negosyo po. more business activities, taasan ang capacity pero dahan-dahan. Iyan po ang napag-usapan ng mga Alkalde,” aniya pa rin.

Minabuti rin aniya ng mga alkalde na manatili o status quo ang curfew hours.

Samantala, sang-ayon din ang mga alkalde na ang opening ng simbahan o religius gatherings ay abot ng 50%.

Read More

Utos ni Duterte sa mga malulusutan ng mass gatherings SABLAY NA TSERMAN ARESTUHIN

0

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine National Police at lahat ng law enforcement agencies na arestuhin ang barangay captain na mabibigong magpatupad ng pagbabawal ng party, picnic, at iba pang mass gatherings para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa kanyang Talk To The People, Miyerkoles ng gabi ay sinabi ng pangulo na mananagot ang kapitan ng barangay sa pagpapabaya sa tungkulin sa ilalim ng Revised Penal Code kapag nabigo itong ipagbawal ang gatherings o pagtitipon-tipon sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Ang kautusan na ito ng pangulo ay matapos iulat ni Interior Secretary Eduardo Año ang kamakailan lamang na insidente ng mass gatherings kabilang na ang picnic at party.

“Kapag may isa pa, beginning tonight, ang unang hulihin ang barangay captain,” ayon kay Pangulong Duterte.

“I’m ordering the police to arrest barangay captain and bring him to the station and investigate him for being a derelict, dereliction of duty for having failed to enforce the law,” dagdag na pahayag nito.

Dismayado si Pangulong Duterte sa patuloy na mass gatherings sa gitna ng nagpapatuloy na pandemiya. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Pagbasura sa reklamo vs Leonen ‘PINONENTE’ NG EX-OFFICIO NI VELASCO

0

MISTULANG pinonente ng kinatawan ni House Speaker Lord Allan Velasco ang pagbasura sa impeachment case na isinampa ni FLAGG-Maharlika secretary general Ed Cordevilla laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen.

Sa pagdinig ng House committee on justice na pinamumunuan ni Leyte Rep. Vicente “Ching” Veloso III kahapon sa impeachment complaint, pinangunahan ng mga deputy speaker ang pagbasura sa kaso.

Sa pangunguna ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez, kinuwestiyon nito ang kawalan ng mga dokumento na magpapatunay sa alegasyon ni Cordevilla laban kay Leonen hinggil sa hindi nito pagsusumite ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) at hindi nito pag-aksyon sa maraming kaso na nasa kanyang tanggapan at wala rin umanong personal knowledge ang complainant.

“And therefore, the complaint Mr. Chairman is undeniably, purely hearsay and the rules will say that hearsay will not stand in any proceedings,” ayon kay Rodriquez.

Ganito rin ang pahayag ni Deputy Speaker Doy Leachon na agad naghain ng motion para idismis ang impeachment complaint kahit hindi pa nagsasalita ang ibang miyembro ng komite.

“Being the case [based on newspaper reports] this impeachment complaint sad to say is a mere scrap of paper,” ani Leachon at kalaunan ay idinagdag nito na “I would like to move for the dismissal of impeachment complaint that we have right now based being insuffiency of form”.

Sinusugan naman nina Deputy Speaker Bienvenido Abante at John Pablo Garcia ang katuwiran nina Rodriguez at Leachon. Pareho rin ang naging litanya ng mga miyembro ng oposisyon tulad nina Albay Rep. Edcel Lagman, Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Quezon City Rep. Christopher “Kit” Belmonte.

Nang magpatawag ng botohan si Veloso sa mosyon ni Leachon, unang idineklara na 37 ang bumoto ng pabor na ibasura ang impeachment complaint, zero ang no vote at zero ang abstention.

Kalaunan ay nilinaw ng komite na 44 ang bumoto ng Yes, 0 No Vote at 2 Abstain.

Kapansin-pansin na full force ang mga mga deputy speaker sa nasabing pagdinig na pawang bumoto ng pabor sa pagbasura sa impeachment complaint tulad nina Ferdinand Hernandez, Evelina Escudero, Bernadette Herrera, Kristine Singson-Meehan, Wes Gatchalian, Michael Romero, Neptali Gonzales III, Lito Atienza, Rosemarie Arenas, Rodante Marcoleta, Deogracias Savellano, Mujiv Hataman, Strike Revilla, Isidro Ungab at Marlyn Alonte.

Ang mga nabanggit ay personal na bomoto nang tawagin sila isa-isa.

Ang mga deputy speaker ay mga kinatawan ng Speaker of the House sa lahat ng komite kung saan sila ay otomatikong miyembro at may karapatang bumoto. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

Mahalay na pagtrato sa ebidensya at kaso inalmahan DOUBLE STANDARD SA LEONEN IMPEACHMENT

0

(NELSON S. BADILLA)

BINIRA ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon ang agarang pagbasura ng mga kongresista sa Kamara sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen dahil lamang sa teknikalidad.

Pagpapakita aniya ng pagiging double standard ng House justice committee ang aksyon ng mga itong pagbalewala sa reklamo.

“Bakit nuong impeachment kay Sereno, xerox din mga dokumento pero pinatawag ng committee ang Supreme Court officials upang dalhin ang mga original documents at mag-testify ukol dito. Ganun din ang BIR, pinatawag ang mga opisyales at inatasan na dalhin at isumite ang mga original or certified records. Ganun din ang UP admin officials pinatawag rin at inatasan na dalhin ang mga original SALNs,” birada ni Gadon.

Maging ang dating kongresista ng Quezon City ay dismayado sa pagbasura sa reklamo.

Sa panayam ng SAKSI Ngayon, sinabi ni Atty. Matias “Mat” Defensor Jr. na “mahalay” ang desisyon ng komite dahil sa kawalan ni Edwin Cordevilla ng mga dokumentong “certified true copy” ng Korte Suprema.

Ani Defensor, hindi naman kailangan ng certified true copy ng dokumento upang patunayang totoo, o hindi, ang mga akusasyon ni Cordevilla laban kay Leonen.

Hindi naman magbibigay ang mataas na korte ng mga dokumento at tatatakan nito ng certified true copy upang gamiting ebidensiya laban sa mahistrado nito.

Minarkahan ni Cordevilla ang napakasamang resulta sa kanyang aksyon laban kay Leonen sa ganitong tirada: “It’s a sorry episode in Philippine history. That sovereignty resides in the people is now officially just a verbal display, music to the ears but has lost its meaning because unreal. That high public officials can be made accountable to the people is illusory. Justice is further hurt by Congress today”.

Si Cordevilla ang secretary-general ng Filipino League of Advocates for Good Governance-Maharlika (FLAGG-Maharlika) na naghain ng impeachment complaint laban kay Leonen noong Disyembre 2020.

Sa unang pagdinig ng justice committee sa impeachment complaint, ‘tinapos’ ng mga kongresistang kasapi nito ang impeachment case laban kay Leonen bunga ng kawalan ng “form” ng mga reklamo ni Cordevilla dahil hindi tunay na mga dokumento ang pinagbatayan nito.

Si Leyte Representative Vicente Veloso Jr. ang pinuno ng Justice Committee.

Bago naging mambabatas, si Veloso ay mahistrado ng Court of Appeals (CA).

Batay sa Rules of impeachment ng Kamara, unang sisilipin ang form ng impeachment complaint.

Tapos, ipapasa ang hatol ng Justice Committee sa secretary-general ng Kamara upang iulat ito ng pormal at opisyal sa buong Kamara.

Saka isusunod na pag-uusapan ng justice committee ang substance ng reklamo.

Anoman ang desisyon nito ay ipararating din sa secretary-general ng Kamara upang gumawa ito ng opisyal na ulat ukol sa desisyon.

Ayon kay Defensor, dapat pinagbigyan ng mga kongresista si Cordevilla na ipaliwanag ang kanyang mga reklamo.

Kung kailangan nila ng mga totoong dokumento ay maaaring magbigay sila ng subpoena sa Korte Suprema, o kaya sa College of Law ng

University of the Philippines (UP) upang malaman kung totoo, o imbento lamang, ang mga akusasyon ni Cordevilla laban sa mahistrado ng mataas na korte, patuloy ng dating kongresista na isa ring abogado.

Nagtapos ng abogasya si Defensor sa UP at itinuturing na “higante” sa larangan ng legal profession.

Sabi ni Defensor sa SAKSI Ngayon, hindi naman kailangang maging istrikto sa katangian ng dokumento ang mga kongresista dahil ang mga

krimeng ipinukol laban kay Leonen ay matagal nang alam ng publiko.

Nagsilabasan na sa media ang mga reklamo laban sa kanya na pawang galing sa mga source na nakaaalam ng mga pinaniniwalaang nilabag ni Leonen na batas.

Kahit nga sa kasong libelo, hindi naman certified true copy ang hinahanap ng hukom upang ipagpatuloy ang kaso laban sa mga mamamahayag.

Iyan ay pinahihintulutan ng “rules of court”.

Kumbinsido si Defensor na mayroong “sapat” na “form” at “substance” ang impeachment complaint ni Cordevilla.

Kumbinsido rin si Defensor na malakas at matbay ang mga ebidensiya ng mga kaso laban kay Leonen.

Aniya, iyon na lamang krimen ukol sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ay malaki, malakas at matibay nang batayan dahil ang noo’y Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay natanggal bilang punong mahistrado ng mataas na korte bunga ng hindi pagsusumite ng kanyang SALN ng dalawang beses.

Natanggal din si Maria Lourdes Sereno sa pagiging punong mahistrado dahil anim na ulit siyang hindi nagpasa ng kanyang SALN habang propesor ng abogasya sa UP.

Si Leonen ay labinlimang ulit na hindi nagpasa ng kanyang SALN habang nagtuturo at dekano sa College of Law ng UP.

“Ayon kay Gadon: “the documents on SALNs are all kept at the Ombudsman and UP which REFUSED to issue certified copies. However, the letter from PCOO (Presidential Communications Operations Office) is sufficient to show that Marvic Leonen violated the SALN law”.

Idiniin ni Defensor na ang krimeng nakakabit sa hindi pagpapasa ng SALN bilang opisyal, o kawani, ng ahensiya ng pamahalaan, ay “trust”.

Ibig sabihin, dapat pinagkakatiwalaan ng publiko o mamamayan, ang sinomang opisyal at kawani ng alinmang ahensiya ng pamahalaan dahil sinusunod at ipinatutupad nito ang nakasaad sa batas.

Bukod sa public trust, ang isa pang krimeng inireklamo ni Cordevilla ay ang “sadyang paglabag sa Saligang Batas”.

Binanggit din ni Defensor na mahalaga ang impeachment sapagkat ang paraang ito na lamang makapagrereklamo ang mga ordinaryong Filipino, laban sa mga mahistrado ng Korte Suprema, pangulo ng bansa at iba pang impeachable officials, na nakagawa ng krimen laban sa bansa, pamahalaan at mamamayang.

Binigwasan din Gadon ang Justice Committee sa ganitong pahayag: “with the attitude of the congressmen in treating the complaint , it would be very difficult or nearly impossible for any citizen to file impeachment against any official. The members of the justice committee skirted on their duties to ascertain the truth. All they have to do is to summon the records of the Ombudsman and UP.”

Kung hihigpitan ng sobra ng mga kongresista ang alituntunin at proseso nito ay wala nang malalapitan ang mga pangkaraniwang tao.
Mabuti pa, tanggalin na lamang ang aspeto ng pangkaraniwang tao sa paghahain ng impeachment complaint kung hindi na ito pabor sa kanila, birada ni Defensor.

“Kay Sereno pwede xerox, kay Leonen hindi?” dismayadong pahayag pa ni Gadon. (May dagdag na ulat si JOEL O. AMONGO)

 

Read More

Graduates dapat makaagapay sa ‘new normal’ EDUCATION SYSTEM PINAREREPASO NI NOGRALES

0

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI lang buhay ng mga tao ang binago ng pandemya sa COVID-19 kundi ang business model kaya kailangan ang agarang ebalwasyon sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Ito ang iginiit ni Rizal 2nd district Congressman Fidel Nograles upang malaman kung may dapat baguhin sa sistema ng edukasyon at maipatupad ito upang hindi mapag-iwanan ang mga graduate sa bansa sa pagbabago ng panahon.

“The pandemic has created massive revolutionary changes in our education. We are witnessing paradigm shift, we are having an overhaul in our business and technological models so there is an urgent need to evaluate our education strategies,” ani Nograles.

Layon umano nito na malaman kung ano ang mga dapat baguhin sa sistema ng edukasyon, ano ang mga dapat itulong ng Kongreso sa nasabing sektor, upang masiguro na hindi mapag-iiwanan ang mga graduate sa pagbabago ng panahon dulot ng pandemya sa COVID-19, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

“We have to take a clear-minded view of the situation. Baka kasi hindi na akma ang targets natin dahil nag-iba na ang labor requirements dahil sa pandemya. Nagbabago ang business models, nagbabago ang teknolohiya, nagbabago ang pangangailangan ng tao––kailangan akma ang edukasyon natin sa mga realidad na ito,” ang unang pahayag ni Nograles, vice chairman ng House committee on education.

Mas lalong dapat aniyang gawin ang ebalwasyon sa sistema ng edukasyon, hindi lamang sa K-12 program kundi sa higher education institutions, nagkaroon umano ng education gap dahil inalis ang face-to-face classes dulot ng pandemya at sa halip ay nag-aaral ang mga kabataan sa pamamagitan ng distrance learning.

“Our students are facing education gap, primarily because of the removal of traditional face-to-face classes and we need to address this education gap in order to enhance our country’s recovery from pandemic,” dagdag pa ni Nograles.

Kasama rin aniya sa evaluation kung papaano matulungan ang mga guro sa pamamagitan ng dagdag na allowances at hazard pays sa pagganap sa kanilang mga tungkulin sa gitna ng pandemya.

Sinuportahan din ni Nograles si Commission on Higher Education (CHEd) Chairman Prospero de Vera sa kanyang itinutulak na flexible learning system habang hindi pa nakakawala ang bansa sa pandemya.

“Because this [flexible learning system] is in response to our changing assessment and our review (on) the need of our education sector,” dagdag pa ng mambabatas.

Read More

Para wala nang ‘choosy’ PANTAY NA VACCINE DISTRIBUTION UTOS NI PDU30

0

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pantay na distribusyon ng iba’t ibang brand ng coronavirus vaccines sa bansa.

Dismayado kasi si Pangulong Duterte sa pagiging “choosy” ng karamihan sa mamamayang Filipino kung saan may ilan pa na nagsabi na magpapabakuna lang sila kung Pfizer ang ituturok sa kanila.

Sa kanyang Talk to the People, Miyerkoles ng gabi, iginiit ng pangulo na hindi dapat maging mapili ngayon ang mamamayan sa brand ng bakuna lalo na’t limitado lamang ang suplay sa bansa.

Nananatili naman si Pangulong Duterte sa kanyang posisyon na kailangan mayroong “fair and equitable access” sa mga bakuna na available sa bansa.

Aniya, ang mga bakunang nabigyan ng emergency use approval (EUA) sa bansa ay napatunayang ligtas at epektibo sa clinical trials.

“There must be equality in everything. Kung sana maraming Pfizer tapos hindi maibigay sa inyo, then you have every reason to complain.

But if it is a limited number tapos gusto ninyo sa inyo lang, hindi puwede ‘yan. So ang order ko is to mix,” ayon sa pangulo. (CHRISTIAN DALE)

Read More

LAMAT SA PDP-LABAN, LUMALALA

0

TILA lumalawak pa ang lamat sa relasyon ng liderato mismo ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang maglabas ng memorandum si PDP-Laban National President at Senador Manny Pacquiao sa mga miyembro laban sa ipinatatawag na national assembly ng kanilang Vice Chairman na si Alfonso Cusi.

Sa memo ni Pacquiao, pinagsabihan ang mga miyembro na balewalain ang patawag ni Cusi.

“This is not the time for politics. Instead, let us help our country ravaged by the COVID-19 pandemic,” saad sa memo ni Pacquiao.Ang ipinatatawag na national assembly ni Cusi ay itinakda sa Mayo 31.

Ipinaalala rin sa memo na ang mga patawag para sa national assembly ay dapat inaaprubahan ng chairman na si Pangulong Rodrigo Duterte at ng national president na si Pacman.(DANG SAMSON-GARCIA)

Read More