477 magsasaka apektado P14.60-M LUGI SA AGRIKULTURA SA BAGYONG DANTE

0

UMABOT na sa P14.60 milyon ang nalugi habang 477 magsasaka ang naapektuhan sa ‘volume of production loss’ na 500 metric tons sa 616 ektarya ng agricultural areas sa SOCCSKSARGEN at Caraga Regions.

Kabilang sa mga naapektuhan ang palay at mais na sa kasalukuyan ay isinasailalim pa sa validation kung magkano ang eksaktong halaga ng pinsala.

Napag-alamana na ang Bagyong Dante ay patuloy sa pangkalahatang paggalaw sa northwestward at malapit sa bisinidad ng Oriental Mindoro o ang southwestern portion ng Batangas bago lumiko patungo sa northwestward at muling nag-landfall sa Bataan noong Miyerkoles ng gabi.

Ito ay patungo sa Zambales at Pangasinan area at papunta sa West Philippine Sea bukas ng umaga.

Ang nasabing tropical storm ay may forecast na pananatilihin ang lakas hanggang sa bumagsak sa kalupaan ng mainland Luzon.

Kaugnay pa nito, dahil sa mga dadaanan nitong terrain sa mainland Luzon ay magpapahingan ang bagyo bago tuluyang maging tropical depression.

Mula ngayon hanggang bukas ng umaga, ang Bagyong Dante ay magdadala ng moderate hanggang heavy rain sa Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, Romblon, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, northern portion ng Palawan, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental.

Samantala, ang tropical storm ay magdadala rin ng light hanggang moderate rain sa ilang bahagi ng Central Luzon, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, ilang bahagi ng MIMAROPA, Negros Oriental, at Cebu, kabilang ang Camotes at Bantayan Islands. (JOEL O. AMONGO)

Read More

Dahil sa pritong bimpo JOLLIBEE BRANCH 3 ARAW SARADO

0

TATLONG araw na tigil-operasyon ng Jollibee Bonifacio Stop Over branch sa Taguig City ang ipinag-utos ng mother company nito makaraan ang reklamo ng isang customer na binentahan ng “pritong bimpo” sa naturang sangay ng nasabing fastfood chain.

Sa pahayag ng Jollibee management, sila ay “deeply concerned” hinggil sa insidente kaya nagsasagawa nang malalimang imbestigasyon.

“It is unfortunate that deviations from Jollibee’s standard food preparation procedures occurred on the part of certain personnel of the store,” sabi ng Jollibee management. (DAVE MEDINA)

Read More

Pagsama sa PNP vs korapsyon, wala sa mandato ng PACC AGENDA NI BELGICA PALAISIPAN

0

NAGKASUNDO at nagkaisa ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ang Philippine National Police (PNP) sa patuloy na pagsugpo at paglaban sa korapsyon sa pamahalaan.

Ngunit mistulang malaking palaisipan ang surpresang pagkuha ng PACC sa PNP upang lutasin ang napakasahol at napakalawak pa ring katiwalian at korapsyon sa administrayong Duterte, gayong matatapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon.

Ayon sa pahayag ni PACC Chairman Greco Belgica kahapon, makatutulong ang PNP mula liderato nito hanggang sa baba, sa trabaho ng PACC laban sa mga korap sa pambansang pulisya.

Tiniyak at itinaya naman ni General Guillermo Lorenzo Eleazar ang buong PNP sa paglaban at pagsugpo sa katiwalian at korapsyon sa armadong sangay ng pamahalaan.

Ang pagtutulungan ng PACC at PNP ay iminarka sa anti-corruption manifesto na sinumpaan ng lahat ng mga opisyal ng PNP, sa pangunguna nina Eleazar at Belgica.

Ang makakalap na mga reklamo laban sa mga opisyal at kasapi ng PNP ay iimbestigahan ng PACC at isasampa sa korte makaraang mapagtibay at mapalakas ang ebidensiya laban sa mga tiwali at korap sa ahensiya.

Hindi inilinaw ni Belgica kung bakit buong organisasyon pa ng PNP ang hahabulin sa korapsyon, samantalang ang mandato lamang ng PACC ay nakatuon sa mga opisyal ng pamahalaan na itinalaga ni Duterte.

Ibig sabihin, hindi sakop ng PACC ang PNP sa paghahabol sa mga korap na opisyal at miyembro ng pambansang pulisya.

Mayroong sariling Internal Affairs Service (IAS) ang PNP at mayroon pang National Police Commission (Napolcom) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang itinakda ng batas na kani-kanilang mga trabaho, tungkulin at obligasyon ay kasuhan at tanggalin sa PNP ang masasamang opisyal at miyembro nito.

Noong nakaraang taon, isinama ni Duterte ang PACC sa itinatag na Task Force Against Corruption (TFAC) na pinamumunuan ng Department of Justice (DOJ), upang makatulong ang una sa malawakang imbestigasyon laban sa mga korap na opisyal at kawani ng lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan. (NELSON S. BADILLA)

Read More

PAGTAAS NG PENSYON NG INDIGENT SENIORS LUSOT NA

0

ISANG hakbang na lamang at tuluyan nang papasa sa Kamara ang panukalang itaas sa P1,000 ang buwanang pension na natatanggap ng mahihirap na senior citizens sa bansa.

Sinabi ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes na naaprubahan, Martes ng gabi sa second reading sa mababang kapulungan ang isinusulong niyang dagdag P500 sa pension ng mahihirap na nakatatanda.

Tiwala ang mambabatas na kapag umabot sa Senado ang panukala ay agad din itong makalulusot dahil naghain ng kahalintulad na panukala si Senate President Vicente Sotto III.

Aniya kapag naging ganap na batas, higit tatlong milyong senior citizens ang makikinabang dito.

Aminado si Ordanes na maliit na halagang maituturing ang karagdagang P500 para sa maayos na pamumuhay ng nakatatanda, na marami ay hindi na rin magawang kumita dahil sa kanilang edad.

“Ang inyong lingkod na kinatawan ng Senior Citizen party-list ay ilang buwan na buong pusong inilaban ang pagtaas ng social pension ng ating mga senior,” sabi pa ng namumuno sa House special committee on senior citizens.

Nabanggit din ng mambabatas na dahil sa kanyang pagpupursige ay mas napadali ang pagkakaroon ng social pension ng mga nakatatanda.

“Ngayon po, kinakailangan lang na mapatunayan ng isang senior citizen na wala silang permanenteng napagkukunan ng ikabubuhay at magiging kuwalipikado na sila sa social pension,” dagdag pa ni Ordanes.

Kayat, ayon pa sa mambabatas, maaring madagdagan pa ang bilang ng mga pensiyonadong nakatatanda sa bansa dahil sa pinadaling kwalipikasyon. (CESAR BARQUILLA)

Read More

CINEMALAYA INSTITUTE NAGPAPATULOY SA KANILANG COMMITMENT NA SANAYIN ANG MGA BAGONG FILMMAKER

0

Matapos ang isang taong pahinga dahil sa pandemya, ang Cinemalaya Institute ay nagbabalik ngayong taon upang ipagpatuloy ang commitment nito na makapagturo, mag-ensayo at tumanggap ng mga pelikulang mula sa mga practitioner sa mga pangunahing aspeto ng paggawa ng pelikula.

Itinatag noong 2015, sinanay ng Institute na ito ang mga magiging Filipino filmmaker upang masiguro ang paglago at pagpapanatili ng Cinemalaya bilang nangungunang independent film festival sa Asia.

Sa training arm ng Cinemalaya Foundation, Inc. (CFI), plano ng Institute na magbukas ng selected courses na sumusunod sa protocols na ipinapataw ng pamahalaan.

Ang ino-offer na training programs virtually ay kinabibilangan ng: SCRIPTWRITING WORKSHOP FOR FILM ng veteran playwright na si Ricky Lee; MASTER WORKSHOP ON CONTINUING NARRATIVES FOR BROADCAST AND WEB-BASED PLATFORMS ng award-winning TV at film director na si Jose Javier Reyes; at PRODUCTION MANAGEMENT ni John Paul Su; at ang ASSISTANT DIRECTOR’S WORKSHOP FOR FILM AND TELEVISION ni Jay Abello.

Nakatakda mula Hunyo 9 hanggang Agosto 4, ang scriptwriting workshop ay nag-eengganyo at nagsasaliksik ng mga bagong paraan ng pagkukuwento sa panahon ng pandemya; habang ang master workshop na patuloy sa mga salaysay, ay magaganap sa Agosto 14 hanggang Oktubre 29, 2021, ay nagpapakilala at nagsasanay sa mga manunulat sa konseptwalisasyon at rendisyon ng patuloy na serye na nakasunod sa Korean template.

Mula Hulyo 15 hanggang Agosyo 13, 2021, ang production management workshop, samantala, ay magtuturo ng pangunahing kasanayan na kinakailangan upang pamahalaan ang isang film production at masuri ang professional practices upang makatulong sa filmmakers na ma-develop ang kanilang production book.

Bukas sa Setyembre 1 hanggang 29, 2021, ang Assistant Director’s Workshop ay para sa production people na nagnanais maging professional AD. Sa halip na pagsasanay sa maraming taon, ang kursong ito ay magdadala sa kanila sa mataas na marka at magbibigay sa kanila ng kinakailangang kaalaman sa pagiging AD, na siyang pinaka importanteng tungkulin at posisyon sa isang film o TV production.

Ang mga interesado ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon sa cinemalayainstitute@gmail.com.

I-download ang application form/s mula sa mga sumusunod na link:

http://bit.ly/CinemalayaProdManagement

http://bit.ly/CinemalayaAssistantDirector

http://bit.ly/CinemalayaContinuingNarratives

Ang deadlines na pagpasa ng aplikasyon ay para sa: Assistant Director program, Agosto 20, 2021; Program Management, Hulyo 2, 2021; at para sa Master Workshop on Continuing Narratives, Hulyo 23, 2021.

Ang naturang Institute ay nakapag-prodyus ng filmmakers na nag-prodyus, nagsulat, nagdirehe ng mga pelikula para sa Cinemalaya at gumawa ng kanilang pangalan sa industriya.

Para sa iba pang impormason, magsadya sa Cinemalaya website o sundan ang official Facebook accounts ng Cinemalaya, Cinemalaya Institute at CCP.

Read More

CCP NATIONAL RONDALLA WORKSHOP 2021

0

Ang Artist Training Division ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ay magsasagawa ng kanilang ikaanim na NATIONAL RONDALLA WORKSHOP 2021 na gaganapin sa Hulyo 27-31, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi.

Nagsimula noong 2014, ang National Rondalla Workshop sa taong ito ay gaganapin online sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng Zoom. Layon nito na mailabas pa ang husay at galing ng mga kabataan sa rondalla, lalo na sa pamamagitan ng online set-up. Ang workshop na ito ay bukas sa mga grupo ng rondalla sa buong bansa na tumutugtog na at hindi mga non-beginner. Ang mga Rondalla Ensembles na may mga rondalla instrument kabilang ang banduria, octavina/laud, guitas, at bass ay maaaring lumahok sa workshop.

Ang workshop trainers ay pangungunahan ni Prof. Elaine Juliet Espejo ng Celso Espejo Rondalla at ng UP Rondalla, kasama ang faculty member ng UP College of Music. Ang workshop modules ay kinabibilangan ng sectional rehearsals per rondalla instrument, note reading sessions, at individual rondalla ensemble cliniquing sessions. Ang workshop ay magtatapos sa online recorded performance ay ito ay makikita sa CCP Facebook Page sa Agosto 21, 2021.

Ang workshop fee ay P2,000.00 kada participant slot (may online materials ay newly arranged rondalla pieces). Dahil sa limited slots lamang ang available, ang makasasali ay maximum 16 participant slots (15 students at 1 conductor) kada grupo.

Sa mga interesado, magsumite lamang ng mga sumusunod:

1. Duly accomplished application form.

Downloadable mula sa http://bit.ly/CCPRondalla2021App

2. Isang audio/ video recording ng pinakabagong performance (at least two 2 pieces by the group).

Ang applications ay dapat ipasa via email at artist.training@culturalcenter.gov.ph bago o sa Hunyo 15, 2021.

Ang pagsali sa workshop ay ibabase sa merit ng kanilang aplikasyon.

Sa abiso ng pagtanggap, kada rondalla group ay magbabayad ng reservation fee na P5,000.00 na ibabawas naman mula sa full amount ng registration fee. Ang full amount ay dapat maibigay bago o mismong sa Hulyo 16, 2021.

Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan sa CCP Artist Training Division by email sa artist.training@culturalcenter.gov.ph (hanapin si Ms. Kass Almarez).

Read More

AYALA CORPORATION WINS SILVER AT THE 6 TH ASIA SUSTAINABILITY REPORTING AWARDS

0

Ayala Corporation bagged the Silver Award as Asia’s Best Integrated Report and was a finalist in five other categories at the 6th Asia Sustainability Reporting Awards (ASRA), the most prestigious international awards for corporate reporting.

Due to the pandemic, the event was hosted virtually in Singapore by CSR Works and was attended by a multitude of representatives from Asian companies who practice Sustainability Reporting. Broadcasted live, the ceremony was attended by more than 250 business leaders and sustainability practitioners from 20 Asian countries. Special guests and dignitaries from the academe, embassies, trade associations, and advocacy organizations were also present.

Guests of Honour H.R. Ms. Kara Owen, British High Commissioner to Singapore, and H.E. Mr. Niclas Kvarnström, the Swedish Ambassador in Singapore gave their welcome remarks to formally open the ceremony. Going beyond just announcing the winners, the program included segments where ASRA judges were featured in a string of rapid-fire questions on sustainability reporting.

The independent panel of judges followed a rigorous multi-tier evaluation process that involves three rounds of assessment. This ensures that the winners in every category are the best according to the criteria for judging and comprehensive due diligence that considers the company’s reputation among their stakeholders. For this awarding cycle, the judges reviewed a total of 494 entries from 17 countries for 19 categories. Only 102 companies from 14 countries made it to the finals. The fierce competition produced 39 winners who were awarded with gold, silver, and bronze medals and a Report of the Year award.

Rajesh Chhabara, managing director of CSRWorks International and the founder of ASRA, notably commented the increasing quality of sustainability reports across the region and that each year, choosing the winners are becoming more and more challenging. This gives a positive outlook on sustainability reporting in the region and signifies the growth and maturity of the practitioners in the field.

President and CEO of Ayala Corporation, Fernando Zobel de Ayala, says “We are grateful, honored, and humbled to receive the Silver award for Asia’s Best Integrated Report. This award serves as an affirmation of our continued sustainability efforts and it reminds us to commit to and persevere in the long road ahead. More than an award, this is a challenge to us to never cease in improving our reporting process as we continue to uphold the highest standards of integrity and accountability.”

Read More

BLIND ITEM ULIT TAYO

0

SINO ang miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso na biglang nagkaroon ng boses matapos ang halos walong taon sa Kongreso dahil sa kanyang mas mataas na ambisyon sa susunod na eleksyon?

Ayon sa inyong DPA, as in Deep Penetration Agent, nasa huling termino na ang mambabatas, o nasa ­Kongreso ito sa loob ng pitong taon at 11 buwan bilang kinatawan ng isang ­malayong distrito sa Kabisayaan.

Gayunpaman, sa loob ng nabanggit na panahon ay halos hindi ito makausap, o mainterview, ng media dahil wala naman itong sasabihin, kaya iwas na iwas sa mga mamamahayag.

Kahit isang pagdinig sa isang isyu noong wala pang pandemya, tinangka ng media na kunan ng paglilinaw sa nasabing usapin kung saan siya ang chairman ng komite.

Gayunpaman, tumanggi ito at mabilis na umalis na tila takot na takot sa mga tanong ng mga mamamahayag, kaya kapag nagsasagawa ito ng hearing ay hindi na ito pinapansin.

Alam kasi ng mga kagawad ng media na tatakbuhan lang sila ng mambabatas, kaya itinuring na lamang ito na isang ordinaryong mambabatas na dinadaan-daanan na lamang ng media.

Subalit nitong mga nakaraang araw, nagulat ang mga kagawad ng media sa Kamara dahil bigla itong naglalabas ng kanyang mga press release, bagay na hindi nito nagawa sa nakaraang walong taon sa Kongreso.

Bagama’t madalang naman ang mga press release nito, ikinagulat pa rin ito ng mga kagawad na media dahil ang alam nila ay wala itong interes na marinig ang kanyang boses maliban sa kanyang mga constituent.

Lalong ikinagulat ng mga kagawad ng media na gusto raw ng mambabatas na ito na dumalo sa lingguhang forum sa Kamara, gayung noong baguhan ito ay tumatanggi sa mga press conference.

Nabatid na nagla-lobby ang mga ‘bataan’ ng mambabatas sa organizer ng lingguhang forum na kung puwede ay i-guest ang kanilang boss dahil marami itong isyung gustong pag-usapan.

Nitong mga nakaraang mga araw, nakikitang nagpapainterview na rin ito sa mga radyo at telebisyon, kaya mistulang nagkaroon ng himala dahil bigla itong nagkaroon ng interes sa mga isyu sa lipunan.

‘Yun pala ay gusto lang magparamdam ng mambabatas sa buong bansa dahil meron pala itong ambisyon na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon.

Clue: Kung kasikatan ang pag-uusapan, kilala naman ang mambabatas na ito, pero hindi napag-uusapan ang kanyang pangalan sa buong bansa sa matagal na panahon. Mayroon siyang inisyal na…G as in Girl s’ya.

Read More

BALOT NAMAN NG KONTROBERSIYA ANG PNP

0

MULI na namang nababalot sa kontrobersya ang Philippine National Police (PNP) dahil sa pamamaril ng dalawang miyembro nito sa mga sibilyan.

Ang pinakabagong pangyayari ay ang pamamaril ni P/Master Sergeant Hensie Zinampan, nakatalga sa Police Security and Protection Group (PSPG), sa isang ginang sa Brgy. Greater Fairview, ­Quezon City.

Kitang-kita sa nag-viral na video sa social media ang paghawak ni Zinampan sa buhok ng 52-anyos na si Lilibeth Valdez bago niya ito barilin.

Lasing daw ang pulis nang makasalubong si Valdez, kaya binaril niya ang babae.

Ang pamamaril ng pulis sa ordinaryong tao ay hindi normal na gawain ng isang tao, lalo na kung awtoridad ang gumagawa nito.

Maselan ang ­pagiging pulis ni Zinampan dahil nakalataga ito sa PSPG, dibisyon sa PNP na nanganga-laga sa seguridad ng taong ­nanganganib din ang buhay.

Iyon pala, may itinatagong kakaibang ugali itong si Zinampan.

Ibig sabihin hindi ligtas kay Zinampan ang kanyang binabantayan.

Ang naunang pangyayari na sariwa pa sa isipan ng mga tao ay ang pagbaril ni Master Sergeant Jonel Nuesca laban sa wala ring kalabang-laban na kanyang mga kapitbahay na sina Lola Sonya at ang apo nito sa Paniqui, Tarlac ilang buwan na ang nakalipas.

Pinutakte ng batikos ng netizens ang naganap noong si General Debold Sinas pa ang PNP Chief.

Ngayon, hindi pa umiinit sa pagiging PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ay naulit na naman ang pamamaril ng pulis sa pangkaraniwang tao.

Halos iisa rin ang kuwento ng dalawang pangyayari kung saan dati nang may alitan ang magkabilang panig.

Iisa rin ang ibig sabihin: Resbak ang ginawa ng dalawang pulis sa kanilang mga nakaalitan.

Hindi nararapat sa PNP ang mga ginawa nina Nuesca at Zinampan dahil utak kriminal kasi ang ipinamalas nilang ugali.

Nagpapatunay lamang na ang ilang pulis ay siga sa kanilang mga lugar.

Hindi nila sinusunod ang kanilang motto: “To serve and protect”.

Gusto siguro nila na sila ang pagsilbihan at protektahan ng sibilyan.

Maging kapwa nila pulis ay napapatay din tulad ng nangyari kay P/Corporal ­Higinio Wayan ng QCPD – Police Station -10.

Nag-iinuman sina Wayan, P/Cpl. Harold Mendoza, P/Cpl. Sherwin Rebot at ­Lorenzo Lapay sa bahay ng huli sa Brgy. Commonwealth nang mabaril ang pulis.

Ang sinapit ni Wayan ay katibayan na mayroong mga pulis na hindi mapigilan ang galit sa nakaalitan.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email ­joel2amongo@yahoo.com at ­operarioj45@gmail.com o kaya magtext sa 0956-951-00-57.

Read More