Mga bata naglaro ng posporo GINANG TODAS SA SUNOG SA NAVOTAS

PATAY ang isang 46-anyos na ginang sa nangyaring sunog sa Navotas City noong Biyernes ng umaga na nag-ugat sa paglalaro umano ng posporo ng mga bata. Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktimang si Madel Santos, 46-anyos. Umabot sa unang alarma ang sunog sa residential area sa Riverside, Brgy. San Rafael Village dakong alas-7:38 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma dakong alas-7:46 ng umaga. Idineklara namang under control ng mga bumbero ang sunog dakong alas-8:38 ng umaga at ganap na naapula alas-9:03 ng umaga. Tinatayang 169 pamilya…

Read More

9 PATAY SA COVID SA CALOOCAN

SIYAM ang naitalang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City noong Hunyo 18, ayon sa City Health Department. Pumalo na sa 37,335 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 35,671 na ang gumaling, 1,046 ang namatay at 618 ang active cases matapos na 88 ang nagpositibo sa virus. Walang naiulat na namatay sa Malabon City at nanatili sa 443 ang COVID death toll ng lungsod. Siyam naman ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 13,352 ang positive cases sa lungsod, 81 dito ang active cases. Habang 13 pasyente…

Read More

Wanted sa illegal gambling 3 KOREANO TIMBOG SA MAKATI

ARESTADO sa mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Korean na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pag-o-operate ng illegal gambling sites. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang tatlong nadakip na sina Cho Chang Joo, 26; Beom Dawon, 26, at Hong Changwoo, 29, naaresto noong Martes ng hapon sa isang condominium unit sa Brgy. San Lorenzo, Makati City ng mga operatiba mula sa Bureau’s Fugitive Search Unit (FSU). Ang tatlo ay inaresto ayon sa kautusan ni Morente matapos hilingin ng South Korean authorities…

Read More

Lender tinadtad ng saksak RAPE-SLAY SA LOOB NG BAHAY

KORONADAL CITY – Natagpuang walang buhay ang isang ginang na hinihinalang ginahasa muna bago pinagsasaksak sa loob ng bahay nito sa Purok Garcia, Brgy. Rotonda sa lungsod na ito, noong Biyernes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Carol Sunga Fuentes, 55-anyos, nagpapautang umano ng 5-6 at nakatira sa nabanggit na lugar. Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Koronadal City PNP, alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ang krimen makaraang matagpuan ang biktimang tadtad ng saksak sa katawan. Maaaring dumaan umano sa bintana sa likurang bahagi ng bahay ang suspek,…

Read More

Sa pagkamatay ng 16-anyos sa drug ops RESTRICTIVE CUSTODY SA 10 BINAN PULIS

IPINAG-UTOS ni PNP Chief Lt. General Guillermo Eleazar na isailalim sa restrictive custody ang 10 tauhan ng Biñan City Police na kasama sa operasyon na ikinamatay ng isang menor de edad at ng umano ay isang wanted na target ng operasyon noong Miyerkoles, Hunyo 16. Kabilang sa inilagay sa restrictive custody sa regional headquarters ang isang opisyal at 9 miyembro ng PNCO na naghain ng warrant of arrest sa sinasabing isa sa top 10 most wanted person sa Laguna dahil sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga na…

Read More

VIDEOKE BAR NIRATRAT 3 PATAY, 6 SUGATAN

MAGUINDANAO – Tatlo katao ang namatay kabilang ang isang binatilyo matapos paulanan sila ng bala ng hindi pa kilalang mga suspek habang anim naman ang sugatan kabilang ang isang buntis, habang nagkakasayahan sa isang videoke bar sa Barangay Edcor, sa bayan ng Buldon sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Jay-ar Diaz, 22; Bonbon Diaz, 27, at ang isang 17-anyos na si Jimmy Manimbula habang sugatan naman sina Aljun Mokudef, Alvin Ampang, Jaymark Mukudef, Christopher Sayas, Ariel Diaz at Michelle Victoriano na isang buntis.…

Read More

2 ILLEGAL LOGGERS NADAKIP NG PNP-ZAMBALES

MAKARAAN ang matagumpay na paglulunsad ng “Barangayanihan,” ang proyektong naglalayong protektahan ang kapaligiran at iba pa, nadakip ng mga tauhan ni Zambales Provincial Director PCol. Romano V. Cardiño ang hinihinalang mga illegal logger na sina Christian Mon y Nilo ng Sta. Cruz, Zambales at Erwin Casupanan y Apino, residente ng Sitio Mapalad, Brgy. Lucapon South, Sta. Cruz, Zambales. Noong Biyernes, Hunyo 20, 2021, dakong ala-1:00 ng hapon, ang Zambales team-Sta. Cruz MPS at PIU Zambales PPO sa pangunguna ni P/Capt. Richard E. Asis, ay nagsagawa ng anti-illegal logging operation sa…

Read More

TOP 4 MOST WANTED TERRORIST LAGLAG SA PNP-PRO5

“THE ultimate test of a man is not where he stands in times of comfort, but where he stands in times of trials and controversies.” Ito ang sinabi ni PNP-Police Regional Office 5 Regional Director PBGen. Jonnel C. Estomo matapos na ihayag ang pagkakadakip sa itinuturing nilang no. 4 most wanted communist terrorist sa kanilang nasasakupan. Kinilala ni General Estomo ang nadakip na kasapi ng communist terrorist group Communist Party of the Philippine-New People’s Army-National Democratic Front na si Jessie Rosales Dela Cruz alyas “Ka Jessie,” residente ng Brgy. Cabangrayan,…

Read More

P6.8-M SHABU NASABAT NG PNP-PRO5

“YOU can never cross the ocean unless you have the courage to lose sight of the shore.” Nababagay ang kasabihang ito sa palaban na si PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo na palaging nakatuon ang atensyon sa kanyang layunin. Muling nakaiskor ang battle tested PNP PRO 5 nang ma-neutralize ang hinihinalang drug trafficker na si Antonis Tupas, residente ng Brgy. Cruzada, Legazpi City, nakatala bilang high value priority target. Noong Biyernes, Hunyo 18, 2021, dakong 11:23 ng umaga, sa Purok 5, Brgy. Quirangay, Camalig, Albay, ang mga operatiba ng…

Read More