TRILLANES INSULTONG PAMBATO NG OPOSISYON SA PAGKAPRESIDENTE

ANG oposisyon sa eleksyong 2022 ay ang 1SAMBAYAN. Isa sa pagpipilian ng 1SAMBAYAN bilang pambato sa pagkapresidente ay si ­dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV. Panawagan ko sa mga convenor ng ­1SAMBAYAN tulad ng NAGKAISA ­Labor ­­Coalition at Bayan Muna na tanggalin nila si ­Trillanes sa mga ­kandidato sa ­pagkapangulo, o sa ­pagkapangalawang pangulo, ng oposisyon dahil mayroon na itong nagawang krimen. Malaking insulto hindi lamang sa mga botante, kundi sa 110 milyong Filipino, na ang kandidato ng ­1SAMBAYAN ay mayroong “criminal record”. Pokaragat na ‘yan! Ang nagawang krimen ni…

Read More

Para sa libreng annual check-up ng mga Pinoy PET BILL NI DEFENSOR WALANG KUMONTRA

SINUPORTAHAN ng lahat ng mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas ni Anakalususgan party-list Rep. Mike Defensor na libreng annual check-up sa lahat ng mga Filipino. Sa botong 245 pabor at walang kumontra, pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 9072 o Free Annual Medical Check-up Act na inakda ni Defensor. Inaantay na lamang ang bersyon ng Senado sa nasabing panukala para maisalang ito sa bicameral conference committee saka raratipikahan sa dalawang kapulungan bago pirmahan ng pangulo upang maging ganap ng batas. Base sa…

Read More

#pulisangterorista latay kay Eleazar OFF-DUTY COPS ALISAN NG ARMAS

MATAPOS muling malagay sa kontrobersya ang pambansang pulisya sa kaso ni Police Master Sgt. Hensie Zinampan, inirekomenda ng isang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso na huwag nang payagan ang mga pulis na dalhin ang kanilang baril kapag off-duty ang mga ito. Ginawa ni Deputy Speaker Bienvenido Abante ang nasabing panukala dahil mismong baril na inisyu ng gobyerno ang ginamit ni Zinampan sa pagpatay sa 52-anyos na biktimang si Lilibeth Valdez. “Policemen who are off-duty should surrender their firearms to their commander for safe keeping.. that should be the rule…

Read More

Inuuna ang kandidatura ni Duterte – solon KURYENTE PINABAYAAN NI CUSI

(BERNARD TAGUINOD) NANINIWALA si Deputy minority leader Carlos Zarate na nagpabaya si Energy Secretary Alfonso Cusi sa tungkulin na tiyaking may sapat na supply ng kuryente sa bansa lalo na sa Luzon dahil mas inuuna nito ang pulitika at pagtutulak kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa susunod na eleksyon. Hindi tinanggap ni Zarate ang pahayag ng Department of Energy (DOE) na “on top” sila sa sitwasyon dahil kung totoo aniya ito ay hindi manganganib ang supply ng kuryente sa magkakasunod na tatlong araw. Si Cusi na…

Read More

90K COVID-19 test kada araw ‘di natupad IATF, DOH NAMBOLA LANG

BINANATAN ng isang senador ang Department of Health (DOH) at ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa hindi pagtupad sa 90,000 coronavirus disease-2019 9COVID-19) test kada araw. Ayon kay Senadora Ana Theresia “Risa” Hontiveros, umabot lang sa 42,866 ang COVID-19 test kada araw nitong Mayo. Noong Marso 30, tiniyak ng testing czar ng IATF na si Secretary Vivencio “Vince” Dizon na target ng administrasyong Duterte na magsagawa ng 90,000 COVID-19 test bawat araw. Bukod sa kapalpakang ito ng IATF, hindi rin nakamit ng DOH ang limang porsiyentong positivity rate na…

Read More

STRATEGY SA CEBU PAG-AARALAN NG DOH

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na alamin kung bakit gumana ang COVID-19 protocols na ipinatupad sa Cebu City partikular na ang swab-upon-arrival policy para sa overseas Filipino workers (OFWs) at returning overseas Filipinos (ROFs). Layon ng nasabing kautusan na alamin kung maaaring i-apply ang estratehiya sa ibang rehiyon. Sinabi ni Governor Gwen Garcia na tinuran ni Pangulong Duterte sa IATF “see if these could possibly be a way or innovation to be adopted” sa iba’t ibang lugar sa bansa at magsumite sa kanya…

Read More

PFIZER VAX MULA SA COVAX LAAN SA POOR POPULATION

HINDI maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population ang Pfizer vaccines na mula sa COVAX facility. Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na malinaw ang direktibang ibinigay ng COVAX facility at ni Pang. Rodrigo Duterte ukol sa mga dapat mabigyan ng bakuna na mula sa Pfizer na nasa ilalim ng targeted population at iyong mga mabibigyan naman ng vaccine na ito na mula sa COVAX. Aniya, ang Pfizer na hindi manggagaling sa COVAX facility ay talagang ilalaan para sa mga healthcare worker, senior citizens at may comorbidities…

Read More

Hindi halal ng mga kapartido PACQUIAO ‘INUTIL’ NA PDP-LABAN ‘PRESIDENT’

(NELSON S. BADILLA) ILANG buwan pa lamang ang nakalipas nang iluklok si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao bilang ‘acting president’ ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP – LABAN), hakbang sa pinaniniwalaang paghahanda sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa halalang 2022. Mula nang maging PDP – Laban president, madalas nang lumalabas ang mga “pahayag” ni Pacquiao sa isang broadsheet newspaper. Ngunit, nitong Lunes, Mayo 31, ay binalewala ng liderato ng PDP-Laban ang panawagan ni Pacquiao sa mga opisyal at kasapi ng namumunong partido na balewalain at huwag dumalo sa National Council…

Read More

LTFRB KINALAMPAG SA AYUDA SA MGA TSUPER

HINIKAYAT ng isang mambabatas sa Kamara ang grupo ng mga tsuper na makipagtulungan sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang maibigay ang ayuda na inilaan sa kanila sa ilalim ng Bayanihan Act. Sa gitna ng hinaing ng mga jeepney driver na napag-iiwanan sa ayuda, nag-organisa si Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred Delos Santos ng Zoom meeting kasama ang pamunuan ng LTFRB at kinatawan ng mga tsuper upang masolusyunan ang problema. Sa nasabing pulong, nilinaw ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang Department of Social Welfare and…

Read More