PANALO NI YUKA SASO INSPIRASYON SA MGA PINOY

0

PINURI ni Senator Joel Villanueva si Yuka Saso sa kanyang pagkapanalo sa 76th U.S. Women’s Open golf championship na ginawa sa Olympic Club sa San Francisco.

Ayon kay Villanueva, na kapwa Bulakenyo ng atleta, hindi lang karangalan para sa bansa ang hatid ni Saso sa kanyang panalo kundi inspirasyon na rin sa mga Filipino sa panahon ng pandemya.

“Binabati po natin si Yuka Saso, na tubong San Ildefonso, Bulacan, sa kanyang tagumpay. Si Yuka Saso po ang unang Pilipinong nanalo sa prestihiyosong paligsahang ito, at isa sa pinakabata sa kasaysayan nito ng tournament,” dagdag pa ng senador na siya ring chair ng Senate labor committee.

Ang panalong ito ni Saso, ani Villanueva, ay isang magandang balita para sa isang bansang patuloy ang paglaban sa pandemya.

“Nagawa niya ito nang buong sigla at gilas laban sa world-class na mga katunggali! Hindi po biro ang pagsubok na pinagdaanan niya dito. Kaya sana ay ma-inspire tayong lahat kay Yuka na kayanin din natin ang mga pagsubok na ating hinaharap ngayon,” ani Villanueva. (ESTONG REYES)

Read More

E-SUMBONG NI CHIEF DI UBRA SA E-SABONG

0

(NELSON S. BADILLA)

KAABANG-ABANG kung magiging epektibo ang inilunsad na kampanya ni General Guillermo Lorenzo Eleazar laban sa pamamayagpag ng e-sabong.

Tugon ito ng heneral upang ipakita sa publiko na totoo, tapat at seryoso ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na linisin ang organisasyon sa iba’t ibang klaseng katiwalian at korapsyon.

Ito’y sa pag-asang manunumbalik ang respeto at tiwala ng mamamayan sa PNP.

Kaakibat nito ang pagkilos ng PNP laban sa mga ilegal na sugal.

Isa sa mga ilegal ay ang electronic sabong o e–sabong, na nakipagsabayan sa jueteng na namamayagpag pa rin hanggang ngayon.

Naglunsad si Eleazar ng kampanya na nakapokus sa e-sabong na tinawag na “E-SUMBONG, SUMBONG MO, AKSYON KO!”

Upang mabilis na makararating sa tanggapan ni Eleazar ang reklamo laban sa e-sabong, nakasaad sa campaign poster nito ang contact numbers ng E-SUMBONG na (Smart): 09191601752 at (Globe) 09178475757.

Hindi ito ginawa ng mga naunang hepe ng PNP.

Ang inisyatiba ni Eleazar ay malaking hamon, partikular sa kanya, at sa buong PNP, sa pangkalahatan.

Masusubok kung totoo, o hindi, ang panawagan ni Eleazat sa publiko laban sa e-sabong.

Nabatid ng SAKSI Ngayon na napakalaganap na ngayon ng naturang sugal sa National Capital Region (NCR) at iba pang rehiyon sa Luzon.

Sa Rehiyong Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ay napakatindi na ng e-sabong.

Iba pa ang mga tupada na kitang-kitang nagsasabong ang mga manok sa harapan ng mga sabungero at mananaya.

Ilegal ang tupada, ngunit marami pa ring nagsasabong dahil maraming Filipino ang mahilig sa sabong.

Kasama na ang ilang opisyal ng PNP.

Kung mayroong magsusumbong kay Eleazar tungkol sa e-sabong, inaasahang hayagan din niyang kokomprontahin at pagagalitan ang mga ito, lalo na ang mga opisyal ng PNP na nakasasakop sa lalawigan, lungsod at bayan kung saan nadiskubre at nasukol ang e-sabong.

Ang pagkontrol at panenermon ni Eleazar sa mga kotongero, tamad na mga pulis at mamamatay-taong pulis ay nakita ng publiko kahit noong direktor pa siya ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Muling nakita ito ng publiko nang maging PNP chief siya.

Read More

JUETENG NI ‘JOHN YAP’ ‘SACRED COW’ SA CAVITE

0

(NELSON S. BADILLA)

KAHIT kailan ay hindi naging legal na negosyo ang jueteng.

Hindi kumilos ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang maging legal ang jueteng.

Kahit ilegal, hindi natitinag ang jueteng sa Cavite na pinatatakbo ng gambling lord na kilala sa alyas na “John Yap”.

Batay sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon sa mga nakakaalam ng pa-jueteng ng nasabing John Yap ay nakakalat ang butas nito sa lahat ng lungsod at bayan ng Cavite.

Ngunit, lumilitaw na “sacred cow” at “untouchable” ang nasabing gambling lord dahil mistulang mayroong basbas ang operasyon nito mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cavite na matagal na ring hawak ni Gobernador Juanito Victor “Jonvic” Remulla.

Hindi umano agresibo ang kampanya ng administrasyong Remulla laban sa ilegal na jueteng ni John Yap.

Kahit na si Col. Marlon Santos na malapit nang maging dalawang taon bilang direktor ng Philippine natonal Police (PNP) sa Cavite ay walang mahabang listahan na ipinaaresto, ipinakulong at ipinatigil ang mga butas ng pajueteng ni John Yap.

Ang impormasyong nakarating sa media ay sumikat at naging siga sa jueteng si alyas John Yap noong naging direktor ng PNP-Cavite si Santos at direktor naman ng PNP-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) si Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

Naging major general si Danao ilang linggo makaraang ilipat siya sa NCRPO noong si General Debold Sinas pa ang hepe ng PNP.

Nabatid ng SAKSI Ngayon na ang mga ‘kasosyo’ umano ni Yap ay sina “Zalding”, “Caloy”, at “Elwin”.

Matitikas itong sina Zalding, Caloy at Elwin dahil kabisado umano ng mga ito ang pasikot-sikot sa Cavite.

Alam na alam umano ng tatlong ito kung sinu-sino ang mga karapat-dapat na hatagan ng “lingguhang tara” mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cavite, mga lungsod at bayan hanggang tanggapan ng PNP sa lalawigan, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at tanggapan ng PNP sa buong Rehiyon ng Calabarzon.

Ang pumalit na hepe ng PNP-Calabarzon ay si Brig. Gen. Eliseo DC Cruz.

Naging direktor din ito ng Southern Police District (SPD) bago ipuwesto ni Eleazar sa Calabarzon, palit kay Brig. Gen. Felipe Natividad, na pamangkin ni Interor Secretary Eduardo Año.

Pagkaupo ni Cruz, kumalat sa media ang impormasyong tatanggalin na si Col. Santos sa Cavite, ngunit hindi natuloy dahil nakakuha umano ng ‘padrino’ na hindi kayang banggain nina Cruz at maging ni Eleazar.

Hanggang sa mga oras na ito ay alam na alam ng mga Caviteño na ‘malayang’ nakapag-ooperate ang jueteng ni John Yap.

Read More

Paalala ng DOH Calabarzon MAG-INGAT SA SAKIT DULOT NG TAG-ULAN

0

NAGPAALALA ang Department of Health Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na mag-ingat ang mamamayan sa samut-saring sakit na dulot ng panahon ng tag-ulan.

Ito ay makaraang pormal nang ideklara ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration o PAG-ASA na papasok na ang bansa sa rainy o wet season.

Ayon sa DOH4-A, dapat palakasin ang resistensya upang malabanan ang mga sakit na dulot ng ulan tulad ng pagtatae, mga sakit mula sa maruruming tubig kabilang ang typhoid fever, cholera, leptospirosis at sakit na dala ng lamok tulad ng malaria at dengue

Ang pagtatae ay kadalasang sanhi ng bacterial, viral at parasitic organisms.

Ang typhoid fever naman ay isang infectious disease na dahil sa kontaminadong pagkain at inumin na naka-close contact sa isang tao na may dala rin nito.

Ang cholera naman ay isang acute intestinal infection sanhi ng pagkain o tubig na kontaminado ng Vibrio Cholera bacteria na sanhi ng pagtatae na maaaring mauwi sa dehydration at pagkamatay.

May mga sakit din na nakukuha galing sa mga hayop tulad ng leptospirosis. Isa itong bacterial infection sanhi ng dumi at ihi mula sa daga na maaaring maikalat sa lupa, tubig, mga pananim tuwing may pagbaha. (CYRILL QUILO)

Read More

BAHAY SINILABAN NG SELOSONG MISTER

0

BATANGAS – Natupok ang isang bahay makaraang silaban ng isang 25-anyos na lalaki dahil sa matinding selos sa kanyang live-in partner sa Brgy. San Agustin, sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng Sto. Tomas City Police ang suspek na si Joe Anthony Jumaquin, 25, habang ang live-in partner nito ay si Judy Gomez Antioqia, 20.

Batay sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa mga residente ng Brgy. San Agustin hinggil sa nasusunog na isang bahay.

Agad pinuntahan ito ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Sto. Tomas upang apulain ang sunog.

Base sa imbestigasyon ni FO3 Ralph Columna, nag-away ang mag-live-in partner dahil sa pagseselos ng suspek.

Pagkaraan ay sinilaban ng suspek ang kanilang mga gamit sa kwarto naging dahilan ng pagkalat ng apoy at natupok ang buong bahay.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na sobrang nagsisisi sa kanyang ginawa.

Tinatayang P120,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian dahil sa insidente. (CYRILL QUILO)

Read More

Dayaan sa cara y cruz nadiskubre KAPUSTAHAN PINANA SA DIBDIB

0

CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 32-anyos na lalaki makaraang panain sa dibdib ng kanyang kapustahan sa cara y cruz sa Dasmariñas City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang ginagamot sa DLSU Medical Center na si Wilson Bariso ng Brgy. San Jose, Dasmariñas City, habang arestado naman ang suspek na si Edgar Villanueva, 51, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmariñas City Police, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Brgy. San Jose, Dasmariñas City.

Napag-alaman, naglalaro ng cara y cruz ang biktima kasama mga kaibigan nito nang dumating ang suspek at nag-alok ng ilaw sa kanilang paglalaro kapalit ng bayad na P100 bilang upa.

Nakipaglaro rin umano ang suspek ngunit napansin ng biktima na tila dinadaya sila ni Villanueva naging dahilan ng kanilang pagtatalo.

Pagkaraan ay nagpaalam ang suspek na iihi ngunit dumiretso ito sa kanilang bahay at nang bumalik ay may dalang pana at pinana sa dibdib ang biktima.

Tinangkang tumakas ang suspek ngunit nadakip ng mga barangay tanod na nagpapatrulya sa lugar. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

Mga pulis inambus ng NPA ABOGADA NADAMAY

0

LEGAZPI CITY – Malubhang nasugatan ang isang abogada nang tamaan ng mga bala ang minamameho nitong sasakyan sa tangkang pananambang ng komunistang New People’s Army sa mga pulis sa Brgy. Homapon sa lungsod na ito, dakong alas-10:00 ng umaga noong Linggo.

Ayon sa ulat, isang pagsabog ang nangyari sa Brgy. Homapon kasunod ng pagpapaulan ng bala na malubhang ikinasugat ng abogada.

Nadamay rin sa insidente ang isang tricycle na bahagyang ikinasugat ng tatlong mga sakay nito.

Ayon kay Col. Aldwine Almase, Brigade Commander ng 903rd Infantry Brigade, kagagawan ito ng communist terrorist group na nagtangkang tambangan ang isang grupo ng mga pulis.

“They are attempting to regain the influence they enjoyed and the support they get from the masses that has been deceived prior to the Joint Task Force (JTF) Bicolandia and Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (RTF-ELCAC) sustained and successful campaigns in the region, their desperation will continue as the army will continue to hunt down the perpetrators and even intensify security operations against these terrorists,” ani Col. Almase.

Napag-alaman sa imbestigasyon, nadamay ang sasakyan ng abogada nang tambangan ng mga rebelde ang kasalubong nitong police mobile.

Nangyari ang insidente habang pauwi na sa kanilang istasyon ang mga pulis matapos ang isinagawang imbestigasyon sa nasunog na cell site sa kanilang barangay pasado ala-2:00 ng madaling araw Linggo.

“Galing dito sa barangay hall ‘yung mga pulis dahil nag-imbestiga sa nasunog ditong cell site. Tapos pag-alis nila, siguro mga 2 to 3 minutes, nakarinig na lang kami ng malakas na pagsabog at putukan,” ayon sa militar. (JESSE KABEL)

Read More

LOVER’S QUARREL NATAPOS SA MURDER

0

LAGUNA – Napatay ng kanyang live-in partner ang isang 40-anyos na ginang nang mag-away ang mga ito sa bayan ng Pangil sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Pangil Police ang biktimang si Janine Evidor, residente ng Barangay Dambo.

Batay sa report ng Pangil Police, mismong ang 45-anyos suspek na si Vergel Yllana ang lumapit sa isang barangay kagawad at sinabi na nasaktan niya ang kanyang misis.

Kailangan aniya itong madala sa ospital dahil sa matinding mga sugat sa ulo at katawan.

Itinakbo ng mga kaanak ang biktima sa General Cailles Memorial District Hospital sa bayan ng Pakil kung saan idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Ayon sa imbestigasyon, hindi sinabi ng suspek kung ano ang kanyang ginawa sa kanyang misis ngunit nakita sa lugar ang isang stainless na tubo na may bahid ng dugo na hinihinalang siyang ginamit ng suspek sa pagpatay sa live-in partner.

Nakakulong na ang suspek sa Pangil Police Station at sasampahan ng kaukulang kaso. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

NSC KINALAMPAG SA SECURITY AUDIT SA DITO

0

MULING nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa National Security Council (NSC) na magsagawa ng security audit sa DITO Telecommunity, ang third telco player sa bansa.

Ito ay kasunod ng pag-black list ng Amerika sa mga kompanya ng China, kabilang ang China Telecom, na may 40 percent share sa Dito, dahil sa paniniwalang nagsusuplay o sumusuporta ang mga ito sa military at security apparatus ng China.

“Hindi nakapagtataka na kasama ang ChinaTel sa mga blacklisted Chinese firms ng US. ChinaTel is 100% owned and fully controlled by the government of China. Nagre-report ito mismo sa Ministry of Industry and Information ng Tsina, na nasa ilalim ng State Council ng People’s Republic of China,” sabi ni Hontiveros.

“Let’s also not forget that under China’s National Intelligence law, Chinese corporations are obliged to support intelligence-gathering efforts. China also has a Chinese Counter-Espionage Law, which forbids Chinese companies from refusing to assist their government in surveillance work,” ani Hontiveros.

Sinabi pa ng senadora na Amerika man o hindi, sinumang bansa ay gagawin at gagawin ang lahat, tulad ng pag-blacklist ng mga kompanya o pagpapawalang-bisa sa mga proyekto, para maprotektahan ang kanilang pambansang interes.

Aniya, ito rin ang klase ng pagdepensa na inaasahan ng mga Filipino laban sa mga panghihimasok ng Tsina sa Filipinas, lalo pa at wala itong tigil sa pag-angkin sa West Philippine Sea.

“Tayo sa Filipinas, kailangan din nating bantayan at depensahan ang ating pambansang interes. Especially in light of China’s aggressive maneuvers in our own seas, it is only right that we also review Chinese companies that may pose a threat to our national security.

“It is in this same spirit of protecting the national interest that I was impelled to vote against Dito’s franchise. This is also precisely why I called on the National Security Council to conduct a security audit of the telco. This is precisely why I filed Senate Resolution 137 to probe the AFP-Dito deal that allows Dito to build cell towers inside our military camps,” giit pa ng senadora.

“Lahat ng mga panawagan ko, wala pa ni isa ang naaksiyunan o natupad. Sana dinggin na ang mga ito dahil ito rin naman ang hiling ng mga Filipino,” dagdag pa niya.

Read More