YUKA SASO, 1st PINOY US OPEN CHAMPION

Ni ANN ENCARNACION SA edad na 19, naging kauna-unahang Filipino golfer si Yuka Saso na nanalo ng US Women’s Open title Lunes (Manila time) sa Olympic Club sa San Francisco. Humataw ng birdie sa third playoff hole ang ­Filipina-Japanese na si Saso upang manaig laban kay Nasa Hataoka ng Japan. Sa kabila ng back-to-back double bogeys, hindi nasiraan ng loob ang 2018 Asian Games gold ­medalist sa women’s individual at team golf events at pumalo ng birdies sa 16 at 17 para sa two-over 73 at umusad sa playoff na…

Read More

Paalala sa A4 workers WORK ID LANG PARA MABAKUNAHAN

PUWEDENG office identification card o work ID lang ang bitbit at ipiprisinta ng A4 workers kapag sila’y magpapabakuna laban sa COVID-19. Pruweba ito na ang isang A4 worker ay frontliner o mga nagtatabaho sa labas ng kanilang bahay. “I think office ID—Work ID would suffice ‘no kasi ngayon ang definition ng A4 is broad enough to include anyone who works outside of his home and a work ID would be sufficient,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Nauna rito, inilarga kahapon ang “symbolic rollout” ng COVID-19 vaccine para sa essential…

Read More

PALASYO NAGPAABOT NG PAGBATI KAY SASO

“TODAY is a great day in Philippine sports.” Binati ng Malakanyang si Yuka Saso na nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas nang manalo sa 2021 US Women’s Open. Matatandaang nauna nang nakaharap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Saso sa Malakanyang nang pagkalooban ito ng Presidential citation matapos manalo ng gold medal sa 18th Asian Games in Indonesia. “She is indeed the pride and glory of our country. We are all proud of you. Congratulations,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Naghatid ng pag-asa at inspirasyon ang tinamong tagumpay ng Pinay…

Read More

Bwelta ng Malakanyang sa pagsasabing sila ang tagapagsalita ng taumbayan 1SAMBAYAN BOSES LANG NG BARANGAY

PINAYUHAN ng Malakanyang ang political opposition na hintayin na muna ang eleksyon sa susunod na taon para makita kung talagang itatakwil o ire-reject ng taumbayan ang mga kandidato ng administrasyon. Kumpiyansang sinabi kasi ng opposition coalition 1Sambayan na itatakwil ng mga Filipino ang Duterte-Duterte tandem sa Eleksyon 2022. “See you on election day. Taumbayan po ang magdedesisyon diyan,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Malalaman lang natin ang desisyon ng taumbayan pagkatapos ng eleksyon, kaya dapat magka-eleksyon tayo,” dagdag na pahayag nito. Nagtataka naman si Sec. Roque kung bakit pilit…

Read More

‘DI PAGSUSUOT NG FACE SHIELD SINANG-AYUNAN

PABOR si dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janet Garin na maaari nang alisin ang mandatory na pagsusuot ng face shield bilang proteksyon kontra COVID-19. Ayon kay Garin, maaari pa ngang makasama ang pagsusuot ng face shield lalo na kung hindi nagpapalit at paulit-ulit itong ginagamit. Sa halip aniya, ang dapat ugaliin ay ang pagsusuot ng face mask. “Ang pinakamahalaga ay ang testing, isolation at vaccination na siyang ating sundalo sa giyera ng COVID-19,” pahayag ni Garin. Samantala, inihayag ng UP-National Institute of Health na hindi kailangan ang…

Read More

TOGA MUNA BAGO TRAJE DE BODA

MAY magulang na naringgan ko na sinabihan ang kanyang dalagitang anak ng “uy, toga muna ha, bago ­trahe de boda” dahil nakatutok ang bata sa social media, hindi para mag-aral, kundi nakikipag-chat lang naman. Alam ni nanay na ang ka-chat ng kanyang anak ay ang kanyang manliligaw, kaya panay ang paalala nito sa dalagitan n’ya na magtapos muna ng pag-aaral bago mag-asawa, o magsuot muna ng toga bago trahe de boda. Hindi ko masisisi si nanay dahil sa panahon ngayon, ­parami nang parami ang mga batang nag-aasawa nang wala sa…

Read More

Sa bakunadong turista, lokal o dayuhan TRAVEL RESTRICTIONS PINALULUWAGAN

IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian sa mga kinauukulan na ikonsidera ang pagluluwag ng mga panuntunan sa COVID-19 testing at quarantine protocols sa mga turistang nabakunahan na, banyaga man o lokal, upang matulungang makabangon ang turismo ng bansa tungo sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya. “Kung nagluwag sa health protocols para sa mga bakunadong Pilipinong bumiyahe galing ng ibang bansa, wala akong nakikitang dahilan para hindi rin ito ipatupad ito sa mga nabakunahang dayuhan at lokal na turista dahil pareho lang naman ang sitwasyon nila. Bukod dito, mas may pakinabang din ito…

Read More

COVID-19 TUMATAAS SA MGA PROBINSIYA, BUMABABA SA NCR PLUS

HINDI nakapagtataka kung bakit tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa mga probinsiya dahil kahit naka-lockdown na ay may nakalulusot pa rin at nakapapasok na mga tao sa kanilang mga lugar. Isa d’yan ang mga taong galing sa National Capital Regon (NCR). Kaya, hindi nakakapagtaka kung bakit patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan. Lalo na nitong dumami ang bagong COVID variant na nakapasok sa Pilipinas. Pangalawang dahilan ay nakapokus sa NCR plus bubble ang bulto ng bakuna. Kakaunti lang ang nakararating sa Visayas at Mindanao.…

Read More

PANGAKO NI PACQUIAO SUNTOK SA BUWAN

NAG-IMBITA si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao ng ilang tao at mga mamamahayag sa kanyang bahay sa Forbes Park nitong Sabado. Hindi nagdeklara si Pacquiao na tatakbo siyang pangulo sa halalang Mayo 2022. Hindi rin niya sinabing wala talaga siyang kabalak-balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa eleksyong 2022. Si Pacquiao ay napabalitang tatakbo sa pagkapangulo ng bansa. Ngunit, hindi siguradong Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP – Laban) ang partido niya dahil benabalewala siya ng mga bataan ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad nina Energy Secretary Alfonso…

Read More