1.8M PINOY FULLY VACCINATED NA

PUMALO na sa 1,879,694 indibidwal sa Pilipinas ang maituturing na “fully vaccinated” laban sa COVID-19 “as of June 14.” Tinukoy ni Presidential spokesperson Harry Roque ang data mula sa National COVID-19 Vaccine Operations Center, kung saan mahigit 6.9 million doses ang na-administer sa buong bansa. Kabilang sa mga fully vaccinated individuals ay ang (968,750) health workers; (479,034) senior citizens; (424,889) persons with comorbidities, at (7,021) essential workers. Samantala, may kabuuang 5,068,855 katao naman ang nakatanggap ng “at least one shot” ng COVID-19 vaccine. Sa nasabing bilang, 1.4 million ay health…

Read More

Epektibo bukas 12MN-4AM BAGONG CURFEW HOURS

MAGKAKAROON na ng adjustment sa curfew hours sa Metro Manila simula ngayon, Hunyo 15, 2021. Sa Laging Handa public briefing ay inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na simula Hunyo 15 ay hindi na alas-10 ng gabi kundi magsisimula na ng alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw ang curfew hours sa Kalakhang Maynila. Nagpulong aniya ang mga alkalde, Hunyo 13 at napagkasunduan ang adjusted curfew hours. Ang naging basehan aniya ng adjusted curfew hours ay ang daily attack rate ngayon na 6.7%, ang two…

Read More

SOTTO: WALANG TAKE 2 SA PAGIGING PANGULO

IGINIIT ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na dapat mayroong excellent track record at political experience ang isang taong nagnanais mamuno sa bansa. “Kapag gusto mong maging pangulo o pangalawang pangulo ng bansa, una sa lahat kailangan makita ng mga kababayan natin na mayroon kang excellent track record at kung ano ang maibibigay mong solusyon sa napakaraming problema ng ating bansa. Kailangang handa ka ring mag-submit ng iyong report card sa taumbayan,” diin ni Sotto. Iginiit ni Sotto na ang pamamahala sa bansa ay hindi learning experience o pinagpapraktisan.…

Read More

Solon sa IATF, DOH: HALAGA NG BAKUNA ILANTAD SA MASA

HINIKAYAT ni Senator Joel Villanueva ang gobyerno na mas maging bukas ito sa publiko tungkol sa mga detalye sa pag-angkat at pagbili ng bakuna, lalo na sa presyo nito kada turok at kung magkano ang magagastos sa pag-angkat ng minimum na 140 milyong bakuna. Kung ang pag-angkat ng bakuna ay nangangailangan ng paunang bayad, dapat magkaroon ng “multi-year budgeting approach” ang pamahalaan at hindi umasa sa “annualized financing,” mungkahi ni Villanueva, na nakatakdang dumalo sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa vaccination program ng gobyerno sa Martes. “Kung…

Read More

BAKUNAHAN SA MOVIE INDUSTRY UMARANGKADA

SINIMULAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pakikipagtulungan sa Mowelfund ang pagbabakuna sa mga manggagawa ng entertainment industry. Ang mga ito ay kabilang sa A4 priority list. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na nasa 120 pa lang ang nababakunahan na manggagawa mula sa Mowelfund. Ang mga ito, ani Abalos ay iyong mga taong ‘behind the camera”, taga-hawak ng ilaw at scriptwriters. Maliban sa mga manggagawa ay nabakunahan din ang ilang personalidad gaya ng aktor na si Joross Gamboa, ang batikang direktor na…

Read More

MALAYA NA BA TALAGA TAYO?

NITONG Sabado, Hunyo 12, ang ika – 123 taon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya na nanakop sa ating bansa ng 377 taon, o mula 1521 hanggang 1898. Nagbuwis ng buhay ang ating mga ninuno para sa ­ating kalayaan. Umabot muna ng 375 taon bago nag-aklas ang mga Filipino sa pangunguna ni ­Andres Bonifacio. At sa loob ng dalawang taong pakikibaka ay nakalaya ang lahing Kayumanggi sa mga mapang-aping Espanyol. Pagkatapos ng Espanya, Amerika naman ang nanakop sa atin matapos tayong ibenta sa kanila ng mga Espanyol. Pero, ang…

Read More

P1.5-B PER DAY NG E-SABONG NAPUPUNTA SA IILANG BULSA

DAPAT nang paspasan ng gobyerno ang pagpasok sa kaban ng bayan ng ­malaking kinikita mula sa electronic – sabong (e-sabong). Pumapalo sa P1.5 bilyon kada araw ang kita sa e-sabong, ngunit sayang ito kung napupunta lang sa iilang bulsa. Hindi lingid sa kaalaman natin na pinagkakaabalahan ng mga “lord” sa sugal ngayong matindi ang ­pandemya ng COVID-19 sa bansa ang e – sabong. Kung ang mga ordinaryong manggagawa ay problemado sa kita dahil sa COVID-19, iba ang mga taong nasa likod ng e-sabong na nagkakamal ng bilyun-bilyong pera. Ika nga…

Read More

CAYETANO, INILAGLAG NG ADMINISTRASYON AT OPOSISYON

HINDI kasama ang pangalan ni Taguig – Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagpipilian ng administrasyon na pambato nito sa pampanguluhang halalan sa Mayo, 2022. Wala rin si Cayetano sa 1SAMBAYAN, gayong dati siyang talunan sa eleksyon. Nangangahulugan lamang na inilaglag si Cayetano ng administrasyon at ng oposisyon. Pokaragat na ‘yan! Ngunit, nitong nakaraang linggo ay lumabas sa ilang piling pahayagan ang inanunsyo ni Cayetano na sasabak siya sa pampanguluhang halalan. Handa rin daw siyang makatambal ang sinomang politiko tulad ni Senador Emmanuel…

Read More

Obiena, handa nang handugan ang bansa ng Olympics gold

SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA DALAWANG taon matapos pawiin ang 100 taong pagkauhaw ng Pilipinas sa medalyang ginto sa pang-Asya na lebel ng kompetisyon sa pole vault, ipinamalas ng Filipinong pole vaulter na si Ernest John Obiena ang kanyang kakayahang mahandugan ang bansa ng medalya sa Olimpiyada. Noong Biyernes (Sabado sa Maynila), nakuhang tumalon ni Obiena sa taas na 5.85 metro para masungkit ang gintong medalya sa kompetisyong tinawag na “Jump and Fly” na ­ginanap sa Mossingen, Germany. Ipinakita niya sa lahat ng aspirante na kaya niyang makapag-uwi ng medalya…

Read More